Ang Ikaapatnapu’t-anim na Pagbigkas
Hindi Ko alam kung gaano kabuti ang kalagayan ng mga tao sa paggawa sa Aking mga salita na batayan ng kanilang pag-iral. Ako ay laging nababalisa para sa kapalaran ng tao, nguni’t tila hindi ito nadarama kahit kaunti ng mga tao—at bilang resulta, hindi nila kailanman pinansin ang Aking mga ginagawa, at hindi kailanman nagkaroon ng pagsamba dahil sa Aking saloobin tungo sa tao. Para bang sila ay nag-alis ng damdamin matagal nang panahon upang bigyang-kasiyahan ang Aking puso. Kinakaharap ang gayong mga kalagayan, minsan pa Akong natahimik. Bakit ang Aking mga salita ay hindi karapat-dapat sa pagsasaalang-alang ng mga tao, sa higit na pagpasok? Dahil ba ito sa “wala Akong realidad” at sinusubukan Kong makaimpluwensya sa mga tao? Bakit lagi Akong binibigyan ng mga tao ng “natatanging pagtrato”? Ako ba ay may-kapansanan na nasa kanyang sariling hiwalay na ward? Bakit, gayong ang mga bagay-bagay ay nakarating sa puntong narating ng mga ito ngayon, iba pa rin ang nagiging tingin sa Akin ng mga tao? May mali ba sa Aking saloobin tungo sa tao? Ngayon, nakapagsimula Ako ng bagong gawain sa ibabaw ng mga sansinukob. Nabígyan Ko ang mga tao sa lupa ng bagong simula, at hiningi sa kanilang lahat na umalis sa Aking bahay. At dahil laging nais ng mga tao na magpasásà sa kanilang mga sarili, pinapayuhan Ko sila na maging gisíng-sa-sarili, at huwag laging gambalain ang Aking gawain. Sa “bahay-tuluyan” na Aking binuksan, walang nagsasanhi sa Aking pagkamuhi nang higit kaysa tao, dahil ang mga tao ay laging nagiging dahilan ng kaguluhan para sa Akin at binibigo Ako. Ang kanilang asal ay nagdadala ng kahihiyan sa Akin at kahit kailan ay hindi Ko naitaas ang Aking ulo. Sa gayon, kalmado Akong nakikipag-usap sa kanila, hinihinging iwan nila ang Aking bahay sa lalong madaling panahon at huminto sa pagkain ng Aking pagkain nang libre. Kung nais nilang manatili, kung gayon dapat silang sumailalim sa pagdurusa at tiisin ang Aking pagdadalisay. Sa kanilang mga isipan, lubos Akong walang kamalay-malay at walang-alam sa kanilang mga ginagawa, at sa gayon lagi silang nakatayo nang mataas sa harap Ko, walang anumang tanda ng pagbagsak, nagkukunwari lamang na tao para buuin ang mga bilang. Kapag Ako ay humingi sa mga tao, sila’y nagugulat: Hindi nila kailanman naisip na ang Diyos, na laging mabuti-ang-kalooban at mabait sa loob ng napakaraming taon, ay makakapagsalita ng ganoong mga salita, mga salitang walang-puso at hindi makatarungan, kaya’t wala silang masabi. Sa ganoong mga pagkakataon, Aking nakikita na ang pagkamuhi para sa Akin sa mga puso ng mga tao ay tuminding muli, dahil muli nilang sinimulan ang gawain ng pagdaing. Lagi nilang inaakusahan ang lupa at tinutungayaw ang Langit. Gayunman sa kanilang mga salita, wala Akong nakikitang anuman na nagmumura sa kanilang mga sarili dahil ang kanilang pag-ibig sa kanilang mga sarili ay napakatindi. Sa gayon ay Aking binubuod ang kahulugan ng pantaong buhay: Dahil masyadong minamahal ng mga tao ang kanilang mga sarili, ang kanilang buong buhay ay pangingipuspos at walang-kabuluhan, at sila ay nagdurusa ng paghampas-sa-sariling pagkawasak sa kabuuan dahil sa kanilang pagkamuhi sa Akin.