菜單

Mar 14, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Alam Mo Ba ang Pinagmumulan ng Buhay na Walang Hanggan?


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Alam Mo Ba ang Pinagmumulan ng Buhay na Walang Hanggan?

I
Diyos ang pinagmumulan ng buhay ng tao; langit at mundo’y nabubuhay sa Kanyang kapangyarihan. Walang nabubuhay ang makakapalaya sa sarili mula sa utos at awtoridad ng Diyos. Di na mahalaga kung sino ka, lahat ay dapat sumunod sa Diyos, magpaubaya sa Kanyang dominyon, kontrol at mga kautusan! Siguro ikaw ay sabik na mahanap ang buhay at katotohonan, hanapin ang Diyos na iyong mapagkakatiwalaan upang matanggap ang buhay na walang hanggan.

Mar 13, 2018

Tagalog na Cristianong Kanta | Ang Kaharian ni Cristo ay Natatanto sa mga Tao


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog na Cristianong Kanta | Ang Kaharian ni Cristo ay Natatanto sa mga Tao

I
Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao ang nagpapakita sa mga huling araw sa Silangan, tulad ng matuwid na araw na sumisilay; nakita ng sangkatauhang lumitaw ang tunay na liwanag. Ang matuwid at marilag, mapagmahal at maawaing Diyos mapagkumbabang nagkakanlong sa mga tao, naghahayag ng katotohanan, nagsasalita at gumagawa. Kaharap natin ang Makapangyarihang Diyos. Ang Diyos na ikinauhaw mo, ang Diyos na hinintay ko, nagpapakita sa atin ngayon sa totoo. Hinanap natin ang katotohanan, hinangad natin ang pagkamatuwid; dumating ang katotohanan at pagkamatuwid sa mga tao. Mahal mo ang Diyos, mahal ko ang Diyos; ang sangkatauhan ay umaapaw sa panibagong pag-asa. Sumusunod ang mga tao, sumasamba ang mga bansa sa totoong Diyos na nagkatawang-tao.

Hong Kong’s Ta Kung Pao Attacks and Defames The Church of Almighty God—What Does This Portend?


Hong Kong’s Ta Kung Pao Attacks and Defames The Church of Almighty God—What Does This Portend?

November 2017, a series of incendiary reports came out of Hong Kong. Ta Kung Pao and Wen Wei Po, both pro-CCP leftist newspapers, published a media onslaught of 17 articles in a frenzied attempt to discredit The Church of Almighty God, a legally registered religious entity in Hong Kong. This kind of media attention occurring in mainland China under the dictatorship of the CCP would not be cause for comment. However, this occurred within the democracy of Hong Kong, supposedly under “one country, two systems.” This is truly cause for concern. The freedom of religion is a basic human right protected by international human rights conventions. All democracies around the world acknowledge the freedom of religion, and all citizens in democratic nations strongly uphold this freedom, but this occurrence in the Hong Kong Special Administrative Region does not bode well. If the Hong Kong branch of The Church of Almighty God also suffers the CCP’s persecution, will Hong Kong’s other religious groups be able to avoid this fate? How far do freedom and democracy really go in Hong Kong?
Recommendation:Understanding the Eastern Lightning
The Return of the Lord Jesus

Mar 11, 2018

Napakahalaga na Sundin ang Gawa ng Banal na Espiritu!

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Napakahalaga na Sundin ang Gawa ng Banal na Espiritu!Xiaowei    Lungsod ng Shanghai

  Ilang panahon na ang nakaraan, kahit na lagi akong nakakatanggap ng ilang mga inspirasyon at pakinabang kapag ang kapatid na siyang nakisama sa akin ay nagbahagi ng pagliliwanag na kanyang nakuha habang kumakain at umiinom ng salita ng Diyos, lagi rin akong nagkakaroon ng hindi maalis-alis na pakiramdam na siya’y nagyayabang. Iniisip ko sa sarili ko, “Kung sasagot ako sa kanya ngayon, hindi ko ba siya binubuyo? Sa ganoong diwa, hindi ba ako magmumukhang mas mababa sa kanya?” Bilang resulta, tumanggi ako na ilabas ang aking sariling mga pananaw sa usapan o magkomento sa anumang mga kaisipan na kanyang ibinahagi. Minsan, ang aking kapatid, ay nakakuha ng ilang mga kabatiran mula sa pagkain at pag-inom ng isang partikular na sipi ng salita ng Diyos, at nakaramdam na para bang may mali sa aming sitwasyon at tinanong ako kung payag ba akong pag-usapan kasama siya iyong sipi ng salita ng Diyos. Sa sandaling nagtanong siya, ang lahat ng mga saloobin at pakiramdam na ito ng hinanakit ay lumutang sa ibabaw: “Gusto mo lang magpatotoo sa iyong sarili, para magkaroon ng makikinig para pangaralan. Bakit ako dapat makipag-usap sa iyo?” Umabot pa ako sa punto na hindi ako dumalo ng pulong para lang hindi ko siya mapakinggan. Maya-maya, nakaramdam ako ng kabigatan sa aking puso, alam ko na may mali sa aking sitwasyon, ngunit hindi ako makapag-isip ng magandang paraan para malutas ang aking sariling panloob na sigalot. Ang tanging magagawa ko ay ituon nang todo ang aking sarili sa aking mga sariling tungkulin, kumain at uminom ng salita ng Diyos, at kumanta ng mga himno para ilihis ang aking sarili mula sa mga negatibong pakiramdam na ito. Gayun pa man, kapag kailangan kong harapin ang kasalukuyang sitwasyon, ang parehong katiwalian ay umuusbong sa aking puso—lumalala ang mga bagay, hindi bumubuti—wala akong ideya kung ano ang gagawin tungkol dito.

Mar 10, 2018

Ang Sandali ng Pagbabago (1) | Paano Nadadala ang mga Matatalinong Birhen?


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Sandali ng Pagbabago (1) | Paano Nadadala ang mga Matatalinong Birhen?

Sumusunod ang ilang tao sa salita ni Pablo tungkol sa paghihintay sa Panginoon para madala sa kaharian ng langit: “Sa isang sandali, sa isang kisap-mata: sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka’t tutunog ang papakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin.” (1Co 15:52). Naniniwala sila na kahit patuloy pa rin tayong nagkakasala nang hindi umaalpas sa pang-aalipin ng pagiging likas na makasalanan, agad babaguhin ng Panginoon ang ating imahe at dadalhin tayo sa kaharian ng langit pagdating Niya. May mga tao ring sumusunod sa salita ng Diyos na: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit ” (Mat 7:21). “… Kayo’y mangagpakabanal; sapagka’t ako’y banal” (1Pe 1:16). Naniniwala sila na ang mga taong patuloy pa ring nagkakasala ay malayo sa pagtatamo ng kabanalan at lubos na hindi nararapat na madala sa kaharian ng langit. Sa gayo’y isang kamangha-manghang pagtatalo ang nagsimula …. Kaya, anong klase ng mga tao ang nararapat iangat sa kaharian ng langit? Iniimbitahan ka naming panoorin ang maikling video na ito.
Rekomendasyon: Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Ang Tunay na Pagsasamahan

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tunay na Pagsasamahan

Fang Li    Lungsod ng Anyang, Probinsya ng Henan
    Kamakailan, naisip ko na ako’y nakapasok sa isang maayos na pagsasamahan. Ang kasama ko at ako ay maaaring talakayin ang anumang bagay, minsan sinabi ko pa sa kanya na punahin niya ang aking mga pagkukulang, at hindi kami kailanman nag-away, kaya akala ko na nakamtan namin ang isang maayos na pagsasamahan. Ngunit habang lumalabas ang mga katotohanan, ang isang tunay na maayos na pagsasamahan ay hindi tulad ng anumang bagay na aking inakala.

Ang Sandali ng Pagbabago (2) | Ang Tanging Landas para Maiangat sa Kaharian ng Langit


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Sandali ng Pagbabago (2) | Ang Tanging Landas para Maiangat sa Kaharian ng Langit

Naniniwala ang ilang tao, dahil nakayang likhain ng Diyos ang kalangitan at ang lupa at lahat ng bagay sa isang salita, nakayang ibangon ang patay sa isang salita, makakaya ring baguhin kaagad ng Diyos ang ating imahe, gawin tayong banal, iangat tayo sa ere para salubungin ang Panginoon pagbalik Niya sa mga huling araw. Ganyan nga ba talaga para maiangat sa kaharian ng langit? Ang gawain ba ng pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw ay kasing-simple ng ating inaakala? Sabi ng Diyos, “Nararapat ninyong maintindihan, hindi ninyo dapat gawing payak ang mga ito. Ang gawain ng Diyos ay hindi katulad ng ibang karaniwang gawain. Ang himala nito ay hindi maiisip ng utak ng tao, at ang karunungan nito ay hindi basta lamang makakamit. Hindi nililikha ng Diyos ang lahat ng bagay, at hindi rin Niya winawasak ang mga ito. Sa halip, binabago Niya ang lahat ng Kanyang mga nilikha at dinadalisay ang lahat ng mga bagay na nadungisan ni Satanas. Kaya, nararapat na simulan ng Diyos ang mga malalaking gawain, at ito ang buong kahalagahan ng gawain ng Diyos. Matapos mabasa ang mga salitang ito, naniniwala ka ba na ang gawain ng Diyos ay payak?” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao) Walang sinumang makakaarok sa gawain ng Diyos at karunungan ng Diyos. Tanging ang Diyos Mismo ang makapaglalantad ng hiwaga ng kung paano madadala sa langit ang mga nananalig sa mga huling araw, kung paano gagawin ng Diyos ang gawain ng paghatol para linisin ang mga tao …. Ang maikling video na ito ay ipapakita sa iyo ang kaalaman tungkol sa tanging landas para maiangat sa kaharian ng langit pagbalik ng Panginoon!
Rekomendasyon:Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw