Pakahulugan sa Ikaapatnapu’t-anim na Pagbigkas
Sa gitna ng lahat ng mga salitang ito, walang higit na di-malilimutan kaysa roon sa ngayon. Ang mga salita ng Diyos noong una ay nagbunyag sa mga katayuan ng tao o mga hiwaga ng langit, gayunman ang pagbubunyag na ito ay di-tulad niyaong sa nakaraan. Hindi ito nanunuya o nanunukso, kundi isang bagay na ganap na di-inaasahan: ang Diyos ay naupo at kalmadong nakipag-usap sa mga tao. Ano ang Kanyang hangarin? Anong iyong nakikita kapag sinasabi ng Diyos, “Ngayon, nakapagsimula Ako ng bagong gawain sa ibabaw ng mga sansinukob. Nabígyan Ko ang mga tao sa lupa ng bagong simula, at hiningi sa kanilang lahat na umalis sa Aking bahay. At dahil laging nais ng mga tao na magpasásà sa kanilang mga sarili, pinapayuhan Ko sila na maging gisíng-sa-sarili, at huwag laging gambalain ang Aking gawain”? At ano itong “bagong pasimula” na sinasabi ng Diyos? Pinayuhan ng Diyos ang mga tao na umalis nang una, nguni’t ang hangarin ng Diyos noon ay subukin ang kanilang pananampalataya. Kaya ngayon, kapag Siya ay nagsasalita na may ibang tono—Siya ba ay nagiging totoo o hindi? Dati, hindi alam ng mga tao ang mga pagsubok na sinasabi ng Diyos. Saka lamang sa pamamagitan ng hakbang ng gawain ng mga taga-serbisyo na nakita ng kanilang mga mata, at personal nilang naranasan, ang mga pagsubok ng Diyos. Sa gayon, mula sa panahong iyon hanggang sa daraan, salamat sa halimbawa ng daan-daang mga pagsubok ni Pedro, malimit nagkamali ang mga tao sa paniniwalang “Ito ay pagsubok ng Diyos.” Higit pa, sa mga salita ng Diyos ang mga katunayan ay bihira lamang dumating. Sa gayon, ang mga tao ay naging higit na mapamahiin tungkol sa mga pagsubok ng Diyos, kaya’t sa lahat ng mga salitang binigkas ng Diyos, hindi sila kailanman naniwalang ito ay magiging gawain ng mga katunayang isinakatuparan ng Diyos; sa halip, naniwala sila na ang Diyos, na walang ibang gagawin, ay tanging gumagamit ng mga salita upang subukin ang mga tao. Sa kalagitnaan ng gayong mga pagsubok, na walang-pag-asa gayunma’y tila nag-aalok ng pag-asa, na ang mga tao ay sumunod, kaya’t matapos na sinabi ng Diyos “lahat nang nananatili ay malamang na magdusa ng kasawiang-palad at kaunting kapalaran sa katapusan,” itinuon pa rin ng mga tao ang kanilang pansin sa pagsunod, at sa gayon ay walang hangaring umalis. Ang mga tao ay sumunod sa gitna ng gayong mga ilusyon, at walang isa man sa kanila ang nangahas na tiyaking walang pag-asa—na bahagi ng patunay ng tagumpay ng Diyos. Ang punto ng pananaw ng Diyos ay nagpapakita na minamaniobra Niya ang lahat upang mapunta sa paglilingkod sa Kanya. Ang mga ilusyon ng mga tao ay humihimok sa kanila na huwag iwanan ang Diyos, di-alintana ang panahon o dako, kaya’t sa panahon ng hakbang na ito ginagamit ng Diyos ang di-perpektong mga pangganyak sa mga tao upang pagpasanin sila ng patotoo sa Kanya, na siyang malalim na kabuluhan ng kapag sinasabi ng Diyos, “Ako ay nakatamo ng isang bahagi ng mga tao.” Ginagamit ni Satanas ang mga pangganyak sa tao upang makagambala, samantalang ginagamit ng Diyos ang mga pangganyak sa tao upang papaglingkurin siya—na siyang tunay na kahulugan ng mga salita ng Diyos na “Naguguni-guni nila na maaari nilang maipasok ang kanilang sarili, nguni’t kapag iniabot nila ang kanilang mga huwad na pases sa pagpasok, itinatapon Ko agad ang mga iyon sa hukay ng apoy—at, nakikita ang kanilang sariling “maingat na pagsisikap” na naglalagablab, nawawalan sila ng pag-asa.” Minamaniobra ng Diyos ang lahat ng mga bagay upang papaglingkurin ang mga iyon, kaya’t hindi Niya iniiwasan ang sari-saring mga palagay ng tao, kundi matapang na sinasabi sa mga tao na umalis; ito ang pagiging kamangha-mangha at karunungan ng gawain ng Diyos, pinagsasama ang tapat na mga salita at ang pamamaraan tungo sa isa, iniiwan ang mga tao na nahihilo at tuliro. Mula rito ay makikita na talagang hinihingi ng Diyos sa mga tao na umalis mula sa Kanyang tahanan, na ito ay hindi isang uri ng pagsubok, at sinasamantala ng Diyos ang pagkakataong ito upang sabihing, “Gayunman ay sinasabi Ko rin sa mga tao na kapag nabigo silang makatamo ng mga pagpapala, walang maaaring dumaing tungkol sa Akin.” Walang sinumang makatatarok kung ang mga salita ng Diyos ay tunay o hindi, gayunman ginagamit ng Diyos ang pagkakataong ito upang patatagin ang mga tao, upang alisan sila ng kanilang pagnanasang umalis. Sa gayon, kung isang araw sila ay isinumpa, sila ay patiuna nang nababalaan ng mga salita ng Diyos, gaya lamang ng sinasabi ng mga tao na “Ang pangit na mga salita ay ang mga mabubuti.” Ngayon, ang pag-ibig ng mga tao sa Diyos ay tapat at taos-sa-puso, kaya’t sa mga salita na hindi nila masabi kung tunay o hindi, sila ay nalupig at natutong mahalin ang Diyos, na dahilan kung bakit sinabi ng Diyos “Natupad Ko na ang Aking dakilang gawain.” Kapag sinasabi ng Diyos “Umaasa Akong makikita nila ang kanilang sariling landas sa pananatiling buháy, at wala Akong kapangyarihan dito,” ito ang realidad ng pagbigkas ng Diyos sa lahat ng mga salitang ito—gayunman hindi ganoon ang iniisip ng mga tao; sa halip, sila ay laging nakásunod nang hindi nagbibigay ng kahit katiting na pansin sa mga salita ng Diyos. Sa gayon, kapag sinasabi ng Diyos “sa hinaharap, hindi na magkakaroon pa ng anumang mga salita sa pag-itan namin, hindi na kami magkakaroon ng anumang pag-uusapan, hindi namin pakikialaman ang isa’t isa, yayaon kaming pareho sa aming sariling daan,” ang mga salitang ito ay realidad, at walang-bahid kahit na katiting. Kung anuman ang iniisip ng mga tao, gayon ang pagiging di-makatwiran ng Diyos. Nadala na ng Diyos ang patotoo sa harap ni Satanas, at sinabi ng Diyos na gagawin Niya na hindi Siya iwanan ng lahat ng mga tao di-alintana ang panahon o dako—kaya’t ang hakbang na ito ng gawain ay natapos na, at hindi pinakikinggan ng Diyos ang mga hinaing ng tao. Gayunman ay nilinaw na ito ng Diyos mula sa umpisa, kaya’t ang mga tao ay naiwan sa isang kaawa-awang kalagayan, napilitang magpakumbaba. Ang paglalaban sa pag-itan ng Diyos at ni Satanas ay lubusang nakasalig sa tao. Ang mga tao ay walang kontrol sa kanilang mga sarili, sila ay mahusay at tunay na mga sunud-sunuran, habang ang Diyos at si Satanas ang siyang humahatak ng mga kuwerdas sa likuran ng mga tagpo. Kapag ginagamit ng Diyos ang mga tao upang magpatotoo para sa Kanya, ginagawa Niya ang lahat ng Kanyang maisip, ginagawa ang lahat na posible, upang gamitin ang mga tao na gumawa ng paglilingkod para sa Kanya, sinasanhi ang mga tao na mapaikot ni Satanas, at, higit pa, pinapatnubayan ng Diyos. At kapag ang patotoo na nais ng Diyos na dalhin ay natapos, iniiitsa Niya ang mga tao sa isang tabi at iniiwan silang nagdurusa, habang ang Diyos ay kumikilos na parang wala Siyang kinalaman sa kanila. Kapag nais Niyang muling gamitin ang mga tao, pinupulot Niya silang muli at ginagamit sila—at ang mga tao ay walang kamalay-malay dito. Sila ay tulad lamang ng baka o kabayo na ginagamit ayon sa kagustuhan ng panginoon nito, walang sinuman sa mga ito ang may anumang kontrol sa kanilang mga sarili. Maaaring may kalungkutan ang tunog nito, nguni’t kung may kontrol man o wala ang mga tao sa kanilang mga sarili, ang paglilingkod sa Diyos ay isang karangalan, hindi isang bagay na dapat kainisan. Para itong ang Diyos ay dapat na kumilos sa ganitong paraan. Ang kakayahan bang katagpuin ang pangangailangan ng Makapangyarihan ay hindi isang bagay na karapat-dapat ipagmalaki? Ano ngayon ang iyong iniisip? Naitalaga mo na ba ang iyong paninindigan sa pag-uukol ng paglilingkod sa Diyos? Maaari kayang inaasam mo pa ring panghawakan ang karapatang hanapin ang iyong sariling kalayaan?
Kung anuman, lahat ng ginagawa ng Diyos ay mabuti, at karapat-dapat na tularan, at ang tao at Diyos, sa paanuman, ay magkaiba. Sa batayang ito, dapat mong mahalin ang Diyos ng isang pantaong puso di-alintana kung mayroon man o walang pagsasaalang-alang ang Diyos sa iyong pagmamahal. Ipinakikita ng mga salita ng Diyos na mayroon ding matinding kalungkutan sa kaibuturan ng puso ng Diyos. Dahil lamang sa mga salita ng Diyos kaya ang mga tao ay napipino. Gayunman ang gawaing ito, sa paanuman, ay nangyari kahapon—kaya’t ano ang eksaktong susunod na gagawin ng Diyos? Hanggang sa araw na ito, ito ay nananatiling isang lihim, at sa gayon hindi kaya ng mga tao na maunawaan o matarok ito, at maaari lamang umawit kasabay ng musika ng Diyos sa panahon. Magkagayunman, lahat ng sinasabi ng Diyos ay tunay, lahat ng ito ay nagkakatotoo—wala itong alinlangan!
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan:
Rekomendasyon:
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan