菜單

Ene 20, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-lima na Pagbigkas

 Ang Banal na Espiritu, buhay, Kaharian, kapalaran

Ang Ikadalawampu’t-lima na Pagbigkas

     Lumilipas ang oras, at sa isang kisap-mata ang araw na ito ay dumating. Sa ilalim ng paggabay ng Aking Espiritu, ang lahat ng tao ay namumuhay sa gitna ng Aking liwanag, at walang sinuman ang nag-iisip ng nakalipas o pag-iintindi sa kahapon. Sino ang hindi kailanman nabuhay sa kasalukuyan? Sino ang hindi gumugol ng mga kahanga-hangang araw at buwan sa kaharian? Sino ang hindi nabuhay sa ilalim ng araw? Bagaman ang kaharian ay bumaba sa sangkatauhan, walang sinuman ang totoong nakaranas ng kasiglahan nito; ang mga tao ay itinuturing ito mula sa labas lamang, di-nakauunawa ng substansya nito. Sa panahon nang mabuo ang Aking kaharian, sino ang hindi nagagalak dahil dito? Maaari ba na ang mga bansa sa daigdig ay makatakas? Talaga nga ba na ang malaking pulang dragon ay may kakayahang makatakas salamat sa kanyang katusuhan? Ang Aking mga kautusan ng pamamahala ay inihayag sa buong sansinukob, itinatatag nila ang Aking awtoridad sa lahat ng mga tao at gumagana sa buong kosmos; gayon pa man, ang tao ay hindi tunay na batid ito. Nang ang Aking mga kautusan ng pamamahala ay inihayag sa sansinukob ay gayun din kapag ang Aking gawa sa lupa ay malapit nang maging ganap. Kapag Ako ay namuno at humawak ng kapangyarihan sa lahat ng mga tao at kapag Ako ay kinilala bilang ang isang Diyos Mismo, ang Aking kaharian ay lubos nang mananaog sa lupa. Ngayon, lahat ng tao ay may bagong simula sa pamamagitan ng bagong landas. Sinimulan nila ang isang bagong buhay, gayon pa man walang sinuman ang tunay na nakaranas ng isang buhay sa lupa katulad ng sa langit. Kayo ba ay tunay na nabubuhay sa gitna ng Aking liwanag? Kayo ba ay tunay na nabubuhay sa gitna ng Aking mga salita? Sino ang hindi nagbigay paglingap sa kanilang mga sariling inaasam? Sino ang hindi namimighati sa kanilang sariling kapalaran? Sino ang hindi nagpupumiglas sa gitna ng dagat ng kadalamhatian? Sino ang hindi nais na palayain ang kanilang mga sarili? Ang mga pagpapala ng kaharian ba ang kapalit ng hirap sa trabaho ng mga tao sa lupa? Maaari nga ba na ang lahat ng mga hinahangad ng tao ay matupad ayon sa kanyang mga pagnanais? Minsan Ko nang iniharap ang magandang tanawin ng kaharian sa harap ng tao, gayon pa man siya lamang ay tinitigan ito nang may mga sakim na mata at walang sinuman ang naghangad na pasukin ito. Minsan Ko nang “iniulat” ang tunay na sitwasyon sa lupa para sa tao, ngunit siya ay nakinig lamang, at siya ay hindi hinarap nang may puso ang mga salitang nagmula sa Aking bibig; Minsan Ko nang sinabi sa sangkatauhan ang mga kalagayan sa langit, gayon pa man ang Aking mga salita ay itinuring niya bilang mga kahanga-hangang kwento, at hindi talagang tinanggap ang inilarawan ng Aking bibig. Ngayon, ang mga tagpo ng kaharian ay sumalimbay sa sangkatauhan, ngunit meron ba na “tumawid sa rurok at kapatagan” sa paghahanap nito? Kung wala ang Aking panghihimok, ang tao ay hindi pa rin magigising mula sa kanyang mga panaginip. Siya nga ba kaya ay tunay na nabighani sa kanyang buhay sa lupa? Wala nga bang mataas na pamantayan sa kanyang puso?

Ang Kalooban ng Diyos | Tungkol sa Pagkasangkapan ng Diyos sa Tao

 Ang Banal na Espiritu, buhay, Cristo, maglingkod


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Kalooban ng Diyos | Tungkol sa Pagkasangkapan ng Diyos sa Tao

    Walang sinuman ang may kakayahang mamuhay nang mag-isa maliban sa kanila na binigyan ng natatanging tagubilin at paggabay ng Banal na Espiritu, sapagkat kinakailangan nila ang ministeryo at pagpapastol niyaong mga kinakasangkapan ng Diyos. Kaya, sa bawat kapanahunan nagbabangon ang Diyos ng iba’t-ibang mga tao na nagmamadali at abala tungkol sa pagpapastol sa mga iglesia para sa kapakanan ng Kanyang gawain. Na ang ibig sabihin, ang gawain ng Diyos ay dapat maganap sa pamamagitan niyaong Kanyang mga kinalulugdan at sinasang-ayunan; dapat gamitin ng Banal na Espiritu ang bahagi sa loob nila na mayroong pakinabang sa paggamit upang gumawa, at ginawa silang angkop sa pagkasangkapan ng Diyos sa pamamagitan ng paggawang perpekto sa kanila ng Banal na Espiritu. Sapagkat ang kakayahan ng tao na makaunawa ay masyadong kulang, dapat siyang pastulan niyaong mga kinakasangkapan ng Diyos; ito ay kagaya ng pagkasangkapan ng Diyos kay Moises, na kung kanino Siya nakatagpo nang marami na angkop sa paggamit sa panahong iyon, na Kanyang kinasangkapan upang gawin ang gawain ng Diyos sa yugtong iyon. Sa yugtong ito, ang Diyos ay kumakasangkapan ng isang tao habang sinasamantala ang bahagi niya na maaaring kasangkapanin ng Banal na Espiritu upang gumawa, at ang Banal na Espiritu ay kapwa ginagabayan siya at ginagawang perpekto ang natitirang, di-magagamit na bahagi.

Sinira Ako ng Aking mga Prinsipyo

Kaalaman, Kaligtasan, katotohanan, Makapangyarihang Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Sinira Ako ng Aking mga Prinsipyo

Changkai    Lungsod ng Benxi, Lalawigan ng Liaoning
    Ang karaniwang pariralang “Ang mga mabubuting tao ay huling natatapos” ay isa na kung saan ako ay masyadong personal na pamilyar. Ang aking asawa at ako ay mga partikular na walang kamuwang-muwang na tao: Pagdating sa mga bagay na sangkot ang aming mga personal na pakinabang o kawalan, hindi kami yung tipo na nakikipagtalo at nag-aabala sa iba. Kung dapat kaming maging matiisin naging matiisin kami, kung dapat kaming maging matulungin ginawa rin namin ang aming makakaya upang maging matulungin. Bilang resulta, madalas naming matagpuan ang aming mga sarili na nagulangan at naabuso ng iba. Talagang tila sa buhay, “Ang mga mabubuting tao ay huling natatapos”—kung labis ang kabutihan sa iyong puso, kung masyado kang matulungin at mapagpakumbaba sa iyong mga gawain, ikaw ay nanganganib na maabuso. Ang gayong mga saloobin sa isipan, napagpasyahan ko na huwag hahayaan ang aking sarili sa lahat ng pang-aabusong ito at mamuhay pa sa pagkasiphayo: Sa mga bagay sa hinaharap at sa pakikitungo sa iba, panata ko na hindi na masyadong maging matulungin pa. Kahit matapos kong tanggapin ang gawain ng Diyos, inilapat ko pa rin ang prinsipyo na ito sa pagsasagawa ng pag-uugali ko at mga pakikipag-ugnayan sa iba.

Pag-bigkas ng Diyos | Pagtalakay Sa Buhay Iglesia at sa Totoong Buhay

Kaalaman, pananampalataya sa Diyos, praktikal, sambahan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Pagtalakay Sa Buhay Iglesia at sa Totoong Buhay

    Nadadama ng mga tao na nagagawa lamang nilang magbago sa loob ng kanilang buhay sa iglesia, at kung hindi sila nabubuhay sa loob ng iglesia, ang pagbabago ay hindi posible, na hindi nila magagawang matamo ang pagbabago sa kanilang totoong buhay. Nakikilala ba ninyo kung ano ang usaping ito? Nagsalita Ako tungkol sa pagdadala sa Diyos sa totoong buhay, at ito ang landas para sa kanila na naniniwala sa Diyos upang pumasok sa realidad ng mga salita ng Diyos. Sa katunayan, ang buhay ng iglesia ay isa lamang limitadong paraan upang gawing perpekto ang tao. Ang pangunahing kapaligiran para sa pagka-perpekto ng mga tao ay ang totoong buhay pa rin. Ito ang totoong pagsasagawa at totoong pagsasanay na Aking sinasabi, na nagtutulot sa mga tao upang matamo ang isang buhay ng normal na pagkatao at upang isabuhay ang kawangis ng isang tunay na tao sa panahon ng pang-araw-araw na buhay. Ang isang aspeto ay ang dapat maging edukado ang isang tao upang pataasin ang kanyang sariling antas ng edukasyon, magawang maunawaan ang mga salita ng Diyos, at tamuhin ang kakayahan na makaunawa. Ang isa pang aspeto ay ang dapat sangkapan ang isang tao ng pangunahing kaalaman na kinakailangan upang mabuhay bilang isang tao upang matamo ang pananaw at katuwiran ng normal na pagkatao, sapagkat ang mga tao ay halos kulang lahat sa mga bahaging ito. Tangi sa roon, dapat ding makarating ang isang tao upang namnamin ang mga salita ng Diyos sa pamamagitan ng buhay iglesia, at unti-unting makararating upang magkaroon ng malinaw na pagkaunawa sa katotohanan.

Ene 19, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-apat na Pagbigkas

Diyos, Kaalaman, pananampalataya, parusa


Ang Ikadalawampu’t-apat na Pagbigkas

   Dumarating ang Aking pagkastigo sa lahat ng mga tao, gayon pa man ay nananatili rin itong malayo mula sa lahat ng mga tao. Ang buong buhay ng bawat tao ay puno ng pag-ibig at pagkamuhi sa Akin, at wala kahit isa ang kailanma’y nakakilala sa Akin—kung kaya sala sa lamig at sala sa init ang saloobin ng tao sa Akin, at wala itong kakayahan sa pagiging-normal. Gayunman ay parati Kong inalagaan at iningatan ang tao, at mapurol lamang ang kanyang isipan kaya wala siyang kakayahang makita ang lahat ng Aking mga gawa at maunawaan ang masigasig Kong mga hangarin. Ako ang nangungunang Isa sa gitna ng lahat ng mga bansa, at ang pinakamataas sa gitna ng lahat ng mga tao; hindi lamang talaga Ako kilala ng tao. Sa maraming taon, nanirahan Ako sa kalagitnaan ng tao at naranasan ang buhay sa mundo ng tao, gayon pa man lagi niya Akong ipinagsawalang-bahala at itinuring Akong katulad ng isang nilalang na nagmula sa kalawakan. Bunga nito, itinuturing Ako ng mga tao na katulad ng isang banyaga sa daan dahil sa mga pagkakaiba sa disposisyon at wika. Ang damit Ko rin ay tila masyadong kakaiba, at bilang resulta, walang lakas ng loob ang tao para lapitan Ako. Diyan Ko lamang nararamdaman ang kalungkutan ng buhay sa kalagitnaan ng tao, at diyan Ko rin lamang nararamdaman ang kawalan-ng-hustisya sa mundo ng tao. Lumalakad Ako sa kalagitnaan ng mga dumadaan, pinagmamasdan ang lahat ng kanilang mga mukha. Ito ay parang nabubuhay sila sa kalagitnaan ng isang karamdaman, bagay na nagpupuno ng kalungkutan sa kanilang mga mukha, at sa gitna ng pagkastigo, na pumipigil sa kanilang paglaya. Iginagapos ng tao ang kanyang sarili, at ibinababa ang kanyang sarili. Sa harapan Ko, karamihan sa mga tao ay lumilikha ng maling palagay tungkol sa kanilang mga sarili sa gayon ay maaring mapuri Ko sila, sadyang nag-aanyong kahabag-habag sa harap Ko ang karamihan sa mga tao sa gayon ay maaring makakuha sila ng tulong mula sa Akin. Sa Aking likuran, nililinlang at sinusuway Ako ng lahat ng mga tao. Hindi ba tama Ako? Hindi ba ito ang diskarte ng tao para manatiling buhay? Sino na ang kahit kailan ay nabuhay ng mas matagal kaysa sa Akin? Sino na ang kahit kailan ay nagtaas sa Akin sa gitna ng iba? Sino na ang kahit kailan ay nagapos sa harapan ng Espiritu? Sino na ang kahit kailan ay naging matatag sa kanilang patotoo sa Akin sa harapan ni Satanas? Sino na ang kahit kailan ay nagdagdag ng pagiging-totoo sa “katapatan” nila sa Akin? Sino na ang kahit kailan ay inalis ng malaking pulang dragon dahil sa Akin? Sumapi na ang mga tao kay Satanas, mga bihasa sila sa pagsuway sa Akin, sila ang mga may-likha ng pagsalungat sa Akin, at sila ay mga nagsipagtapos sa pakikipagtawaran sa Akin. Para sa kapakanan ng sarili niyang tadhana, naghahanap ang tao dito at doon sa lupa; kapag kinakawayan Ko siya, nananatili siyang walang-pandama sa Aking pagiging-napakahalaga at patuloy siya sa pananampalataya sa kanyang pagsandig sa kanyang sarili, ayaw niyang maging isang pasanin sa iba. Mahalaga ang mga hangarin ng tao, gayunman walang kaninumang mga hangarin ang kailanman ay ganap na nakamit: Gumuguho silang lahat sa harapan Ko, bumabagsak nang tahimik.

Ene 18, 2018

#10 The CCP Claims the Conditions of Religion in China Are Favorable. Massimo Introvigne: NOT True


#10 The CCP Claims the Conditions of Religion in China Are Favorable. Massimo Introvigne: NOT True

In 2017, from June 24 to 28, and from September 14 to 15, the Chinese Communist Party had held two international anti-cult academic conferences successively in Henan and Hong Kong. In a subsequent Chinese official report, it reads, “Experts express that from this research study, sufficient understanding has been gained on China’s religious and anti-cult policies, dispelling previous misunderstanding about the issues of cults in China. At the same time, the conditions of religious belief in China are observed to be favorable. The grassroots’ freedom of belief is well protected.” Prof. Massimo Introvigne, an Italian sociologist, the founder and managing director of the Center for Studies on New Religions (CESNUR), who was invited to both conferences, debunks the report as follows.
Recommendation:About the Church of Almighty God
The Origin and Development of the Church of Almighty God
The Eastern Lightning—The Light of Salvation
The Return of the Lord Jesus
What Is Gospel?

Pag-bigkas ng Diyos | Paano Malaman ang Realidad

Diyos, Kaalaman, katotohanan, praktikal

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Paano Malaman ang Realidad

    Ang Diyos ay Diyos ng realidad: Lahat ng Kanyang mga gawa ay tunay, at lahat ng mga salita na binibigkas Niya ay totoo, at lahat ng mga katotohanan na ipinapahayag Niya ay totoo. Lahat ng bagay na hindi Kanyang mga salita ay walang laman, hindi umiiral, at hindi batay sa katotohanan. Ngayon, ang Banal na Espiritu ay gumagabay sa mga tao tungo sa mga salita ng Diyos. Kung nais ng mga tao na ituloy ang pagpasok sa realidad, samakatuwid dapat nilang hanapin ang realidad at alamin ang realidad, matapos nito’y dapat nilang maranasan ang realidad, at isabuhay ang realidad. Mas alam ng mga tao ang realidad, mas maaari nilang masabi kung ang salita ng iba ay tunay; mas alam ng mga tao ang reyalidad, mas mababa ang pagkakaroon nila ng mga maling pag-iisip; mas mararanasan ng mga tao ang realidad, at mas alam nila ang mga gawa ng Diyos ng realidad, at kung mas madali para sa kanila ang iwanan ang kanilang tiwaling, mala-satanas na mga disposisyon; mas mayroong realidad ang mga tao, mas makikilala nila ang Diyos, at mas kamumuhian nila ang laman at mamahalin ang katotohanan; mas mayroong realidad ang mga tao, mas malalapit sila sa mga pamantayang hinihingi ng Diyos. Ang mga taong natamo ng Diyos ay yaong nagmamay-ari ng realidad, at alam ang katotohanan; yaong mga natamo ng Diyos ay nalaman ang tunay na mga gawa ng Diyos sa pamamagitan nang pagdanas ng realidad. Mas aktuwal na nakikipagtulungan ka sa Diyos at dinidisiplina ang iyong katawan, mas matatamo mo ang gawa ng Banal na Espiritu, mas matatamo mo ang realidad, at mas mabibigyang-liwanag ka ng Diyos—at sa gayon, mas higit ang iyong kaalaman sa tunay na mga gawa ng Diyos. Kapag nakakapamuhay ka sa aktuwal na liwanag ng Banal na Espiritu, ang kasalukuyang landas nang pagsasagawa ay magiging mas malinaw sa iyo, at mas maaari mong maihihiwalay ang iyong sarili mula sa mga relihiyosong maling pag-iisip at lumang mga gawi ng nakaraan. Ngayon, realidad ang tampulan: Mas mayroong realidad ang mga tao, mas malinaw ang kanilang kaalaman sa katotohanan, mas higit ang kanilang pagkaunawa sa kalooban ng Diyos. Mapapangibabawan ng realidad ang lahat ng mga aral at mga doktrina, maaari nitong mapangibabawan ang lahat ng teorya at kasanayan, at mas nakatuon sa realidad ang mga tao, mas tunay nilang maiibig ang Diyos, at magugutom at mauuhaw sa Kanyang mga salita. Kapag lagi kang nakatuon sa realidad, ang iyong pilosopiyang pambuhay, mga relihiyosong maling pag-iisip, at likas na karakter ay natural lamang na mabubura alinsunod sa gawa ng Diyos. Yaong mga hindi tumutuloy sa realidad, at walang kaalaman sa realidad, ay malamang na tutuloy sa kung ano ang higit sa karaniwan, at madali silang malilinlang. Ang Banal na Espiritu ay walang kaparaanang gumawa sa mga naturang tao, kung kaya’t nararamdaman nila ang kawalang laman, at ang kanilang mga buhay ay walang kahulugan.