菜單

Ene 18, 2018

Salita ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas

Kaalaman, Kaharian ng Diyos, Panalangin, tumalima

Ang Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas

    
   Sa pagtawag ng Aking tinig, sa pagsiklab ng apoy mula sa Aking mga mata, sinusubaybayan Ko ang buong mundo, inoobserbahan Ko ang buong sansinukob. Nananalangin sa Akin ang buong sangkatauhan, tumitingala sila sa Akin, nagmamakaawang itigil Ko ang Aking galit, at isinusumpang hindi na kailanman sila magrerebelde laban sa Akin. Ngunit hindi na ito ang nakaraan; ito ay kasalukuyan. Sino ang makapapanumbalik sa Aking kalooban? Tiyak na hindi ang panalangin sa loob ng puso ng mga tao, ni hindi ang mga salita sa kanilang mga bibig? Kung hindi dahil sa Akin, sino ang makaliligtas hanggang sa kasalukuyan? Sino ang mabubuhay maliban sa pamamagitan ng mga salita ng Aking bibig? Sino ang hindi nagsisinungaling sa ilalim ng mapagmatyag Kong mga mata? Sa patuloy Kong paggawa ng bago Kong gawain sa buong mundo, sino na ang may kakayahang makatakas mula dito? Maaari kayang iwasan ito ng mga bundok sa pamamagitan ng kanilang taas? Maaari kayang itaboy ito ng mga tubig, sa pamamagitan ng kanilang pagkarami-raming kalakhan? Sa Aking plano, kailanma’y walang anumang bagay ang basta-basta Kong hinahayaang lumisan, kaya wala kailanman kahit sinong tao, o anumang bagay, ang nakatakas mula sa pagdakma ng Aking mga kamay. Naitatanghal ngayon ang banal Kong pangalan sa buong sangkatauhan, at muli, umaangat sa buong sangkatauhan ang mga salitang may pagsalungat laban sa Akin, at laganap sa buong sangkatauhan ang mga alamat tungkol sa Aking pagiging. Hindi Ko hinahayaang gumagawa ang tao ng kanilang mga paghatol tungkol sa Akin, ni hindi Ko rin hinahayaang paghati-hatian nila ang Aking katawan, mas lalong hindi Ko hinahayaan ang kanilang mga panlalait laban sa Akin. Dahil kailanman ay hindi niya Ako ganap na nakilala, palagi nila Akong sinusuway at nililinlang, nabibigo silang mahalin ang Aking Espiritu o pahalagahan ang mga salita Ko. Mula sa bawat gawa at pagkilos niya, at mula sa saloobin niya tungo sa Akin, ibinibigay Ko sa tao ang “gantimpala” na nararapat sa kanya. Kaya, gumagawa lahat ang mga tao nakamasid sa kanilang gantimpala, at wala kahit isa ang gumawa kailanman nang may pagsasakripisyo. Ayaw ng mga tao ang gumawa ng walang pag-iimbot na pagtatalaga, ngunit nagagalak sila sa mga gantimpala na maaaring makuha ng walang kapalit. Kahit inilaan ni Pedro ang sarili niya sa harapan Ko, hindi ito para sa kapakanan ng gantimpala sa hinaharap, ngunit para ito sa kapakanan ng kasalukuyang kaalaman. Kailanman ay hindi pumasok sa tunay na pakikipag-ugnayan ang sangkatauhan sa Akin, ngunit paulit-uliti siyang nakikitungo sa Akin sa isang mababaw na paraan, sa gayo’y iniisip na makukuha niya ang pagsang-ayon Ko ng walang kahirap-hirap. Tumingin Ako sa kaibuturan ng puso ng tao, kaya natuklasan Ko sa kanyang kaloob-looban ang “isang mina ng maraming kayamanan,” isang bagay na kahit ang tao mismo ay walang kamalayan ngunit natuklasan Ko ito. At dahil dito, ititigil lamang ng mga tao ang banal-banalang pagpaparusa sa sarili kapag makakita sila ng “materyal na katibayan” at, nakaunat ang mga palad, inaamin ang maruming estado ng kanilang mga sarili. Sa gitna ng mga tao, marami pang mga bago at sariwang bagay ang naghihintay na “ilalabas” Ko para sa kasiyahan ng buong sangkatauhan. Hindi Ako titigil sa Aking gawain dahil sa kawalan ng kakayahan ng tao, ipagpapatuloy Ko siyang kukumpuniin at pananatilihin alinsunod sa Aking orihinal na plano. Ang tao ay parang isang puno ng prutas: Kung walang pagputol at pagpupungos, mabibigong mamunga ang puno at, sa katapusan, ang tanging makikita ninuman ay mga lantang sanga at nahuhulog na mga dahon, wala man lang itong prutas na mahuhulog sa lupa.

   Sa araw-araw Kong pagpapaganda sa “loobang silid” ng Aking kaharian, kailanman ay walang sinuman ang biglang pumapasok sa Aking “gawaan” upang gambalain ang Aking gawain. Ginagawa ng buong sangkatauhan ang buo nilang makakaya upang makipagtulungan sa Akin, natatakot sila na “mapaalis” at “mawalan ng posisyon” at dahil dito ay umabot sila sa dulo ng kanilang buhay kung saan ay maaari pa silang mahulog sa “disyerto” na nasasakupan ni Satanas. Dahil sa mga takot ng tao, inaaliw Ko siya bawat araw, inuudyakang magmahal bawat araw at bukod diyan binibigyan Ko siya ng tagubilin para sa kanyang pang-araw-araw na buhay. Parang mga sanggol na bagong panganak ang lahat ng mga tao; kung hindi sila mabibigyan ng gatas, lilisanin nila ang mundo at maglalaho na sila sa hindi katagalan. Sa gitna ng mga hinaing ng sangkatauhan, paparito Ako sa mundo ng mga tao at, kaagad, mananahan ang sangkatauhan sa isang mundo ng liwanag, hindi na sila nakakulong sa loob ng isang “silid” na kung saan ay isinisigaw nila ang kanilang mga panalangin sa langit. Sa sandaling makita nila Ako, igigiit ng mga tao ang mga “hinaing” na nakatago sa kanilang mga puso, ibubukas nila sa harapan Ko ang mga bibig nila upang magmakaawa ng pagkain na ilalaglag Ko sa kanila. Ngunit pagkatapos nito, “kapag humupa na ang mga takot at naibalik na ang kahinahunan nila,” hindi na sila hihiling ng anumang bagay sa Akin, ngunit makatutulog na sila nang mahimbing, o kung hindi, itatanggi na nila ang pag-iral Ko, aasikasuhin na nila ang kanilang mga pansariling gawain. Sa “paglisan” ng sangkatauhan, malinaw na malinaw kung paano isakatuparan ng mga tao, na walang “pakiramdam,” ang “walang kinikilingan na katarungan” nila sa Akin. Dahil dito, sa pagkakita Ko sa kanyang hindi kanais-nais na aspeto, tahimik Akong yayaon at hindi na Ako bababa muli para sa maalab niyang pagsusumamo. Walang kaalam-alam ang tao na araw-araw na lumalaki ang mga problema niya, at dahil dito, sa kalagitnaan ng kanyang mabigat na trabaho, kapag bigla niyang madiskubre ang Aking pag-iral, siya, tatangging tumanggap ng sagot na “hindi,” hahawakan niya Ako sa mga kuwelyo at hahatakin sa kanyang bahay bilang isang bisita. Ngunit, kahit maghahain siya ng masarap na pagkain para sa kasiyahan Ko, hindi niya Ako itinuring kailanman na bahagi ng kanyang pamilya, sa halip ay tinatrato niya Ako bilang isang bisita upang makakuha ng maliit na tulong mula sa Akin. At sa pagkakataong ito, basta na lang ihahayag ng tao ang nakakaawang kalagayan niya sa harapan Ko, sa pag-asang makuha ang Aking “lagda,” at, katulad ng isang nangangailangan ng pautang para sa kanyang negosyo, aasikasuhin niya Ako sa lahat ng kakayahan niya. Sa bawat kilos at galaw niya, madali Kong mapansin ang layunin ng tao: Sa pananaw niya, parang hindi Ko alam kung paano basahin ang kahulugan ng pagpapahayag ng mukha o ang nakatago sa likuran ng kanyang mga salita, o kung paano tumingin nang malalim sa puso ng isang tao. Kaya dahil sa kompiyansa, ibinubuhos ng tao sa Akin, ng walang mali o pagkukulang, ang bawat karanasan niya sa bawat tagpong pinagdaanan niya, at ihahayag niya pagkatapos ang mga pangangailangan niya sa harapan Ko. Galit at kinamumuhian Ko ang bawat gawa at pagkilos ng tao. Sa buong sangkatauhan, wala ni isa kailanman ang tumupad sa gawain na gusto Ko, parang sinasadyang kalabanin Ako ng sangkatauhan, at pakay nilang akitin ang Aking poot: Lahat sila ay pabalik-balik sa harapan Ko, sinusunod nila ang sarili nilang kalooban sa harapan ng Aking mga mata. Wala kahit isa sa buong sangkatauhan ang nabubuhay para sa Akin, at bilang kahihinatnan walang halaga ni kahulugan ang pag-iral ng buong sangkatauhan, kaya nabubuhay sila sa kawalan. Kahit ganito, ayaw pa ring gumising ang sangkatauhan, at patuloy siyang nagrerebelde laban sa Akin, nagpapatuloy sa kanyang kapalaluan.

   Sa lahat ng dinaanan nilang mga pagsubok, kailanman ay hindi Ako nalugod sa sangkatauhan. Dahil sa malupit nilang kasamaan, hindi nilalayon ng sangkatauhan na magpatotoo para sa Aking pangalan; sa halip, “tumatakbo siya sa ibang daan” habang umaasa sa Akin para sa kabuhayan. Ang puso ng tao ay hindi ganap na bumalik sa Akin, kaya inaatake siya ni Satanas hanggang sa naging sugatan, at nabalot ang kanyang katawan sa karumihan. Ngunit hindi pa rin mapagtanto ng tao kung gaano nakasusuklam ang kanyang mukha: Sa buong panahon lagi siyang sumasamba kay Satanas sa Aking likuran. Sa kadahilanang ito, itinapon Ko ng may galit ang tao sa napakalalim na hukay, ginawa Ko ito para hindi na niya kailanman magagawang iligtas ang kanyang sarili. Kahit ganito, sa gitna ng kalunus-lunos niyang paghagulgol, ayaw pa ring baguhin ng tao ang kanyang pag-iisip, layuning lalabanan Ako hanggang sa mapait na katapusan, at umaasa siyang sa gayon ay sadyang pukawin ang Aking walang humpay na galit. Dahil sa kanyang ginawa, itinuturing Ko siyang makasalanan at itinatanggi Ko sa kanya ang init ng Aking yakap. Mula noong una, pinaglingkuran Ako ng mga anghel at sumunod sila sa Akin nang walang pagbabago o paghinto, ngunit palaging ginagawa ng tao ang ganap na kabaligtaran, na parang hindi siya nagmula sa Akin, kundi ipinanganak ni Satanas. Ibinigay ng mga anghel sa Akin mula sa kanilang kinatatayuan ang buo nilang katapatan; hindi sila nagpatinag sa mga puwersa ni Satanas, pinagsusumikapan nilang tuparin ang kanilang tungkulin. Sa pag-aalaga at pagpapakain ng mga anghel, lumago lahat nang malakas at malusog ang napakarami Kong mga anak at ang Aking bayan, walang kahit isa sa kanila ang mahina o sakitin. Ako ang gumawa nito, ito’y Aking himala. Sa pagpasinaya ng masigabong pagsabog ng kanyon sa pagbangon ng Aking kaharian, lumalakad sa indayog na saliw, dumating ang mga anghel sa harapan ng Aking plataporma para magpasakop sa Aking pagsisiyasat, sapagkat malaya ang kanilang mga puso mula sa karumihan at sa mga dios-diosan, at hindi sila umiiwas sa Aking pagsisiyasat.

   Sa pag-ungol ng malakas na hangin, bumaba ang mga langit sa isang iglap, sinakal nila ang buong sangkatauhan upang hindi na makatawag ang mga tao sa Akin kapag gusto nila. Hindi nila namalayan na bumagsak na ang buong sangkatauhan. Umindayog ang mga puno sa ugoy ng hangin, naririnig paminsan-minsan ang pagkabali ng mga sanga, at natangay sa malayo ang lahat ng mga lantang dahon. Biglang naging malungkot at nasira ang lupa, at mahigpit na nagyakapan ang mga tao upang paghandaan ang susunod na sakuna na tatama anumang sandali sa mga katawan nila pagkatapos ng taglagas. Paroo’t parito na lumilipad ang mga ibon sa mga burol, parang umiiyak sila sa isang nilalang dahil sa kalungkutan; sa mga yungib ng bundok, umuungol ang mga leon, sinisindak ang mga tao sa kanilang tunog, nanlalamig sila sa takot at kinikilabutan, at tila may isang nagbabalang pakiramdam na nagpapahiwatig ng katapusan ng sangkatauhan. Dahil ayaw nilang makita ang kasiyahan Ko sa kanilang pagkasira, nagsipanalangin nang taimtim ang lahat ng tao sa Kataas-taasang Panginoon sa langit. Ngunit paano mapipigilan ang isang malakas na hangin sa pamamagitan ng ingay ng tubig na dumadaloy sa isang maliit na sapa? Paano itong mapipigilan nang bigla sa pamamagitan ng tunog ng mga taimtim na panalangin ng mga tao? Paano mapatatahimik ang galit sa puso ng mga dagundong ng kulog para sa kapakanan ng mahinang loob ng tao? Pabalik-balik na naiuugoy ang tao sa hangin; paroo’t parito siyang tumatakbo upang itago ang kanyang sarili mula sa ulan; at nanginginig ang mga tao sa ilalim ng Aking poot, matindi ang takot nilang itatatag Ko ang Aking kamay sa kanilang mga katawan, para Akong dulo ng baril na laging nakatutok sa dibdib ng tao, at muli, parang kaaway Ko siya, ngunit siya ay Aking kaibigan. Kailanman ay hindi natuklasan ng tao ang tunay Kong mga hangarin para sa kanya, hindi niya kailanman naunawaan ang tunay Kong mga layunin, at dahil dito, nasasaktan niya Ako, walang kamalay-malay, kinakalaban niya Ako, ngunit, hindi rin sinasadyang nakikita niya ang Aking pagmamahal. Sa gitna ng Aking pagkapoot mahirap para sa tao na makita ang Aking mukha. Nakatago Ako sa itim na ulap ng Aking galit, at nakatayo Ako, sa kalagitnaan ng mga dagundong ng kulog sa ibabaw ng buong sandaigdigan upang ipadala ang Aking awa sa tao. Sapagkat hindi Ako kilala ng tao, hindi Ko siya kakastiguhin dahil sa kabiguan niyang maunawaan ang Aking layunin. Sa mata ng mga tao, paminsan-minsan Kong ibinubulalas ang Aking poot, paminsan-minsan Kong ipinakikita ang Aking ngiti, pero kahit na nakikita niya Ako, hindi kailanman nakita ng tao ang kabuuan ng Aking disposisyon, hindi pa rin niya marinig ang kagalakan ng korneta, dahil lumago siya na masyadong manhid at walang buhay. Parang umiiral ang Aking imahe sa alaala ng tao, at ang Aking anyo sa kanyang mga saloobin. Subalit, sa buong ebolusyon ng sangkatauhan wala kailanman ni isang tao ang tunay na nakakita sa Akin, dahil masyadong mahina ang utak ng tao. Sa buong pagsisiyasat ng tao sa Akin, napakaprimitibo ang agham ng sangkatauhan kaya, hanggang ngayon, walang kapani-paniwalang mga resulta ang kanyang pang-agham na pananaliksik. At dahil dito, ganap na blangko ang paksa ng “Aking imahe,” wala kahit isa ang pupuno rito, wala kahit isa ang makakasira sa isang tala ng mundo, dahil para mapanatili man lang ng sangkatauhan ang kanyang kasalukuyang katayuan ay isa nang hindi masukat na gantimpala sa gitna ng matinding kasawian.

Marso 23, 1992    
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan
Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus
Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos

Ene 17, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-dalawang Pagbigkas

 Kaligtasan, Kidlat ng Silanganan, maghanap, maghintay



Ang Ikadalawampu’t-dalawang Pagbigkas

    Namumuhay ang tao sa gitna ng liwanag, ngunit hindi niya batid ang kahalagahan ng liwanag. Siya ay ignorante sa substansya ng liwanag, at sa pinagmumulan ng liwanag, at, higit pa rito, kung sino ang nagmamay-ari nito. Nang ipinagkaloob Ko ang liwanag sa tao, Aking agarang sinusuri ang mga kondisyon sa gitna ng tao: Dahil sa liwanag, nagbabago ang lahat ng tao, at dumarami, at nakaalis sa kadiliman. Tinitingnan Ko ang bawat kanto ng sansinukob, at nakikita na ang mga bundok ay binabalot sa hamog, na ang tubig ay nagyeyelo sa gitna ng lamig, at iyon, ay dahil sa pagdating ng liwanag, tumitingin ang mga tao sa Silangan upang makadiskubre pa sila nang mas makahulugan—ngunit, ang mga tao ay nananatiling hindi maka-unawa ng malinaw na direksyon sa gitna ng maninipis na ulap. Dahil ang buong mundo ay nalulukuban ng hamog, kapag Ako ay tumitingin sa gitna ng mga ulap, ang Aking pag-iral ay hindi kailanman natutuklasan ng tao; naghahanap ang tao sa daigdig ng isang bagay, mukha siyang nangangalap, tila ninanais niya, na maghintay sa Aking pagdating—ngunit hindi niya alam ang Aking araw, at maaari lamang madalas tumingin sa kislap ng liwanag sa Silangan. Sa lahat ng sangkatauhan, hinahanap Ko ang mga tunay na nagnanais ng Aking sariling puso. Lumalakad Ako kasama ng lahat ng tao, at naninirahan sa lahat ng tao, ngunit ang tao ay ligtas at matiwasay sa lupa, at kaya’t walang tunay na nagnanais sa Aking puso. Hindi alam ng mga tao kung paano magmalasakit sa Aking nais, hindi nila nakikita ang Aking mga pagkilos, at hindi sila makihalubilo sa liwanag at mailawan ng liwanag. Kahit na palaging pinapahalagahan ng tao ang Aking mga salita, siya ay walang kakayahang mabatid ang panglilinlang ni Satanas; dahil ang tayog ng tao ay masyadong maliit, hindi niya kayang gawin kung ano ang nais ng kanyang puso. Hindi Ako kailanman tunay na minahal ng tao. Kapag itinataas Ko siya, pakiramdam niya ay hindi siya karapat-dapat, ngunit hindi nito nagawa na subukin niyang pasayahin Ako. Basta hinahawakan lang niya ang katayuan na Aking ibinigay sa kanyang mga kamay at sinusuri ito; walang pakiramdam sa Aking pagkamasuyuin, sa halip nagpupumilit siyang nagpapakabundat sa kanyang sarili sa mga pagpapala ng kanyang katayuan. Ito ba ay hindi kakulangan ng tao? Kapag gumalaw ang mga bundok, maaari bang umiwas ang mga ito para sa kapakanan ng iyong katayuan? Kapag umagos ang tubig, maaari bang huminto ang mga ito sa harap ng iyong katayuan? Mababaligtad ba ang langit at lupa ng iyong katayuan? Ako ay minsang naging maawain sa tao, paulit-ulit—ngunit walang sinumang nagmamahal o nagpapahalaga rito, pinakinggan lang nila ito bilang isang kuwento, o binasa ito bilang isang nobela. Ang Aking bang mga salita ay hindi talaga nakakaantig sa puso ng tao? Ang Aking bang mga binibigkas ay tunay na walang epekto? Maaari bang walang sinuman ang naniniwala sa Aking pag-iral? Hindi mahal ng tao ang kanyang sarili; sa halip, siya ay nakikiisa kay Satanas upang lumaban sa Akin, at ginagamit si Satanas bilang isang “kapakinabangan” upang paglingkuran Ako. Ako ay susuong sa lahat ng mga mapanlinlang na balak ni Satanas, at pipigilan ang mga tao sa lupa na tanggapin ang panlilinlang ni Satanas, upang hindi sila manlaban sa Akin dahil sa pag-iral ni Satanas.

Ene 16, 2018

Salita ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-isang Pagbigkas

 Kaligtasan, Mahalin ang Diyos, matapat, tumalima


Ang Ikadalawampu’t-isang Pagbigkas


   Nahuhulog ang tao sa kalagitnaan ng Aking liwanag, at mabilis siyang nakakabangon dahil sa Aking kaligtasan. Noong dinala Ko ang  kaligtasan sa buong sandaigdigan, sinusubukan ng tao na hanapin ang mga paraan upang makapasok sa daloy ng Aking pagpapanumbalik, ngunit marami ang mga natangay nang walang bakas sa malakas na agos ng panunumbalik na ito; marami ang mga nalunod at nilamon ng malakas na agos ng mga tubig; at marami rin ang nanatili sa gitna ng malakas na agos, na hindi kailanman nawalan ng kanilang diwa ng direksiyon, at sumunod sa malakas na agos hanggang ngayon. Humahakbang Ako kasabay ng tao, ngunit hindi pa rin niya Ako nakikilala; alam lamang niya ang mga panlabas Kong kasuotan, at wala siyang kaalam-alam sa mga kayamanan na nakatago sa Aking kaloob-looban. Kahit na tinutustusan Ko ang tao at nagbibigay Ako sa kanya sa bawat araw, hindi niya kaya ang tunay na pagtanggap, wala siyang kakayahang tanggapin ang lahat ng mga kayamanang ibinibigay Ko. Wala sa katiwalian ng tao ang nakakaiwas sa Aking paningin; para sa Akin, ang panloob na mundo niya ay katulad ng maliwanag na buwan sa tubig. Hindi Ako nakikipaglaro sa tao, ni hindi basta nakikisabay lang sa kanya; wala lang talagang kakayahan ang tao na panagutan ang kanyang sarili, at dahil dito palaging ubod ng sama ang buong sangkatauhan, at kahit ngayon nananatili siyang walang kakayahang lumaya mula sa naturang kasamaan. Kaawa-awa, kalunus-lunos na sangkatauhan! Bakit nga ba mahal Ako ng tao, ngunit hindi niya kayang sundin ang mga layunin ng Aking Espiritu? Talaga bang hindi Ko ibinunyag ang Aking Sarili sa sangkatauhan? Talaga bang hindi nakita kailanman ng sangkatauhan ang Aking mukha? Maaari kayang masyadong maliit ang awa na Aking ipinakita sa sangkatauhan? O ang mga rebelde ng buong sangkatauhan! Dapat silang mawasak sa ilalim ng Aking talampakan, dapat silang maglaho sa gitna ng Aking pagkastigo, at dapat, sa araw ng pagkakumpleto ng Aking dakilang plano, ay maitataboy sila mula sa kalagitnaan ng sangkatauhan, upang makita ng buong sangkatauhan ang pangit nilang pagmumukha. Bihirang makita ng tao ang Aking mukha o bihira niyang marinig ang Aking tinig dahil masyadong nakalilito ang buong mundo, at masyadong malakas ang ingay nito, at dahil dito naging masyadong tamad ang tao na hanapin ang Aking mukha at subukang unawain ang Aking puso. Hindi ba ito ang dahilan ng katiwalian ng tao? Hindi ba dahil dito kaya nangangailangan ang tao? Ang buong sangkatauhan ay palaging nasa gitna ng Aking pagtustos; kung di gayon, kung hindi Ako maawain, sino ang mabubuhay hanggang ngayon? Ang mga kayamanan na nasa Akin ay walang kapantay, ngunit ang lahat ng mga kalamidad ay nandito rin sa Aking mga kamay—at sino ang makaliligtas mula sa kalamidad kung kailan nila gusto? Ang mga panalangin ba ng tao ang magpapahintulot sa kanya upang gawin ito? O ang mga luha sa puso ng tao? Hindi kailanman tunay na nanalangin ang tao sa Akin, at dahil dito walang kahit isa sa buong sangkatauhan ang ganap na namuhay sa gitna ng liwanag ng katotohanan, at namuhay lamang ang mga tao sa gitna ng pasumpung-sumpong na paglitaw ng liwanag. Ito nga ang nagdulot sa pangangailangan ng sangkatauhan ngayon.

Christians From The Church of Almighty God Join Amnesty International in Appealing for Human Rights


Christians From The Church of Almighty God Join Amnesty International in Appealing for Human Rights

Christians From The Church of Almighty God Join Amnesty International in Appealing for Human Rights On November 19, 2017, the French Jaurès Team of Amnesty International, a long-time human rights watchdog organization in various countries, held a running activity called Run for Freedom (Courir pour la Liberté) at the Buttes-Chaumont Park (Parc des Buttes Chaumont) in Paris, aiming to call on the Chinese and Turkish authorities to immediately cease persecution of its Turkey chairman, Taner Kılıç, Chinese women’s rights activist Su Changlan, and nine other Turkish human rights activists. This is yet another call and condemnation by the international community on the dramatic deterioration of the human rights conditions in China and Turkey. The persecuted Christians of The Church of Almighty God also participated in the running activity, who expressed that they were participating in the event to support human rights and appeal for the abusive human rights situation in China. They introduced that since God appeared to work in 1991, The Church of Almighty God has been suppressed and persecuted by the CCP government. Statistics show that just in the short span of two years between 2011 and 2013, as many as 380,000 Christians of The Church of Almighty God had been unlawfully arrested, imprisoned and convicted by the CCP government, of which 43,000 were subject to various means of torture in secret courts that resulted in the death of 13 people. To date, well-documented cases indicate that 44 Christians of The Church of Almighty God had been persecuted to death by the Chinese government. As a result of the escalating repression, they were forced to flee to overseas countries for asylum. Their experiences have also drawn the attention of an increasing number of international human rights organizations and individuals.
Recommendation:Understanding the Eastern Lightning
The Return of the Lord Jesus
Gospel Is Being Spread!

Ene 15, 2018

Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (1) – Bato, Bato, Pick


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (1) – Bato, Bato, Pick

Isang grupo ng masisigla at kaibig-ibig na mga kabataan ang walang-malay na naglalaro nang itanong nila nang diretsahan, nang hindi nag-iisip, na: “Saan nanggaling ang sangkatauhan?” Alam mo ba ang sagot sa tanong na ito?
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga’t nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
Rekomendasyon:Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!

Ene 14, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Ang Ikadalawampung Pagbigkas

 Diyos, kaluwalhatian, maghanap, Pag-asa

Ang Ikadalawampung Pagbigkas


   Hindi masukat at hindi maarok ang kayamanan ng Aking sambahayan, gayunma’y hindi kailanman lumapit sa Akin ang tao upang tamasahin ang mga iyon. Wala siyang kakayahang tamasahin ang mga iyon sa kanyang sarili, ni protektahan ang sarili niya gamit ang sarili niyang mga pagsisikap; sa halip, palagi niyang nailalagay sa iba ang kanyang pagtitiwala. Sa lahat ng mga yaong tinitingnan Ko, wala kahit isa ang kailanma’y kusa at direktang naghanap sa Akin. Lumalapit silang lahat sa harap Ko sa panghihikayat ng iba, sumusunod sa karamihan, at ayaw nilang bayaran ang halaga o gumugol ng oras para pagyamanin ang kanilang mga buhay. Samakatuwid, walang sinuman sa gitna ng tao ang namuhay kailanman sa katotohanan, at namumuhay ang lahat ng mga tao ng mga buhay na walang kahulugan. Dahil sa mga gawi at kaugalian ng tao na matagal nang umiiral, umalingasaw ang amoy ng lupa sa mga katawan ng lahat ng mga tao. Bilang resulta, naging manhid ang tao, walang pandama sa kalagiman ng mundo, at sa halip ay nagpapakaabala siya sa gawain ng pagtatamasa sa sarili sa malamig na mundong ito. Walang kahit kaunting init ang buhay ng tao, at walang kahit anong pantaong lasa o liwanag—gayunma’y sinanay niya ang kanyang sarili dito, nanatili siya sa habambuhay na kawalan ng halaga kung saan nagmamadali siyang gumagawa nang walang anumang napapala. Sa isang kisapmata, lumalapit ang araw ng kamatayan, at namamatay ang tao ng isang mapait na kamatayan. Kailanman, wala siyang natupad na anuman, o napalang anuman sa mundong ito—nagmamadali lamang siyang dumarating, at nagmamadaling umaalis. Sa Aking paningin wala sa mga yaon ang nakapagdala kailanman ng anuman, o nakakuha ng anuman, kung kaya nararamdaman ng tao na hindi patas ang mundo. Gayunman walang may gustong magmadali. Hinihintay lamang nila ang araw kung kailan ang Aking pangako mula sa langit ay biglang darating sa gitna ng tao, magpapahintulot sa kanila, sa panahon kung kailan sila ay naligaw, na minsan pa ay makita ang daan ng walang-hanggang buhay. Kaya, nakatutok ang tao sa bawat gawa at kilos Ko upang tingnan kung talagang natupad Ko ang pangako Ko sa kanya. Kapag siya ay nasa kalagitnaan ng hirap, o sa matinding sakit, o pinalilibutan ng mga pagsubok at malapit nang mahulog, isinusumpa ng tao ang araw ng kanyang kapanganakan upang mas mabilis niyang matakasan ang mga problema niya at makalipat sa mas magandang lugar. Ngunit kapag lumipas na ang mga pagsubok, napupuno ng kagalakan ang tao. Ipinagdiriwang niya ang araw ng kapanganakan niya sa mundo at hinihiling na pagpalain Ko ang araw ng kanyang kapanganakan; sa panahong ito, hindi na binabanggit ng tao ang mga pangako ng nakaraan, malalim ang takot niya na sa ikalawang pagkakataon darating muli sa kanya ang kamatayan. Kapag itinataas ng mga kamay Ko ang mundo, sumasayaw sa kagalakan ang mga tao, hindi na sila nalulungkot, at umaasa silang lahat sa Akin. Kapag tinatakpan Ko ng Aking mga kamay ang Aking mukha, at itinutulak ang mga tao sa ilalim ng lupa, agad silang nahihirapan sa paghinga, at bahagya na silang makapanatiling buhay. Lahat sila ay sumisigaw sa Akin, takot na lilipulin Ko sila, sapagka’t gusto nilang lahat na makita ang araw kung kailan Ako ay maluluwalhati. Itinuturing ng tao ang araw Ko bilang pangunahin ng kanyang pag-iral, at ito ay dahil lamang sa mahigpit na pagnanais ng mga tao para sa araw kung kailan ang Aking kaluwalhatian ay darating kaya nakapanatiling buhay ang sangkatauhan hanggang ngayon. Ang pagpapalang ipinahayag ng Aking bibig ay na yaong mga ipinanganganak sa panahon ng mga huling araw ay napakapalad na makita ang buo Kong kaluwalhatian.

Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (2) – Agawan sa Ginto


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (2) – Agawan sa Ginto


     Nang makakita si Xiaozhen ng isang malaking pirasong ginto, tinawag niya ang kanyang mga kaibigan para ipakita ito.