Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos ng Paghatol at Pagkastigo.
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang gawain ng mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, upang tapusin ang plano sa pamamahala ng Diyos, sapagka’t ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay nakárátíng na. Dinadala ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan, tungo sa kapanahunan ng Diyos Mismo. Subali’t, hanggang sa pagdating ng kapanahunan ng Diyos Mismo, ang gawaing gagawin ng Diyos ay hindi upang magmasid sa mga gawa ng tao o magtanong tungkol sa buhay ng tao, kundi upang hatulan ang kanyang paghihimagsik, sapagka’t dadalisayin ng Diyos ang lahat ng lalapit sa harap ng Kanyang luklukan. Lahat ng mga nakásúnód sa mga yapak ng Diyos hanggang sa araw na ito ay yaong mga nagsilapit sa harap ng luklukan ng Diyos, at yamang ganito, ang bawat isang tao na tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng pagdadalisay ng Diyos. Sa ibang salita, ang lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng paghatol ng Diyos.
mula sa “Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang hinuhusgahan ay ang tiwaling diwa ng sangkatauhan, ang diwa ng tao na ginawang tiwali ni Satanas, at ang lahat ng mga kasalanan ng tao. Hindi hinahatulan ng Diyos ang ginagawa ng walang kapararakan at walang kabuluhang mga kamalian ng tao. Ang gawain ng paghatol ay kumakatawan, at hindi isinasagawa para sa isang tiyak na tao. Sa halip, ito ay gawain kung saan ang isang grupo ng mga tao ay hinahatulan upang kumatawan sa paghatol ng lahat ng sangkatauhan. Sa pamamagitan ng personal na pagsasagawa ng Kanyang gawain sa isang grupo ng mga tao, ang Diyos sa katawang-tao ay ginagamit ang Kanyang gawain upang kumatawan sa gawain ng buong sangkatauhan, kung saan pagkatapos ito ay unti-unting lalaganap. Ang gawain ng paghatol ay ganoon din. Hindi hinahatulan ng Diyos ang isang tiyak na uri ng tao o isang tiyak na grupo ng tao, ngunit hinahatulan ang hindi pagkamatuwid ng buong sangkatauhan—pagsalungat ng tao sa Diyos, halimbawa, o kawalang-galang ng tao sa Kanya, o panggugulo sa gawain ng Diyos, at iba pa. Ang hinuhusgahan ay ang diwa ng pagsalungat ng sangkatauhan sa Diyos, at ang gawaing ito ay ang gawain ng paglupig sa mga huling araw. Ang gawain at salita ng nagkatawang-taong Diyos na nasaksihan ng tao ay gawain ng paghatol sa harap ng malaking puting trono sa mga huling araw, na kung saan ay naisip ng tao sa mga panahon na nakaraan. Ang gawain na kasalukuyang ginagawa sa pamamagitan ng nagkatawang-taong Diyos ay eksaktong ang paghatol sa harap ng malaking puting trono.
mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa mga huling araw, Si Cristo ay gumagamit ng sari-saring mga katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at mga gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t-ibang mga katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Lalung-lalo na, yaong mga salitang naglalantad kung papaanong tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinalita patungkol sa kung paanong ang tao ay isang pagsasakatawan ni Satanas at isang pwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang kalikasan ng tao sa pamamagitan ng ilang mga salita; inilalantad Niya, pinakikitunguhan, at pinupungusan ito nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhinan ng mga ordinaryong salita kundi ng katotohanan na hindi tinataglay ng tao kailanman. Ang ganitong uri ng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at higit pa ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagiging-mapanghimagsik. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na makatamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwaga na hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin ay matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagka’t ang diwa ng ganitong gawain ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginawa ng Diyos.
mula sa “Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang kakanyahan ng gawain ng Diyos na pagkastigo at paghatol ay upang linisin ang sangkatauhan, at ito ay para sa araw ng huling kapahingahan. Kung hindi, ang buong sangkatauhan ay hindi makakasunod sa kanilang sariling uri o pumasok sa kapahingahan. Ang gawaing ito ay ang tanging landas ng sangkatauhan upang pumasok sa kapahingahan. Tanging ang gawain ng Diyos na paglilinis ang lilinis sa sangkatauhan sa kanilang di-pagkamatuwid, at tanging ang Kanyang gawaing pagkastigo at paghatol ang magbibigay-liwanag sa mga suwail na mga bagay sa gitna ng sangkatauhan, sa gayon ay inihihiwalay yaong mga maaaring maligtas mula roon sa mga hindi, at yaong mga mananatili mula roon sa mga hindi. Kapag natapos ang Kanyang gawain, yaong mga tao na nananatili ay lilinisin at magtatamasa ng isang mas kahanga-hangang ikalawang buhay ng tao sa lupa habang sila ay pumapasok sa isang mas mataas na saklaw ng sangkatauhan; sa ibang salita, sila ay papasok sa araw ng kapahingahan ng sangkatauhan at mamumuhay kasama ng Diyos. Pagkatapos na sumailalim sa pagkastigo at paghatol yaong mga hindi maaaring manatili, ang kanilang orihinal na mga anyo ay ganap na mabubunyag; pagkatapos nito silang lahat ay wawasakin at, gaya ni Satanas, ay hindi na papayagang manatiling buháy sa ibabaw ng lupa. Ang sangkatauhan sa hinaharap ay hindi na kabibilangan ng alinman sa ganitong uri ng tao; ang mga taong ito ay hindi angkop na pumasok sa lupain ng sukdulang kapahingahan, ni naaangkop man sila na pumasok sa araw ng kapahingahan na pagsasaluhan ng Diyos at ng tao, sapagka’t sila ang puntirya ng pagpaparusa at ang masasama, at sila ay hindi matutuwid na tao.
mula sa “Ang Diyos at Tao ay Papasok sa Kapahingahan na Magkasama” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa Kanyang pinakahuling gawain na pagwawakas sa kapanahunan, ang disposisyon ng Diyos ay isang pagkastigo at paghatol, kung saan ay ibinubunyag Niya ang lahat na hindi matuwid, upang hatulan sa harap ng madla ang lahat ng mga tao, at gawing perpekto yaong nagmamahal sa Kanya nang may matapat na puso. Tanging ang disposisyon na gaya nito ang makapagdadala ng kapanahunan sa katapusan. Ang mga huling araw ay dumating na. Ang lahat ng bagay sa paglikha ay paghihiwalayin ayon sa kanilang uri, at hahatiin sa iba’t ibang kategorya batay sa kanilang kalikasan. Ito ang sandali kung kailan ibubunyag ng Diyos ang kalalabasan ng sangkatauhan at ang kanilang hantungan. Kung ang mga tao ay hindi sasailalim sa pagkastigo at paghatol, walang magiging paraan para ilantad ang kanilang pagsuway at kabuktutan. Sa pagkastigo at paghatol lamang maaaring mabunyag ang kalalabasan ng lahat ng nilikha. Ipinapakita lamang ng tao ang kanyang tunay na mga kulay kapag siya ay nakakastigo at nahahatulan. Ang masama ay ilalagay kasama ng masama, ang mabuti kasama ng mabuti, at ang lahat ng sangkatauhan ay paghihiwalayin ayon sa kanilang uri. Sa pagkastigo at paghatol, ang kalalabasan ng lahat ng nilikha ay mabubunyag, upang maaaring maparusahan ang masama at magantimpalaan ang mabuti, at lahat ng tao ay sasailalim sa pamamahala ng Diyos. Ang lahat ng gawaing ito ay dapat makamit sa matuwid na pagkastigo at paghatol. Dahil ang kasamaan ng tao ay umabot na sa sukdulan nito at ang kanyang pagsuway ay nagiging lubhang matindi, tanging ang matuwid na disposisyon ng Diyos, isa na pangunahing binubuo ng pagkastigo at paghatol at ibinubunyag sa mga huling araw, ang maaari lamang lubusan na makapagpapabago at makagagawang ganap sa tao. Ang disposisyon lamang na ito ang maaaring maglantad sa masama at kaya matinding parurusahan ang lahat ng hindi matuwid. Kung gayon, ang disposisyong gaya nito ay napupuspos ng makalupang kabuluhan, at ang pagbubunyag at pagpapamalas ng Kanyang disposisyon ay ipinapakita para sa kapakanan ng gawain sa bawat bagong kapanahunan. Hindi ibinubunyag ng Diyos ang Kanyang disposisyon batay sa kagustuhan at nang walang kabuluhan. Ipagpalagay na, sa pagbunyag ng kalalabasan ng tao sa mga huling araw, ipinagkaloob pa rin ng Diyos sa tao ang walang hanggang habag at pag-ibig at patuloy na mapagmahal sa kanya, na hindi isinasailalim ang tao sa matuwid na paghatol ngunit sa halip ay ipinapamalas sa kanya ang pagpapaubaya, tiyaga, at pagpapatawad, at pinapatawad ang tao gaano man kalaki ang kanyang mga kasalanan, nang walang anumang katiting ng matuwid na paghatol: kung gayon kailan matatapos ang lahat ng pamamahala ng Diyos? Kailan na ang isang disposisyong gaya nito ay maaaring maghatid sa mga tao sa wastong hangganan ng sangkatauhan? Bilang halimbawa, ang hukom na palaging mapagmahal, ang hukom na may mabait na mukha at magiliw na puso. Minamahal Niya ang mga tao na hindi isinasaalang-alang ang mga krimeng maaari nilang nagawa, at siya ay mapagmahal at mapagpaubaya sa kanila maging sinuman sila. Sa ganyang pangyayari, kailan siya makapagbibigay ng makatarungang hatol? Sa mga huling araw, tanging ang matuwid na paghatol ang maaaring magpahiwalay sa tao ayon sa kanilang uri at makapagdala sa tao sa isang bagong kaharian. Sa paraang ito, ang buong kapanahunan ay dinadala sa katapusan sa pamamagitan ng matuwid na disposisyon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa kasalukuyan hinahatulan ka ng Diyos, at kinakastigo ka, at pinarurusahan ka, ngunit talastasin na ang pagpaparusa sa iyo ay upang makilala mo ang iyong sarili. Ang paggawad ng hatol, pagsumpa, paghatol, pagkastigo—lahat ng mga ito ay upang malaman mo ang iyong sarili, nang upang ang iyong disposisyon ay magbago, at, higit sa rito, nang upang malaman mo ang iyong halaga, at makita na ang lahat ng mga pagkilos ng Diyos ay matuwid, at alinsunod sa Kanyang disposisyon at ang mga pangangailangan sa Kanyang gawain, na Siya ay gumagawa alinsunod sa Kanyang plano sa kaligtasan ng tao, at na Siya ang matuwid na Diyos na iniibig ang tao, at inililigtas ang tao, at Siyang humahatol at kumakastigo sa tao. Kung nalalaman mo lamang na mababa ang iyong kalagayan, at na ikaw ay tiwali at masuwayin, ngunit hindi nalalaman na ninanais ng Diyos na gawing karaniwan ang Kanyang pagliligtas sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo na Kanyang ginagawa sa iyo sa kasalukuyan, kung gayon ay wala kang paraan ng pagdanas, lalong hindi ka makapagpapatuloy nang pasulong. Ang Diyos ay hndi dumating upang pumatay, o magwasak, ngunit para humatol, sumumpa, kumastigo, at magligtas. Bago sa pagtatapos ng Kanyang 6,000 taon ng plano sa pamamahala--bago Niya gawing karaniwan ang bawat kategorya ng tao--ang gawain ng Diyos sa lupa ay para sa kapakanan ng kaligtasan, ang lahat ay nang upang gawing lubos na buo yaong mga umiibig sa Kanya, at dalhin sila sa pagpapasakop Kanyang dominyon. … Sa mga mata ng tao, ang kaligtasan ay ang pag-ibig ng Diyos, at ang pag-ibig ng Diyos ay hindi maaaring maging pagkastigo, paghatol, pagsumpa; ang kaligtasan ay kailangang mayroong taglay na pag-ibig, awa, at, higit pa rito, ng mga salita ng kasiyahan, at kailangang taglayin ang walang hanggang mga pagpapala na ipinagkakaloob ng Diyos. Ang mga tao ay naniniwala na kapag inililigtas ng Diyos ang tao ginagawa Niya ito sa pamamagitan ng pag-antig sa kanila at tulutan sila na ibigay ang kanilang mga puso sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang mga pagpapala at biyaya. Iyon ay upang sabihin, kapag hinihipo Niya ang mga tao inililigtas Niya ang mga ito. Ang kaligtasan na kagaya nito ay kaligtasan kung saan ang isang pakikipagkalakalan ay ginagawa. Kapag pinagkalooban pa lamang sila ng Diyos ng sandaang beses saka pa lamang lalapit ang tao sa ilalim ng pangalan ng Diyos, at magsisiskap na gumawang mabuti para sa Diyos at dalhan Siya ng kaluwalhatian. Hindi ito ang kalooban ng Diyos para sa sangkatauhan. Ang Diyos ay dumating upang gumawa sa lupa nang upang iligtas ang tiwaling sangkatauhan-walang kabulaanan dito; kung hindi, tiyak na hindi Siya darating upang gawin ang Kanyang gawain nang personal. Sa nakaraan, ipinakikita ng Kanyang mga paraan sa pagliligtas ang sukdulang pag-ibig at awa, anupa’t ibinigay ang lahat Niya kay Satanas kapalit ng kabuuan ng sangkatauhan. Ang kasalukuyan ay walang kagaya ng nakaraan: Sa kasalukuyan, ang inyong kaligtasan ay nangyayari sa panahon ng mga huling araw, sa panahon ng pag-uuri ng bawat isa ayon sa uri; ang mga paraan ng inyong kaligtasan ay hindi pag-ibig o awa, bagkus ay pagkastigo at paghatol nang upang ang tao ay lalong mas lubusang maligtas. Kung gayon, lahat ng iyong natatanggap ay pagkastigo, paghatol, at walang awang paghampas, ngunit talastasin na sa walang pusong paghampas na ito ay wala ni kakatiting na kaparusahan, talastasin na hindi alintana kung gaano man kabagsik ang Aking mga salita, kung ano ang sumapit sa iyo ay kakaunting mga salita lamang na lumilitaw na talagang walang puso sa iyo, at talastasin na, gaano man katindi ang Aking galit, kung ano ang darating sa inyo ay mga salita pa rin ng pagtuturo, at hindi Ko layon na saktan kayo, o ilagay ka sa kamatayan. Hindi ba ito lahat katotohanan? Talastasin ninyo na sa kasalukuyan, maging ito man ay matuwid na paghatol o walang pusong kapinuhan at pagkastigo, ang lahat ay para sa kapakanan ng kaligtasan. Hindi alintana kung sa kasalukuyan man ay mayroong pag-uuri sa bawat isa ayon sa uri, o ang paghahanap ng mga kategorya ng tao, ang lahat ng mga pagbigkas ng Diyos at gawain ay upang iligtas yaong mga tunay na umiibig sa Diyos. Ang makatuwirang paghatol ay upang dalisayin ang tao, ang walang pusong kapinuhan ay nang upang linisin ang tao, ang masasakit na mga salita at ang pagtutuwid ay lahat upang dalisayin, at para sa kapakanan ng kaligtasan. At kaya, ang kasalukuyang paraan ng pagliligtas ay hindi kagaya noong nakaraan. Sa kasalukuyan, ang makatuwirang paraan ng paghatol ay ililigtas ka, at isang mabuting kasangkapan sa pagbubukod-bukod sa bawat isa sa inyo ayon sa uri, at ang malulupit na pagkastigo ay magdudulot sa inyo ng pinakadakilang kaligtasan--at ano ang masasabi ninyo sa harap ng pagkastigong ito at paghatol? Hindi ba ninyo natatamasa ang pagliligtas mula umpisa hanggang katapusan? Pareho ninyong nakita ang Diyos na nagkatawang-tao at napagtanto ang Kanyang walang hanggang kapangyarihan at karunungan; higit sa rito, naranasan ninyo ang paulit-ulit na paghampas at disiplina. Ngunit hindi rin ba kayo tumanggap ng pinakadakilang biyaya? Ang inyong mga pagpapala ay hindi ba higit na malaki kaysa sa sinuman? Ang inyong mga biyaya ay higit na sagana kaysa sa kaluwalhatian at mga kayamanang tinamasa ni Solomon! Pag-isipan ninyo ito: Kung ang Aking layunin sa pagdating ay upang hatulan at parusahan kayo, at hindi upang iligtas kayo, maaari kayang nagtagal ang inyong mga araw? Magawa ninyo kayang, ang mga makasalanang nilalang na ito ng laman at dugo, makatagal hanggang sa kasalukuyan? Kung ito ay para lamang sa kapakanan ng pagpaparusa sa inyo, bakit kailangan Kong maging katawang-tao at magsimula sa gayong kalaking proyekto? Hindi ba kakailanganin lamang ng isang salita upang parusahan kayong mga mortal lamang? Magbabalak pa ba Akong wasakin ka pagkatapos Kitang parusahan? Hindi mo pa rin ba paniniwalaan ang mga salita Kong ito? Maililigtas Ko ba ang tao sa pamamagitan lamang ng pag-ibig at awa? O magagamit Ko lamang ang pagkakapako sa krus upang iligtas ang tao? Ang Akin bang matuwid na disposisyon ay hindi higit na kaaya-aya sa paggawa sa tao na maging lubos na masunurin? Hindi ba nito nagagawang lalong ganap na maligtas ang tao?
mula sa “Dapat Mong Isantabi Ang Mga Pagpapala ng Kalagayan at Unawain ang Kalooban ng Diyos Para sa Kaligtasan ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan:Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos ng Paghatol at Pagkastigo.
Rekomendasyon:Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Rekomendasyon:Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan