Kailangang Mapasa Tao ang Katotohanan para Mabuhay
I
Ang nananalig sa Diyos
kailangan ay may mga salita ng Diyos
para hindi siya mabagot.
Liwanag, nagniningning mula sa salita ng Diyos,
kung walang mga salita ng Diyos,
'di ko alam kung sino ako.
Para puso ay mapalapit sa Diyos,
dapat nating basahin ang Kanyang mga salita
at laging makipagniig sa katotohanan.
Para ayunan ng Diyos, katotohana'y hanapin.
Landas ng buhay ay mas lumiliwanag
sa ilalim ng aking mga paa.
Pagbabago ng disposisyon, pupurihin ng Diyos.
Patuloy akong gagawa at susulong.
Tinatawag ako ng tagumpay.
II
Kapag nagkakaproblema, manalangin tayo sa Diyos.
At masayang makasama ang Banal na Espiritu.
Sa gabay at mga salita ni Cristo para ituro ang daan,
katotohanan ay posibleng matamo.
Matibay na nananangan kay Cristo,
at sa mga prinsipyo ng katotohanan,
hindi ako magsisisi.
Para ayunan ng Diyos, katotohana'y hanapin.
Landas ng buhay ay mas lumiliwanag
sa ilalim ng aking mga paa.
Pagbabago ng disposisyon, pupurihin ng Diyos.
Patuloy akong gagawa at susulong.
Tinatawag ako ng tagumpay.
III
Para ang buhay ay makabuluhan,
dapat nating taglayin ang katotohanan.
Buhay na walang katotohanan ay buhay ng pagdurusa.
Hindi makalulutas sa problema
ang paniniwala sa tadhana.
Sa pagtatamo lang ng katotohanan,
buhay natin ay makatotohanan,
magkakaroon tayo ng realidad ng buhay.
Gawa ng Diyos ay matuwid.
Gaano man katuso ang tao, hindi niya madadaya ang Diyos.
Para ayunan ng Diyos, katotohana'y hanapin.
Landas ng buhay ay mas lumiliwanag
sa ilalim ng aking mga paa.
Pagbabago ng disposisyon, pupurihin ng Diyos.
Patuloy akong gagawa at susulong.
Tinatawag ako ng tagumpay.
Tinatawag ako ng tagumpay.
Rekomendasyon:Ang Layunin ng Gawaing Pamamahala ng Diyos