Ngayon, pangunahin nating tatalakayin kung paano dapat maglingkod ang mga tao sa Diyos sa kanilang paniniwala sa Diyos, ano ang mga kundisyon na dapat matupad at kung ano ang dapat maunawaan ng mga naglilingkod sa Diyos, at ano ang mga paglihis sa inyong serbisyo. Dapat ninyong maunawaan ang lahat ng ito. Ang mga isyung ito ay humihipo sa inyong paniniwala sa Diyos, kung paano kayo naglalakad patungo sa landas ng pamamatnubay ng Banal na Espiritu, at kung paanong ang inyong lahat-lahat ay inaayos ng Diyos, at hahayaan kayo ng mga iyon na malaman ang bawa’t hakbang ng gawain ng Diyos sa inyo.
Kapag naabot ninyo ang puntong iyon, inyong pahahalagahan ang pananampalataya sa Diyos, kung paano maniwala nang wasto sa Diyos, at kung ano ang dapat ninyong gawin upang kumilos nang kaayon sa kalooban ng Diyos. Gagawin kayo nitong ganap at lubos na masunurin sa gawain ng Diyos, at hindi kayo magrereklamo, hindi kayo hahatol, o magsusuri, at lalong hindi magsasaliksik. Dagdag pa rito, magagawa ninyong maging masunurin sa Diyos hanggang kamatayan, hinahayaan ang Diyos na igiya kayo at katayin na parang isang tupa, upang kayong lahat ay maaaring maging mga Pedro ng panahong 1990, at nagmamahal sa Diyos hanggang sa kasukdulan kahit na nasa krus, nang wala kahit kaunting reklamo. Doon lamang kayo maaaring mamuhay bilang mga Pedro ng panahong 1990.
Ang bawa’t isang nakapagpasya na ay maaaring maglingkod sa Diyos—subali’t kailangan na yaon lamang mga masusing nangangalaga sa kalooban ng Diyos at umuunawa sa kalooban ng Diyos ang siyang karapat-dapat at may karapatang maglingkod sa Diyos. Sa inyong mga karanasan, nakikita na maraming mga tao ang naniniwala na ang paglilingkod sa Diyos ay nangangahulugang maalab na pagpapalaganap ng ebanghelyo para sa Diyos, paghayo para sa Diyos, paggugol at pagsasakripisyo para sa Diyos, at iba pa; mas marami pang taong relihiyoso ang naniniwalang ang paglilingkod sa Diyos ay nangangahulugang paggala na may Biblia sa kanilang mga kamay, pinalalaganap ang ebanghelyo ng kaharian ng langit at nagliligtas ng mga tao sa pamamagitan ng pag-aakay sa kanila na magsisi at magkumpisal; maraming mga opisyal ng relihiyon ang nag-iisip na ang paglilingkod sa Diyos ay pangangaral sa kapilya matapos mag-aral sa seminaryo, pagtuturo sa mga tao sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga kabanata ng Biblia; maraming mga kapwa kapatiran ang naniniwala na ang paglilingkod sa Diyos ay nangangahulugang hindi pag-aasawa o pagbuo ng isang pamilya, at paglalaan ng kanilang buong katauhan sa Diyos; may mga tao rin sa mga naghihirap na rehiyon na naniniwalang ang paglilingkod sa Diyos ay ang pagpapagaling sa maysakit at pagpapalayas ng mga demonyo, o pananalangin para sa mga kapatiran, o paglilingkod sa kanila; sa gitna ninyo, marami ang naniniwalang ang paglilingkod sa Diyos ay pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, at pananalangin sa Diyos araw-araw, at pagbisita sa mga iglesia kung saan-saan; gayundin, may mga tao na nagsasabing ang pamumuhay ng buhay ng iglesia ay paglilingkod sa Diyos. Nguni’t iilang mga tao lamang ang nakakaalam kung ano ang aktwal na kahulugan ng paglilingkod sa Diyos. Bagaman ang mga naglilingkod sa Diyos ay kasing-dami ng mga bituin sa kalangitan, ang bilang ng direktang nakakapaglingkod, at siyang may kakayahang maglingkod sa kalooban ng Diyos, ay kakaunti—napakaliit lamang. Bakit ko sinasabi ito? Sinasabi ko ito dahil hindi ninyo naiintindihan ang nilalaman ng pariralang “paglilingkod sa Diyos,” at napakababaw ang inyong pagkaunawa hinggil sa kung paano maglingkod sa kalooban ng Diyos. Ngayon, pangunahing tinatalakay natin kung paano maglingkod alinsunod sa kalooban ng Diyos, paano maglingkod upang mapasaya ang kalooban ng Diyos.
Kung nais ninyong maglingkod sa kalooban ng Diyos, dapat muna ninyong maunawaan kung anong uri ng mga tao ang minamahal ng Diyos, kung anong uri ng mga tao ang kinamumuhian ng Diyos, kung anong uri ng mga tao ang ginagawang perpekto ng Diyos, at kung anong uri ng mga tao ang karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Kahit ito man lamang ay dapat na naisangkap sa inyo. Dagdag pa rito, dapat ninyong malaman ang mga mithiin ng gawain ng Diyos, at ang gawain na gagawin ng Diyos ngayon dito. Matapos unawain ito, at sa pamamagitan ng paggabay ng mga salita ng Diyos, papasok muna kayo, at tatanggap muna ng utos ng Diyos. Kapag aktwal kayong nakakaranas batay sa mga salita ng Diyos, at kapag tunay ninyong alam ang gawa ng Diyos, kayo ay magiging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. At kapag kayo ay naglilingkod sa Kanya, iminumulat ng Diyos ang inyong espirituwal na mga mata, at tinutulutan kayo na magkaroon ng higit na pagkaunawa ng Kanyang gawa at mas malinaw itong makita. Kapag pumasok ka sa katotohanang ito, ang iyong mga karanasan ay magiging mas malalim at tunay, at ang lahat sa inyo na nagkaroon ng ganoong mga karanasan ay makakayang maglakad sa gitna ng mga iglesia at magkaloob sa inyong mga kapatiran, ang bawa’t isa ay humuhugot ng lakas sa iba upang punuan ang inyong sariling mga kakulangan, at nagtatamo ng isang mas mayamang kaalaman sa inyong mga espiritu. Matapos makamit ang epektong ito, saka lamang ninyo makakayang maglingkod sa kalooban ng Diyos at magawang perpekto ng Diyos sa pagdaan ng panahon ng inyong serbisyo.
Yaong mga naglilingkod sa Diyos ay dapat maging mga kaniig ng Diyos, sila ay dapat na minamahal ng Diyos, at may kakayanan ng sukdulang katapatan sa Diyos. ‘Di alintana kung ikaw ay kumikilos sa likod ng mga tao, o sa harap nila, ikaw ay makakatamo ng kagalakan ng Diyos sa harap ng Diyos, ikaw ay may kakayahang tumindig nang matatag sa harap ng Diyos, at paano ka man tratuhin ng ibang mga tao, lagi mong tinatahak ang sarili mong landas, at masusing nangangalaga sa pasanin ng Diyos. Tanging ito ang isang kaniig ng Diyos. Na nakakaya ng mga kaniig ng Diyos na direktang maglingkod sa Kanya ay dahil sila ay binigyan ng malaking utos ng Diyos, at pasanin ng Diyos, nagagawa nilang damahin ang puso ng Diyos bilang kanila, at ang pasanin ng Diyos bilang kanila, at hindi mahalaga sa kanila kung magkamit man sila o mawalan ng pagkakataon: Kahit na wala silang mga pagkakataon, at wala silang makukuha, sila ay palaging maniniwala sa Diyos na may mapagmahal na puso. At dahil dito, ang ganitong uri ng tao ay kaniig ng Diyos. Ang mga kaniig ng Diyos ay Kanya ring mga pinagkakatiwalaan; ang mga pinagkakatiwalaan lamang ng Diyos ang nakakagawang makibahagi sa Kanyang pagkabalisa, at sa Kanyang mga nais, at bagaman ang kanilang laman ay makirot at mahina, natitiis nila ang kirot at tinatalikdan yaong kanilang sariling kasiyahan upang mapasaya ang Diyos. Nagbibigay ang Diyos ng mas maraming pasanin sa nasabing mga tao, at kung ano ang gagawin ng Diyos ay ipinapahayag gamit ang mga taong ito. Kaya, ang mga taong ito ay minamahal ng Diyos, tagapaglingkod sila ng Diyos na ayon sa Kanyang sariling puso, at ang mga tao lamang na tulad nito ang maaaring mamuno kasama ng Diyos. Kapag ikaw ay tunay na nagiging kaniig ng Diyos ay talagang kung kailan ikaw ay mamumuno kasama ng Diyos.
Nagáwâ ni Jesus na tapusin ang utos ng Diyos—ang gawain ng pagtubos sa buong sangkatauhan—dahil ibinigay Niya ang masusing pangangalaga sa kalooban ng Diyos, nang walang pansariling mga plano at pagsasaalang-alang. Kaya, pati, Siya ay kaniig ng Diyos—ang Diyos Mismo, isang bagay na inyong nauunawaan nang napakaigi. (Sa katotohanan, Siya ang Diyos Mismo na pinatotohanan ng Diyos; binabanggit ko ito dito upang gamitin ang katunayan ni Jesus upang isalarawan ang usapin.) Nagawa Niyang ilagay ang planong pamamahala ng Diyos sa pinaka-gitna, at laging nananalangin sa Ama sa langit at hinahangad ang kalooban ng Ama sa langit. Nanalangin siya, at sinabi: “Diyos Ama! G
anapin yaong Iyong kalooban, at kumilos hindi ayon sa Aking mga intensyon; na Ikaw ay kumilos alinsunod sa Iyong plano. Maaaring mahina ang tao, nguni’t bakit Ka dapat mag-alala para sa kanya? Paano mangyayari na ang tao ang paksa ng Iyong pag-aalala, ang tao na tulad ng isang langgam sa Iyong kamay? Sa Aking puso, nais ko lamang na tuparin ang Iyong kalooban, at nais ko na Iyong nagagawa ang nais Mong gawin sa Akin ayon sa Iyong sariling mga hangarin.” Habang nasa daan patungong Jerusalem, nadama ni Jesus ang paghihirap, na para bang ang isang kutsilyo ay iniikot sa Kanyang puso, subali’t Siya ay walang bahagya mang intensyong talikuran ang Kanyang salita; palaging mayroong isang malakas na puwersang humihimok sa Kanya na sumulong kung saan Siya ay ipapako sa krus. Sa kahuli-hulihan, Siya ay ipinako sa krus at naging ka-anyo ng makasalanang laman, tinatapos ang gawaing iyon ng pagtubos sa sangkatauhan, at umiibabaw sa gapos ng kamatayan at ng Hades. Sa harap Niya, nawalan ng kapangyarihan ang kamatayan, impiyerno, at Hades, at nalupig Niya ang mga ito. Siya ay namuhay sa loob ng tatlumpu’t tatlong taon, sa kabuuan nito palagi Niyang ginagawa ang Kanyang makakaya upang tuparin ang kalooban ng Diyos ayon sa gawain ng Diyos sa panahong iyon, hindi kailanman isinasaalang-alang ang Kanyang pansariling pakinabang o kawalan, at laging iniisip ang kalooban ng Diyos Ama. Kaya, matapos na Siya ay mabautismuhan, sinabi ng Diyos: “Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.” Dahil sa Kanyang serbisyo sa harap ng Diyos na ayon sa kalooban ng Diyos, naglagay ang Diyos ng mabigat na pasanin ng pagtubos sa buong sangkatauhan sa Kanyang mga balikat at pinahayo Siya upang tuparin ito, at Siya ay kwalipikado at may karapatan upang tapusin ang mahalagang gawaing ito. Sa kabuuan ng Kanyang buhay, tiniis Niya ang di-masukat na kaparusahan para sa Diyos, at Siya ay tinukso ni Satanas nang hindi-mabilang na beses, nguni’t Siya ay hindi kailanman nawalan ng pag-asa. Binigyan Siya ng Diyos ng nasabing gawain dahil pinagkakatiwalaan Niya Siya, at minamahal Siya, at kaya’t personal na sinabi ng Diyos: “Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.” Sa panahong iyon, si Jesus lamang ang maaaring tumupad sa utos na ito, at ito ay isang bahagi sa pagtatapos ng Diyos ng Kanyang gawain ng pagtubos sa buong sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya.
Kung, katulad ni Jesus, may kakayahan kayo na masusing pangalagaan ang pasanin ng Diyos, at talikdan ang inyong laman, ipagkakatiwala sa inyo ng Diyos ang Kanyang mahahalagang gawain sa inyo, upang inyong matugunan ang mga kundisyon ng paglilingkod sa Diyos. Sa ilalim lamang ng nasabing mga pagkakataon mangangahas kayong sabihin na inyong ginagawa ang kalooban ng Diyos at tinatapos ang Kanyang utos, doon lamang kayo mangangahas na sabihing kayo ay tunay na naglilingkod sa Diyos. Kumpara sa halimbawa ni Jesus, nangangahas ka ba na sabihing ikaw ay kaniig ng Diyos? Nangangahas ka bang sabihin na ginagawa mo ang kalooban ng Diyos? Nangangahas ka ba na sabihing ikaw ay tunay na naglilingkod sa Diyos? Kung, ngayon, hindi mo nauunawaan ang nasabing serbisyo sa Diyos, ikaw ba ay nangangahas sabihing kaniig ka ng Diyos? Kung sinasabi mong ikaw ay naglilingkod sa Diyos, hindi mo ba Siya nilalapastangan? Pag-isipan ninyo ito: Ikaw ba ay naglilingkod sa Diyos, o sa iyong sarili? Nagsisilbi ka kay Satanas, nguni’t nagmamatigas ka na sabihing naglilingkod ka sa Diyos—hindi mo ba nilalapastangan ang Diyos sa ganito? Maraming tao sa Aking likuran ang nag-iimbot sa pagpapala ng estado, nagpapasasa sila sa pagkain, mahilig silang matulog at masusing pinangangalagaan ang laman, laging natatakot na walang paraan upang makaiwas sa laman. Hindi nila ginagampanan ang kanilang karaniwang tungkulin sa iglesia, at kumakain nang walang bayad, o kaya ay pinagsasabihan ang kanilang mga kapatiran gamit ang Aking mga salita, nagmamataas sila at pinaghaharian ang iba. Palaging sinasabi ng mga taong ito na ginagawa nila ang kalooban ng Diyos, lagi nilang sinasabi na sila ay mga kaniig ng Diyos—hindi ba ito katawa-tawa? Kung ikaw ay may matuwid na mga adhikain, nguni’t hindi napaglilingkuran ang kalooban ng Diyos, kung gayon ikaw ay nananatiling hangal; nguni’t kung ang iyong mga adhikain ay hindi tama, at sinasabi mo pa rin na ikaw ay naglilingkod sa Diyos, kung gayon ikaw ay isang taong sumasalungat sa Diyos, at marapat parusahan ng Diyos! Wala Akong simpatya sa mga naturang tao! Sa bahay ng Diyos kumakain sila nang libre, at laging hinahangad ang kaginhawahan ng laman, at walang pagsasaalang-alang sa mga interes ng Diyos; lagi nilang hinahanap kung ano ang mabuti para sa kanila, hindi nila pinapansin ang kalooban ng Diyos, ang lahat ng kanilang ginagawa ay hindi tinitingnan ng Espiritu ng Diyos, lagi silang nagmamaniobra at nagbabalak laban sa kanilang mga kapatiran, at balat-kayo, tulad ng isang soro na nagnanakaw ng ubas, at sumisira ng ubasan. Maaari bang maging mga kaniig ng Diyos ang gayong mga tao? Ikaw ba ay angkop upang matanggap ang mga pagpapala ng Diyos? Hindi mo kinukuha ang pananagutan sa iyong buhay at sa iglesia, ikaw ba ay angkop para tanggapin ang utos ng Diyos? Sino ang mangangahas na magtiwala sa isang katulad mo? Kapag ikaw ay naglilingkod nang ganito, maaari bang mangahas ang Diyos na magtiwala sa iyo ng mas mabigat na gawain? Hindi mo ba inaantala ang mga bagay-bagay?
Sinasabi ko ito upang inyong malaman kung anong mga kundisyon ang dapat matupad upang maglingkod nang kaayon sa kalooban ng Diyos. Kung hindi ninyo ibinibigay ang inyong puso sa Diyos, kung hindi ninyo ibinibigay ang masusing pangangalaga sa kalooban ng Diyos katulad ni Jesus, sa gayon kayo ay hindi mapagkakatiwalaan ng Diyos, at mauuwi sa pagiging hinahatulan ng Diyos. Marahil ngayon, sa iyong paglilingkod sa Diyos, palagi mong kinakandili ang intensyon na dayain ang Diyos—nguni’t tatandaan ka pa rin ng Diyos. Sa madaling salita, hindi alintana ang lahat ng iba pa, kung iyong dinadaya ang Diyos, walang-pusong paghatol ang darating sa iyo. Dapat ninyong samantalahin ang pagkakapasok sa tamang landas ng paglilingkod sa Diyos upang inyo munang ibigay ang inyong puso sa Diyos, nang walang nahahating katapatan. Hindi isinasaalang-alang kung ikaw man ay nasa harapan ng Diyos, o nasa harap ng ibang tao, ang iyong puso ay dapat laging nakaharap sa Diyos, at dapat mong panindigan na mahalin ang Diyos katulad ni Jesus. Sa paraang ito, gagawin kang perpekto ng Diyos, upang ikaw ay maging tagapaglingkod ng Diyos na kagaya ng Kanyang puso. Kung tunay na nais mong magawang perpekto ng Diyos, at para ang iyong serbisyo ay maging kaayon sa Kanyang kalooban, dapat mong palitan ang iyong mga dating pananaw tungkol sa pananampalataya sa Diyos, at baguhin ang paraan ng iyong paglilingkod sa Diyos, nang sa gayon ay higit ka pang nagagawang perpekto ng Diyos; sa paraang ito, hindi ka tatalikuran ng Diyos, at, katulad ni Pedro, pangungunahan mo yaong mga nagmamahal sa Diyos. Kung ikaw ay mananatiling walang-pagsisisi, makakamit mo ang katapusang katulad ng kay Judas. Ito ay dapat na maunawaan ng lahat ng mga taong naniniwala sa Diyos.