菜單

Mar 16, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Gawain ng Katawang-tao at ng Espiritu ay may parehong Diwa


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Gawain ng Katawang-tao at ng Espiritu ay may parehong Diwa

I
Ang Espiritu ng Diyos ay may awtoridad sa bawat bagay. Kanyang katawang-tao kasama ang diwa Niya, ang kapangyarihan ay pareho pa rin. Maari pa ring isagawa ng nagkatawang-taong Diyos ang marami Niyang gawain. Ginagawa lamang Niya ang kalooban ng Kanyang Ama. At ang Diyos ay Espiritu, maaari N’yang iligtas lahat ng sangkatauhan, at gayon din ang Diyos sa katawang-tao. Ginagawa ng Diyos ang Kanyang sariling gawain. Ito ay isang bagay na hindi kailanman maaaring pinangarap o nakamit ng sinumang tao. Ang Diyos ay, Siya ang awtoridad, ngunit ang Kanyang katawang-tao ay maaaring magpasakop dito. Ito ang tunay na kahulugan ng “sinusunod ni Kristo ang kalooban ng Ama.”

Mar 15, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Walang Makakagawa ng Gawain ng Diyos sa Lugar Niya


Walang Makakagawa ng Gawain ng Diyos sa Lugar Niya

I
Gawain ng Diyos ginagawa N’ya Mismo. Siya ang nagsisimula’t nagtatapos ng gawain. S’ya’ng nagpaplano ng gawain. S’ya’ng namamahala’t nagdadala ng gawain sa katuparan. Saad sa Biblia, “Diyos ang Pasimula at ang Katapusan; Diyos ang Tagahasik at Tagaani rin.” “Diyos, ang Pasimula’t Katapusan; Diyos ang Tagahasik at Tagaani rin, ang Tagaani rin.” Lahat na ugnay sa gawang pamamahala ay gawa ng kamay N’ya, gawa Niya.

Mar 14, 2018

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Bakit Ba Ako Lumakad sa Landas ng mga Fariseo?

Bakit Ba Ako Lumakad sa Landas ng mga Fariseo?

Suxing    Lalawigan ng Shanxi
    Ako ay taong arogante at masyadong bilib sa sarili at ang katungkulan ay ang aking kahinaan. Sa loob ng maraming taon, nakatali ako sa reputasyon at katungkulan at hindi ko nagawang makalaya mula dito. Paulit-ulit akong naitaas at napalitan; nagkaroon ako ng maraming kabiguan sa aking katungkulan at mga problema sa pagdaan ng panahon. Pagkatapos ng maraming taon na ako ay pinakitunguhan at nagawang pino, naramdaman ko na hindi ko sineseryoso ang aking katungkulan. Ayaw kong maging kaparis ng aking nakaraan na inisip na hangga’t ako ay isang pinuno, maaari akong gawing perpekto ng Diyos at kung hindi ako pinuno, wala akong pag-asa. Naunawaan ko na kahit ano pa ang tungkulin na aking tinutupad, kinakailangan ko lamang hanapin ang katotohanan at ako ay gagawing perpekto ng Diyos; ang paghahangad sa reputasyon at katungkulan ay paraan ng anticristo. Ngayon, pakiramdamn ko’y kahit ano pang tungkulin ang aking tinutupad, matatanggap ko ang hindi magkaroon ng katungkulan. Batas ng langit at lupa na ang nilikha ay tumutupad sa kanyang papel. Kahit saan ka pa nailagay, dapat mong tanggapin ang mga kaayusang ginawa ng Diyos. Kapag ang katiwalian ng pagiging tanyag at katungkulan ay nailantad, ito ay malulunasan sa pamamgitan ng paghahanap sa katotohanan. Kahit ano pa ang aking makaharap habang tinutupad ko ang aking tungkulin, basta nauunawaan ko ang katotohanan, nakahanda akong bayaran ang kapalit. Sa dahilang ito, akala ko na nakapaglakad na ako sa landas ng paghahanap sa katotohanan. Akala ko nabawi ko na ang katauhan at katwiran. Sinusuri ng Diyos ang puso at sinisiyasat ang isip. Alam Niya na hindi ako malinis sa aking paghahanap sa katotohanan, at na hindi ako tunay na naglalakad sa landas ng paghahanap sa katotohanan. Alam ng Diyos kung anong paraan ang gagamitin para ako ay linisin at mailigtas.

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Alam Mo Ba ang Pinagmumulan ng Buhay na Walang Hanggan?


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Alam Mo Ba ang Pinagmumulan ng Buhay na Walang Hanggan?

I
Diyos ang pinagmumulan ng buhay ng tao; langit at mundo’y nabubuhay sa Kanyang kapangyarihan. Walang nabubuhay ang makakapalaya sa sarili mula sa utos at awtoridad ng Diyos. Di na mahalaga kung sino ka, lahat ay dapat sumunod sa Diyos, magpaubaya sa Kanyang dominyon, kontrol at mga kautusan! Siguro ikaw ay sabik na mahanap ang buhay at katotohonan, hanapin ang Diyos na iyong mapagkakatiwalaan upang matanggap ang buhay na walang hanggan.

Mar 13, 2018

Tagalog na Cristianong Kanta | Ang Kaharian ni Cristo ay Natatanto sa mga Tao


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog na Cristianong Kanta | Ang Kaharian ni Cristo ay Natatanto sa mga Tao

I
Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao ang nagpapakita sa mga huling araw sa Silangan, tulad ng matuwid na araw na sumisilay; nakita ng sangkatauhang lumitaw ang tunay na liwanag. Ang matuwid at marilag, mapagmahal at maawaing Diyos mapagkumbabang nagkakanlong sa mga tao, naghahayag ng katotohanan, nagsasalita at gumagawa. Kaharap natin ang Makapangyarihang Diyos. Ang Diyos na ikinauhaw mo, ang Diyos na hinintay ko, nagpapakita sa atin ngayon sa totoo. Hinanap natin ang katotohanan, hinangad natin ang pagkamatuwid; dumating ang katotohanan at pagkamatuwid sa mga tao. Mahal mo ang Diyos, mahal ko ang Diyos; ang sangkatauhan ay umaapaw sa panibagong pag-asa. Sumusunod ang mga tao, sumasamba ang mga bansa sa totoong Diyos na nagkatawang-tao.

Hong Kong’s Ta Kung Pao Attacks and Defames The Church of Almighty God—What Does This Portend?


Hong Kong’s Ta Kung Pao Attacks and Defames The Church of Almighty God—What Does This Portend?

November 2017, a series of incendiary reports came out of Hong Kong. Ta Kung Pao and Wen Wei Po, both pro-CCP leftist newspapers, published a media onslaught of 17 articles in a frenzied attempt to discredit The Church of Almighty God, a legally registered religious entity in Hong Kong. This kind of media attention occurring in mainland China under the dictatorship of the CCP would not be cause for comment. However, this occurred within the democracy of Hong Kong, supposedly under “one country, two systems.” This is truly cause for concern. The freedom of religion is a basic human right protected by international human rights conventions. All democracies around the world acknowledge the freedom of religion, and all citizens in democratic nations strongly uphold this freedom, but this occurrence in the Hong Kong Special Administrative Region does not bode well. If the Hong Kong branch of The Church of Almighty God also suffers the CCP’s persecution, will Hong Kong’s other religious groups be able to avoid this fate? How far do freedom and democracy really go in Hong Kong?
Recommendation:Understanding the Eastern Lightning
The Return of the Lord Jesus

Mar 11, 2018

Napakahalaga na Sundin ang Gawa ng Banal na Espiritu!

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Napakahalaga na Sundin ang Gawa ng Banal na Espiritu!Xiaowei    Lungsod ng Shanghai

  Ilang panahon na ang nakaraan, kahit na lagi akong nakakatanggap ng ilang mga inspirasyon at pakinabang kapag ang kapatid na siyang nakisama sa akin ay nagbahagi ng pagliliwanag na kanyang nakuha habang kumakain at umiinom ng salita ng Diyos, lagi rin akong nagkakaroon ng hindi maalis-alis na pakiramdam na siya’y nagyayabang. Iniisip ko sa sarili ko, “Kung sasagot ako sa kanya ngayon, hindi ko ba siya binubuyo? Sa ganoong diwa, hindi ba ako magmumukhang mas mababa sa kanya?” Bilang resulta, tumanggi ako na ilabas ang aking sariling mga pananaw sa usapan o magkomento sa anumang mga kaisipan na kanyang ibinahagi. Minsan, ang aking kapatid, ay nakakuha ng ilang mga kabatiran mula sa pagkain at pag-inom ng isang partikular na sipi ng salita ng Diyos, at nakaramdam na para bang may mali sa aming sitwasyon at tinanong ako kung payag ba akong pag-usapan kasama siya iyong sipi ng salita ng Diyos. Sa sandaling nagtanong siya, ang lahat ng mga saloobin at pakiramdam na ito ng hinanakit ay lumutang sa ibabaw: “Gusto mo lang magpatotoo sa iyong sarili, para magkaroon ng makikinig para pangaralan. Bakit ako dapat makipag-usap sa iyo?” Umabot pa ako sa punto na hindi ako dumalo ng pulong para lang hindi ko siya mapakinggan. Maya-maya, nakaramdam ako ng kabigatan sa aking puso, alam ko na may mali sa aking sitwasyon, ngunit hindi ako makapag-isip ng magandang paraan para malutas ang aking sariling panloob na sigalot. Ang tanging magagawa ko ay ituon nang todo ang aking sarili sa aking mga sariling tungkulin, kumain at uminom ng salita ng Diyos, at kumanta ng mga himno para ilihis ang aking sarili mula sa mga negatibong pakiramdam na ito. Gayun pa man, kapag kailangan kong harapin ang kasalukuyang sitwasyon, ang parehong katiwalian ay umuusbong sa aking puso—lumalala ang mga bagay, hindi bumubuti—wala akong ideya kung ano ang gagawin tungkol dito.