Ang Ikatatlumpu’t isang Pagbigkas
Hindi Ako kailanman nagkaroon ng lugar sa puso ng mga tao. Kapag tunay Akong naghahanap sa mga tao, ipinipikit nila ang kanilang mga mata at isinasawalang-bahala ang Aking mga kilos, na para bang ang lahat ng Aking ginagawa ay isang pagtatangka upang bigyan-kasiyahan sila, na ang resulta ay palagi silang nasusuya sa Aking mga gawa. Para bang nagkukulang Ako ng anumang pagkakilala sa sarili: palagi Kong ipinapakita ang Aking sarili sa tao, na nagdudulot ng pagsiklab ng galit sa tao, na siyang “matuwid at tama.” Ngunit sa ilalim ng mga nasabing masasamang kundisyon, nagtitiis Ako, at nagpapatuloy ng Aking gawa. Kung gayon, masasabi Kong natitikman Ko ang matamis, maasim, mapait, at mga maanghang na mga lasa ng karanasan ng tao, na sa kabila ng hangin at ulan, nararanasan Ko ang pag-uusig ng “pamilya,” nararanasan ang mga tagumpay at kabiguan, at nararanasan ang sakit ng pagkakahiwalay sa katawan. Ngunit, noong dumating Ako sa lupa, sa halip na tanggapin Ako dahil sa pasakit na dinanas Ko para sa kanila, “magalang na tinanggihan” ng mga tao ang Aking mabubuting mga layunin. Paanong hindi Ako masasaktan nito? Paanong hindi Ako malulungkot? Maaari ba na nagkatawang-tao Ako para rito upang magtapos nang ganito ang lahat? Bakit hindi Ako mahal ng tao? Bakit nasusuklian ng galit ng tao ang Aking pagmamahal? Maaari bang nararapat lamang Akong magdusa sa ganitong paraan? Nagbubuhos na ng mga luha ng simpatiya ang mga tao dahil sa aking paghihirap sa mundo, at idinadaing ang kawalang-hustisya ng Aking “kasawian.” Ngunit sino ang kailanman tunay na nakakaalam sa Aking puso? Sino ang kailanma’y kayang maramdaman ang Aking mga damdamin? Minsan nang nagkaroon ang tao ng malalim na pagmamahal sa Akin, at minsang nanabik sa Akin sa kanyang mga pangarap—ngunit paano mauunawaan ng mga tao sa mundo ang Aking kalooban sa langit? Kahit na minsan nang naramdaman ng mga tao ang Aking mga damdamin ng paghihirap, sino ang kailanman nagkaroon ng simpatiya para sa Aking mga pagdadalamhati bilang isang kapwang nagdurusa? Maari kayang ang konsiyensiya ng mga tao sa mundo ay maantig at mabago ang Aking nagdadalamhating puso? Wala bang kakayahan ang mga tao sa mundo na sabihin sa Akin ang hindi masabing paghihirap ng kanilang puso? Minsan nang dumepende sa isa’t isa ang mga espiritu at ang Banal na Espiritu, ngunit dahil sa mga hadlang ng laman, “nawalan ng kontrol” ang mga isip ng mga tao. Minsan Ko nang pinaalalahanan ang mga tao na humarap sa Akin—ngunit hindi nagdulot sa mga tao ang Aking mga panawagan upang tuparin ang Aking hiniling; tumingin lamang sila sa langit, puno ng luha ang mga mata, na para bang nagdala sila ng hindi masabing paghihirap, na para bang may isang bagay na humaharang sa kanilang daan. Kaya naman, mahigpit nilang hinawakan ang kanilang mga kamay at yumuko sa ilalim ng kalangitan sa pamamanhikan sa Akin. Dahil maawain Ako, ibinibigay Ko ang Aking mga biyaya sa mga tao, at sa isang kisapmata, dumarating ang sandali ng Aking pagdating sa tao—ngunit nakalimutan na mula pa noon ng tao ang kanyang sumpa sa Langit. Hindi ba ito ang talagang hindi pagsunod ng tao? Bakit palaging nagdurusa ang tao mula sa “amnesya”? Sinaksak Ko ba siya? Pinatay Ko ba ang Kanyang katawan? Sinasabi Ko sa tao ang mga nararamdaman Ko sa Aking puso, at bakit niya Ako laging iniiwasan? Sa mga “alaala” ng mga tao, ito ay para bang mayroong nawala sa kanila at hindi ito makita kahit saan, ngunit gayundin na para bang may mali sa kanilang mga alaala. Kung gayon, sa kanilang buhay, palaging nagdurusa ang mga tao sa pagkamalilimutin, at ang mga araw ng mga buhay ng lahat ng sangkatauhan ay nasa kaguluhan. Ngunit walang sinuman ang nangangasiwa nito, walang ginagawa ang mga tao kung hindi yurakan ang isa’t isa, at patayin ang isa’t isa, na siyang humantong sa estado ng nakakapinsalang pagkatalo ngayon, at dinulutan ang lahat ng nasa ilalim ng sansinukob na bumagsak sa maruming tubig at putik, na walang anumang pagkakataon ng kaligtasan.