Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ang Huling Kailangan ng Diyos sa Tao
I
Kung talagang taga-serbisyo ka,
tapat ka bang magseserbisyo na di wala sa puso
o basta gumagawa lang?
Kung malalaman mong 'di ka kailanman
pinahahalagahan ng Diyos,
makakaya mo pa rin bang manatili
at gumawa ng serbisyo habambuhay?
Kung gumugol ka ng maraming pagsisikap
ngunit malamig pa rin sa iyo ang Diyos,
gagawa ka pa rin ba para sa Kanya nang 'di nakikilala?
Kung gumugol ka ng ilang bagay para sa Diyos
ngunit ang iyong maliliit na hinihingi ay 'di natutugunan,
ikaw ba ay masisiraan ng loob
at buong galit na sisisihin ang Diyos?
Kung palagi kang napakatapat at mapagmahal sa Diyos
pero nagdurusa ng kirot ng karamdaman,
ng kahirapan ng buhay,
kahit mga kaibigan ay iniwan ka at lumayo ang iyong pamilya,
o dumating ang iba pang kamalasan,
mananatili ba ang iyong katapatan, pagmamahal?
II
Kung walang anuman sa pinangarap mo
ang tumutugma sa ginagawa ng Diyos,
paano ka lalakad sa iyong landas sa hinaharap?
Kung kailanman ay 'di mo nakuha ang anumang bagay
na minsan mong inasam na matanggap mula sa Diyos,
ikaw ba’y makapagpapatuloy bilang tagasunod ng Diyos?
Kung 'di mo kailanman nakita ang layunin
at kahalagahan ng gawain ng Diyos,
makasusunod ka ba sa Kanya
nang 'di basta gumagawa ng mga paghatol?
Maiingatan mo ba ang lahat ng mga salita ng Diyos,
ang mga bagay na sinabi Niya,
ang lahat ng ginagawa Niya 'pag kasama Niya ang tao?
Maaari ka bang maging tapat na tagasunod ng Diyos,
handang magdusa para sa Kanya sa buong buhay mo,
kahit wala kang matatanggap na anumang bagay?
Makahahayo ka ba nang 'di nagsasaalang-alang, nagpaplano
o naghahanda para sa iyong landas ng kaligtasan sa hinaharap?
Magagawa mo ba ito para sa kapakanan ng Diyos?
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao