菜單

Ago 7, 2018

Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain (Ikalimang Bahagi)


Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain (Ikalimang Bahagi)

   Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito:
Ang Kapalaran ng Tao ay Itinatakda sa Pamamagitan ng Kanyang Saloobin sa Diyos
Ang Umpisa ng Pagkatakot sa Diyos ay ang Pagturing sa Kanya Bilang Isang Diyos
Ang mga Tao na Hindi Kinikilala ng Diyos
Mga Salitang Pagpapayo

Ago 6, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Nalulungkot ang Diyos sa Kinabukasan ng Sangkatauhan"


I
Sa malawak na mundo na nagbago
nang 'di mabilang na beses mula pa noon,
walang sinuman ang nangunguna at gumagabay sa tao, 
walang sinuman kundi Siya na namamahala sa lahat.
Walang dakila na gumagawa at naghahanda
para sa kapakanan ng sangkatauhan.
Walang gagabay sa kanila tungo sa masiglang kinabukasan,
ni magpapalaya mula sa kawalang katarungan ng mundo.
Nalulungkot ang Diyos sa kinabukasan ng sangkatauhan. 
Nagdadalamhati Siya sa pagbagsak nila!
Tingnan Kanyang kalungkutan 'pagkat nabibigo silang malaman
na tinatahak nila ang landas ng walang balikan.
Tao'y nagrebelde, sinaktan ang puso ng Diyos;
masamang landas ni Satanas kanilang nilalakaran.
At walang tumitigil upang malinaw na makita kung
saan pupunta ang tao sa huli.

Ago 5, 2018

Full Tagalog Christian Movie | "Napakagandang Tinig" The Word of the Holy Spirit to the Churches


   Isang mangangaral si Dong Jingxin sa isang bahay sambahan sa Tsina. Tatlumpung taon na siyang nananampalataya sa Panginoon, at minamahal ang katotohanan; madalas niyang binabasa ang mga salita ng Panginoon at hinihimok ng mga ito. Ipinagmamalaki niya ang kanyang sarili para sa Panginoon nang may sigasig. Dahil sa kanyang gawain ng pangangaral, inaresto siya ng pulisya ng gobyerno ng Komunistang Tsino at ipinadala sa bilangguan kung saan naranasan niya ang kalupitan at pagpapahirap. Ang mga salita ng Panginoon ang gumabay sa kanya at natiis ang pitong taong di-makataong buhay sa bilangguan. Matapos makalaya, pinuntahan siya ng kanyang katrabahong si Chenguang at binasa sa kanya ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, sumasaksi na ang Diyos ay nagpakita at gumagawa sa mga huling araw. Binigyan din siya nito ng kopya ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao Matapos basahin ang kaunting mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nadama ni Dong Jingxin na ang mga ito ay makapangyarihan at nanggaling sa Diyos. Nagkaroon siya ng pusong nananabik maghanap. Gutum na gutom sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos sina Dong Jingxin at ang kanyang asawa at natuklasang katotohanan ang lahat ng mga ito, tinig ng Diyos ang lahat ng mga ito. Natukoy nila na talagang pagbabalik ng Panginoong Jesus ang Makapangyarihang Diyos na ilang taon na nilang hinihintay! Habang ang dalawa ay nag-uumapaw sa tuwa ng pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon, pinuntahan sila ng hepe ng pulisya upang balaan na huwag dumalo sa anumang pagtitipon o gumawa ng anumang pangaral. Binalaan niya sila na kailangan nilang iulat ang sinumang nangangaral ng Kidlat ng Silanganan, na nagpabalisa kay Dong Jingxin. Pagkatapos noon, nang malaman ng kanilang pastor na pinamumunuan ni Dong Jingxin ang mga kapatid na tingnan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, humadlang din siya at hinarangan sila. Nahaharap sa pagkalito at pagkagambala mula sa mga puwersa ni Satanas, nagagawang makita nang malinaw ni Dong Jingxin ang tunay na mukha ng mga pastor at elder ng relihiyosong mundo sa pamamagitan ng pagdarasal, paghahanap at pagbabahagi. Hindi siya sumuko, at nagpatuloy na pamunuan ang mga kapatid upang imbestigahan ang tunay na landas, at inimbitahan niya ang mga tao mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos upang magbahagi at sumaksi sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa huli, kinilala ng lahat na ang mga salitang binigkas ng Makapangyarihang Diyos ay talagang tinig ng Diyos, at Siya ang pagpapakita ng Diyos. Naantig ang damdamin ng lahat: Napakaganda ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos!

Ago 4, 2018

6. Bakit sinasabi na mas kailangan ng tiwaling sangkatauhan ang pagliligtas ng Diyos na naging tao?

Ebanghelyo, Jesus, kabutihan, kapalaran,Espiritu


     (Mga Piling Talata ng Salita ng Diyos)

    Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao

    Nagkatawang-tao ang Diyos dahil ang pakay ng Kanyang gawain ay hindi ang espiritu ni Satanas, o anumang walang materyal na katawan, kundi ang tao, na may katawan at ginawang tiwali ni Satanas. Ito ay tiyak na dahil ang laman ng tao ay naging tiwali kaya ginawa ng Diyos ang taong maka-laman na pakay ng Kanyang gawain; bukod dito, sapagka’t ang tao ay ang pakay ng katiwalian, ginawa Niya ang tao na tanging layon ng Kanyang gawain sa lahat ng mga yugto ng Kanyang gawain ng pagliligtas. Ang tao ay isang nilalang na may kamatayan, na may katawan at dugo, at ang Diyos lamang ang tanging Isa na maaaring magligtas sa tao. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay dapat maging isang katawang-tao na nagtataglay ng parehong mga katangian bilang tao upang gawin ang Kanyang gawain, upang makamit ng Kanyang gawain ang mas mahusay na mga epekto. Kailangang maging katawang-tao ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain dahil ang tao ay sa laman, at hindi kayang pagtagumpayan ang kasalanan o alisin ang sarili sa laman. Kahit na ang diwa at pagkakakilanlan ng Diyos na nagkatawang-tao ay malaki ang pagkakaiba mula sa diwa at pagkakakilanlan ng tao, gayon pa man ang Kanyang hitsura ay kapareho ng tao, nasa Kanya ang hitsura ng isang pangkaraniwang tao, at namumuhay ng isang karaniwang tao, at yaong mga makakakita sa Kanya ay walang makikitang pagkakaiba sa isang karaniwang tao. Ang karaniwang hitsurang ito at normal na pagkatao ay sapat para sa Kanya na gawin ang Kanyang maka-Diyos na gawain sa normal na pagkatao. Ang Kanyang katawang-tao ay nagbibigay-daan sa Kanya na gawin ang Kanyang gawain sa normal na pagkatao, at tumutulong sa Kanya na gawin ang Kanyang gawain sa gitna ng tao, at ang Kanyang normal na pagkatao, bukod doon, ay tumutulong sa Kanya na isagawa ang gawain ng pagliligtas sa gitna ng tao. Kahit na ang Kanyang normal na pagkatao ay naging sanhi ng malaking kaguluhan sa gitna ng tao, ang ganoong kaguluhan ay hindi nakaapekto sa karaniwang mga bunga ng Kanyang gawain. Sa madaling salita, ang gawain ng Kanyang normal na katawang-tao ay may sukdulang pakinabang sa tao. Kahit na karamihan sa mga tao ay hindi tinatanggap ang Kanyang normal na pagkatao, ang Kanyang gawain ay maaari pa ring maging mabisa, at ang mga epekto na ito ay nakakamit salamat sa Kanyang normal na pagkatao. Ito ay walang pag-aalinlangan. Mula sa Kanyang gawain sa katawang-tao, ang tao ay makakatamo ng sampung beses o dose-dosenang beses na higit na mga bagay kaysa sa mga pagkaintindi na umiiral sa gitna ng tao tungkol sa Kanyang normal na pagkatao, at ang ganoong mga pagkaintindi sa huli ay dapat na lahat ay malulon ng Kanyang gawain. At ang epekto na nakamit ng Kanyang gawain, na ang ibig sabihin, ang kaalaman ng tao tungo sa Kanya, ay mas maraming beses kaysa ang mga pagkaintindi ng tao tungkol sa Kanya. Walang paraan upang isipin o sukatin ang gawain na ginagawa Niya sa katawang-tao, dahil ang Kanyang katawang-tao ay hindi katulad ng sinumang taong maka-laman; kahit na ang panlabas na balat ay magkapareho, ang sangkap ay hindi pareho. Ang Kanyang katawang-tao ay gumagawa ng maraming mga pagkaintindi sa gitna ng tao tungkol sa Diyos, gayon pa man ang Kanyang katawang-tao ay maaari ring payagan ang tao upang makakuha ng maraming kaalaman, at maaari ring lupigin ang sinumang tao na nagmamay-ari ng isang katulad na panlabas na balat. Dahil Siya ay hindi lamang isang tao, kundi ang Diyos na may panlabas na balat ng isang tao, at walang maaaring ganap na tarukin o makaintindi sa Kanya. Ang isang hindi nakikita at hindi mahipo na Diyos ay minamahal at tinatanggap ng lahat. Kung ang Diyos ay isa lamang Espiritu na hindi nakikita ng tao, napakadali para sa tao na maniwala sa Diyos. Ang tao ay maaaring magbigay ng walang patumangga sa kanyang imahinasyon, maaaring pumili ng kahit anong imahe na gusto niya bilang imahe ng Diyos upang malugod ang kanyang sarili at gawing masaya ang kanyang sarili. Sa ganitong paraan, maaaring gawin ng tao ang anuman na pinaka-kasiya-siya sa kanyang sariling Diyos, at na kung saan ang Diyos na ito ay pinakahanda na gawin, nang walang anumang pag-aalinlangan. Higit pa rito, ang tao ay naniniwala na walang sinuman ang mas tapat at masipag kaysa kanya sa kabanalan sa Diyos, at na ang lahat ng iba ay mga asong Gentil, at mga di-matapat sa Diyos. Maaaring sabihin na ito ang hinahangad ng mga malabo at batay sa doktrina ang paniniwala sa Diyos; ang kanilang hinahanap ay lahat ng higit na magkakapareho, na may kaunting pagkakaiba. Ito lamang dahil sa ang mga imahe ng Diyos sa kanilang mga imahinasyon ay naiiba, ngunit ang kanilang diwa ay tunay na pareho.

Ago 3, 2018

Best Christian Full Movie HD | Mapanganib Ang Landas Papunta sa Kaharian Ng Langit (Tagalog dubbed)


    Si Zhong Xin ay pastor sa isang bahay-iglesia sa Chinese mainland. Matagal na siyang nananalig sa Panginoon at palaging naaaresto at pinahihirapan ng CCP. Napakatindi ng galit niya sa CCP, at matagal na niyang naliwanan na napakasama ng rehimen ng CCP na kumakalaban sa Diyos. Nitong nakaraang mga taon, nakita niya ang matinding pagtuligsa, pag-aresto at pagpapahirap ng gobyernong CCP at ng mga relihiyoso sa iglesia ng Kidlat ng Silanganan. Gayunman, ang nakita niyang di-kapani-paniwala ay na hindi lang hindi natalo ang Kidlat ng Silanganan, kundi mas lalo pa itong lumago, kaya muling nag-isip-isip si Zhong Xin: Ang Kidlat ng Silanganan ba ang pagpapakita at gawain ng Panginoon? Natuklasan din niya na lahat ng salitang ginamit ng CCP at mga relihiyoso para tuligsain ang Kidlat ng Silanganan ay mga tsismis at kasinungalingan kaya, para malaman ang katotohanan, siniyasat nila ng kanyang mga kapatid ang Kidlat ng Silanganan. Sa pakikinig sa mga paliwanag ng mga nagpapatotoo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, napagtibay ng karamihan na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan, na ang mga salitang ito ang tinig ng Diyos at na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Ngunit sa harap ng malupit na  panunupil at pagpapahirap ng gobyernong CCP sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, gayundin sa mabangis na pagsuway at pagtuligsa ng mga pastor at elder ng mga relihiyon, nagtaka ang ilan: Ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ang tunay na daan, kaya bakit ito  mabangis na sinusuway at tinutuligsa ng mga makapangyarihan sa pulitika at mga relihiyon? Sa pagbasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at pakikinig sa mga paliwanag ng mga nagpapatotoo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nauunawaan ng mga kapatid ang tunay na dahilan ng pagsuway ng sangkatauhan sa Diyos, malinaw nilang nakikita kung bakit lubhang mapanganib ang daan patungo sa langit, at naunawaan nila ang tunay na dahilan ng pagkamuhi sa katotohanan at pagkontra sa Diyos ng napakasamang rehimen ng CCP at mga pinuno ng relihiyon. Matatag na iwinaksi ng mga taong katulad ni Zhong Xin ang mga pagbabawal at paghihigpit ng impluwensya ni Satanas, tinanggap na nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at talagang nagbalik na sila sa harap ng luklukan ng Diyos.

Ago 2, 2018

Tagalog Christian Music Video | "Ang Tanging Nais ng Diyos ay Makinig at Sumunod ang Tao"


I
Yamang nilikha ng Diyos ang mundo 
maraming taon na ang nakalilipas,
natapos Niya ang isang napakahusay na trabaho
sa mundong ito,
Siya ay nagdusa ng pinakamasamang
pagtanggi ng sangkatauhan
at nakaranas ng maraming panirang-puri.
Walang sinuman ang tumanggap
sa pagdating ng Diyos sa lupa.
Lahat sila ay nagpaalis sa Kanya sa
pamamagitan ng gayong pagwawalang-bahala.
Nagdusa siya ng libu-libong tao'ng paghihirap.
Ang pag-uugali ng tao sa nakalipas na panahon
ay sumira sa Kanyang puso.
Hindi na Niya pinapansin ang panghihimagsik ng tao,
ngunit pinaplano upang baguhin at linisin sila sa halip.
Ang tanging hangarin ng Diyos
ay makinig at sumunod ang tao,
makaramdam ng pagkahiya sa harap ng
Kanyang katawang-tao at hindi labanan.
Lahat ng nais Niya para sa bawat isa,
para sa lahat ng tao ngayon, 
ay paniwalaan lamang na Siya ay umiiral.

Ago 1, 2018

10. Bakit sa pamamagitan lamang ng pagdanas at pagsunod sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao makikilala ng isang tao ang Diyos?

Jesus, pag-ibig ng Diyos , kaligtasan, Salita ng Diyos, Espiritu

      Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

     “At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14).

   “Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko. Kung ako'y nangakilala ninyo ay mangakikilala ninyo ang aking Ama: buhat ngayon siya'y inyong mangakikilala, at siya'y inyong nakita” (Juan 14:6-7).