菜單

Mar 14, 2018

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Bakit Ba Ako Lumakad sa Landas ng mga Fariseo?

Bakit Ba Ako Lumakad sa Landas ng mga Fariseo?

Suxing    Lalawigan ng Shanxi
    Ako ay taong arogante at masyadong bilib sa sarili at ang katungkulan ay ang aking kahinaan. Sa loob ng maraming taon, nakatali ako sa reputasyon at katungkulan at hindi ko nagawang makalaya mula dito. Paulit-ulit akong naitaas at napalitan; nagkaroon ako ng maraming kabiguan sa aking katungkulan at mga problema sa pagdaan ng panahon. Pagkatapos ng maraming taon na ako ay pinakitunguhan at nagawang pino, naramdaman ko na hindi ko sineseryoso ang aking katungkulan. Ayaw kong maging kaparis ng aking nakaraan na inisip na hangga’t ako ay isang pinuno, maaari akong gawing perpekto ng Diyos at kung hindi ako pinuno, wala akong pag-asa. Naunawaan ko na kahit ano pa ang tungkulin na aking tinutupad, kinakailangan ko lamang hanapin ang katotohanan at ako ay gagawing perpekto ng Diyos; ang paghahangad sa reputasyon at katungkulan ay paraan ng anticristo. Ngayon, pakiramdamn ko’y kahit ano pang tungkulin ang aking tinutupad, matatanggap ko ang hindi magkaroon ng katungkulan. Batas ng langit at lupa na ang nilikha ay tumutupad sa kanyang papel. Kahit saan ka pa nailagay, dapat mong tanggapin ang mga kaayusang ginawa ng Diyos. Kapag ang katiwalian ng pagiging tanyag at katungkulan ay nailantad, ito ay malulunasan sa pamamgitan ng paghahanap sa katotohanan. Kahit ano pa ang aking makaharap habang tinutupad ko ang aking tungkulin, basta nauunawaan ko ang katotohanan, nakahanda akong bayaran ang kapalit. Sa dahilang ito, akala ko na nakapaglakad na ako sa landas ng paghahanap sa katotohanan. Akala ko nabawi ko na ang katauhan at katwiran. Sinusuri ng Diyos ang puso at sinisiyasat ang isip. Alam Niya na hindi ako malinis sa aking paghahanap sa katotohanan, at na hindi ako tunay na naglalakad sa landas ng paghahanap sa katotohanan. Alam ng Diyos kung anong paraan ang gagamitin para ako ay linisin at mailigtas.

    Sa katapusan ng Hunyo 2013, napalitan ang pinuno dito. Pagkatapos, pinili ako ng mga kapatid para maging bagong pinuno. Hinayaan ako ng pamilya ng Diyos na bumangon at gawin ang gawain. Noong narinig ko na gagampanan ko ang ganoong napakalaking responsibilidad, naramdaman ko na hindi ko taglay ang realidad ng katotohanan at na hindi ko makakaya ang gawain. Napakalaki ng saklaw nito at napakaraming mga kapatid. Paano ko sila pamumunuan? Napakaraming napalitang mga taong nagtataglay ng mas maraming panloob na katangian kaysa sa akin. Paano ako magiging mas mabuti? Hindi kaya ito maglalantad sa akin? Hindi ako nakahanda na dumanas ng mga ginhawa at paghihirap. Basta’t natutupad ko ang aking mga tungkulin, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya saanman ang kinakailangang gawain. Kung kaya tumanggi ako kaagad. “Hindi, wala akong kakayahan para sa gawaing ito. …” Nasabi ko ang lahat ng uri ng mga katwiran at mga dahilan. Lubos kong pinaniwalaan na ako ay may katwiran sa ginawa kong ito at na ito ang katotohanan. Paglaon, nabatid ko sa pamamagitan ng pagbabahagi ng aking mga kapatid na taglay ko ang lason ng malaking pulang dragon sa aking kalooban; ito ay, “Habang mas mataas ang iyong naaakyat, mas matindi ang iyong pagkahulog” at “Habang mas mataas ang iyong naaakyat, mas lalong lumalamig.” Hindi ko gustong mapahirapan ulit ng katungkulan. Kahit na sa pangangatwiran alam ko na ang dahilan kung bakit ang mga tao ay natatanggal ay dahil hindi nila hinanap ang katotohanan at ang kanilang mga kalikasan ay napakasama at ginawa nila ang lahat ng mga uri ng kasamaan; subalit, sa likod ng aking isip, naniwala ako na kung hindi ako isang dakilang pinuno, kung gayon, wala nang mga pagkakataon para makagawa ng masama; ito ay proteksyon para sa aking sarili. Pagkatapos naisip ko, ang kasalukuyan kong pamilya ay wala na, ang mga pag-asa sa aking hinaharap ay wala na, at ako ay tinutugis ng malaking pulang dragon. Kung ako ay maging isang dakilang pinuno, at sa huli, masasaktan ko ang disposisyon ng Diyos at mapatalsik dahil hindi ko taglay ang katotohanan, kung gayon, hindi ako talaga makapagpapatuloy na mabuhay. Dahil nakatali ako sa mga pananaw at lason na ito, nabuhay ako sa kadiliman at pagdurusa. Sa aking paghihirap, napilitan akong tumawag sa Diyos: “O Diyos ko, sa pagharap ko sa responsibilidad na ito, alam ko na ako ay Iyong pinarangalan. Alam ko na ang pagtanggi ko sa responsibilidad na ito ay pagtaksil sa Diyos at hindi ako mangangahas na gawin ito. Natatakot ako na manawagan sa matinding galit ng Diyos. Ngunit sa ngayon, nabubuhay akong nakatali sa lason ni Satanas at hindi ko magawang makawala dito. Lubos akong natatakot sa pagpapasan sa malaking responsibilidad na ito, natatakot ako na ang aking kalikasan ay mapanganib, na hindi ko taglay ang katotohanan at na ako ay mapaparusahan sa paggawa ng malaking kasamaan. O Diyos ko, ako ay nasasaktan at lalong nalilito. Hindi ko alam kung ano ang kaligtasan o kung paano sumuko sa Diyos. Hinihingi ko sa Iyo Diyos ko na tulungan mo ako at iligtas ako.” Sa aking pagdarasal, binigyan ako ng Diyos ng pagliliwanag sa mga salitang “Paano Makilala ang Diyos na nasa Lupa”: “At ang kaalaman ninyo sa Akin ay higit pang malayo kaysa di lang pagkakaunawaan, higit pa rito, nariyan ang inyong paglapastangan laban sa Espiritu ng Diyos at panlalait sa langit. Kayat sinasabi Ko sa inyo na ang ganitong uri ng pananampalataya ang magiging sanhi ng inyong lalo pang paglayo sa Akin at mas higit pang pagsalungat laban sa Akin. Sa paglipas nang maraming taong paggawa, marami nang katotohanan ang inyong nakita, subalit alam ba ninyo kung ano ang narinig ng Aking mga tainga? Ilan sa inyo ang handang tanggapin ang katotohanan? Naniniwala kayong lahat na handa kayong bayaran ang halaga para sa katotohanan, ngunit ilan na ba ang totoong nagdusa dahil sa katotohanan? Ang lahat nang nasa inyong mga puso ay kasamaan, kaya pinaniniwalaan ninyo na ang bawat isa, kahit sino, ay tuso at manloloko.” Ang mapanghatol na mga salita ng Diyos ay parang nakakabinging kulog, na naging dahilan para ang aking pagkalito at paghihirap ay maging takot at panginginig. Lalo na, “paglapastangan laban sa Espiritu,” “panlalait sa langit,” at “Ang lahat nang nasa inyong mga puso ay kasamaan,” ang mga salitang ito ay parang tabak na tumagos sa aking puso, ipinaparamdam sa akin ang pagkamatuwid, kadakilaan, at matinding galit ng disposisyon ng Diyos. Nakita ko na ang aking kasalukuyang sitwasyon ay tunay na tumututol sa Diyos at nilalapastangan ang Diyos at na ito ay nakapalubha! Dahil dito ang aking rebeldeng puso ay nagbago at humandusay ako sa harapan ng Diyos para sumuko sa Kanya. Sinuri ko kung ano ang nailantad tungkol sa aking sarili. Hindi ko alam kung ilang beses kong naranasan ang paghahatol at pagkastigo ng Diyos sa paglipas ng mga taon, ngunit hindi lang sa hindi ko kilala ang Diyos, sa katunayan ay mali ang pagkaunawa ko sa Kanya at maingat sa Kanya, na nagpalala dito. Sinisi ko ang Diyos sa lahat ng hindi makatarungan na parang ang gawain ng Diyos ay malaking abala para sa tao. Pagkatapos ng maraming taon ng pagdanas sa gawain ng Diyos, ang aking relasyon sa Diyos ay hindi naging mas malapit o regular; sa halip, lalo akong humiwalay at naging malayo sa Diyos. Nagkaroon ng malaking siwang sa pagitan namin ng Diyos at hindi ko ito magawang tawirin. Ito ba ang aking nakamtan pagkatapos ng lahat ng mga taong ito? Sa oras na ito, nabatid ko na ang aking makasarili at kalunos-lunos na kalikasan ay itinutulak ako na talikuran ang aking konsensya. Nakalimutan ko ang ibinuwis ng Diyos para sa akin; nakalimutan ko ang Kanyang pagliligtas at pagpapalago sa akin. Sa oras na ito, nagdasal ulit ako sa Diyos: “O Diyos ko, hindi na ako mabubuhay sa lason ni satanas, hindi ko na sasakatan ulit ang Iyong puso. Nakahanda akong tanggapin ang paghahatol at pagkastigo ng Diyos at talikuran ang aking maling mga pananaw.” Pagkatapos nito, binasa ko ang sermon na inilabas noong Hunyo 15, 2013 mula sa itaas: “Ang lahat ng hindi nagmamahal sa Diyos ay nasa landas ng anticristo at tuluyang maibubunyag at maaalis. Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang pagligtas at paggawang perpekto sa mga tao at bawat masamang tao na hindi maililigtas ay maibubunyag at maaalis. Samakatuwid, bawat tao ay susunod sa kanyang kauri. Bakit nakaparaming tao ang nailalantad na gumagawa ng masama gamit ang kanilang katungkulan at kapangyarihan? Hindi dahil ang kanilang katungkulan ay nakakasakit sa kanila. Ang pangunahing problema ay ang diwa ng kalikasan ng tao. Ang katungkulan ay tiyak na magbubunyag sa mga tao, ngunit kung ang taong may mabuting puso ay may mataas na katungkulan, kung gayon, hindi sila gagawa ng iba’t-ibang gawain na masama. Ang ilang tao na walang katungkulan ay hindi gagawa ng masama. Sa panlabas na anyo, mukha silang mabubuting tao, ngunit kung magkaroon sila ng katungkulan, gagawa sila ng lahat ng uri ng kasamaan.” (“Kailangan Ninyong Maranasang Pumasok sa Realidad ng Katotohanan ng Salita ng Diyos Upang Makamit ang Pagpeperpekto ng Diyos” sa Ang Pangangaral at Pagbabahagi ng Itaas). Sa pamamagitan ng pagbabahaging ito, nakita ko kung gaano kakatwa at katawatawa ang mga pananaw na nandito sa aking puso. Kung makakalakad man o hindi ang sinuman sa landas ng paghahanap sa katotohanan ay hindi nakabatay sa pagkakaroon o kawalan ng katungkulan, at hindi ang pagkakaroon ng katungkulan ang magpapahirap sa paglalakad sa landas ng paghahanap sa katotohanan. Ang susi ay nakasalalay sa kung ang kalikasan ng tao ay magiliw sa katotohanan o hindi at kung mahal ng tao ang Diyos o hindi. Akala ko na sa maraming taon kong “pagpigil sa aking sarili,” hindi ko sineryoso ang aking katungkulan at inisip ko na ako ay parang damo na hindi makuhang maging isang malaking puno at nakaya kong maging matapat sa paghahanap sa katotohanan at sa pagtupad sa aking mga tungkulin. Hindi na ako kagaya ng dati na nakakaramdam ng sakit, panghihina, pagkanegatibo at kasiraan ng loob kapag nakita ko ang pamilya ng Diyos na itinataguyod ang ibang tao sa halip na ako. Dahil sa mga paghahayag na ito, naniwala ako na ang aking disposisyon ay nagbago na nang kaunti at ako ay naglalakad na sa landas ni Pedro. Ngayon, sa liwanag ng mga katibayan at katotohanan, nakita ko nang malinaw ang aking mga tunay na kulay: Hindi ko talaga pinapakawalan ang aking katungkulan, kundi, ako ay naging mas matalino at tuso. Pagkatapos ng maraming beses na pakikitungo dito, hindi ko ibinibigay ang aking puso sa Diyos at matapat na hinahanap ang pagmamahal sa Diyos. Sa halip, pinag-iingatan ko ang aking sarili. Palagi kong pinagtutuunan sa aking isipan ang aking kapakanan sa hinaharap. Itinanim ko ang kakatwang pananaw sa aking puso na “Ang mga matataas na katungkulan ay hindi ligtas.” Paano ko ipinapakita ang pagmamahal sa Diyos at lumalakad sa landas ni Pedro?
    Tungkol sa aking maling mga pananaw, binasa ko ang prinsipyo 121, “Ang Prinsipyo ng Pagpapatibay sa Iyong mga Tungkulin at Katungkulan” pati na ang prinsipyo 155, “Ang Prinsipyo ng Paggugol para sa Diyos” sa “Ang Realidad ng Katotohanan na Dapat Ninyong Pasukin Upang Mapangasiwaan ang mga Bagay nang may Prinsipyo.” Kabilang sa mga prinsipyong ito ang mga salita sa dasal ni Pedro: “Alam Mo kung ano ang kaya kong gawin, at alam Mo pa kung anong papel ang maaari kong gampanan. Ang Iyong pagnanais ay aking gagawin at iaalay ko ang lahat na mayroon ako sa Iyo. Ikaw lamang ang nakaaalam kung ano ang makakaya kong gawin para sa Iyo. Bagaman labis akong nilinlang ni Satanas at nag-alsa ako laban sa Iyo, naniniwala akong hindi Mo tinatandaan ang mga pagkakasalang iyon, na hindi Mo ako tinatrato batay sa mga iyon. Ninanais kong ialay ang buong buhay ko sa Iyo. Wala akong hinihiling, at wala akong ibang mga inaasahan o mga plano; ninanais ko lamang na kumilos sang-ayon sa Iyong nilalayon at gawin ang Iyong kalooban. Iinom ako mula sa Iyong mapait na tasa, at ako ay Iyong pag-utusan.” Pati na rin ang: “Walang pagkakaugnay sa pagitan ng tungkulin ng tao at ng kung siya ay pinagpala o isinumpa. Ang tungkulin ay kung ano ang nararapat na tuparin ng tao; ito ang kanyang nakalaang tungkulin at hindi dapat umasa sa gantimpala, mga kalagayan, o mga kadahilanan. Ito lamang ang paggawa ng kanyang tungkulin. Ang taong pinagpala ay nagtatamasa ng kabutihan sa pagiging pineperpekto pagkatapos ng paghatol. Ang taong isinumpa ay tumatanggap ng kaparusahan kapag ang kanyang disposisyon ay nananatiling hindi nagbabago kasunod ng pagkastigo at paghatol, iyan ay, hindi pa siya nagagawang perpekto. Bilang isang taong nilalang, nararapat tuparin ng tao ang kanyang tungkulin, gawin ang nararapat niyang gawin, at gawin ang kaya niyang gawin, hindi alintana kung siya man ay pagpapalain o isusumpa. Ito ang pinakapangunahing kundisyon para sa tao, bilang isa na naghahanap sa Diyos. Hindi mo dapat gawin ang iyong tungkulin para lamang pagpalain, at hindi ka dapat tumangging kumilos dahil sa takot na maisumpa. Hayaan ninyong sabihin Ko sa inyo itong isang bagay: Kung kaya ng tao na gawin ang kanyang tungkulin, ito ay nangangahulugan na ginagampanan niya ang dapat niyang gawin. Kung hindi kaya ng tao na gawin ang kanyang tungkulin, ito ay napapakita ng pagiging-suwail ng tao.” Mula sa mga salita ng Diyos, makikita na hinangad ni Pedro na tunay na makayang mahalin ang Diyos sa kanyang buong buhay at sinunod niya ang mga kaayusan ng Diyos sa lahat ng bagay; hindi niya ginawa ang kanyang sariling mga kagustuhan o mga kahilingan. Kahit paano pa inayos ng Diyos ang mga bagay, palagi siyang sumusunod. Sa wakas, ginawa niya ang kanyang tungkulin bilang nilikha at ibinigay ang kanyang buhay sa Diyos at ang kanyang lubusang pagmamahal sa Kanya. Ang dahilan kung bakit nagtagumapay si Pedro sa kanyang paniniwala sa Diyos ay hindi dahil wala siyang mataas na katungkulan. Isa siyang apostol at binigyan siya ng Panginoong Jesus ng malaking kautusan ng pagpapastol sa mga iglesia. Ngunit hindi siya nagtatrabaho sa kanyang katungkulan bilang apostol, siya ay hindi tanyag at hindi kilala, siya ay masipag at matapat sa pagtupad sa kanyang mga tungkulin bilang isang nilikha, para lubusang mahalin ang Diyos at sumunod sa Kanya. Nakamit niya ang kasiyahan ng Diyos sa paggawa ng lahat ng kanyang makakaya sa pagtupad sa kanyang mga tungkulin. Ito ang sikreto ng kanyang tagumpay. Pagkatapos magkumpra sa dasal ni Pedro at sa paghahatol at pagkastigo ng salita ng Diyos, nakaramdam ako ng pagkahiya. Tinamaan ang puso ko ng salita ng Diyos at hinayaan akong makita na hindi ako sumusunod at ako ay lumalaban sa Diyos. Sa paniniwala sa Diyos, palagi ko pa ring pinanindigan ang aking sariling mga pag-asa at plano. Sa loob ng maraming taong ito, ako ay naging abalang nagmamadali sa paghahanap para sa huling hantungan, para sa aking mga kapakanan sa hinaharap, para sa katanyagan, kita at katungkulan. Kapag tinutupad ko lamang ang ilan sa aking mga tungkulin, sinubukan kong makipag-usap sa Diyos at hayaan ang Diyos na ibigay ang Kanyang pagsang-ayon dito para masigurado na ako ay maililigtas. Ang mga kahilingan ko sa Diyos na gawin ito para sa akin ay nagbubunyag sa kalikasan ni Satanas na nasa akin na masyadong makasarili, kalunos-lunos, at masama. Hindi ako nagkaroon ng kaunting antas ng katwiran at konsensya na dapat ay taglay ng isang nilikha. Hindi ako nagkaroon ng kaunting kalikasan ng tao! Tinanggihan ko ang kautusan dahil sa aking mapanlinlang na kalikasan. Tinanggihan ko ang tawag ng Diyos para mapag-ingatan ang aking sarili; sa kabaligtaran, ginamit ko ang kakatwang argumento at naghanap ng mga dahilan. Nagsalita ako nang may katwiran sa Diyos; tunay ngang ako ay kasabwat ni Satanas at puwersa na kaaway ng Diyos. Sa oras na ito, binasa ko ang salita ng Diyos, “Kung kaya ng tao na gawin ang kanyang tungkulin, ito ay nangangahulugan na ginagampanan niya ang dapat niyang gawin. Kung hindi kaya ng tao na gawin ang kanyang tungkulin, ito ay napapakita ng pagiging-suwail ng tao.” Nakadama ng malalim na paninisi ng sarili ang aking konsensya; nagbalik-tanaw ako kung paano na ang lahat ng mayroon ako ay ibinigay ng Diyos at anuman ang aking nagawa, anuman ang akin mararanasan, ay inayos lahat ng Diyos. Paulit-ulit ang paghahatol at pagkastigo ng Diyos sa akin para mapanumbalik ang aking katwiran at konsensya at maging dahilan para tunay kong matupad ang aking mga tungkulin bilang isang nilikha. Kahit paano pa hilingin sa akin ng Diyos, dapat ko sanang inialay ang aking sarili at sinuklian ang pagmamahal ng Diyos. Kung hindi, ito sana ay kataksilan at dapat akong maparusahan! Ang paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos sa wakas ay nagpabago sa aking mga maling ideya at ginising ang aking konsensya. Sa ngayon, ang tanong ay hindi kung ang kautusan ba ng Diyos ay inayos ng sinuman, ngunit sa halip ito ay ang Diyos na sumusubok sa landas na aking tinatahak sa loob ng maraming taong ito at kung ano ang aking hinanap sa loob ng maraming taong ito. Sa ngayon, hindi ko taglay ang realidad ng katotohanan at ako ay maliit sa katayuan. Hindi ibinigay ng Diyos sa akin ang responsibilidad na ito dahil ako ay kasalukuyang magaling; kung hindi, ito ay para hayaan ako na paghusayin ang paghahanap sa katotohanan at tanggapin ang pagsasanay. Pinipilit ako nito na lubusang ialay ang aking sarili sa Diyos at pumasok sa realidad ng pagmamahal sa Diyos nang aking buong puso, kaluluwa, lakas at isip. Noong nakaraan, nabubuhay ako na taglay ang kakatwang mga paniwala. Naniwala ako na nasigurado ko ang aking mga tungkulin at katungkulan. Habang tinutupad ko ang aking mga tungkulin nang may ganitong pag-uugali at karanasan, hindi ako nakakatanggap ng gaanong pagpipino o gaanong panggigipit. Subalit, ibinunyag nito ang aking napakasamang disposisyon sa pamamagitan ng aking pagkakuntento at kasiyahan sa aking kasalukuyang sitwasyon. Ibinunyag nito ang aking makasarili at kalunos-lunos na mga paniniwala: Hinahangad ko na matupad ang aking mga tungkulin nang may paniniwala sa Diyos nang hindi ko ginagawa ang lahat ng aking makakaya para pasayahin at mahalin ang Diyos. Sa oras na ito, nagising na ako. Sa loob ng maraming taong ito, akala ko na ako ay tumatahak na sa landas ni Pedro na naghahanap sa katotohanan. Ngunit ngayon, ibinubunyag ng mga katibayan na inilakip ko ang pinakamalaking pagpapahalaga sa aking mga kapakanan sa hinaharap. Hindi ako nagkaroon ng kaunting antas ng pagmamahal sa Diyos at hindi ako naging handa na kayanin ang mabigat na pasanin o ialay ang aking buong katauhan para sa Diyos. Paano ito naaayon sa hinahangad ni Pedro?
    Sa aking pagsasaliksik, nabasa ko ang dalawang sipi sa “100 Sipi ng Salita ng Diyos Na Kailangang Maranasan at Isagawa ng mga Piniling Tao ng Diyos”: “At kaya ang tao, bilang isang nilalang ng Diyos, dapat ring gumawa ng tungkulin ng tao. Hindi alintana kung siya ay panginoon o pinuno ng lahat ng bagay, gaano man kataas ang estado ng tao sa lahat ng bagay, siya pa rin ay isang maliit na tao sa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos, at ito ay hindi higit kaysa sa isang karaniwang tao, isang nilalang ng Diyos, at siya ay hindi kailanman magiging higit sa Diyos. Bilang isang nilalang ng Diyos, dapat sumumpong ang tao na gawin ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos, at sumumpong na mahalin ang Diyos na hindi gumagawa ng ibang mga pagpili, dahil ang Diyos ay karapat-dapat sa pag-ibig ng tao. Ang mga sumusumpong na magmahal sa Diyos ay hindi dapat maghanap ng kahit anong personal na pakinabang o ang kanilang personal na inaasam; ito ay ang pinakatamang paraan ng paggawa. Kung ang iyong hinahanap ay ang katotohanan, ang iyong isagawa ay ang katotohanan, at kung ano ang iyong matamo ay isang pagbabago sa iyong disposisyon, kung gayon ang landas na iyong tinatahak ay ang tamang landas. Kung ang iyong hinahanap ay ang mga biyaya ng laman, at ang isagawa mo sa ay ang katotohanan ng iyong sariling pagkaintindi, at kung walang pagbabago sa iyong disposisyon, at ikaw ay hindi kailanman masunurin sa Diyos sa laman, at naninirahan ka pa rin sa kalabuan, kung gayon ang iyong sinusumpungan at siguradong dadalhin ka sa impyerno, dahil ang landas na iyong tinatahak ay ang landas ng kabiguan. Kahit ikaw ay ginagawang perpekto o inaalis ay depende sa iyong gawa, sa madaling sabi ‘ang tagumpay o pagkabigo ay depende sa landas na tinatahak ng tao.’ Ang Tagumpay o Pagkabigo ay Depende sa Daan na Tinatahak ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang salita ng Diyos ay ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at sa oras na ito, isinama kong muli ang aking tunay na sitwasyon sa dalawang sipi ng salita ng Diyos. Napagpanto ko na ibinunyag na ng salita ng Diyos ang landas ni Pedro tungo sa tagumpay pati na ang paghahayag ng landas sa tagumpay. Ang landas ni Pedro tungo sa tagumpay ay hindi tumutukoy sa paghahangad ng katungkulan o pagkuha at pagpili ng mga tungkulin. Hindi lamang ito tungkol sa paglaban sa negatibong mga aspeto, mas mahalaga itong tumutukoy sa positibong paghahangad na mahalin ang Diyos at pagtupad sa iyong tungkulin bilang isang nilikha. Dagdag pa rito, ang pagtahak sa tamang landas ay magdudulot ng maraming positibo at tunay na resulta kagaya ng mas mabuting pagkilala sa Diyos, pagiging mas masunurin sa pamamagitan ng paghahangad sa katotohanan at pagsasagawa dito, at hindi na pagkakaroon ng sarilli mong mga kahilingan, pag-asa, at mga karumihan; ang iyong disposisyon ay mababago, at ang pinakamahalaga, ang mga tao ay mas mabuting makakapasok sa katotohanan at magkakaroon ng mas tunay na pagmamahal para sa Diyos para tuluyan nilang ialay ang kanilang mga sarili sa Diyos nang walang ibang kahilingan at maging masigasig sa pagmamahal sa Diyos sa buong buhay nila. Akala ko ako ay tumatahak sa tamang landas at ako ay nakapasok na sa tunay na kalagayan ng ilang katotohanan. Subalit sa ibinunyag na mga katibayan, nasaan ang aking paghahayag sa pagkamit sa katotohanan at pagbabago sa aking disposisyon? Nasaan ang aking paghahayag ng tunay na pagmamahal sa Diyos? Kung talagang nakapasok na ako, kung gayon dapat sanang ako ay sinusubukan. Kahit ano pa ang mga kaayusan na ginawa ng Diyos, ako ay makakasunod. Kung ako ay talagang nakapasok na, kung gayon, dapat ay makikita ko ang diwa ng kalikasan ni Satanas na nasa akin at dapat ay tunay na makikita ang pagliligtas ng Diyos. Mas nakahanda sana ako na ialay ang aking sarili sa Diyos at suklian ang Kanyang pagmamahal. Sa mga katibayang ito at sa paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos, nakita ko na ako ay tumatahak sa maling landas. Hindi ako tumatahak sa landas ng pagtupad sa aking mga tungkulin bilang isang nilikha o naghahangad na mahalin ng Diyos. Sa halip, ako ay nasa landas ng paghahangad ng sarili kong mga kagustuhan at personal na pag-asa; ito ay ang landas ng panloloko sa Diyos dahil napipilitan lamang sumunod at pagbabayad ng limitadong halaga para lang mapag-ingatan ang aking sarili at masigurado na ako ay magkakaroon ng huling hantungan. Palagi kong hinanap ang mga kasiyahan ng laman. Para pagbigyan ang mga pansamantalang kaginhawahan, hindi ako nakahandang tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos at makamit ang katotohanan; hindi ako nakahandang hangarin ang pagmamahal sa Diyos, ialay ang lahat sa Diyos, o gugulin ang lahat para sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang paghahatol at pagkastigo at mga pagsubok at pagpipino. Ang aking pananaw mula sa kaibuturan ng aking puso ay: Hangarin lamang na matupad ang mga tungkulin nang matiwasay, huwag saktan ang disposisyon ng Diyos. Sa huli, makakamit ko ang magandang hantungan at ito ay sapat na. Paulit-ulit na ipinakita ng salita ng Diyos na ang pinakaugat ng kabiguan ni Pablo ay nasa pakikitungo niya sa Diyos. Kumilos siya para sa sarili niyang gatimpala at korona sa hinaharap at hindi siya nagkaroon ng kaunting pagpapakita ng pagsunod at pagmamahal sa Panginoon ng nilikha. Sa huli, nagbunga ito sa kanyang pagkabigo at pagtanggap sa kaparusahan ng Diyos. Ang salita ng Diyos ay malinaw na pinapaalalahanan tayo: “ang mga taong nagsisikhay lamang para sa kanilang patutunguhan ay tatanggap ng kanilang pangwakas na pagkatalo, dahil ang mga kabiguan sa paniniwala ng mga tao sa Diyos ay nangyayari nang dahil sa panlilinlang.” (“Hinggil sa Patutunguhan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang ganitong uri ng puhunan ay hindi ginawa nang taimtim; ito ay may huwad na kaanyuhan at nanlilinlang. Lubusan kong pinatigas ang aking leeg at iniwasan ang paghahatol ng mga salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagtahak ko sa aking sariling landas. Pinagharian ng aking kalikasan, tumatahak lagi ako sa landas na sumusunod sa mga taong nabigo. Noong ang gawain ng Diyos na pagliligtas ay dumating sa akin, hindi ko masabi ang tama sa mali, kinakagat ko ang kamay na nagpapakain sa akin. Ang tangi kong ibinibigay sa Diyos ay mga maling pananaw, pagtututol at pagtaksil. Sa oras na ito, malinaw kong nakikita kung gaano kamakasarili, kalunos-lunos at kasama ang dati kong kalikasan. Naniwala ako sa Diyos sa loob ng maraming taong ito at nasiyahan sa Diyos subalit nagplano pa rin laban sa Diyos, palaging naghihintay para makipag-usap sa Diyos. Hindi ako nagkaroon ng kaunting pagmamahal sa Diyos sa aking puso. Ito ang eksatong dahilan kung bakit ako tumatahak sa maling landas at ito ang eksaktong sinasabi ng Diyos: “Dahil ang tao ay hindi ‘magaling sa’ buong paglalaan ng kanyang sarili sa Diyos, dahil ang tao ay hindi kusang gumagawa ng kanyang tungkulin sa Lumikha, dahil nakita na ng tao ang katotohanan ngunit iniiwasan ito at tumatahak ng kanyang sariling landas, dahil laging naghahanap ang tao sa pamamagitan ng pagsunod sa landas ng mga nagkasala, dahil laging sinasalungat ng tao ang Langit, kaya, laging nagkakamali ang tao, laging nakukuha sa pamamagitan ng panlilinlang ni Satanas, at nabitag sa sarili niyang lambat.” (“Ang Tagumpay o Pagkabigo ay Depende sa Daan na Tinatahak ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
    Pagkatapos, nabasa ko ang sermon mula sa itaas na nagsasabing: “May mga tao na inaasahang magkaroon ng ganitong mga pangamba: ‘Tinutupad ko ang aking tungkulin, ngunit ako ay natatakot na tumahak sa landas ng anticristo; natatakot ako na makagawa ng mali at tumutol sa Diyos.’ Marami bang mga tao na may ganitong mga uri ng pangamba? Lalo na yaong mga nagsisilbi bilang mga manggagawa at pinuno, nakikita nila si ganito o si ganoong tao na masigasig na naghangad noong nakaraan, may mga talento, may mabuting isip, at pagkatapos siya ay nahulog. Si ganito o si ganoong tao ay medyo magaling sa pangangaral, ngunit sa huli, hindi nila kailanman inasahan na mahuhulog din. Sabi nila: ‘Kung gagawin ko ang mga bagay na iyon, magiging kagaya kaya nila ako at mahuhulog din?’ Kung ikaw ay nagmamahal sa Diyos, matatakot ka pa rin ba sa mga bagay na ito? Kung may taglay kang tunay na pagmamahal sa Diyos, kontrolado ka pa rin ba ng mga pangamba? Ang mga taong nagmamahal sa Diyos ay palaging isinasaalang-alang ang kalooban ng Diyos at hindi gagawa ng mali. … Kung kaya mo talaga na kilalanin kung ano ang pagtahak sa landas ng anticristo, at ano ang pagtahak sa landas ng paghahangad sa katotohanan at magawang perpekto, kung ganon, bakit ka natatakot na tumahak sa landas ng anticristo? Hindi ba pinatutunayan ng iyong takot na tumahak dito na gusto mo pa ring tumahak dito at hindi ka handang iwanan ang landas ng pagkakamali? Hindi ba ito ang problema? (“Paano Hangarin na Mahalin ang Diyos at Sumaksi sa Diyos” sa Pagbabahagi at Pangangaral Tungkol sa Pagpasok sa Buhay IX). Sa pamamagitan ng pagsisiwalat ng pagbabahagi mula sa itaas, nakita ko nang mas malinaw na ang mga taong hindi nagmamahal sa Diyos ay nasa landas ng anticristo; na ang mga taong hindi nagmamahal sa Diyos ang pinagmumulan ng pagkabigo; nakita ko rin nang mas malinaw ang mga dahilan at katwiran kong nagmula kay Satanas na nakatago sa aking kalooban; naunawaan ko ang mga panloloko ni Satanas. Na hindi ako handang tanggapin ang mga mas malalaking responsibilidad at na natatakot akong tumahak sa landas ng pagkabigo ang nagbunyag na ang aking kalikasan ay makasarili, kalunos-lunos at masama. Ibinunyag nito na masyado kong mahal ang aking sarili at si Satanas at na hindi ko kinasusuklaman ang landas ng anticristo, na paghahangad ng katungkulan at katanyagan at ng kapakanan at hantungan sa hinaharap. Hindi ko pinahalagahan ang katotohanan o nagkaroon ng kaunting pagmamahal para sa Diyos. Nagawa ko ring tunay na maunawan na ang sinabi sa itaas tungkol sa mga taong naniwala sa Diyos nang maraming taon at wala pa ring pagmamahal para sa Diyos ay walang kalikasan ng tao; masasabi nating taglay nilang lahat ang ilang masasamang kalikasan; lahat sila’y makasarili, kalunos-lunos at masasamang tao. Kaya nagkaroon ako ng totoong kaalaman sa diwa ng aking sariling kalikasan. Kasabay nito, naging dahilan din ito para tunay kong baguhin ang aking mga maling pananaw at mapalaya at magkaroon ng tamang direksyon at landas ng pagsasagawa upang hindi na ako mabuhay nang makasarili at kalunos-lunos; lahat ay inayos ng Diyos at kailangan ko lang na tunay na hanapin ang katotohanan at isagawa ang pagmamahal para sa Diyos habang tinutupad ang aking mga tungkulin.
    Purihin ang Diyos para sa Kanyang paghahatol at pagkastigo na nagpabago sa layunin ng aking paghahanap at ibinalik ako mula sa landas ng pagkakamali. Pinahintulutan din ako nito na tunay na makilala ang diwa ng kalikasan ni Satanas na nasa akin at hanapin ang pinagmumulan ng aking kabiguan. Naniwala ako sa Diyos sa loob ng maraming taong ito at hindi kailanman minahal ang Diyos. Nakaramdam ako ng hiya at paninisi ng sarili. Talagang binigo ko ang Diyos at sinaktang mabuti ang Diyos. Hinahangad ng aking puso na magkaroon ng tunay na pagmamahal para sa Diyos. Nagawang perpekto si Pedro dahil tunay niyang minahal ang Diyos at dahil nagkaroon siya ng kagustuhan at pagsisikap na hanapin ang katotohanan. Kahit na malayo pa ako diyan, hindi na ako mabubuhay nang napakasama at kasuklam-suklam upang pag-ingatan ang aking sarili; nakahanda akong gawin ang pagmamahal sa Diyos bilang layunin ng aking paghahanap, at walang hindi gagawin at babayaran ang kapalit sa pagtupad sa aking mga tungkulin. Tunay kong papasanin ang aking mga responsibilidad at isasagawa ang katotohanan habang tinutupad ang aking mga tungkulin at papasukin ang realidad ng pagmamahal sa Diyos.
Mula sa Mga Patotoo ng Karanasan sa Paghatol ni Cristo
Rekomendasyon:Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal
Ang pinagmulan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos