菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosTUNGKOL SA AMIN. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosTUNGKOL SA AMIN. Ipakita ang lahat ng mga post

Set 30, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalatayasa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal

Makapangyarihang Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalatayasa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal

  Gaano karaming relihiyosong kaugalian ang sinusunod mo? Ilang beses ka na bang nagrebelde laban sa salita ng Diyos at pinili ang iyong sariling landas? Ilang beses mo na bang isasagawa ang salita ng Diyos dahil tunay mong isinasaalang-alang ang Kanyang mga pasanin at hinahangad mong tuparin ang Kanyang nais? Unawain ang salita ng Diyos at isabuhay ito. Maging tapat sa iyong mga kilos at gawa; hindi ito pagsunod sa mga patakaran o ginagawa nang labag sa kalooban para sa pagkukunwari. Bagkus, ito ay ang pagsasagawa ng katotohanan at pamumuhay sa salita ng Diyos. Tanging ang pagsasagawa na tulad nito ang nakalulugod sa Diyos. Ang anumang kaugaliang nakalulugod sa Diyos ay hindi isang patakaran kundi isang pagsasagawa ng katotohanan.

Set 7, 2017

Paghihintay: Sasalubungin ng mga Matatalinong Birhen ang Panginoon

Paghihintay: Sasalubungin ng mga Matatalinong Birhen ang Panginoon

     Pastor si Hou'en sa isang bahay na iglesia sa Tsina. Kasama ang kanyang ama na si Yang Shoudao, naghintay sila na bumaba ang Panginoong Jesus mula sa mga ulap at dalhin sila sa kaharian ng langit. Dahil dito, masigasig silang nagtrabaho para sa Panginoon , pinanghawakan ang Kanyang pangalan, at naniwala na ang sinumang bumaba mula sa mga ulap na hindi ang Panginoong Jesus ay bulaang Cristo. At kaya, nang mabalitaan nila ang pangalawang pagbabalik ng Panginoon, hindi nila ito pinakinggan o tinanggap. Sa tingin nila ay mas mabuti ang magmasid at maghintay.... Habang sila'y naghihintay, tinanggap ng pinsan ni Yang Hou'en na si Li Jiayin ang gawain ng Makapangyarihang Diyossa mga huling araw, at ibinahagi ang ebanghelyo sa kanila. Matapos ang ilang matitinding talakayan, sa wakas ay naintindihan ni Yang Hou'en ang tunay na kahulugan ng “magmasid at maghintay,” at nakita na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan , ang daan, ang buhay, at ang mga ito ay ang tinig ng Panginoon, at ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagbabalik ng Panginoong Jesus na kanilang hinintay sa loob ng maraming taon....

Ago 27, 2017

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Tanging ang Mga Nakaaalam ng Gawain ng Diyos Ngayon ang Makapaglilingkod sa Diyos


Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at Kanyang Gawa ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos


   Ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay may dalawang bahagi. Nang una Siyang naging katawang-tao, di Siya pinaniwalaan ni kinilala ng mga tao, anupat ipinako si Jesus sa krus. Sa pangalawang pagkakataon din, di pa rin naniwala sa Kanya o kinilala man lang Siya, at minsan pang ipinako si Cristo sa krus. Hindi ba’t ang tao ay kaaway ng Diyos? Kung hindi Siya kilala ng mga tao, paano sila magiging matalik na kaibigan sa Diyos? At paano siya nagkaroon ng kakayanang magpatotoo sa Diyos? Ang pagmamahal sa Diyos, ang paglilingkod sa Diyos, ang pagluluwalhati sa Diyos—hindi ba ito mga mapanlinlang na kasinungalingan? Kung itutuon mo ang iyong buhay sa mga walang katunayan at di-praktikal na mga bagay na ito, hindi ba gumagawa ka nang walang kabuluhan? Paano ka magiging matalik na kaibigan ng Diyos kung hindi mo naman kilala kung sino ang Diyos? Hindi ba ang ganitong pagsisikap ay malabo at mahirap maunawaan? Hindi ba ito mapanlinlang? Paano ba maging matalik na kaibigan ng Diyos? Ano ba ang makabuluhang kahalagahan ng pagiging malapit sa Diyos? Maaari ka bang maging matalik na kaibigan ng Espiritu ng Diyos? Kaya mo bang makita kung gaano kadakila at kabunyi ang Espiritu? Ang maging matalik na kaibigan ng di-nakikita at di-nahahawakang Diyos—hindi ba iyon malabo at mahirap maunawaan? Ano ang praktikal na kahalagahan ng ganiyang pagsisikap? Hindi ba ang lahat ng ito ay mga mapanlinlang na kasinungalingan? Ang pinagsisikapan mo ay maging matalik na kaibigan ng Diyos, gayong sa totoo lang ikaw ay masunuring aso ni Satanas, dahil hindi mo kilala ang Diyos, at pinagsisikapan mo ang di-umiiral na “Diyos ng lahat ng mga bagay” na di-nakikita at di-nahahawakan at mula sa iyong mga sariling pagkaintindi. Sa malabong pananalita, ang gayong “Diyos” ay si Satanas, at sa praktikal na pananalita, ito ay ikaw sarili mo. Matalik na kaibigan mo ang iyong sarili ngunit sinasabi mo na nagsisikap ka para maging matalik na kaibigan ng Diyos—hindi ba iyon isang paglalapastangan? Ano ang halaga ng gayong pagsisikap? Kung ang Espiritu ng Diyos ay hindi maging tao, ang sangkap ng Diyos Mismo ay magiging di-nakikita, di-nahahawakang Espiritu, walang anyo at walang hugis, di-malapitan at di-maunawaan ng mga tao. Paano magiging matalik na kaibigan ng tao ang isang walang katawan, kamangha-mangha, at di-maarok na Espiritu na gaya nito? Hindi ba ito isang biro? Ang ganitong kakatuwang pangangatuwiran ay hindi tama at hindi praktikal. Ang nilikhang mga tao ay ibang-iba sa Espiritu ng Diyos, kaya paano sila magiging matalik na magkaibigan? Kung ang Espiritu ng Diyos ay hindi naging tao, kung ang Diyos ay hindi nagkatawang-tao at nagpakumbaba sa Sarili Niya upang maging nilalang, ang taong nilalang ay walang kakayanan at hindi magiging Kanyang matalik na kaibigan, at maliban sa mga mananampalatayang maka-Diyos na may pagkakataong maging mga matalik na kaibigan ng Diyos matapos makapasok ang kanilang kaluluwa sa langit, karamihan sa mga tao ay hindi maaaring maging mga matalik na kabigan ng Diyos. At kung nais ng tao na maging matalik na kaibigan ng Diyos sa langit sa ilalim ng gabay ng Diyos na nagkatawang-tao, hindi ba siya isang kagila-gilalas na hangal na di-tao? Ang mga tao ay nagsusumikap magpamalas ng “katapatan” sa isang di-nakikitang Diyos, at hindi nagtutuon ni katiting na pansin sa nakikitang Diyos sapagkat madaling magsikap sa isang di-nakikitang Diyos—maaari itong gawin ng tao ayon sa gusto niya. Ngunit ang pagsisikap sa nakikitang Diyos ay hindi madali. Ang mga tao na naghahanap sa isang malabong Diyos ay isa na hindi matatamo ang Diyos sapagkat lahat ng malabo at di-maintindihang mga bagay ay iniisip lamang ng mga tao, at hindi nila maaaring matamo. Kung ang Diyos na pumarito sa inyo ay mataas at matayog na Diyos na hindi ninyo maabot, paano ninyo mahahanap ang Kanyang kalooban? At paano ninyo Siya makikilala at mauunawaan? Kung ginawa lamang Niya ang Kanyang gawain, at nagkaroon ng karaniwang ugnayan sa tao, at walang taglay na normal na pagkatao at hindi malapitan ng mga mortal lamang, kahit na marami Siyang ginawa para sa inyo ngunit wala kayong pakikipag-ugnayan sa Kanya, hindi Siya makita, paano ninyo Siya makikilala? Kung hindi dahil sa katawang-tao na ito na taglay ang normal na pagkatao, hindi makikilala ng tao ang Diyos; ito lamang ay dahil sa pagkakatawang-tao ng Diyos kaya ang mga tao ay may kakayanang maging malapit sa Diyos na nagkatawang-tao. Ang mga tao ay nagiging matalik na kaibigan ng Diyos dahil nakikipag-ugnayan ang tao sa Kanya, sapagkat ang tao ay naninirahan kasama Siya at nananatiling Siya ay kasama, at unti-unti na kinikilala Siya. Kung hindi ito ganoon, hindi ba ang pagsisikap ng mga tao ay walang kabuluhan? Sa madaling salita, hindi lamang dahil sa mga gawain ng Diyos kung kaya ang mga tao ay maaaring maging matalik na kaibigan Niya, kundi sa pagkatotoo at pagka-karaniwan ng Diyos na nagkatawang-tao. Ito ay dahil lamang sa ang Diyos ay nagiging tao kaya ang mga tao ay nagkakaroon ng pagkakataon upang gawin ang kanyang tungkulin, at pagkakataon upang sambahin ang Diyos. Hindi ba ito ang pinakatunay at praktikal na katotohanan? Ngayon, nais mo pa bang maging matalik na kaibigan ng Diyos na nasa langit? Tanging kapag nagpakababa ang Diyos Mismo hanggang sa isang punto, na ibig sabihin, tanging kapag ang Diyos ay nagiging tao, na ang mga tao ay maaaring maging matalik na kaibigan Niya. Ang Diyos ay Espiritu: Paano magkakaroon ng kakayanan ang tao na maging matalik na kaibigan Niya, na napakataas at di-maarok? Tanging kapag bumaba ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao, at maging isang nilalang na may parehong panlabas na anyo ng tao, kayang unawain ng tao ang Kanyang kalooban at talagang matamo Niya. Siya ay nagsasalita at kumikilos sa katawang-tao, nakikihati sa kaligayahan, kalungkutan at kapighatian ng tao, naninirahang kasama ng tao, iniingatan ang tao, ginagabayan siya, at sa pamamagitan nito nililinis Niya ang tao, at hinahayaang matamo ng tao ang Kanyang kaligtasan at Kanyang mga pagpapala. Matapos matamo ang mga bagay na ito, mauunawaan ng tao ang kalooban ng Diyos, at saka lamang maaari siyang maging matalik Niyang kaibigan. Natatanging ito ang praktikal. Kung ang Diyos ay di-nakikita at di-nauunawaan ng mga tao, paano sila magiging matalik na kaibigan Niya? Hindi ba ito isang doktrinang walang katuturan?

Ago 26, 2017

Mga patotoo’t karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China(Trailer)



Mga patotoo’t karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China(Trailer)


Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Nitong nakaraang mga taon nakita rin ang malawakang pagpapasimula ng pamahalaang CCP ng mga patakarang nakatutok sa “Pagpapailalim sa Impluwensya ng Lipunang Han” ng Kristiyanismo. Libu-libong krus ng iglesia ang winasak, maraming gusali ng iglesia ang giniba, at maraming Kristiyano sa mga bahay-sambahan ang inaresto at inusig. Dumanas ng malupit at madugong pang-uusig ang mga iglesiang Kristiyano sa China …

Ago 21, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)Ang Ikasampung Pagbigkas




Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)Ang Ikasampung Pagbigkas

    Ang Kapanahunan ng Kaharian ay, kung iisipin, naiiba mula sa nakaraan. Hindi ito kaugnay sa kung ano ang ginagawa ng tao. Sa halip, personal Kong isinasakatuparan ang Aking gawain pagkababa sa lupa—gawaing kahit ang mga tao ay hindi maaaring maisip ni makamit. Buhat nang nilikha ang sanglibutan hanggang sa kasalukuyan, ang lahat ng mga taon na ito ay palaging patungkol sa pagbuo ng iglesia, ngunit hindi kailanman nakarinig nang pagtatayo ng kaharian. Kahit na nagsasalita Ako nito sa Aking sariling bibig, mayroon bang kahit sino na may alam sa kakanyahan nito? Dati na Akong bumaba sa mundo ng mga tao at naranasan at siniyasat ang kanilang paghihirap, nguni’t hindi natugunan ang layunin ng Aking pagkakatawang-tao. Kapag umusad na ang pagtatayo ng kaharian, ang Aking pagkatawang-tao ay pormal nang magsisimula upang isagawa ang paglilingkod; iyon ay, ang Hari ng kaharian ay pormal nang kukunin ang Kanyang pinaka-kataas-taasang kapangyarihan. Mula dito ay maliwanag na ang pagdating ng kaharian sa mundo ng tao, malayo mula sa pagiging salita at mga pagpapakita lamang, ito ay isa sa aktwal na katunayan; ito ay isang aspeto ng kahulugan ng “ang katunayan ng pagsasagawa.” Ang tao ay hindi kailanman nakakita ng kahit isa sa Aking mga gawain, at hindi kailanman nakarinig ng kahit isa sa Aking mga pagbigkas. Kahit nakita niya, ano ang kanyang dapat natuklasan? At kung narinig niya Akong magsalita, ano ang dapat niyang naunawaan? Sa buong mundo, ang lahat ng sangkatauhan ay namamalagi sa loob ng Aking pag-ibig, at Aking habag, nang sa gayon ang lahat ng sangkatauhan ay nasa ilalim ng Aking paghatol, at gayon din naman sa ilalim ng Aking pagsubok. Ako ay naging maawain at mapagmahal sa sangkatauhan, kahit na ang lahat ng tao ay naging tiwali sa isang antas; iginawad Ko ang pagkastigo sa sangkatauhan, kahit na ang lahat ng tao ay yumukod sa pagpapasakop sa harap ng Aking trono. Subalit mayroon bang sinumang tao na wala sa gitna ng paghihirap at pagpipino na Aking naipadala? Gaano karaming tao ang nag-aapuhap sa kadiliman para sa liwanag, gaano karami ang mapait na nagtitiis sa kanilang pagsubok na dinaranas? Si Job ay may pananampalataya, at kahit pa, sa kabila nito, hindi ba siya naghahanap ng paraan palabas para sa kanyang sarili? Bagama’t ang Aking bayan ay maaaring tumindig nang matatag sa pagsubok, mayroon bang sinuman, na hindi ito sinasabi nang malakas, ang pinaniniwalaan ito sa kanyang puso? Hindi ba ito kundi na kanyang sinasabi ang kanyang paniniwala habang nag-aalinlangan sa kanyang puso? Walang mga tao na nanindigan sa pagsubok, ang nagbibigay ng tunay na pagsunod sa pagsubok. Hindi Ko ba tinakpan ang Aking mukha upang maiwasan ang pagtingin sa mundong ito, ang buong sangkatauhan ay mabubuwal sa ilalim ng Aking nakasusunog na titig, sapagka’t hindi Ako humiling ng anumang bagay sa sangkatauhan.