菜單

Peb 28, 2018

Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos


Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

I
Ngayon ako’y muling humaharap sa aking Diyos. Puso ko’y mangungusap pag makita ang mukha Niyang kalugod-lugod. Iniwan ko na ang halaghag na nakaraan. Biyaya Niyang Salita’y pinupuno ako ng kalugura’t kaligayahan. Mahabaging salita ng Diyos ang kumandili’t dumilig sa’king pagsibol. Kanyang mahigpit na Salita ang nagpalakas sa’kin upang muling bumangon. Diyos, kami ngayo’y umaawit sa Iyo nang dahil sa’Yong pagpapala. Kami ngayo’y nagpupuri sa’Yo sapagkat kami’y iyong inangat. Makapangyarihang tunay na Diyos na umibig sa amin! Iniibig Ka namin! O Diyos! Talagang iniibig ka namin!

Sa mga Huling Araw Pangunahing Tinutupad ng Diyos ang Lahat sa Pamamagitan ng Salita


Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Sa mga Huling Araw Pangunahing Tinutupad ng Diyos ang Lahat sa Pamamagitan ng Salita

I
Sa mga huling araw, Diyos ay nagiging-tao. Sa salita Niya tinutupad lahat, Sa salita Niya inihahayag lahat. Tanging sa salita makikita ang ganap na Siya, na mismong Siya ay Diyos. Pumaparito sa lupa ang naging-taong Diyos tanging upang ihayag ang Kanyang salita. Kaya, wala nang tanda, sapat na ang salita ng Diyos

Peb 27, 2018

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | “Kung ‘Di Ako Iniligtas ng D’yos” | Binigyan Ako ng Diyos ng Bagong Buhay


Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | “Kung ‘Di Ako Iniligtas ng D’yos” | Binigyan Ako ng Diyos ng Bagong Buhay

I
Kung ‘di ako iniligtas ng Diyos, palaboy pa rin hanggang ngayon, naghihirap, nagkakasala; bawa’t araw walang pag-asa. Kung ‘di ako iniligtas ng Diyos, niyuyurakan pa rin ng d’yablo, nabitag sa sala’t layaw nito, mangmang sa kahihinatnan ng buhay ko. Makapangyarihang Diyos ang nagliligtas sa akin, salita N’ya’y dinadalisay ako. Sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, tiwaling disposisyon ko’y nabago. Lahat ng katotohanang binibigkas ng Diyos bigay sa ‘ki’y bagong buhay. Diyos nakita ko nang harapan, tunay N’yang pag-ibig naranasan.
Sa wakas natanto kong mapagmahal na kamay ng Diyos ang nanguna sa akin, na marinig boses N’ya’t maitaas sa harap ng trono N’ya, makadalo sa piging ni Kristo’t matamo, kadalisaya’t pagkaperpekto. Ang inaasam ng ilang taon ay natupad din, ang kaligtasan ng Diyos ay akin.

Peb 25, 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Pagpapatuloy ng Unang Bahagi)


Mga pagbabasa at pagsasalaysay ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Pagpapatuloy ng Unang Bahagi)

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Nakikita ng Diyos ang halimbawang ito sa pamamahala ng sangkatauhan, sa pagliligtas sa mga tao, bilang higit na mahalaga kaysa anupaman. Ginagawa Niya ang mga bagay na ito hindi lamang sa Kanyang isip, o hindi lamang sa Kanyang mga salita, at sadyang hindi Niya isinasagawa ito nang basta-basta—ginagawa Niya ang lahat ng mga bagay na ito ayon sa isang plano, ayon sa isang layunin, ayon sa mga panuntunan, at ayon sa Kanyang kalooban. Maliwanag na ang gawaing ito na mailigtas ang mga tao ay nagtataglay ng malaking kahalagahan kapwa sa Diyos at sa tao. Kahit na gaano kahirap ang gawain, gaano man kalaki ang mga hadlang, gaano man kahihina ang mga tao, o gaano man kalalim ang suwail ng tao, wala sa mga ito ang mahirap para sa Diyos. Pinananatiling abala ng Diyos ang Sarili Niya, ginugugol ang Kanyang maingat na pagsisikap at pinamamahalaan ang gawain na Siya Mismo ay gustong ipatupad. Isinasaayos din Niya ang lahat, at pinamamahalaan ang lahat ng mga tao at ang gawain na nais Niyang makumpleto—wala sa mga ito ang ginawa noong una. Ito ang unang pagkakataon na ginamit ng Diyos ang mga pamamaraang ito at nagbayad ng isang malaking halaga para sa proyektong ito sa pamamahala at pagliligtas sa sangkatauhan. Habang ipinatutupad ng Diyos ang gawaing ito, unti-unti Niyang ipinahahayag sa mga tao nang walang pag-aatubili ang Kanyang mahirap na gawain, kung ano ang mayroon at kung ano Siya, ang Kanyang karunungan at pagiging makapangyarihan, at ang bawat aspeto ng Kanyang disposisyon. Walang pasubali Niyang ibinubunyag ang lahat ng ito sa sangkatauhan nang paunti-unti, ibinubunyag at ipinapahayag ang mga bagay na ito sa paraang hindi Niya kailanman ginawa noong una.”
Rekomendasyon: Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Ang mga Katapusan para sa Iba’t-ibang Uri ng mga Tao at ang Pangako ng Diyos sa Tao

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang mga Katapusan para sa Iba’t-ibang Uri ng mga Tao at ang Pangako ng Diyos sa Tao

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

     Nauunawaan mo na ba ngayon kung ano ang paghatol at ano ang katotohanan? Kung naintindihan mo na, kung gayon ay ipinapayo Ko sa iyo na magpasakop nang masunurin sa pagiging hahatulan, kung hindi, hindi ka na magkakaroon pa ng pagkakataon na mapapurihan ng Diyos o madala Niya sa Kanyang kaharian. Silang mga tumatanggap lamang ng paghatol subali’t hindi kailanman maaaring madalisay, iyon ay, silang mga nagsisitakas sa gitna ng gawain ng paghatol, ay magpakailanmang kamumuhian at itatakwil ng Diyos. Ang kanilang mga kasalanan ay lalong marami, at lalong mas mabigat, kaysa roon sa mga Fariseo, sapagka’t pinagtaksilan nila ang Diyos at mga rebelde laban sa Diyos. Ang gayong mga tao na ni hindi karapat-dapat magsagawa ng paglilingkod ay makatatanggap ng mas mabigat na kaparusahan, isang kaparusahan na higit pa ay walang-hanggan. Hindi patatawarin ng Diyos ang sinumang taksil na minsan ay nagpakita ng katapatan sa mga salita subali’t ipinagkanulo rin Siya. Matatanggap ng gayong mga tao ang kagantihan sa pamamagitan ng kaparusahan ng espiritu, kaluluwa, at katawan. Hindi ba ito isang tiyak na pagbubunyag ng matuwid na disposisyon ng Diyos? Hindi ba ito ang layunin ng Diyos sa paghatol sa tao at pagbubunyag sa kanya? Dadalhin ng Diyos ang lahat ng gumaganap ng lahat ng uri ng masamang gawa sa panahon ng paghatol sa isang lugar na pinamumugaran ng mga masasamang espiritu, hinahayaan ang masasamang espiritung ito na sirain ang kanilang mga katawang laman ayon sa kagustuhan. Ang kanilang mga katawan ay mangangamoy-bangkay, at gayon ang nararapat na ganti sa kanila. Isinusulat ng Diyos sa kanilang mga talaang aklat ang bawa’t isa sa mga kasalanan nilang mga hindi-tapat at huwad na tagasunod, mga huwad na apostol, at mga huwad na manggagawa; at pagkatapos, kapag tama na ang panahon, itatapon Niya sila sa gitna ng mga maruruming espiritu, hinahayaan ang mga maruruming espiritung ito na dungisan ang kanilang buong katawan ayon sa kagustuhan, upang hindi na sila kailanman maaaring muling magkatawang-tao at hindi na kailanman muling makita ang liwanag. Yaong mga ipokrito na nagsipaglingkod minsan nguni’t hindi nakapanatiling tapat hanggang katapusan ay ibinibilang ng Diyos sa mga makasalanan, nang sa gayon lumakad sila sa payo ng makasalanan at maging bahagi ng kanilang magulong karamihan; sa katapusan, wawasakin sila ng Diyos. Isinasantabi at hindi pinapansin ng Diyos yaong mga hindi kailanman naging tapat kay Cristo o nag-alay ng anumang pagsisikap, at wawasakin silang lahat sa pagbabago ng mga kapanahunan. Hindi na sila iiral sa lupa, lalong hindi makapapasok tungo sa kaharian ng Diyos. Yaong hindi kailanman naging tapat sa Diyos nguni’t napilit ng kalagayan sa pakikitungo sa Kanya nang paimbabaw ay ibibilang doon sa mga taong naglingkod para sa Kanyang bayan. Maliit na bilang lamang ng gayong mga tao ang mananatiling buháy, samantalang ang karamihan ay mamamatay kasama ng mga ni hindi kwalipikadong magsagawa man lamang ng paglilingkod. Panghuli, dadalhin ng Diyos sa Kanyang kaharian lahat niyaong kapareho ng isipan ng Diyos, ang mga tao at mga anak-na-lalaki ng Diyos pati na yaong mga itinakda ng Diyos na maging mga saserdote. Ang gayon ay ang bungang nakamit ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang gawain. At para sa mga yaong hindi mapapabilang sa mga kategoryang inilatag ng Diyos, sila ay ibibilang kasama ng mga hindi sumasampalataya. At tiyak na inyong maguguni-guni kung ano ang kanilang kahihinatnan. Nasabi Ko na sa inyo ang lahat ng dapat Kong sabihin; kayo ang magpapasya kung alin ang landas na inyong pipiliin. Ang dapat ninyong maintindihan ay ito: Ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman naghihintay para sa sinuman na hindi nakasasabay sa bilis ng Kanyang paghakbang, at ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi nagpapakita ng kaawaan sa sinumang tao.
mula sa “Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Peb 24, 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Unang Bahagi)


Mga pagbabasa at pagsasalaysay ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Unang Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Nakikita ng Diyos ang halimbawang ito sa pamamahala ng sangkatauhan, sa pagliligtas sa mga tao, bilang higit na mahalaga kaysa anupaman. Ginagawa Niya ang mga bagay na ito hindi lamang sa Kanyang isip, o hindi lamang sa Kanyang mga salita, at sadyang hindi Niya isinasagawa ito nang basta-basta—ginagawa Niya ang lahat ng mga bagay na ito ayon sa isang plano, ayon sa isang layunin, ayon sa mga panuntunan, at ayon sa Kanyang kalooban. Maliwanag na ang gawaing ito na mailigtas ang mga tao ay nagtataglay ng malaking kahalagahan kapwa sa Diyos at sa tao. Kahit na gaano kahirap ang gawain, gaano man kalaki ang mga hadlang, gaano man kahihina ang mga tao, o gaano man kalalim ang suwail ng tao, wala sa mga ito ang mahirap para sa Diyos. Pinananatiling abala ng Diyos ang Sarili Niya, ginugugol ang Kanyang maingat na pagsisikap at pinamamahalaan ang gawain na Siya Mismo ay gustong ipatupad. Isinasaayos din Niya ang lahat, at pinamamahalaan ang lahat ng mga tao at ang gawain na nais Niyang makumpleto—wala sa mga ito ang ginawa noong una. Ito ang unang pagkakataon na ginamit ng Diyos ang mga pamamaraang ito at nagbayad ng isang malaking halaga para sa proyektong ito sa pamamahala at pagliligtas sa sangkatauhan. Habang ipinatutupad ng Diyos ang gawaing ito, unti-unti Niyang ipinahahayag sa mga tao nang walang pag-aatubili ang Kanyang mahirap na gawain, kung ano ang mayroon at kung ano Siya, ang Kanyang karunungan at pagiging makapangyarihan, at ang bawat aspeto ng Kanyang disposisyon. Walang pasubali Niyang ibinubunyag ang lahat ng ito sa sangkatauhan nang paunti-unti, ibinubunyag at ipinapahayag ang mga bagay na ito sa paraang hindi Niya kailanman ginawa noong una.”
Rekomendasyon:Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Massimo Introvigne Reveals Truth of Zhaoyuan McDonald’s Murder and Says the Real Xiejiao Is the CCP


Massimo Introvigne Reveals Truth of Zhaoyuan McDonald’s Murder and Says the Real Xiejiao Is the CCP

At the international conference on Religious Persecution and the Human Rights of Refugees in Seoul, South Korea on October 23, 2017, Professor Massimo Introvigne made a detailed analysis of the inaccuracies in the Chinese Communist government’s definition of a “xiejiao.” He also clearly stated that The Church of Almighty God has been the religious group most seriously persecuted by the Chinese Communist government, leading to the incarceration and sentencing of hundreds of thousands of the church’s Christians who have committed no crimes. They have only been incarcerated and sentenced because of their affiliation with The Church of Almighty God. Chinese authorities have not denied their suppression of the church, and they uphold that the church members have committed serious crimes, including the purported May 28 Zhaoyuan City McDonald’s murder case. However, as of now, not a single one of the Chinese government’s accusations against The Church of Almighty God has been substantiated. Professor Introvigne published in-depth research and analysis on the May 28 Zhaoyuan City McDonald’s murder case. His findings were that the brutal perpetrators of that murder absolutely were not members of The Church of Almighty God, and that the May 28 Zhaoyuan City McDonald’s murder case is completely unrelated to the church. At the end of the conference, Professor Introvigne said that the real xiejiao is the Chinese Communist Party.
Recommendation:Searching for the Footprints of God—The Eastern Lightning
Utterances of the Returned Lord Jesus