菜單

Abr 4, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Yaong Tumatanggap ng Bagong Gawa ay Pinagpala


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Yaong Tumatanggap ng Bagong Gawa ay Pinagpala

I
Mapalad ang mga yaong kayang sumunod ang kasalukuyang mga pagbigkas ng Espiritu Santo. Paano man sila dati, paano ang Espiritu Santo, paano Siya gumawa dati sa loob nila, yaong nakakamit ng pinakabagong gawain ang mga pinaka-mapalad. Ngayon, yaong ‘di kayang sumunod sa pinakabagong gawain ay aalisin. Nais ng Diyos ang mga yaong ma’aring tumanggap ng bagong liwanag, at yaong tanggap at alam pinakabagong gawain Niya.

Abr 3, 2018

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao


Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang pinagmulan ng buhay ay nanggaling sa Diyos, para sa lahat ng nilikha, anuman ang pagkakaiba sa anyo o kayarian. Anumang klase ng buhay na nilalang ka, hindi mo magagawang salungatin ang landas ng buhay na itinakda ng Diyos. Sa anumang pagkakataon, ang aking tanging hiling para sa tao ay kanyang maintindihan na kung walang pangangalaga, pag-iingat, at pagtustos ng Diyos, hindi matatanggap ng tao ang lahat ng dapat niyang matanggap, kahit gaano pa katindi ang pagsisikap o pagpupunyagi. Kung walang pagtutustos ng buhay mula sa Diyos, nawawala sa tao ang diwa ng pagpapahalaga sa buhay at nawawala ang diwa ng layunin sa buhay.”
Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan
Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Tungkol sa Biblia

Abr 2, 2018

Ang Ikaapatnapu’t-apat na Pagbigkas

Ang Ikaapatnapu’t-apat na Pagbigkas

    Itinuturing ng mga tao ang Aking gawain bilang isang dagdag, hindi sila lumiliban sa pagkain o pagtulog alang-alang dito, kaya’t wala Akong pagpipilian kundi humingi nang akma sa tao ayon sa kanyang pagtrato sa Akin. Aking naaalaala na minsan ay binigyan ko ang tao ng malaking biyaya at maraming mga pagpapala, nguni’t pagkatapos agawin ang mga bagay na ito agad siyang umalis. Para bang hindi Ko namamalayang ibinibigay ang mga iyon sa kanya. Kaya’t, lagi Akong minamahal ng tao sa gitna ng kanyang sariling mga pagkaintindi. Nais Kong Ako ay tunay na mahalin ng tao, nguni’t ngayon, ang mga tao ay nagpapatumpik-tumpik pa rin, hindi kayang ibigay ang kanilang tunay na pag-ibig sa Akin. Sa kanilang guni-guni, naniniwala sila na kung ibinibigay nila ang kanilang tunay na pag-ibig sa Akin, walang matitira sa kanila. Kapag Ako ay tumututol, ang kanilang mga buong katawan ay nanginginig—gayunma’y hindi pa rin sila handang ibigay ang kanilang tunay na pag-ibig sa Akin. Para bang sila ay may hinihintay, kaya’t tumatanaw sila sa unahan, hindi kailanman sinasabi sa Akin kung ano ang talagang nangyayari. Para bang may istiker na itinapal sa kanilang mga bibig, kaya hindi sila kailanman nagsasalita nang hayagan. Sa harap ng tao, tila, Ako ay naging kapitalistang walang-awa. Laging natatakot sa Akin ang mga tao: Pagkakita sa Akin, agad silang nawawala nang walang bakas, takot na takot kung ano ang itatanong Ko sa kanila tungkol sa kanilang mga kalagayan. Hindi Ko alam ang dahilan kung bakit kaya ng mga tao ang taos-pusong pag-ibig sa kanilang “kapwa ka-barangay,” nguni’t hindi Ako kayang mahalin, na Siyang kagalang-galang sa espiritu. Dahil dito Ako ay nagbubuntung-hininga: Bakit ang mga tao ay laging pinapakawalan ang kanilang pag-ibig sa mundo ng tao? Bakit hindi Ko matikman ang pag-ibig ng tao? Ito ba ay dahil hindi Ako isa sa sangkatauhan? Lagi Akong itinuturing ng mga tao na tulad ng isang taong-gubat sa mga kabundukan. Parang kulang Ako ng kung anong bumubuo sa isang normal na tao, kaya’t sa harap Ko ang mga tao ay laging nagkukunwaring may mataas na antas ng moralidad. Malimit nilang kaladkarin Ako sa harap nila para pagsabihan, sinasabihan Akong lumayo gaya ng pagsasabi nila sa isang batang musmos; sapagka’t, sa mga alaala ng mga tao, Ako ay isa na di-makatuwiran at walang pinag-aralan, lagi nilang ginagampanan ang papel ng tagapagturo sa harap Ko. Hindi Ko kinakastigo ang mga tao dahil sa kanilang mga kabiguan, kundi binibigyan sila ng akmang tulong, hinahayaan silang makatanggap ng palagiang “tulong pangkabuhayan.” Dahil ang tao ay palaging namuhay sa gitna ng sakúnâ at nahihirapang tumakas, at sa kalagitnaan ng sakunang ito siya ay palaging nakakatawag sa Akin, kaagad Akong naghahatid ng “panustos na butil” sa kanyang mga kamay, hinahayaan ang lahat ng mga tao na mamuhay sa malaking pamilya ng bagong kapanahunan, at maranasan ang init ng malaking pamilya. Kapag minamasdan Ko ang gawain sa gitna ng tao, Aking natutuklasan ang maraming pagkukulang ng tao, at bilang resulta binibigyan Ko ang tao ng tulong. Kahit sa panahong ito, mayroon pa ring pambihirang kahirapan sa gitna ng tao, at sa gayon nakapagkaloob Ako ng karampatang kalinga sa “mahihirap na lugar,” iniaangat sila mula sa kahirapan. Ito ang pamamaraan kung paano Ako gumagawa, hinahayaan ang lahat ng mga tao na tamasahin ang Aking biyaya hanggang makakaya nila.

Side Event of UNHRC in Geneva: Spotlighting The Church of Almighty God & Religious Freedom in China


Side Event of UNHRC in Geneva: Spotlighting The Church of Almighty God & Religious Freedom in China

On March 1, 2018, during the 37th session of the Human Rights Council at the United Nations in Geneva, the Coordination of the Associations and Individuals for Freedom of Conscience (CAP LC) organized a Side Event on the denial of religious freedom in China and the case of The Church of Almighty God. The event was introduced and coordinated by Mr. Thierry Valle, the president of CAP LC. A panel of international scholars and human rights and freedom of religion experts discussed the dramatic situation of the members of The Church of Almighty God both in China, where they are severely persecuted, and in South Korea and Europe, where their requests for asylum are often denied. During the event, attendees also watched a video with testimonies of three members of The Church of Almighty God who suffered brutal persecution at the hands of the authorities of the Chinese Communist Party (CCP). Their stories aroused profound reflection generally.
Recommendation:Each sect within the religious world believes that their way is the true way, so how does one distinguish the true way from false ways?
Classic Words on How to Believe in God
Only God’s Judgment and Chastisement in the Last Days Is His Critical, Decisive Work for Saving Mankind
Classic Words on How to Practice Love of God

Abr 1, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Ikaapatnapu’t-tatlong Pagbigkas

Ang Ikaapatnapu’t-tatlong Pagbigkas

    Marahil ay dahil lamang sa Aking mga utos sa pangangasiwa kaya ang mga tao ay nagkaroon ng malaking “interes” sa Aking mga salita. Kung hindi sila pinamahalaan ng Aking mga utos sa pangangasiwa, sila sanang lahat ay umaalulong na parang mga tigreng kagagambala pa lamang. Araw-araw Ako ay pagala-gala sa ibabaw ng mga ulap, minamasdan ang sangkatauhang bumabalot sa lupa habang sila ay abalang-abala, pinipigilan Ko sa pamamagitan ng Aking mga utos sa pangangasiwa. Ito lamang ang paraan upang panatilihin ang lahi ng tao sa maayos na katayuan, kaya’t napanatili Ko ang Aking mga utos sa pangangasiwa. Mula sa sandaling ito hanggang sa daraan, yaong mga nasa lupa ay tatanggap ng lahat ng uri ng mga pagkastigo dahil sa Aking mga utos sa pangangasiwa, at habang ang mga pagkastigong ito ay bumababa sa kanila ang buong sangkatauhan ay nagsisigawan nang malakas at nagtatakbuhan sa lahat ng direksyon. Sa sandaling ito, ang mga bansa sa lupa ay agad na naglalaho, ang mga hangganan sa pag-itan ng bansa at bansa ay hindi na umiiral, ang lugar ay hindi na nababahagi mula sa lugar, at wala nang maghihiwalay ng tao mula sa tao. Sinisimulan Kong gawin ang “gawaing pang-ideolohiya” sa kalagitnaan ng sangkatauhan, upang ang mga tao ay sama-samangmakakairal nang mapayapa, hindi na nag-aaway-away, at, habang Ako ay nagtatayo ng mga tulay at nagtatatag ng mga koneksyon sa kalagitnaan ng sangkatauhan, angmga tao ay nangagkakaisa. Aking pupunuin ang mga kalangitan ng mga kahayagan ng Aking paggawa, upang ang lahat ng bagay sa lupa ay magpapatirapa sa ilalim ng Aking kapangyarihan, ipinatutupad ang Aking plano para sa “pandaigdigangpagkakaisa” at dinadala ang isa Kong inaasam na ito sa kaganapan, kaya’t angsangkatauhan ay hindi na “magpapagala-gala” sa ibabaw ng lupa kundi makakatagpo ng akmang hantungan nang walang pagkabalam. Nag-iisip Ako para sa lahi ng tao sa lahat ng paraan, ginagawa ito upang ang buong sangkatauhan sa lalong madaling panahon ay makakapamuhay sa isang lupain ng kapayapaan at kaligayahan, upangang mga araw ng kanilang mga buhay ay hindi na magiging malungkot at mapanglaw, kaya’t ang Aking plano ay hindi na mawawalan ng saysay sa ibabaw ng lupa. Dahil ang tao ay umiiral doon, Aking itatayo ang Aking bansa sa ibabaw ng lupa, sapagka’t ang isang bahagi ng kahayagan ng Aking kaluwalhatian ay nasa ibabaw ng lupa. Sa langit sa itaas, ilalagay Ko ang Aking mga lungsod sa ayos kaya’t gagawin ang lahat na bago kapwa sa itaas at sa ibaba. Aking sasanhiin ang lahat nangumiiral kapwa sa itaas at ibaba ng langit tungo sa iisang kaisahan, upang ang lahat ng mga bagay sa lupa ay makaisa ng lahat nang nasa langit. Ito ang Aking plano, ito ang Aking tutuparin sa huling kapanahunan—huwag hayaang makialam angsinuman sa bahaging ito ng Aking gawain! Ang pagpapalawak ng Aking gawain tungo sa mga bansa ng mga Gentil ang huling bahagi ng Aking gawain sa lupa. Walang makatatarok sa gawaing Aking gagawin, kaya’t ang mga tao ay lubos na nalilito. At dahil Ako ay abáláng-abálá sa Aking gawain sa lupa, sinasamantala ng mga tao ang pagkakataon upang “maglaro.” Upang pigilan sila mula sa pagiging masyadong di-masupil, inilagay Ko muna sila sa ilalim ng Aking pagkastigo para tiisin ang pagdidisiplina ng lawa ng apoy. Ito ay isang hakbang sa Aking gawain, at Aking gagamitin ang kapangyarihan ng lawa ng apoy upang tuparin ang gawain Kong ito, kung hindi ay magiging imposibleng isakatuparan ang Aking gawain. Aking sasanhiin ang mga tao sa buong sansinukob na magpasakop sa harap ng Aking trono, hinahati sila sa iba’t ibang kategorya ayon sa Aking paghatol, pinagbubukud-bukod sila ayon sa mga kategoryang ito, at higit pa pinagsusunud-sunod sila ayon sa kani-kanilang mga pamilya, upang ang buong sangkatauhan ay titigil sa pagsuway sa Akin, sa halip ay bumabagsak sa isang masinop at maayos na pagkakaayos ayon sa mga kategoryang Aking napangalanan—huwag hayaan ang sinuman na basta na lamang gumalaw sa palibot! Sa ibabaw at ilalim ng sansinukob, nakágáwâ Ako ng bagong gawain; sa ibabaw at ilalim ng sansinukob, ang buong sangkatauhan ay natutulala at napipipi sa Aking biglang pagpapakita, ang kanilang mga abot-tanaw ay pinasabog na di pa nangyari kailanman ng Aking bukas na pagpapakita. Hindi ba’t ang ngayon ay eksaktong tulad nito?

Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos


Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang susi sa pagtalima sa Diyos ay ang pagpapahalaga sa bagong liwanag, at makayang tanggapin ito at maisagawa. Ito lamang ang tunay na pagtalima. … Ang hindi pagiging kuntento sa pamumuhay sa gitna ng mga biyaya ng Diyos, pagiging laging nauuhaw para sa katotohanan, at paghahanap para sa katotohanan, at paghahabol na maging pag-aari ng Diyos—ito ang ibig sabihin ng maingat na pagtalima sa Diyos: ito ang eksaktong uri ng pananampalatayang gusto ng Diyos.”
Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan
Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Tungkol sa Biblia

Mar 31, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikaapatnapu’t-dalawang Pagbigkas

Ang Ikaapatnapu’t-dalawang Pagbigkas

    Sa sandaling ang bagong gawain ay nagsisimula, lahat ng mga tao ay may bagong pagpasok, at sila ay susulong kasama Kong kapit-kamay, maglalakad kami sa malaking daan ng kahariang magkasama, at may matalik na kaugnayan sa pag-itan Ko at ng tao. Upang ipakita ang Aking mga nadarama, upang ipamalas ang Aking pagtrato tungo sa tao, palagi Akong nagsasalita sa tao. Bahagi ng mga salitang ito, gayunpaman, ay maaaring makasakit sa mga tao, samantalang ang iba sa mga iyon ay maaaring maging malaking tulong sa kanila, kaya’t pinapayuhan Ko ang mga tao na makinig nang mas maigi sa kung ano ang lumalabas sa Aking bibig. Ang Aking mga pagbigkas ay maaring hindi maging elegante at pino, subali’t ang lahat ng mga iyon ay mga salita mula sa kaibuturan ng Aking puso. Dahil ang tao sa orihinal ay Aking kaibigan, nagpatuloy Ako na isinasakatuparan ang Aking gawain sa gitna ng tao, at ang tao, rin, ay ginagawa ang kanyang sukdulang makakaya upangmakipagtulungan sa Akin, lubhang natatakot sa pag-abala sa Aking gawain. Sa sandaling ito, ang Aking puso ay puno ng matinding kagalakan, sapagka’t Ako ay nakatamo ng isang bahagi ng mga tao, kaya’t ang Aking “negosyo” ay hindi na bagsak, hindi na ito walang-lamang mga salita, at ang Aking “pamilihan ng prangkisa” ay hindi na mabagal ang takbo. Ang mga tao ay makatuwiran sa paanuman, silang lahat ay handang “ialay ang kanilang mga sarili” para sa Aking pangalan at Aking kaluwalhatian, at sa paraang ito ang Aking “departamento ng prangkisa” ay kumikita ng ilang bagong “mga produkto,” kaya’t sa espirituwal na kinasasaklawan maraming “mga kostumer” ang dumarating upang bumili ng Aking “mga produkto.” Sa sandaling ito lamang Ako nakakatamo ng kaluwalhatian, saka lamang ang mga salitang binigkas mula sa Aking bibig ay hindi na mga walang-lamang salita. Ako ay naging matagumpay, at nakabalik na tagumpay, at lahat ng mga tao ay ipinagdiriwang Ako. Upang ipakita ang paghanga nito sa Akin, upangipakita na sumusuko ito sa ilalim ng Aking mga tuhod, sa sandaling ito ang malaking pulang dragon ay dumarating din para “magdiwang,” at Ako ay naluluwalhati rito. Mula sa panahon ng paglikha hanggang ngayon, nakipaglaban na Ako sa maraming matatagumpay na mga digmaan, at nakágáwâ na ng maraming kahanga-hangangmga bagay. Maraming mga tao ang minsang ipinagdiwang Ako, at nag-alay ng papuri sa Akin, at sumayaw para sa Akin. Bagaman ang mga ito ay mga nakakapukaw na tagpo, at di-malilimutan, kailanman ay hindi Ko ipinakita angAking ngiti, sapagka’t hindi Ko pa nalulupig ang tao, at ginagawa lamang ang bahagi ng gawaing kahawig ng paglikha. Ngayon ay di-tulad ng nakaraan. Ako ay nagbibigay ng ngiti sa trono, nalupig Ko na ang tao, at ang mga tao lahat ay yumuyukod sa pagsamba sa harap Ko. Ang mga tao ng ngayon ay hindi yaong sa nakaraan. Kailan na ang Aking gawain ay hindi alang-alang sa kasalukuyan? Kailan ito hindi para sa Aking kaluwalhatian? Para sa kapakanan ng maningning na kinabukasan, palilinawin Ko ang buo Kong gawain sa tao nang maraming ulit, upang ang buo Kong kaluwalhatian ay maaaring “mamahinga” sa tao, na nilikha. Kukunin Ko ito bilang alituntuin ng Aking gawain. Yaong mga handang makipagtulungan sa Akin, tumáyô at magsigasig upang ang higit ng Aking kaluwalhatian ay maaaring pumuno sa papawirin. Ngayon ang panahon upang gamitin nang pinakamahusay ang mga talento ng isa. Lahat niyaong nasa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Aking pag-ibig ay may pagkakataon upang gamitin ang kanilang mga kakayahan dito, sa Aking lugar, at Aking mamaniobrahin ang lahat ng mga bagay upang “bumaling” para sa Aking gawain. Ang mga ibong lumilipad sa himpapawid ay Aking kaluwalhatian sa himpapawid, ang mga karagatan sa lupa ay Aking mga gawa sa lupa, ang panginoon ng lahat ng mga bagay ay Aking pagpapakita sa gitna ng lahat ng mga bagay, at Aking ginagamit ang lahat ng mayroon sa lupa bilang ang puhunan para sa Aking pamamahala, sinasanhi ang lahat ng mga bagay upang dumami, lumago, at sumagana ng buhay.