Interpretasyon ng Ikalabinlimang Pagbigkas
Ang pinakamalaking kaibahan sa pag-itan ng Diyos at ng tao ay na palaging eksakto ang mga salita ng Diyos, at walang itinatago. Kaya makikita sa mga unang salita ngayon ang aspetong ito ng disposisyon ng Diyos. Isang aspeto ay inilalantad nito ang mga tunay na kulay ng tao, at isa pang aspeto ay na hayagang ibinubunyag nito ang disposisyon ng Diyos. Ang mga ito ay dalawang mapagkukunan ng kung paanong nakakamtan ng mga salita ng Diyos ang mga resulta. Gayunpaman, hindi ito natatarok ng mga tao, lagi lamang nilang nakikilala ang kanilang mga sarili sa mga salita ng Diyos nguni’t hindi pa “nasuri” ang Diyos. Tila lubha silang natatakot na masaktan Siya, na papatayin sila ng Diyos dahil sa kanilang “pagiging maingat.” Sa katunayan, kapag kumakain at umiinom ng salita ng Diyos ang karamihan sa mga tao, mula ito sa isang negatibong aspeto, hindi isang positibong aspeto. Maaring masabi na nagsimula ngayon na “magtuon sa kababaang-loob at pagsunod” ang mga tao sa ilalim ng patnubay ng Kanyang mga salita. Makikita rito na nagsimulang pumunta ang mga tao sa isa pang kalabisan, mula sa hindi pagbibigay-pansin sa Kanyang mga salita tungo sa labis na pansin sa Kanyang mga salita. Gayunman wala pa kailanmang isang tao na nakapasok mula sa isang positibong aspeto, at wala pa kailanmang isang tao na tunay na nakátárók sa layunin ng Diyos na bigyang-pansin ng tao ang Kanyang mga salita. Nalalaman ito mula sa sinabi ng Diyos na hindi Niya kailangang personal na makaranas ng buhay ng iglesia upang maunawaan ang aktwal na kalagayan ng lahat ng mga tao sa iglesia, nang tumpak at walang pagkakamali. Dahil kapapasok pa lamang sa isang bagong paraan, hindi pa rin ganap na naaalis ng lahat ng mga tao ang kanilang mga negatibong elemento; nalalanghap pa rin ang amoy ng mga bangkay sa buong simbahan. Para itong kaiinom pa lamang ng mga tao ng gamot at wala pa ring ulirat, at hindi pa ganap na nagkakamalay. Para itong pinagbabantaan pa rin sila ng kamatayan, kaya nasa gitna pa rin sila ng kanilang pagkatakot at hindi nila mahigitan ang kanilang sarili. “Ang tao ay nilalang na walang sariling kaalaman.”: Sinasabi pa rin ang pahayag na ito batay sa paraan ng pagtatayo ng iglesia. Sa iglesia, bagaman nagbibigay-pansin sa mga salita ng Diyos ang lahat, malalim na nakaugat ang kanilang mga kalikasan at hindi nila kayang pawalan ang kanilang mga sarili. Ito ang dahilan kung bakit ginagamit ng Diyos ang paraan ng pagsasalita mula sa huling yugto upang hatulan ang mga taong tanggapin ang pananakit ng mga salita ng Diyos habang sila ay punung-puno ng kanilang mga sarili. Kahit na sumailalim ang mga tao sa limang buwan ng pagpipino sa hukay na walang-hanggan, isang wala pa ring pagkilala sa Diyos ang kanilang aktwal na kalagayan. Talipandas pa rin sila—medyo naragdagan lamang ang kanilang pag-iingat sa Diyos. Tanging sa hakbang na ito nagsimulang makapasok ang mga tao sa daan ng pagkakaalam sa mga salita ng Diyos, kaya kapag gumagawa ng ugnayan sa kakanyahan ng mga salita ng Diyos, hindi mahirap makita na nagbigay-daan para ngayon ang nakaraang hakbang ng gawain, at ngayon lamang pinapaging-normal ang lahat ng bagay. Ang mortal na kahinaan ng mga tao ay ang pagnanais na ihiwalay ang Espiritu ng Diyos mula sa Kanyang sariling katawang-tao upang magtamo sila ng personal na kalayaan, upang maiwasan ang palaging pagiging-napipigilan. Ito ang dahilan kung bakit inilalarawan ng Diyos ang tao bilang maliliit na ibon na masayang palipad-lipad. Ito ang aktwal na kalagayan ng buong sangkatauhan. Ito ang siyang gumagawa na napakadaling pabagsakin ang lahat ng tao, ang gumagawa na napakadali para sa kanila na mawala. Makikita mula rito na ang gawaing ginagawa ni Satanas sa sangkatauhan ay walang iba kundi ito. Higit pang ginagawa ito ni Satanas sa mga tao, higit pang mahigpit ang kinakailangan ng Diyos sa kanila. Kinakailangan Niya na bigyang pansin ng mga tao ang Kanyang mga salita at nagpapagal na maigi si Satanas para wasakin ito. Gayunpaman, ang Diyos ay laging napaaalalahanan ang mga tao na magbigay nang higit na pansin sa Kanyang mga salita; ito ang tugatog ng digmaan ng espirituwal na mundo. Maaaring sabihin ito nang ganito: Kung ano ang nais ng Diyos na gawin sa tao iyon mismo ang gustong wasakin ni Satanas, at nahahayag sa pamamagitan ng tao nang walang pagkatago man lamang kung ano ang gustong wasakin ni Satanas. May mga malinaw na pagpapakita ang ginagawa ng Diyos sa mga tao—pahusay nang pahusay ang kanilang mga kalagayan. Maliwanag na kinakatawan din ang pagwasak ni Satanas sa sangkatauhan—pasámâ sila nang pasámâ at lumulubog pababa nang pababa ang kanilang mga kalagayan. Maaari silang mabihag ni Satanas kung sapat nang kalunos-lunos. Ito ang aktwal na kundisyon ng iglesia na naipakita sa mga salita ng Diyos, at ito rin ang aktwal na sitwasyon ng espirituwal na mundo. Panganganinag ito ng dinamika ng espirituwal na mundo. Kung walang pagtitiwala ang mga tao na makipagtulungan sa Diyos, nasa panganib silang mabihag ni Satanas. Ito ay isang katunayan. Kung tunay na lubos na makakapag-alay ang tao ng kanilang puso para masakop ng Diyos, iyon ay tulad ng sinabi ng Diyos: “sa Aking harapan, siya ay tila nakahimlay sa loob ng Aking yakap, nilalasap ang init ng Aking yakap.” Ipinakikita nito na hindi matayog ang mga kinakailangan ng Diyos sa sangkatauhan—kailangan lamang Niya silang tumayo at makipagtulungan sa Kanya. Hindi ba ito isang madali at masayang bagay? At nakalito ang isang bagay lamang na ito sa lahat ng mga bayani? Para ba itong pinaupo ang mga heneral sa larangan ng digmaan sa paligid ng isang xiu lou[a] na gumagawa ng pagbuburda—hindi pinakilos ng paghihirap ang mga “bayaning” ito at hindi nila alam kung ano ang dapat nilang gawin.