菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na sambahan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na sambahan. Ipakita ang lahat ng mga post

May 7, 2018

The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (3)


The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (3)


Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Ipinapakita sa dokumentaryong ito ang biglaan at di-inaasahang pagkamatay ng Kristiyanong Chinese na si Song Xiaolan-isang pagkamatay na binigyan ng CCP police ng paiba-iba at magkakasalungat na paliwanag. Matapos imbestigahan, natuklasan ng pamilya Song na noon pa pala nagsisinungaling ang mga pulis. Nalaman ng isang kamag-anak ng pamilya mula sa isang kakilala sa Public Security Bureau na lihim na sinubaybayan ng CCP police si Xiaolan dahil sa kanyang pananalig sa Diyos at pagtupad sa kanyang mga tungkulin. Nang arestuhin siya ng mga pulis, binugbog siya ng mga ito hanggang sa mamatay. Para hindi masisi, pinagtakpan ng pulisya ang katotohanan sa pag-iimbento ng tagpo ng pagkamatay ni Song Xiaolan….
Rekomendasyon:
Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan
Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal
Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

Ene 20, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Pagtalakay Sa Buhay Iglesia at sa Totoong Buhay

Kaalaman, pananampalataya sa Diyos, praktikal, sambahan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Pagtalakay Sa Buhay Iglesia at sa Totoong Buhay

    Nadadama ng mga tao na nagagawa lamang nilang magbago sa loob ng kanilang buhay sa iglesia, at kung hindi sila nabubuhay sa loob ng iglesia, ang pagbabago ay hindi posible, na hindi nila magagawang matamo ang pagbabago sa kanilang totoong buhay. Nakikilala ba ninyo kung ano ang usaping ito? Nagsalita Ako tungkol sa pagdadala sa Diyos sa totoong buhay, at ito ang landas para sa kanila na naniniwala sa Diyos upang pumasok sa realidad ng mga salita ng Diyos. Sa katunayan, ang buhay ng iglesia ay isa lamang limitadong paraan upang gawing perpekto ang tao. Ang pangunahing kapaligiran para sa pagka-perpekto ng mga tao ay ang totoong buhay pa rin. Ito ang totoong pagsasagawa at totoong pagsasanay na Aking sinasabi, na nagtutulot sa mga tao upang matamo ang isang buhay ng normal na pagkatao at upang isabuhay ang kawangis ng isang tunay na tao sa panahon ng pang-araw-araw na buhay. Ang isang aspeto ay ang dapat maging edukado ang isang tao upang pataasin ang kanyang sariling antas ng edukasyon, magawang maunawaan ang mga salita ng Diyos, at tamuhin ang kakayahan na makaunawa. Ang isa pang aspeto ay ang dapat sangkapan ang isang tao ng pangunahing kaalaman na kinakailangan upang mabuhay bilang isang tao upang matamo ang pananaw at katuwiran ng normal na pagkatao, sapagkat ang mga tao ay halos kulang lahat sa mga bahaging ito. Tangi sa roon, dapat ding makarating ang isang tao upang namnamin ang mga salita ng Diyos sa pamamagitan ng buhay iglesia, at unti-unting makararating upang magkaroon ng malinaw na pagkaunawa sa katotohanan.