菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na naligtas. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na naligtas. Ipakita ang lahat ng mga post

Ene 3, 2019

Clip ng Pelikulang (4) Pagtanggap sa Cristo ng mga Huling Araw at Pagkadala sa Kaharian ng Langit


Clip ng Pelikulang Paggising Mula sa Panaginip (4) "Pagtanggap sa Cristo ng mga Huling Araw at Pagkadala sa Kaharian ng Langit"


Kung naniniwala lang tayo sa Panginoong Jesus, at humagawak sa daan ng Panginoong Jesus, pero hindi tinatanggap ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, pa’no natin makakamit ang paglilinis at makakapasok sa kaharian ng langit?  Nais mo bang maging isang matalinong birhen na kayang sumabay sa mga yabag ng Diyos upang makamit ang mga biyaya sa kaharian ng langit? Mangyaring panoorin ang pelikulang ito.

Hun 2, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang mga Nalinis lang ang Makakapasok sa Kapahingahan


I
Ang sangkatauhan ng hinaharap,
kahit nagmula kay Adan at Eba,
di na mabubuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas,
bagkus lahi ng nailigtas, ng nalinis.
Ito'y sangkatauhan na kinastigo't hinatulan,
sangkatauhan na pinabanal.
Iba sila sa sinaunang lahi, sa sinaunang lahi nina Adan at Eba,
ibang-iba na halos isang ganap na bagong lahi.
Pinili mula sa mga tiniwali ni Satanas,
nakatayo nang matatag sa huling paghatol,
itong nalalabing grupo,
kasama ng Diyos, ang makakapasok sa huling kapahingahan.

Mar 16, 2018

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Sa Wakas Namumuhay na Ako nang Kaunti na Parang Tao

Sa Wakas Namumuhay na Ako nang Kaunti na Parang Tao

Xiangwang    Sichuan Province
     Lubos kong nadarama na kinakastigo ako tuwing nakikita ko na sinasabi ng mga salita ng Diyos na: “Malupit, marahas na sangkatauhan! Ang pakikipagsabwatan at intriga, ang pagsasakitan sa isa’t-isa, ang pag-aagawan ng reputasyon at kayamanan, ang palitang pagpatay—kailan ito matatapos? Ang Diyos ay nagsalita ng daang-libong mga salita, ngunit walang isa mang tao ang natauhan. Sila ay kumikilos para sa kapakanan ng kanilang mga pamilya, at mga anak na lalaki at babae, para sa kanilang mga propesyon, pag-asa, katayuan, karangyaan, at kayamanan, para sa kanilang mga damit, para sa pagkain at sa laman—kaninong mga pagkilos ang talagang para sa kapakanan ng Diyos? Kahit sa gitna ng mga kumikilos para sa Diyos, kaunti lang ang nakakakilala sa Diyos. Ilan ang hindi kumikilos upang mapanatili ang kanilang sariling kapakanan? Ilan ang hindi nang-aapi ng iba para sa pagpapanatili ng kanilang sariling katayuan? Kaya, ang Diyos ay sapilitang hinatulan ng kamatayan nang di mabilang na beses, di-mabilang na salbaheng hukom ang humatol sa Kanya at minsan pang ipinako Siya sa krus” (“Ang Masama ay Nararapat Parusahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Iniisip ko kung bakit hindi ko hinanap ang katotohanan, kung paano sa pagganap ko sa aking tungkulin ay paulit-ulit akong nakipagkumpitensya sa aking mga katrabaho, kung paano ko pinipigil o inaayawan ang iba alang-alang sa aking reputasyon at pakinabang—kung paano ako nagdulot ng pagkawala kapwa sa buhay ko, at sa gawain ng pamilya ng Diyos. Bagama’t isinaayos ng Diyos ang maraming sitwasyon para iligtas ako, naging manhid ako at lubos kong hindi naunawaan ang layunin ng Diyos. Pero patuloy akong kinahabagan ng Diyos, iniligtas, at pagkatapos lamang ng paulit-ulit na pagkastigo at paghatol ako nagising at naunawaan ko na nais ng Diyos na iligtas tayo, na isinasantabi ang pagnanasa kong gumanda ang aking reputasyon at katayuan at magsimulang kumilos nang kaunti na parang tao.

Ene 1, 2018

Ang Nasa Likod ng mga Kasinungalingan

 Diyos, kalooban, naligtas, Pag-asa

Mga patotoo‘t karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos |Ang Nasa Likod ng mga Kasinungalingan

Lungsod ng Xiaojing Heze, Lalawigan ng Shandong
   Sa bawat pagkakataong nakita ko ang mga salita ng Diyos na tumatawag sa atin upang maging matatapat na tao at magsalita nang tumpak, naisip ko, “Wala akong problema sa tumpak na pagsasalita. Hindi ba’t ito ay pagtawag lamang sa isang ispada na ispada at pagsasabi sa mga bagay bilang sa kung ano ang mga ito? Hindi ba’t madali iyan? Ang laging pinaka-nagpagalit sa akin sa mundong ito ay ang mga taong mapagpaganda kapag nagsalita sila.” Dahil dito, nadama ko ang sobrang kumpiyansa, na nag-iisip na wala akong problema sa bagay na ito. Ngunit sa pamamagitan lamang ng pagbubunyag ng Diyos na natuklasan ko na, ang isa ay hindi maaaring magsalita ng tumpak nang hindi pumapasok sa katotohanan o nagbabago ng disposisyon.

Dis 22, 2017

Salita ng Diyos | Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos| Salita ng Diyos | Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos

    Ang bawat isa ay nararamdaman na ang pamamahala ng Diyos ay kakaiba, dahil sa palagay ng tao na ang pamamahala ng Diyos ay ganap na hindi nauugnay sa tao. Palagay nila na itong pamamahala ay ang gawa ng Diyos nang mag-isa, ay sariling tungkulin ng Diyos, at sa gayon ang sangkatauhan ay walang malasakit sa pamamahala ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang pagliligtas ng sangkatauhan ay naging malabo at magulo, at ngayon ay walang iba kundi walang laman na retorika. Kahit na sumusunod ang tao sa Diyos upang maligtas at makapasok sa magandang patutunguhan, ang tao ay walang pag-aalala para sa kung paano nagagawa ng Diyos ang Kanyang gawa.