Peb 24, 2018
Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ikatlong bahagi)
Mga pagbabasa at pagsasalaysay ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ikatlong bahagi)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ano ang nakikita mo dito? Kapag ang Diyos ay gumagawa bilang isang tao, marami sa Kanyang mga pamamaraan, mga salita, at mga katotohanan ay ipinapahayag lahat sa paraan ng tao. Ngunit gayundin sa disposisyon ng Diyos, kung anong mayroon at kung ano Siya, at ang Kanyang kalooban ay ipinahahayag para malaman at maintindihan ng mga tao. Kung ano ang kanilang nalaman at naintindihan ay eksaktong ang Kanyang diwa at kung ano ang mayroon at kung ano Siya, na kumakatawan sa likas na pagkakakilanlan at kalagayan ng Diyos Mismo. Na ang ibig sabihin, ang Anak ng tao sa laman ay ipinahayag sa likas na disposisyon at diwa ng Diyos Mismo sa pinakamalawak na paraan hangga’t maaari at bilang tumpak hangga’t maaari. Hindi lamang sa ang pagkatao ng Anak ng tao ay hindi isang balakid o isang hadlang sa pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan sa Diyos na nasa langit, ngunit ito lamang talaga ang paraan at ang tanging tulay para sa mga tao upang makipag-ugnayan sa Panginoon ng paglikha.”
Rekomendasyon:Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal
Peb 23, 2018
Ang Pananalig sa Diyos ay Hindi Dapat Para Lamang sa Paghahanap ng Kapayapaan at mga Pagpapala.
Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pananalig sa Diyos ay Hindi Dapat Para Lamang sa Paghahanap ng Kapayapaan at mga Pagpapala.
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ngayon, kailangan mong itakda ang tamang landas dahil ikaw ay naniniwala sa praktikal na Diyos. Sa pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos, hindi ka lamang dapat maghanap ng mga pagpapala, ngunit hanaping mahalin ang Diyos at makilala ang Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang pagliliwanag at ng iyong sariling pagtataguyod, maaari mong kainin at inumin ang Kanyang mga salita, makabuo ng isang totoo na pang-unawa sa Diyos, at magkaroon ng isang tunay na pag-ibig ng Diyos na nanggagaling sa iyong puso. Sa madaling salita, ang inyong pag-ibig para sa Diyos ay tunay, tulad ng walang makasisira o makahahadlang sa daan ng iyong pag-ibig para sa Kanya. Kung gayon, ikaw ay nasa tamang landasin ng pananampalataya sa Diyos. Pinatutunayan nito na pag-aari ka ng Diyos, sapagkat ang puso mo ay naangkin na ng Diyos at sa gayon hindi na maaari pang maangkin ng ibang mga bagay. Dahil sa iyong karanasan, ang halaga na iyong binayaran, at ang gawain ng Diyos, magagawa mong bumuo ng isang nagkukusang pag-ibig para sa Diyos. Sa gayon ikaw ay napapalaya mula sa impluwensya ni Satanas at nabubuhay sa liwanag sa mga salita ng Diyos. Tanging kapag ikaw ay pinalaya na mula sa impluwensya ng kadiliman, masasabing nakamit mo na ang Diyos. Sa inyong paniniwala sa Diyos, dapat ninyong hangarin ang layuning ito. Ito ay ang tungkulin ng bawat isa sa inyo.
4. Ang Banal na Kagandahang-asal na Dapat Taglayin ng mga Mananampalataya sa Diyos.
Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | 4. Ang Banal na Kagandahang-asal na Dapat Taglayin ng mga Mananampalataya sa Diyos.
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Bago siya pinasama ni Satanas, ang tao ay likas na tumatalima sa Diyos at sinusunod ang Kanyang mga salita. Siya ay likas na may maayos na katinuan at konsensya, at normal na pagkatao. Matapos pasamain ni Satanas, ang kanyang dating katinuan, konsensya, at pagkatao ay pumurol at pinapanghina ni Satanas. Kaya, naiwala niya ang kanyang pagkamasunurin at pag-ibig sa Diyos. Ang katinuan ng tao ay naging lihis, ang kanyang disposisyon ay naging kagaya ng sa hayop, at ang kanyang paghihimagsik sa Diyos ay naging mas madalas at mas matindi. Nguni’t hindi pa rin alam o ni kinikilala ng tao ito, at basta na lang lumalaban at naghihimagsik nang walang taros. … “Ang normal na katinuan” ay tumutukoy sa pagsunod at pagiging tapat sa Diyos, sa paghahangad sa Diyos, sa pagiging malinaw tungkol sa Diyos, at sa pagkakaroon ng konsensya ukol sa Diyos. Ito ay tumutukoy sa pagiging pinag-isang puso at isip patungkol sa Diyos, at hindi ang sadyang paglaban sa Diyos. Yaong mga may lihis na katinuan ay hindi ganito. Yamang ang tao ay pinasama ni Satanas, siya ay nakagawa ng mga pagkakaintindi ukol sa Diyos, at wala siyang katapatan o paghahangad ukol sa Diyos, huwag nang banggitin ang kawalang konsensya ukol sa Diyos. Sinasadya ng tao na lumaban at hatulan ang Diyos, at, bukod pa riyan, ay nagpupukol ng tuligsa kapag Siya’y nakatalikod. Malinaw na alam ng tao na Siya ay Diyos, subalit siya pa ring humahatol sa Kanya habang Siya ay nakatalikod, walang intensyon na susundin Siya, at basta na lang gumagawa ng mga walang basehang kahilingan at mga pakiusap sa Diyos. Ang gayong mga tao—mga taong may lihis na katinuan—ay walang kakayahan na malaman ang kanilang sariling kasuklam-suklam na pag-uugali o ang pagsisihan ang kanilang pagiging mapaghimagsik. Kung may kakayahan ang mga tao na makilala ang kanilang mga sarili, kung gayon ay nabawi nila nang kaunti ang kanilang katinuan; habang ang mga tao ay lalong naghihimagsik sa Diyos subalit hindi nakikilala ang kanilang mga sarili, mas lalo silang mayroong katinuan na hindi batay sa katotohanan.
Peb 22, 2018
3. Sa Pananampalataya sa Diyos, Dapat Mong Maitatag ang Normal na Kaugnayan sa Diyos
Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | 3. Sa Pananampalataya sa Diyos, Dapat Mong Maitatag ang Normal na Kaugnayan sa Diyos
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Kung nais mong matamo ang isang angkop na espirituwal na buhay at makapagtatag ng isang angkop na kaugnayan sa Diyos, dapat mo munang ibigay ang iyong puso sa Kanya, at ipanatag ang iyong puso sa harap Niya. Kapag naibuhos mo ang iyong puso sa Diyos saka mo lamang mapauunlad nang unti-unti ang isang espirituwal na buhay. Kung hindi ibinibigay ng mga tao ang kanilang puso sa Diyos sa kanilang paniniwala sa Kanya, kung ang kanilang puso ay wala sa Kanya at hindi nila tinatrato ang Kanyang pasanin bilang sariling kanila, kung gayon ang lahat ng kanilang ginagawa ay pandaraya sa Diyos, at ito ay pawang pag-uugali ng mga taong relihiyoso—hindi nito matatamo ang papuri ng Diyos. …
Peb 21, 2018
Christian Video | The Best Decision of My Entire Life—Accepting Almighty God’s Work of the Last Days
Christian Video | The Best Decision of My Entire Life—Accepting Almighty God’s Work of the Last Days
Since Almighty God began His work of the last days in China, more and more people have come to spread and bear witness to His words. Almighty God’s end-time work long ago expanded outside of China’s borders, and His words have been translated into many different languages and published online. More and more of those who truly believe in God and long to seek the truth are investigating Almighty God’s work, and many want to gain an understanding of The Church of Almighty God and God’s work in the last days. In response to audience requests, in this episode two American Christians, Mr. and Mrs. Schmidt from The Church of Almighty God, share their stories of coming to believe in Almighty God as well as what they have experienced and reaped within the Church.
Recommendation:Searching for the Footprints of God—The Eastern Lightning
2. Sa Paghahanap sa Totoong Daan, Dapat Mong Mataglay ang Katuwiran
Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Sa Paghahanap sa Totoong Daan, Dapat Mong Mataglay ang Katuwiran
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang Diyos at ang tao ay hindi maaaring masabing magkapantay. Ang Kanyang substansya at ang Kanyang gawain ay ang pinaka-di-maaarok at hindi-kayang-unawain ng tao. Kung ang Diyos ay hindi personal na gumagawa ng Kanyang gawain at bumibigkas ng Kanyang mga salita sa mundo ng tao, kung gayon hindi kailanman mauunawaan ng tao ang kalooban ng Diyos, at sa gayon, kahit yaong mga naglaan ng kanilang buong buhay sa Diyos ay hindi maaaring makatamo ng Kanyang pagsang-ayon. Kung wala ang gawain ng Diyos, gaano man kabuti ang ginagawa ng tao, mababalewala iyon, pagka’t ang mga pag-iisip ng Diyos ay palaging magiging mas mataas kaysa mga pag-iisip ng tao, at ang karunungan ng Diyos ay hindi maaarok ng tao. At sa gayon sinasabi ko na yaong mga “nakabasa” sa Diyos at sa Kanyang gawain ay walang silbi, lahat sila ay mayabang at mangmang. Hindi dapat bigyang-kahulugan ng tao ang gawain ng Diyos; higit pa rito, hindi maaaring bigyang-kahulugan ng tao ang gawain ng Diyos. Sa mga mata ng Diyos, ang tao ay mas maliit kaysa isang langgam, kaya paano maaarok ng tao ang gawain ng Diyos? Yaong mga patuloy na nagsasabi, “Ang Diyos ay hindi gumagawa sa ganito o ganoong paraan” o “Ang Diyos ay tulad nito o noon”—hindi ba silang lahat ay mayabang? Dapat nating kilalaning lahat na ang mga tao, na siyang galing sa laman, ay napasamang lahat ni Satanas. Ito ay kanilang kalikasan na tutulan ang Diyos, at hindi sila kapantay ng Diyos, lalong hindi nila kayang mag-alok ng payo para sa gawain ng Diyos. Kung paano ginagabayan ng Diyos ang tao ay gawain ng Diyos Mismo. Dapat magpasailalim ang tao, at dapat hindi magkaroon ng gayo’t gayong pananaw, pagka’t ang tao ay alabok lamang. Yamang sinusubukan nating hanapin ang Diyos, hindi natin dapat isama ang ating mga pagkaintindi sa gawain ng Diyos para sa pagsasaalang-alang ng Diyos, lalong hindi natin dapat gamitin ang ating mga tiwaling disposisyon upang sadyang subukan na tutulan ang gawain ng Diyos. Hindi kaya gagawin niyan tayong mga antikristo? Paano maaaring sabihin ng mga ganoong tao na sila’y naniniwala sa Diyos? Yamang tayo ay naniniwala na mayroong Diyos, at yamang ninanais natin na bigyang-kasiyahan Siya at makita Siya, dapat nating hanapin ang daan ng katotohanan, at dapat humanap ng paraan upang maging kaayon ng Diyos. Hindi tayo dapat nakikipagmatigasan sa pagsalungat sa Diyos; anong kabutihan ang maaaring maibunga ng ganoong mga pagkilos?
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)