菜單

Peb 24, 2019

Kailangang Mapasa Tao ang Katotohanan para Mabuhay



Kailangang Mapasa Tao ang Katotohanan para Mabuhay

I
Ang nananalig sa Diyos
kailangan ay may mga salita ng Diyos
para hindi siya mabagot.
Liwanag, nagniningning mula sa salita ng Diyos,
kung walang mga salita ng Diyos,
'di ko alam kung sino ako.
Para puso ay mapalapit sa Diyos,
dapat nating basahin ang Kanyang mga salita
at laging makipagniig sa katotohanan.
Para ayunan ng Diyos, katotohana'y hanapin.
Landas ng buhay ay mas lumiliwanag
sa ilalim ng aking mga paa.
Pagbabago ng disposisyon, pupurihin ng Diyos.
Patuloy akong gagawa at susulong.

Peb 23, 2019

Ang Huling Kailangan ng Diyos sa Tao

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ang Huling Kailangan ng Diyos sa Tao

I
Kung talagang taga-serbisyo ka,
tapat ka bang magseserbisyo na di wala sa puso
o basta gumagawa lang?
Kung malalaman mong 'di ka kailanman
pinahahalagahan ng Diyos,
makakaya mo pa rin bang manatili
at gumawa ng serbisyo habambuhay?
Kung gumugol ka ng maraming pagsisikap
ngunit malamig pa rin sa iyo ang Diyos,
gagawa ka pa rin ba para sa Kanya nang 'di nakikilala?
Kung gumugol ka ng ilang bagay para sa Diyos
ngunit ang iyong maliliit na hinihingi ay 'di natutugunan,

Peb 22, 2019

Ang Pinakamainam na Regalong Ibinigay sa Akin ng Diyos


Yixin Lungsod ng Shijiazhuang Lalawigan ng Hebei

Noon madalas kong marinig na sinasabi ng aking mga kapatid, “Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay ang pinakamainam; ito ang lahat na kailangan ng mga tao.” Inamin ko ito at sumang-ayon dito, nguni’t wala akong anumang naunawaan sa pamamagitan ng aking sariling karanasan. Nang maglaon, nakakuha ako ng pagkaunawa sa pamamagitan ng kapaligiran na nilikha ng Diyos para sa akin.

Peb 21, 2019

Ang Diwa ng Gawain ng Paglupig

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ang Diwa ng Gawain ng Paglupig

I
Ang pinakamalaking problema ng tao'y
wala silang iniisip kundi sariling kapalaran,
iniidolo kanilang hinaharap,
hinahanap ang Diyos para sa mga ito.
'Di nila sinasamba ang Diyos
dahil sa pag-ibig nila sa Kanya.
Kaya't pagkamakasarili't kasakiman,
lahat ng bagay na hadlang
sa pagsamba nila'y kailangang maalis.

Peb 20, 2019

Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi?


Patuloy na sumusulong ang gawain ng Diyos, at kahit na ang layunin ng Kanyang gawain ay nananatiling di-nagbabago, palaging nagbabago ang paraan kung paano Siya gumagawa, at sa gayon pati na rin ang mga tagasunod ng Diyos. Mas marami ang gawain ng Diyos, mas lubusang nakikilala ng tao ang Diyos, at ang disposisyon ng tao ay nagbabago ayon sa Kanyang gawa. Gayon pa man, dahil sa ang gawain ng Diyos ay palaging nagbabago ang mga hindi nakakakilala sa gawain ng Banal na Espiritu at ang yaong mga taong salungat na hindi nakakaalam sa katotohanan ay nagiging kalaban ng Diyos. Hindi kailanman nakiayon ang gawain ng Diyos sa mga pagkaintindi ng tao, dahil laging bago ang Kanyang gawain at hindi kailanman luma.

Peb 19, 2019

Diyos ang Nagpapasiya sa Katapusan ng Tao Batay sa Kung Taglay Nila ang Katotohanan




I
Panahon na para ipasiya ng Diyos
ang katapusan para sa bawat tao,
hindi ang yugto na sinimulan Niyang hubugin ang tao.
Isinusulat ng Diyos sa Kanyang aklat
bawat salita't kilos ng bawat tao.
Isa-isa Niyang itinatala ang mga ito.
Diyos ang nagpapasya sa hantungan ng bawat isa
hindi batay sa edad, ranggo o mga paghihirap,
ni sa tindi ng kanilang pagiging kaawa-awa,
kundi ayon lamang sa kung may angkin silang katotohanan.
II
Isinusulat Niya ang kanilang landas sa pagsunod sa Kanya,
likas na katangia't huling ugali nila.
Sa paraang ito walang taong
makakatakas sa kamay ng Diyos.
Lahat ay makakasama ang kanilang kauri
ayon sa itinatalaga Niya.
Diyos ang nagpapasya sa hantungan ng bawat isa
hindi batay sa edad, ranggo o mga paghihirap,
ni sa tindi ng kanilang pagiging kaawa-awa,
kundi ayon lamang sa kung may angkin silang katotohanan.
III
Yaong 'di sumusunod sa kalooban ng Diyos, parurusahan.
Ito'y katunayang 'di mababago ninuman.
Kaya’t, lahat ng pinarurusahan
ay gayon para sa pagkamatuwid ng Diyos,
bilang ganti sa maraming masasamang gawa.
Diyos ang nagpapasya sa hantungan ng bawat isa
hindi batay sa edad, ranggo o mga paghihirap,
ni sa tindi ng kanilang pagiging kaawa-awa,
kundi ayon lamang sa kung may angkin silang katotohanan,
oo, angking katotohanan.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Peb 18, 2019

Paano Maglingkod Nang Kaayon sa Kalooban ng Diyos


Ngayon, pangunahin nating tatalakayin kung paano dapat maglingkod ang mga tao sa Diyos sa kanilang paniniwala sa Diyos, ano ang mga kundisyon na dapat matupad at kung ano ang dapat maunawaan ng mga naglilingkod sa Diyos, at ano ang mga paglihis sa inyong serbisyo. Dapat ninyong maunawaan ang lahat ng ito. Ang mga isyung ito ay humihipo sa inyong paniniwala sa Diyos, kung paano kayo naglalakad patungo sa landas ng pamamatnubay ng Banal na Espiritu, at kung paanong ang inyong lahat-lahat ay inaayos ng Diyos, at hahayaan kayo ng mga iyon na malaman ang bawa’t hakbang ng gawain ng Diyos sa inyo.