Ang Ikatatlumpu’t walong Pagbigkas
Sa buong karanasan ng sangkatauhan hindi nagkaroon ng Aking anyô, ni nagkaroon ng pangunguna ng Aking mga salita, kaya’t lagi Kong iniwasan ang tao sa malayo at pagkatapos ay lumisan Ako mula sa kanila. Aking kinamumuhian angpagkamasuwayin ng sangkatauhan. Hindi Ko alam kung bakit. Tila kinamuhian Ko na ang tao mula sa pasimula, at gayunman ay lubha Kong nadarama ang kanilangnadarama. Kaya’t ang tao ay tumitingin sa Akin nang may dalawang puso, sapagka’t mahal Ko ang tao, at kinamumuhian Ko rin ang tao. Sino sa kanila ang nagpapakita ng tunay na pagkaunawa sa Aking pagmamahal? At sinong makauunawa sa Aking pagkamuhi? Sa Aking mga mata, ang tao ay isang patay na bagay, walang buhay, na parang sila ay luwad na mga estatwa na nakatayo sa gitna ng lahat ng mga bagay. May mga pagkakataon na, ang pagkamasuwayin ng tao ay nagbubunsod ng Aking galit sa kanila. Noong namuhay Ako sa gitna ng mga tao, bahagya silang ngingiti kapag bigla Akong dumating, dahil palagi silang sadyang naghahanap sa Akin, na para bang nakikipaglaro Ako sa kanila sa lupa. Kailanman ay hindi nila Ako sineryoso, kaya’t dahil sa kanilang pakikitungo sa Akin wala Akong pagpipilian kundi “magretiro” mula sa “ahensya” ng sangkatauhan. Gayunman, nais Kong ipaalam na bagaman Ako ay “nagretiro na,” ang Aking “pensyon” ay hindi maaaring magkulangkahit isang sentimo. Dahil sa Aking “pagiging nakatatanda” sa “ahensya” ng sangkatauhan, nagpapatuloy Ako na humingi ng kabayaran mula sa kanila, kabayaran sa utang sa Akin. Bagaman iniwan Ako ng tao, paano nila matatakasan ang Aking paghawak? Niluwagan Ko ang Aking paghawak sa kanila sa isang tiyak na antas, tinutulutan sila na magpasásà sa kanilang makalamang mga pagnanásà, kaya’t nangahas sila na maging malaya, walang nakapipigil, at makikita na hindi nila Ako tunay na minahal, dahil namuhay sila sa laman. Maaari kaya na ang tunay na pag-ibig ay makakamit mula sa laman? Maaari kaya na ang hinihingi Ko lamang sa tao ay ang “pag-ibig” ng laman? Kung tunay na ito ang kalagayan, kung gayon ay anong magiging kabuluhan ng tao? Silang lahat ay mga walang-kwentang basura! Kung hindi sa Aking nananatiling “higit-sa-natural na kapangyarihan,” matagal Ko na sanang iniwan ang tao—bakit mag-aabala pang manatiling kasama nila at tinatanggap ang “panliligalig” ng tao? Subali’t Ako ay nagtiis. Nais Kong malaman ang kailaliman ng kaábáláhán ng tao. Sa sandaling matapos Ko ang Aking gawain sa lupa Ako ay aakyat nang mataas tungo sa langit upang hatulan ang “panginoon” ng lahat ng mga bagay-bagay; ito ang Aking pangunahing gawain, dahil masyado Ko nang kinamumuhian ang tao. Sinong hindi mamumuhi sa kanyang kaaway? Sinong hindi papatay sa kanyang kaaway? Sa langit, si Satanas ang Aking kaaway, sa lupa, ang tao ang Aking kalaban. Dahil sa pagkakaisa sa pagitan ng langit at lupa, siyam na henerasyon nila ay dapat na ibilang na may-sala dahil sa pag-anib, at walangpatatawarin. Sinong nagsabi sa kanila na labanan Ako? Sinong nagsabi sa kanila na suwayin Ako? Bakit ang tao ay hindi makalas mula sa kanilang lumang kalikasan? Bakit ang kanilang laman ay laging dumarami sa loob nila? Ang lahat ng ito ay patunay ng Aking paghatol sa tao. Sinong nangangahas na hindi bumigay sa mga katunayan? Sinong nangangahas na magsabing ang Aking paghatol ay may-kulay ng emosyon? Ako ay iba sa tao, kaya nakalisan Ako mula sa kanila, sapagka’t Ako ay hindi tao lamang.