菜單

Abr 16, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Dumating na ang Milenyong Kaharian" (Tagalog Dubbed)


Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Dumating na ang Milenyong Kaharian" (Tagalog Dubbed)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "ang pagdating ng Milenyong Kaharian sa lupa ay ang pagdating ng mga salita ng Diyos sa lupa. Ang paglusong ng Bagong Herusalem mula sa langit ay ang pagdating ng mga salita ng Diyos na mamumuhay kasama ng tao, na gagabay sa bawat pagkilos ng tao, at lahat ng kanyang buong kaloob-loobang mga pag-iisip. Ito rin ang katotohanan na ang Diyos ay nagsasakatuparan, at ang kahanga-hangang tanawin ng Milenyong Kaharian. Ito ang planong itinakda ng Diyos: Ang Kanyang mga salita ay iiral sa lupa nang isang libong taon, at ipapahayag ng mga ito ang lahat ng Kanyang mga gawa, at kukumpleto sa lahat ng Kanyang gawa sa lupa, pagkatapos ng yugtong ito ang sangkatauhan ay sasapit sa kanilang katapusan."

Abr 15, 2019

Tagalog Christian Songs | "Ang Kalooban ng Diyos ay Hindi Kailanman Magbabago"



Tagalog Christian Songs | "Ang Kalooban ng Diyos ay Hindi Kailanman Magbabago"


I
Matagal nang nasa mundo ang Diyos,
ngunit kilala ba Siya?
Kaya tao'y kinakastigo ng Diyos.
Tila sila'y ginagamit ng Diyos
bilang layon ng Kanyang awtoridad.
Sila'y tila mga bala sa baril Niya,
at oras na iputok Niya ito,
isa-isa silang makakawala.
Ngunit hindi ito ang totoo,
ito'y kanilang imahinasyon.

Abr 14, 2019

Tagalog Gospel Songs | Nadala na ng Diyos ang Tao sa Bagong Panahon



Tagalog Gospel Songs | Nadala na ng Diyos ang Tao sa Bagong Panahon



Gawain ng Diyos ang pumapatnubay
sa buong sansinukob at, higit pa rito,
ang kidlat ay direktang kumikislap
mula Silangan hanggang Kanluran.
I
Ipinalalaganap ng Diyos ang Kanyang gawain
sa mga bayang gentil.
Ang Kanyang kaluwalhatian ay kumikislap sa buong sansinukob.
Ang Kanyang kalooban,
na nakapaloob sa nakakalat na mga tao,
lahat ay pinakikilos ng Kanyang kamay,
ginagawa ang mga inatas na tungkulin.

Abr 13, 2019

"Tamis sa Kahirapan" Clip 4 - Bakit Pinipilit ng Partido Komunista ng Tsina ang mga Kristiyano na Sumali sa Three-Self Iglesia?


"Tamis sa Kahirapan" Clip 4 - Bakit Pinipilit ng Partido Komunista ng Tsina ang mga Kristiyano na Sumali sa Three-Self Iglesia?


Sa Tsina, direktang naranasan ng mga bahay-iglesia ang mga kinahantungan ng walang-awang pag-usig at pagpapahirap ng ateistang pamahalaan ng Komunistang Tsina. Pinilit sila ng pamahalaan na pumasok sa Three-Self Iglesia na kontrolado ng United Front Work Department. Anong lihim ang itinatago ng Partido Komunista ng Tsina sa paggawa nito? Tinitiis ng mga Kristiyano ang mga panganib ng makulong at kahit ang mamatay sa pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos. Ano ang dahilan at ginagawa nila ito?

Abr 12, 2019

Ano Ang Mga Likas na Pagkakilanlan ng Taoat Kanilang Halaga

Kayo ay inihiwalay mula sa putik at sa paanuman, kayo’y pinili mula sa mga latak, marumi at kinasusuklaman ng Diyos. Kayo ay napabilang kay Satanas[a] at minsa’y niyurakan at dinungisan nito. Yaon ang dahilan kung bakit sinasabi na kayo ay inihiwalay mula sa putik, at kayo ay hindi banal, ngunit sa halip mga di-taong bagay na mula sa kung saan matagal nang ginawang mga hangal ni Satanas.

Abr 11, 2019

Tanging Landas ng Sangkatauhan Upang Makapasok sa Kapahingahan


Tagalog church songs | Tanging Landas ng Sangkatauhan Upang Makapasok sa Kapahingahan


I
Yaong tumatayong matatag sa huling paglilinis ng Diyos
sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol
ay makakapasok sa huling pahinga.
Yaong nakalaya mula sa impluwensiya ni Satanas
ay makukuha ng Diyos at papasok sa huling kapahingahan.
Ang diwa ng paghatol at pagkastigo
ay upang linisin ang tao para sa kanyang huling pahinga.

Abr 10, 2019

Tagalog Christian Songs|Yaong Mga Nagmamahal sa Salita ng Diyos ay Pinagpapala


Tagalog Christian Songs|Yaong Mga Nagmamahal sa Salita ng Diyos ay Pinagpapala


I
Yaong mga handang tumanggap sa pagmamasid ng Diyos
ay yaong mga habol ang pagkakilala sa Diyos.
Sila'y handang tanggapin ang salita ng Diyos.
Kanilang makakamit, pamana't mga pagpapala ng Diyos.
Sila yaong mga pinak-apinagpala.
Isinusumpa ng Diyos ang mga walang puwang para sa Kanya.
Kinakastigo Niya't iniiwan sila.
Kung minamahal mo ang gawain ng Diyos,
minamahal ang kaliwanagan N'ya,
kung minamahal mo ang presensya ng Niya,
minamahal ang pag-iingat N'ya,
kung minamahal mo ang salita ng Diyos
bilang realidad mo at bilang panustos ng buhay,
kung gayon ika'y ayon sa puso ng Diyos.
Kung minamahal mo ang gawa ng Diyos sa iyo,
pagpapalain ka N'ya, darami ang pag-aari mo.
II
Gumagawa ang Diyos sa mga habol ang salita N'ya,
at gumagawa S'ya sa nagmamahal sa mga 'yon.
Mas minamahal mo ang mga iyon, mas gumagawa S'ya.
Mas pinahahalagahan ang salita ng Diyos,
mas may pag-asa silang magawang perpekto.
Pineperpekto ng Diyos, mga tunay na mahal S'ya,
yaong ang mga puso ay panatag sa harap Niya.
Kung minamahal mo ang gawain ng Diyos,
minamahal ang kaliwanagan N'ya,
kung minamahal mo ang presensya ng Niya,
minamahal ang pag-iingat N'ya,
kung minamahal mo ang salita ng Diyos
bilang realidad mo at bilang panustos ng buhay,
kung gayon ika'y ayon sa puso ng Diyos.
Kung minamahal mo ang gawa ng Diyos sa iyo,
pagpapalain ka N'ya, darami ang pag-aari mo.
III
Sikaping maging realidad mo ang salita ng Diyos,
pasayahin S'ya, maging ayon sa puso N'ya.
H'wag lamang sikaping biyaya N'ya'y tamasahin.
Tanggapin mga gawa Niya't maging perpekto,
maging s'ya na nagsasakatuparan ng nais N'ya.
Wala nang mas mahalaga pa kaysa rito.
Kung minamahal mo ang gawain ng Diyos,
minamahal ang kaliwanagan N'ya,
kung minamahal mo ang presensya ng Niya,
minamahal ang pag-iingat N'ya,
kung minamahal mo ang salita ng Diyos
bilang realidad mo at bilang panustos ng buhay,
kung gayon ika'y ayon sa puso ng Diyos.
Kung minamahal mo ang gawa ng Diyos sa iyo,
pagpapalain ka N'ya, darami ang pag-aari mo.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon:Tagalog Worship Songs