菜單

Peb 21, 2019

Ang Diwa ng Gawain ng Paglupig

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ang Diwa ng Gawain ng Paglupig

I
Ang pinakamalaking problema ng tao'y
wala silang iniisip kundi sariling kapalaran,
iniidolo kanilang hinaharap,
hinahanap ang Diyos para sa mga ito.
'Di nila sinasamba ang Diyos
dahil sa pag-ibig nila sa Kanya.
Kaya't pagkamakasarili't kasakiman,
lahat ng bagay na hadlang
sa pagsamba nila'y kailangang maalis.
Sa gayon ang epekto ng paglupig ng tao ay makakamit.
Nakakamit ng gawain ng paglupig ang epekto nito
sa pag-alis sa kapalara't hinaharap ng tao,
hinahatulan at kinakastigo
ang rebeldeng disposisyon ng tao,
'di gumagawa ng kasunduan,
binibigyan ng biyaya't mga pagpapala ang tao,
ngunit inaalis kalayaan nila't hinaharap
upang ibunyag kanilang katapatan.
'Yan ang gawain ng paglupig.
II
Sa unang mga panlulupig ng tao, mahalagang alisin
ligaw na mga ambisyon,
nakamamatay na mga kahinaan ng tao,
at sa pamamagitan nito,
mabunyag pag-ibig ng tao sa Diyos,
mabago pananaw nila sa buhay, sa Diyos,
at sa kahulugan ng pag-iral.
Sa ganitong paraan, pag-ibig ng tao sa Diyos ay nalilinis,
puso ng tao'y talagang nalulupig.
Nakakamit ng gawain ng paglupig ang epekto nito
sa pag-alis sa kapalara't hinaharap ng tao,
hinahatulan at kinakastigo
ang rebeldeng disposisyon ng tao,
di gumagawa ng kasunduan,
binibigyan ng biyaya't mga pagpapala ang tao,
ngunit inaalis kalayaan nila't hinaharap
upang ibunyag kanilang katapatan.
'Yan ang gawain ng paglupig.
III
Ngunit sa saloobin ng Diyos
tungo sa lahat ng Kanyang nilalang,
hindi Siya nanlulupig para dito.
Sa halip, nanlulupig ang Diyos para makamit ang tao,
para sa Kanyang kaluwalhatian,
upang mabawi orihinal na wangis ng tao.
Nakakamit ng gawain ng paglupig ang epekto nito
sa pag-alis sa kapalara't hinaharap ng tao,
hinahatulan at kinakastigo
ang rebeldeng disposisyon ng tao,
di gumagawa ng kasunduan,
binibigyan ng biyaya't mga pagpapala ang tao,
ngunit inaalis kalayaan nila't hinaharap
upang ibunyag kanilang katapatan.
'Yan ang gawain ng paglupig.
'Yan ang gawain ng paglupig.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon:Kristianong Awitin