菜單

Mar 21, 2018

Basagin Ang Sumpa (2) | Kapag Nagbalik ang Panginoon, Paano Siya Magpapakita sa Sangkatauhan?


Basagin Ang Sumpa (2) | Kapag Nagbalik ang Panginoon, Paano Siya Magpapakita sa Sangkatauhan?

Dumating na ang mga huling araw, at marami sa mga mananampalataya ang naghahangad sa pagbabalik ng Panginoon at dalhin sila sa kaharian ng langit. Ngunit alam ba ninyo kung papaano magpapakita ang Panginoon sa atin kapag Siya ay bumalik? Magiging ganoon ba gaya ng iniisip natin, na magpapakita Siya nang bukas, direktang bumababa sakay ng ulap? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Nais mo bang makita si Jesus? Nais mo bang mabuhay kasama si Jesus? Nais mo bang marinig ang mga salitang sinambit ni Jesus? … Sa anong paraan babalik si Jesus? Naniniwala kayo na si Jesus ay babalik na nasa ibabaw ng puting ulap, ngunit ito ang tanong Ko sa inyo: Ano ang tinutukoy ng puting ulap na ito? Sa napakaraming alagad ni Jesus na naghihintay sa Kanyang pagbalik, kanino Siya bababa?” “Kapag nakita ng sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sa ibabaw ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng pagkamatuwid. … Ibabadya nito ang pagtatapos ng plano sa pamamahala ng Diyos, at mangyayari kapag ginantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarusahan ang masasama. Sapagkat nagwakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga palatandaan ang tao, kapag pagpapahayag lamang ng katotohanan ang naroon” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Rekomendasyon:Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Mar 20, 2018

Tagalog Christian Song | Ang Pag-ibig at Kakanyahan ng Diyos ay Palaging Walang Pag-iimbot


Tagalog Christian Song | Ang Pag-ibig at Kakanyahan ng Diyos ay Palaging Walang Pag-iimbot

Hindi ibinubunyag o ipinapakita ang Kanyang pagdurusa. Ang Diyos ay nagtitiis at naghihintay ng tahimik. Hindi kalamigan o manhid, ni isang tanda ng kahinaan. Ang kakanyahan at pagmamahal ng Diyos ay palaging walang pag-iimbot. Ibinibigay ng Diyos ang Kanyang pinakamahusay, Kanyang pinakamahusay na panig. Pinakamabubuting mga bagay ay Kanyang ibinibigay. Naghihirap Siya para sa sangkatauhan; tahimik na nadadala ang Kanyang pagdurusa. Tahimik Siyang nagbibigay ng Kanyang pinakamahusay.

Mar 19, 2018

Basagin Ang Sumpa (1) | Paano Natin Masasalubong ang Pagbabalik ng Panginoon?


Basagin Ang Sumpa (1) | Paano Natin Masasalubong ang Pagbabalik ng Panginoon?


Lumitaw na ang apat na kulay dugong buwan. Nangangahulugan ito na sasapit na sa atin ang mga malalaking sakuna, tulad ng napropesiya sa libro ni Joel, "At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos ko sa mga araw na yaon ang aking Espiritu. At ako'y magpapakita ng mga kababalaghan sa langit at sa lupa, dugo, at apoy, at mga haliging usok. Ang araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay dugo, bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ni Jehova" (Joel 2:29-31).

Tagalog Christian Gospel Movie | “Saan Ang Aking Tahanan” [Trailer]


Tagalog Christian Gospel Movie | “Saan Ang Aking Tahanan” [Trailer]

Naghiwalay ang mga magulang ni Wenya nang siya ay dalawang taong gulang at pagkatapos ay tumira siya sa kanyang Itay at kanyang madrasta. Ayaw sa kanya ng kanyang madrasta at palagi itong nakikipagtalo sa kanyang Itay. Walang nagawa ang kanyang Itay—kinailangan niyang ibalik si Wenya sa bahay ng kanyang Ina, ngunit nakatuon ang kanyang Ina sa pamamahala sa kanyang negosyo at wala siyang panahon para alagaan si Wenya, kung kaya madalas siyang nagpalipat-lipat sa bahay ng mga kamag-anak at kaibigan para maalagaan. Pagkatapos ng maraming taon na pinangangalagaan ng ibang tao, nakaramdam ng lungkot si Wenya at kawalan ng pag-asa, at pinananabikan ang init ng isang tahanan. Nakabalik lamang siya sa piling ng kanyang Itay noong nagdiborsyo ang kanyang Itay at madrasta at magmula noon nagkaroon na siya ng tahanan, sa hirap o ginhawa. Nang lumaki si Wenya, siya ay naging napaka-ingat at masunurin, at nag-aral nang mabuti. Ngunit noong siya’y nagsisikap pa lamang sa paghahanda para sa eksamen para sa pagpasok sa kolehiyo, dumating sa kanya ang mga kasawian: nagkaroon ng pagdurugo sa utak ang kanyang ina at naging paralisado at naratay. Inabandona ng kanyang madrasto ang kanyang ina at kinamkam pa ang lahat ng kanyang ari-arian, at pagkatapos, ang kanyang itay ay naospital dahil sa kanser sa atay…. Hindi makayanan ni Wenya ang lahat ng responsibilidad sa kanyang pamilya, kaya dumulog siya sa mga kamag-anak at kaibigan, ngunit tinanggihan siya. … Noong panahong nagdurusa si Wenya at wala nang matakbuhan, dalawang kapatid mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang tumestigo kay Wenya, sa kanyang ina at kapatid sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Naunawaan nila ang ugat ng paghihirap sa buhay ng mga tao mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at naunawaan na matatamo lamang ng mga tao ang proteksyon ng Diyos at mabubuhay nang maligaya kapag sila ay humarap sa Diyos. Tanging sa pamamagitan ng kaginhawahan mula sa mga salita ng Diyos nagawa ng ina at dalawang magkapatid na makalaya mula sa kanilang pagdurusa at kawalan ng pag-asa. Tunay na naranasan ni Wenya ang pagmamahal at pagkamaawain ng Diyos; sa wakas naramdaman niya ang init ng isang tahanan, at nagkaroon ng totoong tahanan. …
Rekomendasyon:Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Mar 18, 2018

Salita ng Diyos | Ang Ikatatlumpu’t isang Pagbigkas


Ang Ikatatlumpu’t isang Pagbigkas

    Hindi Ako kailanman nagkaroon ng lugar sa puso ng mga tao. Kapag tunay Akong naghahanap sa mga tao, ipinipikit nila ang kanilang mga mata at isinasawalang-bahala ang Aking mga kilos, na para bang ang lahat ng Aking ginagawa ay isang pagtatangka upang bigyan-kasiyahan sila, na ang resulta ay palagi silang nasusuya sa Aking mga gawa. Para bang nagkukulang Ako ng anumang pagkakilala sa sarili: palagi Kong ipinapakita ang Aking sarili sa tao, na nagdudulot ng pagsiklab ng galit sa tao, na siyang “matuwid at tama.” Ngunit sa ilalim ng mga nasabing masasamang kundisyon, nagtitiis Ako, at nagpapatuloy ng Aking gawa. Kung gayon, masasabi Kong natitikman Ko ang matamis, maasim, mapait, at mga maanghang na mga lasa ng karanasan ng tao, na sa kabila ng hangin at ulan, nararanasan Ko ang pag-uusig ng “pamilya,” nararanasan ang mga tagumpay at kabiguan, at nararanasan ang sakit ng pagkakahiwalay sa katawan. Ngunit, noong dumating Ako sa lupa, sa halip na tanggapin Ako dahil sa pasakit na dinanas Ko para sa kanila, “magalang na tinanggihan” ng mga tao ang Aking mabubuting mga layunin. Paanong hindi Ako masasaktan nito? Paanong hindi Ako malulungkot? Maaari ba na nagkatawang-tao Ako para rito upang magtapos nang ganito ang lahat? Bakit hindi Ako mahal ng tao? Bakit nasusuklian ng galit ng tao ang Aking pagmamahal? Maaari bang nararapat lamang Akong magdusa sa ganitong paraan? Nagbubuhos na ng mga luha ng simpatiya ang mga tao dahil sa aking paghihirap sa mundo, at idinadaing ang kawalang-hustisya ng Aking “kasawian.” Ngunit sino ang kailanman tunay na nakakaalam sa Aking puso? Sino ang kailanma’y kayang maramdaman ang Aking mga damdamin? Minsan nang nagkaroon ang tao ng malalim na pagmamahal sa Akin, at minsang nanabik sa Akin sa kanyang mga pangarap—ngunit paano mauunawaan ng mga tao sa mundo ang Aking kalooban sa langit? Kahit na minsan nang naramdaman ng mga tao ang Aking mga damdamin ng paghihirap, sino ang kailanman nagkaroon ng simpatiya para sa Aking mga pagdadalamhati bilang isang kapwang nagdurusa? Maari kayang ang konsiyensiya ng mga tao sa mundo ay maantig at mabago ang Aking nagdadalamhating puso? Wala bang kakayahan ang mga tao sa mundo na sabihin sa Akin ang hindi masabing paghihirap ng kanilang puso? Minsan nang dumepende sa isa’t isa ang mga espiritu at ang Banal na Espiritu, ngunit dahil sa mga hadlang ng laman, “nawalan ng kontrol” ang mga isip ng mga tao. Minsan Ko nang pinaalalahanan ang mga tao na humarap sa Akin—ngunit hindi nagdulot sa mga tao ang Aking mga panawagan upang tuparin ang Aking hiniling; tumingin lamang sila sa langit, puno ng luha ang mga mata, na para bang nagdala sila ng hindi masabing paghihirap, na para bang may isang bagay na humaharang sa kanilang daan. Kaya naman, mahigpit nilang hinawakan ang kanilang mga kamay at yumuko sa ilalim ng kalangitan sa pamamanhikan sa Akin. Dahil maawain Ako, ibinibigay Ko ang Aking mga biyaya sa mga tao, at sa isang kisapmata, dumarating ang sandali ng Aking pagdating sa tao—ngunit nakalimutan na mula pa noon ng tao ang kanyang sumpa sa Langit. Hindi ba ito ang talagang hindi pagsunod ng tao? Bakit palaging nagdurusa ang tao mula sa “amnesya”? Sinaksak Ko ba siya? Pinatay Ko ba ang Kanyang katawan? Sinasabi Ko sa tao ang mga nararamdaman Ko sa Aking puso, at bakit niya Ako laging iniiwasan? Sa mga “alaala” ng mga tao, ito ay para bang mayroong nawala sa kanila at hindi ito makita kahit saan, ngunit gayundin na para bang may mali sa kanilang mga alaala. Kung gayon, sa kanilang buhay, palaging nagdurusa ang mga tao sa pagkamalilimutin, at ang mga araw ng mga buhay ng lahat ng sangkatauhan ay nasa kaguluhan. Ngunit walang sinuman ang nangangasiwa nito, walang ginagawa ang mga tao kung hindi yurakan ang isa’t isa, at patayin ang isa’t isa, na siyang humantong sa estado ng nakakapinsalang pagkatalo ngayon, at dinulutan ang lahat ng nasa ilalim ng sansinukob na bumagsak sa maruming tubig at putik, na walang anumang pagkakataon ng kaligtasan.

Latest Tagalog Christian Worship Songs 2018 | Ang Tunay na Pag ibig ng Diyos


Latest Tagalog Christian Worship Songs 2018 | Ang Tunay na Pag ibig ng Diyos

I
Ngayon ako’y muling humaharap sa aking Diyos. Puso ko’y mangungusap pag makita ang mukha Niyang kalugod-lugod. Iniwan ko na ang halaghag na nakaraan. Biyaya Niyang Salita’y pinupuno ako ng kalugura’t kaligayahan. Mahabaging salita ng Diyos ang kumandili’t dumilig sa’king pagsibol. Kanyang mahigpit na Salita ang nagpalakas sa’kin upang muling bumangon. Diyos, kami ngayo’y umaawit sa Iyo nang dahil sa’Yong pagpapala. Kami ngayo’y nagpupuri sa’Yo sapagkat kami’y iyong inangat. Makapangyarihang tunay na Diyos na umibig sa amin! Iniibig Ka namin! O Diyos! Talagang iniibig ka namin!

Mar 17, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikasiyam na Pagbigkas


Ang Ikasiyam na Pagbigkas

    Dahil ikaw ay isa sa mga kasapi ng Aking sambahayan, at dahil ikaw ay tapat sa Aking kaharian, marapat lamang na lahat ng iyong gagawin ay umayon sa mga pamantayan na aking inaatas. Hindi ko hinihingi sa’yo na maging higit ka pa sa isang lumilipad na ulap, bagkus ikaw ay maging makislap na niyebe, at nag-aangkin ng sangkap at, higit sa lahat, ng halaga nito. Dahil Ako ay nagmula sa banal na lupain, hindi gaya ng isang lotus, na mayroon lamang pangalan at walang halaga dahil ito ay nanggaling mula sa putikan at hindi sa banal na lupain. Ang panahon na ang isang bagong kalangitan ay papanaog sa ibabaw ng daigdig at ang isang bagong mundo ay lumaganap sa ibabaw ng mga kalangitan ay siya ring panahon na Ako ay pormal na gumawa kasama ng mga tao. Sino sa sangkatauhan ang nakakakilala sa Akin? Sino ang naroon noong panahon ng Aking pagdating? Sino ang nakasaksi na Ako ay hindi lamang nagtataglay ng isang Pangalan, ngunit, bukod pa rito, na Ako rin ay nagtataglay ng pag-aari? Hinawi Ko ang mga puting ulap gamit ang Aking kamay at pinagmasdan nang mabuti ang kalangitan; sa kalawakan, walang bagay ang hindi gawa ng Aking kamay, at sa ilalim ng kalawakan, walang sinuman ang hindi nag-aambag ng kanyang munting pagsisikap para sa katuparan ng Aking dakilang panukala. Hindi ako nagsasagawa ng mga mabibigat na utos sa mga tao sa mundo, dahil Ako ay naging isang praktikal na Diyos, at dahil Ako ang Makapangyarihan sa lahat na lumikha ng tao at nakakikilala nang lubos sa kanya. Ang lahat ng tao ay haharap sa mga mata ng Makapangyarihan sa lahat. Paano kung ang mga naroon sa mga pinakamalalayong sulok ng mundo ay umiiwas sa pagsubok ng Aking Espiritu? Kahit na ang tao ay nakakikilala sa Aking Espiritu, siya rin ay nagkakasala laban dito. Ang Aking mga salita’y hinuhubaran ang masamang imahe ng lahat ng tao, at hinuhubaran ang mga pinakamalalim na saloobin ng sangkatauhan, at nagdudulot sa buong mundo na maging payak dala ng Aking liwanag at sumailalim sa Aking pagsubok. Ngunit kahit ang tao ay nagkakasala, ang kanyang puso ay hindi nangangahas na lumayo sa Akin. Sa mga nilalang, sino ang hindi iibig sa Akin dahil sa Aking mga gawain? Sino ang hindi Ako masusumpungan bilang bunga ng Aking mga salita? Sino ang hindi ipinanganak nang walang pagmamahal buhat sa Aking pag-ibig? Hindi lang dahil sa katiwalian ni Satanas na ang tao ay hindi kayang makaabot sa Aking kaharian bilang Aking pag-uutos. Kahit na ang mga pinakamabababaw na utos ay nagdudulot ng pangamba sa kanya, para hindi magwika ng tungkol sa ngayon, ang panahon kung saan si Satanas ay nagpapasimula ng kaguluhan at siya ay lubhang nagpapakahari, o noong panahong iyon na ang tao ay nayurakan ni Satanas na ang kanyang buong katawan ay napalibutan ng karumihan. Kailan ba na ang pagkabigo ng tao na magbalik-loob sa Akin bilang bunga ng kanyang kasamaan ay hindi nagdulot sa Akin ng kalungkutan? Maaari Ko bang kaawaan si Satanas? Maaari bang nagkakamali lang Ako sa Aking pag-ibig? Kapag ang tao ay hindi sumusunod sa Akin, ang Aking puso ay lihim na tumatangis; kapag ang tao ay tumututol sa Akin, siya ay Aking kakastiguhin; kapag ang tao ay Aking iniligtas at nabuhay mula sa kamatayan, siya ay binibigyan Ko ng lubos na pag-aalaga; kapag ang tao ay sumusunod sa Akin, ang Aking puso ay payapa at agad Akong nakakaramdam ng malalaking pagbabago sa lahat ng bagay sa langit at lupa; kapag pinupuri Ako ng tao, paanong hindi Ko iyon magugustuhan? Kapag ang tao ay sinasaksihan Ako sumasamo sa Akin, paanong hindi Ako maluluwalhatian? Maaari ba na ang sangkatauhan ay hindi Ko nasasakop at natutustusan? Kapag Ako ay hindi nagbigay ng tamang direksyon, ang mga tao ay tamad at hindi natitinag, at, sa Aking likuran, sila ay nakikiisa sa mga masamang gawain. Sa tingin mo ba ang katawang-tao, na siyang Aking ibinabalot sa Sarili Ko, ay hindi nakakaalam ng iyong mga gawa, iyong ugali, at iyong mga salita? Tiniis Ko nang maraming taon ang hangin at ulan, at naranasan Ko rin ang kapaitan ng mundo ng mga tao, ngunit sa pamamagitan ng masusing pagninilay, walang kabuuang halaga ng paghihirap ang maaaring makagawa sa makalamang katawang-tao na mawalan ng tiwala sa Akin, di hamak na maaaring ang kahit anong kabutihan ay magdulot sa katawang-tao na maging malayo, matamlay, o hindi masunurin sa Akin. Ang pag-ibig ba ng tao para sa Akin ay limitado lamang sa alinman sa walang hirap o walang sarap?