Ang Pagpapaliwanag sa Ikatatlumpu’t isang Pagbigkas
Ang disposisyon ng Diyos ay tumatakbo sa lahat ng mga pagbigkas ng Diyos, ngunit ibinubunyag ng pangunahing hibla ng Kanyang mga salita ang paghihimagsik ng buong sangkatauhan at inilalantad ang mga bagay gaya ng kanilang pagsuway, pagsusuwail, kawalang-katarungan, kabuktutan, at kawalang-kakayahang tunay na mahalin ang Diyos. Ito ay tulad na, ang mga salita ng Diyos ay nakakarating sa punto na sinasabi Niya na ang bawat napakaliit na butas sa mga katawan ng tao ay nagtataglay ng pagsalungat sa Diyos, na kahit pati ang kanilang pinakamaliliit na ugat ay nagtataglay ng pagsuway sa Diyos. Kung hindi ito susubukang suriin ng mga tao, palagi silang mawawalan ng kakayahang malaman ang mga iyon, at hindi kailanman makakayanang itapon ang mga ito. Ibig sabihin, kakalat sa kanila ang mikrobyo ng pagtutol sa Diyos at sa huli, para bang nilamon ng kanilang mga puting mga selula ng dugo ang kanilang mga pulang mga selula ng dugo, iniiwan ang kanilang buong katawan na wala nang pulang mga selula ng dugo; sa huli, mamamatay sila mula sa lukemya. Ito ang tunay na estado ng tao, at walang sinuman ang makatatanggi nito. Ipinanganak sa bayan kung saan naninirahan nang nakapulupot ang dakilang pulang dragon, sa lahat ng mga tao mayroong kahit isang bagay na naglalarawan at nagpapakita ng kamandag ng dakilang pulang dragon. Kung gayon, sa yugtong ito ng gawain, ang pagkilala sa sarili ang pangunahing hibla sa lahat ng bahagi sa mga salita ng Diyos, pagtanggi sa sarili, pagtalikod sa sarili, at pagpatay sa sarili. Maaaring sabihin na ito ang pangunahing gawa noong mga huling araw, at ang saklaw na ito ng gawain ang pinakakomprehensibo at mabusisi sa lahat—na siyang nagpapakita na nagpaplano ang Diyos na dalhin ang kapanahunan sa isang katapusan. Walang sinuman ang inasahan ito, ngunit isa rin itong bagay na kanilang inasam sa kanilang mga pandama. Kahit hindi ito sinasabi ng Diyos nang masyadong tahasan, ang mga pandama ng mga tao ay labis na talamak—lagi nilang nararamdaman na maiksi ang panahon. Maaari kong sabihin na mas lalong nararamdaman ito ng isang tao, mas lalo siyang may isang malinaw na kaalaman sa kapanahunan. Hindi ito ang kaso na kanyang nakita na normal ang mundo, at sa gayon itinatanggi ang mga salita ng Diyos; sa halip, dahil sa mga paraan ng mga gawain ng Diyos, nalaman niya kung ano ang nilalaman sa loob ng gawain ng Diyos, na tinutukoy sa tono ng mga salita ng Diyos. Mayroong isang sikreto sa tono ng mga pagbigkas ng Diyos, na kung saan walang sinuman ang nakakadiskubre at tiyak din kung ano ang pinakamahirap para sa karamihan ng mga tao na pasukin. Ang pananatiling mangmang ng mga tao sa tono na siyang gamit ng Diyos sa pananalita ang suliranin kung bakit hindi kayang maunaawaan ng mga tao ang mga salita ng Diyos—at kapag nalaman na nila nang mabuti ang sikretong ito, kakayanin na nila ang ilang kaalaman sa mga salita ng Diyos. Palaging sinusunod ng mga salita ng Diyos ang isang prinsipyo: ang dulutan ang mga tao na malaman na ang mga salita ng Diyos ay ang lahat-lahat, at nireresolba ang lahat ng mga paghihirap ng tao sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Mula sa perspektibo ng Espiritu, pinapasimple ng Diyos ang Kanyang mga gawa, mula sa perspektibo ng tao, inilalantad Niya ang mga pagkakaintindi ng mga tao, mula sa perspektibo ng Espiritu, sinasabi Niya na hindi mapag-intindi ang tao sa Kanyang kalooban, at mula sa perspektibo ng tao, sinasabi Niya na natikman na Niya ang matamis, maasim, mapait, at maanghang na mga lasa ng karanasan ng tao, na sa gitna ng hangin at ulan, nararanasan Niya ang pag-uusig ng pamilya, at nararanasan ang mga tagumpay at kabiguan ng buhay. Ang mga ito ang mga salitang sinabi mula sa iba’t ibang mga perspektibo. Kapag nakikipag-usap Siya sa sambayanan ng Diyos, para itong isang tagapangalaga ng bahay na pinagsasabihan ang mga alipin, o kagaya ng isang nakakatawang palabas; iniwan ng Kanyang mga salita na pulahang-mukha ang mga tao, na walang lugar upang mapagtaguan mula sa kahihiyan, na para bang naikulong sila ng mga pyudal na awtoridad upang magbigay ng isang kumpisal sa ilalim ng matinding pagpapahirap. Kapag nakikipag-usap Siya sa sambayanan ng Diyos, walang pigil ang Diyos kagaya ng mga nagpoprotestang mag-aaral sa unibersidad na nagsisiwalat ng mga eskandalo sa loob ng sentral na gobyerno. Kung mapanukso ang lahat ng mga salita ng Diyos, magiging mas mahirap ang mga ito upang tanggapin ng mga tao; kung gayon, prangkahan ang mga salitang sinabi ng Diyos, hindi sila naglalaman ng mga kodigong lihim para sa tao, ngunit ipinupunto nito nang direkta ang aktwal na estado ng tao—na siyang nagpapakita na hindi lamang mga salita ang pagmamahal ng Diyos sa tao, ngunit totoo. Kahit na pinahahalagahan ng mga tao ang pagiging totoo, walang totoo tungkol sa kanilang pagmamahal sa Diyos. Ito ang siyang kulang sa tao. Kung hindi totoo ang pagmamahal ng tao para sa Diyos, kung gayon, magiging walang saysay at hindi makatotohanan ang kabuuan ng lahat, na para bang maglalaho ang lahat dahil dito. Kung malalampasan ng kanilang pag-ibig para sa Diyos ang mga sansinukob, kung gayon, ganoon din ang kanilang estado at pagkakakilanlan, at kahit ang mga salitang ito, magiging tunay, at hindi hungkag—nakikita mo ba ito? Nakikita mo ba ang mga kinakailangan ng Diyos para sa tao? Hindi dapat tamasahin lamang ng tao ang mga biyaya ng katayuan, ngunit isabuhay ang realidad ng katayuan. Ito ang hinihingi ng Diyos sa sambayanan ng Diyos, at ang lahat ng sa tao, at hindi isang malaking hungkag na teorya.