Ang Ikasiyam na Pagbigkas
Dahil ikaw ay isa sa mga kasapi ng Aking sambahayan, at dahil ikaw ay tapat sa Aking kaharian, marapat lamang na lahat ng iyong gagawin ay umayon sa mga pamantayan na aking inaatas. Hindi ko hinihingi sa’yo na maging higit ka pa sa isang lumilipad na ulap, bagkus ikaw ay maging makislap na niyebe, at nag-aangkin ng sangkap at, higit sa lahat, ng halaga nito. Dahil Ako ay nagmula sa banal na lupain, hindi gaya ng isang lotus, na mayroon lamang pangalan at walang halaga dahil ito ay nanggaling mula sa putikan at hindi sa banal na lupain. Ang panahon na ang isang bagong kalangitan ay papanaog sa ibabaw ng daigdig at ang isang bagong mundo ay lumaganap sa ibabaw ng mga kalangitan ay siya ring panahon na Ako ay pormal na gumawa kasama ng mga tao. Sino sa sangkatauhan ang nakakakilala sa Akin? Sino ang naroon noong panahon ng Aking pagdating? Sino ang nakasaksi na Ako ay hindi lamang nagtataglay ng isang Pangalan, ngunit, bukod pa rito, na Ako rin ay nagtataglay ng pag-aari? Hinawi Ko ang mga puting ulap gamit ang Aking kamay at pinagmasdan nang mabuti ang kalangitan; sa kalawakan, walang bagay ang hindi gawa ng Aking kamay, at sa ilalim ng kalawakan, walang sinuman ang hindi nag-aambag ng kanyang munting pagsisikap para sa katuparan ng Aking dakilang panukala. Hindi ako nagsasagawa ng mga mabibigat na utos sa mga tao sa mundo, dahil Ako ay naging isang praktikal na Diyos, at dahil Ako ang Makapangyarihan sa lahat na lumikha ng tao at nakakikilala nang lubos sa kanya. Ang lahat ng tao ay haharap sa mga mata ng Makapangyarihan sa lahat. Paano kung ang mga naroon sa mga pinakamalalayong sulok ng mundo ay umiiwas sa pagsubok ng Aking Espiritu? Kahit na ang tao ay nakakikilala sa Aking Espiritu, siya rin ay nagkakasala laban dito. Ang Aking mga salita’y hinuhubaran ang masamang imahe ng lahat ng tao, at hinuhubaran ang mga pinakamalalim na saloobin ng sangkatauhan, at nagdudulot sa buong mundo na maging payak dala ng Aking liwanag at sumailalim sa Aking pagsubok. Ngunit kahit ang tao ay nagkakasala, ang kanyang puso ay hindi nangangahas na lumayo sa Akin. Sa mga nilalang, sino ang hindi iibig sa Akin dahil sa Aking mga gawain? Sino ang hindi Ako masusumpungan bilang bunga ng Aking mga salita? Sino ang hindi ipinanganak nang walang pagmamahal buhat sa Aking pag-ibig? Hindi lang dahil sa katiwalian ni Satanas na ang tao ay hindi kayang makaabot sa Aking kaharian bilang Aking pag-uutos. Kahit na ang mga pinakamabababaw na utos ay nagdudulot ng pangamba sa kanya, para hindi magwika ng tungkol sa ngayon, ang panahon kung saan si Satanas ay nagpapasimula ng kaguluhan at siya ay lubhang nagpapakahari, o noong panahong iyon na ang tao ay nayurakan ni Satanas na ang kanyang buong katawan ay napalibutan ng karumihan. Kailan ba na ang pagkabigo ng tao na magbalik-loob sa Akin bilang bunga ng kanyang kasamaan ay hindi nagdulot sa Akin ng kalungkutan? Maaari Ko bang kaawaan si Satanas? Maaari bang nagkakamali lang Ako sa Aking pag-ibig? Kapag ang tao ay hindi sumusunod sa Akin, ang Aking puso ay lihim na tumatangis; kapag ang tao ay tumututol sa Akin, siya ay Aking kakastiguhin; kapag ang tao ay Aking iniligtas at nabuhay mula sa kamatayan, siya ay binibigyan Ko ng lubos na pag-aalaga; kapag ang tao ay sumusunod sa Akin, ang Aking puso ay payapa at agad Akong nakakaramdam ng malalaking pagbabago sa lahat ng bagay sa langit at lupa; kapag pinupuri Ako ng tao, paanong hindi Ko iyon magugustuhan? Kapag ang tao ay sinasaksihan Ako sumasamo sa Akin, paanong hindi Ako maluluwalhatian? Maaari ba na ang sangkatauhan ay hindi Ko nasasakop at natutustusan? Kapag Ako ay hindi nagbigay ng tamang direksyon, ang mga tao ay tamad at hindi natitinag, at, sa Aking likuran, sila ay nakikiisa sa mga masamang gawain. Sa tingin mo ba ang katawang-tao, na siyang Aking ibinabalot sa Sarili Ko, ay hindi nakakaalam ng iyong mga gawa, iyong ugali, at iyong mga salita? Tiniis Ko nang maraming taon ang hangin at ulan, at naranasan Ko rin ang kapaitan ng mundo ng mga tao, ngunit sa pamamagitan ng masusing pagninilay, walang kabuuang halaga ng paghihirap ang maaaring makagawa sa makalamang katawang-tao na mawalan ng tiwala sa Akin, di hamak na maaaring ang kahit anong kabutihan ay magdulot sa katawang-tao na maging malayo, matamlay, o hindi masunurin sa Akin. Ang pag-ibig ba ng tao para sa Akin ay limitado lamang sa alinman sa walang hirap o walang sarap?