菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na buhay na walang hanggan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na buhay na walang hanggan. Ipakita ang lahat ng mga post

Mar 19, 2018

Basagin Ang Sumpa (1) | Paano Natin Masasalubong ang Pagbabalik ng Panginoon?


Basagin Ang Sumpa (1) | Paano Natin Masasalubong ang Pagbabalik ng Panginoon?


Lumitaw na ang apat na kulay dugong buwan. Nangangahulugan ito na sasapit na sa atin ang mga malalaking sakuna, tulad ng napropesiya sa libro ni Joel, "At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos ko sa mga araw na yaon ang aking Espiritu. At ako'y magpapakita ng mga kababalaghan sa langit at sa lupa, dugo, at apoy, at mga haliging usok. Ang araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay dugo, bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ni Jehova" (Joel 2:29-31).

Dis 27, 2017

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Diyos Lamang ang May Landas ng Buhay


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Diyos Lamang ang May Landas ng Buhay

Panimula

Diyos Lamang ang May Landas ng Buhay
I
Ang landas ng buhay ay bagay na di-taglay ng sinuman;
bagay na di madaling kunin ng kahit na sino.
Dahil buhay ay sa Diyos lang nagmumula,
Diyos lang ang may diwa ng buhay,
Diyos lang ang may landas ng buhay.
Kaya Diyos lang pinagmumulan ng buhay,
at ang laging dumadaloy na bukal ng buhay na tubig ng buhay.
Mula sa paglikha ng mundo, maraming gawaing nagawa ang Diyos
na kasama ang sigla, na nagbibigay ng buhay sa tao;
Nagbayad Siya nang mahal upang tao’y makatamo ng buhay.
Dahil ang Diyos Mismo ang walang hanggang buhay;
Siya ang daan upang tao’y muling mabuhay.

Dis 6, 2017

Si Kristo ng Huling Mga Araw ay Naghahatid ng Landas ng Walang-Hanggang Buhay

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Si Kristo ng Huling Mga Araw ay Naghahatid ng Landas ng Walang-Hanggang Buhay

I
Ang Diyos mismo ay buhay at katotohanan,
at ang buhay Nya’t katotohanan magkaugnay.
Pag di nakamtan katotohanan N’ya, walang buhay.
Kung walang gabay at tulong ng Kanyang katotohanan,
mga titik at pangaral lamang ang sa tao’y naiwan,
tao’y naiwan sa kamatayan.
Ang buhay at katotohanan ng Diyos magkaugnay
at laging nariyan.
Kung di mo batid bukal ng katotohanan,
tustos ng buhay di nakakamtan.
Si Kristo ng mga huling araw dala’y buhay
taglay ang katotohanang nananatili’t walang-hanggan.
Katotohanang dapat tahakin ng tao upang buhay ay kamtan.
Tanging daan sa pagkilala sa Diyos
at sa Kanyang pagsang-ayon.