菜單

Nob 27, 2017

Does God’s Word Exist Apart From the Bible?


Does God’s Word Exist Apart From the Bible?

    Some religious people believe that all of God’s words and work are in the Bible, and that there are no words and work of God besides those in the Bible. Does this kind of view accord with the truth? The Bible says, “And there are also many other things which Jesus did, the which, if they should be written every one, I suppose that even the world itself could not contain the books that should be written” (John 21: 25). Almighty God says, “What God is and has is forever inexhaustible and limitless. … Do not delimit God in books, words, or His past utterances again. There is only one word for the characteristic of God’s work—new. He does not like to take old paths or repeat His work, and moreover He does not want people to worship Him by delimiting Him within a certain scope. This is God’s disposition” (The Word Appears in the Flesh).
    Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyosdahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga’t nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
Rekomendasyon:Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

Is Faith in the Bible Equivalent to Faith in the Lord?



Is Faith in the Bible Equivalent to Faith in the Lord?

    Most pastors and elders of the religious world believe that the Bible represents the Lord, and that believing in the Lord is believing in the Bible, and believing in the Bible is believing in the Lord. They believe that if one departs from the Bible then he cannot be called a believer, and that one can be saved and can enter the kingdom of heaven so long as he clings to the Bible. Can the Bible really represent the Lord? What exactly is the relationship between the Bible and the Lord? The Lord Jesus said, “Search the scriptures; for in them you think you have eternal life: and they are they which testify of me. And you will not come to me, that you might have life” (John 5:39-40). Almighty God says, “After all, which is greater: God or the Bible? Why must God’s work be according to the Bible? Could it be that God has no right to exceed the Bible? Can God not depart from the Bible and do other work? Why did Jesus and His disciples not keep the Sabbath? … You should know which came first, God or the Bible! Being the Lord of the Sabbath, could He not also be the Lord of the Bible?” (The Word Appears in the Flesh).
    Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyosdahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga’t nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
Rekomendasyon:Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Nob 26, 2017

Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao?

kaluwalhatian, karunungan, praktikal, tumalima

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao?

    Bilang isang tao na naniniwala sa Diyos, nararapat mong maunawaan na ngayon, sa pagtanggap ng gawain ng Diyos sa mga huling araw at ang lahat ng gawain ng plano ng Diyos sa iyo, ikaw ay nakatanggap ng malaking pagpaparangal at kaligtasan mula sa Diyos. Ang lahat ng gawa ng Diyos sa buong sansinukob ay nakatutok sa kalipunan ito ng mga tao. Inilaan Niya ang lahat ng Kanyang pagsisikap para sa inyo at inihandog ang lahat para sa inyo; Kanyang tinubos at ibinigay sa inyo ang lahat ng gawain ng Espiritu sa buong mundo. Iyan ang dahilan kung bakit Ko sinasabing, kayo ang mapalad. Higit pa rito, inilipat Niya ang Kanyang kaluwalhatian mula sa Israel, ang Kanyang piniling mga tao, sa inyo, nang sa gayon ay matupad ang layunin ng Kanyang plano na lubusang maihayag sa pamamagitan ninyo. Samakatwid, kayo ang makatatanggap ng pamana ng Diyos, at higit pa, ang mga tagapagmana ng kaluwalhatian ng Diyos. Marahil ay naaalala ninyo ang mga salitang ito: “Sapagka’t ang aming magaang kapighatian, na sa isang sangdali lamang, ay siyang gumagawa sa amin ng lalo’t lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan;” Sa nakaraan, narinig ninyo ang mga kasabihang ito, ngunit walang nakaunawa ng tunay na kahulugan ng mga salita. Ngayon, alam niyo na rin ang tunay na kahalagahan na mayroon ang mga ito. Ito ang mga salita na isasakatuparan ng Diyos sa mga huling araw. At ito ay mangyayari sa mga malupit na pinighati ng malaking pulang dragon sa lugar kung saan ito namamalagi. Ang malaking pulang dragon ay inuusig ang Diyos at ito ay kaaway ng Diyos, kaya sa lugar na ito, ang mga naniniwala sa Diyos ay isinasailalim sa panghihiya at pag-uusig. Iyon ang dahilan kung bakit ang mga salitang ito ay magiging katotohanan sa inyong kalipunan ng mga tao. Habang ang gawain ay naisasakatuparan sa lugar na tumututol sa Diyos, ang lahat ng Kanyang gawain ay sinasalubong ng labis na mga hadlang, at marami sa Kanyang mga salita ay hindi maisasakatuparan sa madaling panahon; kaya, ang mga tao ay pinino dahil sa mga salita ng Diyos. Ito rin ay bahagi ng paghihirap. Labis na nakakapagod para sa Diyos na isakatuparan ang Kanyang gawain sa lupain ng malaking pulang dragon, ngunit dahil na rin sa ganoong hirap na gumagawa ang Diyos ng larangan para sa Kanyang gawain upang ipahayag ang Kanyang karunungan at mga nakakamanghang gawa. Ginagamit ng Diyos ang pagkakataong ito upang lubusin itong kalipunan ng tao. Dahil sa pagdurusa ng tao, ang kanilang kakayahan, at lahat ng masasamang disposisyon ng mga tao sa maruming lugar na ito, ginagawa ng Diyos ang gawain Niya ng pagdadalisay at paglupig nang sa gayon, mula rito, Siya ay magkamit ng kaluwalhatian at makuha ang mga tao na maging saksi sa Kanyang mga gawa. Ito ang lubos na kahalagahan ng lahat ng paghahandog na ginawa ng Diyos para sa kalipunan ng taong ito. Ibig sabihin, ang Diyos ang gumagawa ng gawain ng panlulupig sa pamamagitan lamang ng yaong mga sumasalungat sa Kanya. Samakatwid, sa paggawa nito ay maaaring maihayag ang dakilang kapangyarihan ng Diyos. Sa ibang salita, yaon lamang nasa maruming lupa ang karapat-dapat na magmana ng kaluwalhatian ng Diyos, at ito lamang ang makapagbibigay ng katanyagan sa dakilang kapangyarihan ng Diyos. Ito ang dahilan kung bakit ko sinasabing ang kaluwalhatian ng Diyos ay nakamit sa maruming lupa at mula sa mga naninirahan doon. Ito ang kalooban ng Diyos. Ito ay katulad din sa yugto ng gawa ni Jesus; maaari lamang Siyang luwalhatiin sa kalagitnaan ng mga Pariseong umusig sa Kanya. Kung hindi dahil sa pag-uusig na iyon at ang pagkakanulo sa Kanya ni Hudas, hindi sana pinagtawanan o nakaranas ng paninirang-puri si Jesus, higit dito ay ang ipako sa krus, at hindi sana Siya nagkamit ng kaluwalhatian. Kahit saan man gumawa ang Diyos sa bawat panahon at kahit saan siya gumawa ng Kanyang tungkulin sa katawang-tao, Siya ay nagkakamit ng kaluwalhatian doon at nagkakamit ng mga ninanais Niyang makamit. Ito ang plano ng gawa ng Diyos, at ito ang Kanyang pamamahala.

Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo

Diyos, Kaalaman, Panalangin, praktikal

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo

    Ano ang dapat mong malaman tungkol sa praktikal na Diyos? Ang Espiritu, ang Tao, at ang Salita na bumubuo sa Mismong Praktikal na Diyos, at ito ang tunay na kahulugan na Siya Mismo ang Praktikal na Diyos. Kung kilala mo lamang ang Tao—kung alam mo ang Kanyang mga gawi at pagkatao—subalit hindi alam ang gawa ng Espiritu, o kung ano ang ginagawa ng Espiritu sa katawang-tao, at nagbibigay-pansin lamang sa Espiritu, at sa Salita, at nananalangin lamang sa Espiritu, hindi alam ang gawa ng Espiritu ng Diyos sa praktikal na Diyos, ito ay nagpapatunay na hindi mo kilala ang praktikal na Diyos. Kabilang sa kaalaman sa praktikal na Diyos ang pag-kilala at pagdanas ng Kanyang mga salita, at pagkamkam sa mga patakaran at prinsipyo ng gawa ng Banal na Espiritu, at kung paano gumawa ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao. Samakatuwid, pati, kabilang ba dito ang pagkilala sa bawat pagkilos ng Diyos sa katawang-tao ay pinamumunuan ng Espiritu, at ang mga salita na Kanyang binibigkas ay direktang pahayag ng Espiritu. Kaya, kung nais mong makilala ang praktikal na Diyos, una mo dapat malaman kung paano gumagawa ang Diyos sa sangkatauhan at sa pagka-Diyos; dito, kapalit nito, patungkol sa mga pahayag ng Espiritu, na kung saan kinaabalahan ng lahat.

Dumating na ang Milenyong Kaharian

kaluwalhatian, Mga Biyaya, Pagsamba, praktikal

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Dumating na ang Milenyong Kaharian


   Nakita na ba ninyo kung ano’ng gawa ng Diyos ang matutupad sa grupo ng mga taong ito? Sinabi ng Panginoon, kahit na sa Milenyong Kaharian ay dapat sundin pa rin ng mga tao ang Kanyang mga salita at magpatuloy, at sa hinaharap ang salita ng Diyos ay direktang pang gagabay sa buhay ng tao patungo sa mabuting lupain ng Canaan. Noong si Moises ay nasa kagubatan, direktang nagtagubilin at nagsalita sa kanya ang Diyos. Mula sa kalangitan nagsugo ang Diyos ng pagkain, tubig, at manna upang ang mga tao ay magtamasa, at ito ay ganito pa rin ngayon: Personal na inilatag ng Diyos ang mga bagay upang makain at inumin ng mga tao upang pagsayahan, at personal Siyang nagpadala ng mga sumpa upang parusahan ang mga tao. At kaya ang bawat hakbang ng Kanyang gawa ay personal na ipinapatupad ng Diyos. Ngayon, hinahanap ng mga tao na muling mangyari ang mga katotohanan, sinusubukan nilang matanaw ang mga palatandaan at kababalaghan, at maaaring pabayaan ang mga taong iyon, dahil ang gawa ng Diyos ay siyang unti-unting napapatotohanan. Walang nakakaalam na ang Diyos ay bumaba mula sa langit, lingid pa rin sa kanilang kaalaman na nagpadala ang Panginoon ng pagkain at inumin mula sa langit—sa gayon, Siya ang tunay na nabubuhay, at ang mga maayang eksena ng Milenyong Kaharian na iniisip ng mga tao ay personal na mga salita din ng Diyos. Ito ay katotohanan, at tanging ito lamang ang umiiral sa Diyos na nasa lupa. Ang pag-iral ng Diyos sa lupa ay tumutukoy sa laman. Yaong hindi ukol sa laman ay wala sa lupa, at sa gayon ang lahat ng mga taong tumutuon sa pagpunta sa ikatlong langit ay kumikilos nang walang kabuluhan. Isang araw, kapag ang buong sansinukob ay nagbalik sa Diyos, ang sentro ng Kanyang gawa sa buong sansinukob ay susunod sa tinig ng Diyos; sa ibang dako, tatawag ang ilan, ang ilan ay gagamit ng eroplano, ang ilan ay gagamit ng bangka sa karagatan, at ang ilan ay gagamit ng mga laser upang makatanggap ng mga pananalita ng Diyos. Ang lahat ay magiging mapagsamba, at mapaghangad, sila lahat ay mapapalapit sa Diyos, at magtitipun-tipon sa Panginoon, at ang lahat ay sasamba sa Panginoon—at ang lahat ng ito ay mga gawa ng Diyos. Tandaan ito! Hindi kailanman muling magsisimula ang Panginoon saanman. Tutuparin ng Panginoon ang katotohanang ito: Gagawin Niya na ang lahat ng sangkatauhan sa buong sansinukob ay magtutungo sa Kanya, at sasamba sa Diyos sa lupa, at ang Kanyang gawa sa ibang lugar ay titigil, at mapipilitan ang mga tao na hanapin ang tunay na landas. Ito ay magiging kahalintulad ni Jose: Ang lahat ay nagsilapit sa kanya para sa pagkain, at yumuko sa Kanya, sapagka’t siya’y mayroong mga pagkain. Upang maiwasan ang tag-gutom, ang mga tao ay mapipilitang hanapin ang tunay na landas. Ang buong relihiyosong pamayanan ay dumaranas ng matinding gutom, at ang tanging ang Diyos ng ngayon ang Siyang bukal ng buhay na tubig, na may taglay ng patuloy na umaagos na bukal na inilaan para sa kasiyahan ng tao, at darating ang mga tao at aasa sa Kanya. Iyon ang oras na ang mga gawa ng Diyos ay mahahayag, at ang Diyos ay maluluwalhati; ang lahat ng tao sa buong sansinukob ay sasamba sa kabigha-bighaning “tao.” Hindi ba ito ang magiging araw ng kaluwalhatian ng Diyos? Isang araw, ang mga nakatatandang pastol ay magpapadala ng mga telegrama na humahanap sa tubig mula sa bukal ng tubig na buhay. Sila ay matatanda na, subalit sila ay tutungo pa rin upang sumamba sa taong ito, na kanilang itinakwil. Sa kanilang mga bibig kikilalanin nila at sa kanilang mga puso sila ay magtitiwala—at hindi ba ito isang senyales at kababalaghan? Kapag ang buong kaharian ay nagdiriwang, ito ang araw ng kaluwalhatian ng Diyos, at kung sinuman ang lalapit sa inyo at tatanggap sa mabuting balita ng Diyos ay pagpapalain ng Diyos, at ang mga bansang ito at ang mga taong ito ay pagpapalain at aalagaan ng Diyos. Ito ang tinatayang direksyon: Yaong mga tatanggap ng mga salita ng Diyos mula sa kanyang bibig ay magkakaroon ng landas na lalakaran sa mundo, at maging sila man ay mga negosyante o mga siyentipiko, o mga maestro o mga manggagawa, yaong mga walang salita ng Diyos ay mahihirapan kahit na sa unang hakbang, at sila ay mapipilitang hanapin ang tunay na landas. Ito ang ibig sabihin ng, “Sa katotohanan maaabot mo ang buong mundo; sa kawalan ng katotohanan, wala kang mararating.” Ang katotohanan ay: Gagamitin ng Diyos ang Daan (na nangangahulugang lahat ng Kanyang mga salita) upang atasan ang buong sansinukob at pamahalaan at lupigin ang sangkatauhan. Ang mga tao ay laging umaasa sa malaking pagbaling sa mga paraan na isinasagawa ng Diyos. Sa payak na pananalita, sa pamamagitan ng mga salita kinukontrol ng Diyos ang mga tao, at dapat mong gawin ang Kanyang sinasabi[a] naisin niyo man o hindi; ito ay isang tunay na layunin, at dapat na sundin ng lahat, at kaya, pati, ito ay hindi matitinag, at alam ng lahat.

Paano Maglingkod Ayon sa Kalooban ng Diyos

Diyos, Ang Banal na Espiritu, sundin, Jesus

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Paano Maglingkod Ayon sa Kalooban ng Diyos

    Ngayon, uunahin natin ang pakikipag-kapwa kung paano dapat paglingkuran ng tao ang Diyos sa kanilang paniniwala sa Diyos, ano ang mga kondisyon na dapat tuparin at kung ano ang dapat maunawaan ng mga naglilingkod sa Diyos, at ano ang mga paglilihis sa inyong serbisyo. Dapat ninyong maunawaan ang lahat ng ito. Ang mga isyung ito ay tumutuon sa inyong paniniwala sa Diyos, kung paano kayo maglakad sa landas ng patnubay ng Banal na Espiritu, at kung paano ang inyong lahat ay inayos ng Diyos, at papahintulutan nila kayong malaman ang bawat hakbang ng gawa ng Diyos sa inyo. Kapag naabot ninyo ang puntong iyon, inyong ikalulugod ang pananampalataya sa Diyos, kung paano maniwala nang wasto sa Diyos, at ano ang dapat ninyong gawin upang kumilos sa pagkakatugma sa kalooban ng Diyos. Gagawin kayo nitong ganap at lubos na masunurin sa gawa ng Diyos, at hindi kayo magkakaroon ng reklamo, hindi kayo hahatulan, o pangangaralan, mas kaunting panghihimasok. Dagdag pa rito, magagawa ninyong maging masunurin sa Diyos hanggang sa kamatayan, nagpapahintulot sa Diyos na mailihis kayo at mapaslang na parang isang tupa, upang kayong lahat ay maging mga Pedro ng panahong 1990, at maaaring sukdulang mahalin ang Diyos kahit na nasa krus, nang walang kahit kaunting reklamo. Doon lamang kayo maaaring mamuhay bilang mga Pedro ng panahong 1990.

Pagtalakay Sa Buhay Iglesia at sa Totoong Buhay

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Pagtalakay Sa Buhay Iglesia at sa Totoong Buhay

     Nadadama ng mga tao na nagagawa lamang nilang magbago sa loob ng kanilang buhay sa iglesia, at kung hindi sila nabubuhay sa loob ng iglesia, ang pagbabago ay hindi posible, na hindi nila magagawang matamo ang pagbabago sa kanilang totoong buhay. Nakikilala ba ninyo kung ano ang usaping ito? Nagsalita Ako tungkol sa pagdadala sa Diyos sa totoong buhay, at ito ang landas para sa kanila na naniniwala sa Diyos upang pumasok sa realidad ng mga salita ng Diyos. Sa katunayan, ang buhay ng iglesia ay isa lamang limitadong paraan upang gawing perpekto ang tao. Ang pangunahing kapaligiran para sa pagka-perpekto ng mga tao ay ang totoong buhay pa rin. Ito ang totoong pagsasagawa at totoong pagsasanay na Aking sinasabi, na nagtutulot sa mga tao upang matamo ang isang buhay ng normal na pagkatao at upang isabuhay ang kawangis ng isang tunay na tao sa panahon ng pang-araw-araw na buhay. Ang isang aspeto ay ang dapat maging edukado ang isang tao upang pataasin ang kanyang sariling antas ng edukasyon, magawang maunawaan ang mga salita ng Diyos, at tamuhin ang kakayahan na makaunawa. Ang isa pang aspeto ay ang dapat sangkapan ang isang tao ng pangunahing kaalaman na kinakailangan upang mabuhay bilang isang tao upang matamo ang pananaw at katuwiran ng normal na pagkatao, sapagkat ang mga tao ay halos kulang lahat sa mga bahaging ito. Tangi sa roon, dapat ding makarating ang isang tao upang namnamin ang mga salita ng Diyos sa pamamagitan ng buhay iglesia, at unti-unting makararating upang magkaroon ng malinaw na pagkaunawa sa katotohanan.