菜單

Mar 28, 2018

Salita ng Diyos | Ang Ikatatlumpu’t walong Pagbigkas

Ang Ikatatlumpu’t walong Pagbigkas

    Sa buong karanasan ng sangkatauhan hindi nagkaroon ng Aking anyô, ni nagkaroon ng pangunguna ng Aking mga salita, kaya’t lagi Kong iniwasan ang tao sa malayo at pagkatapos ay lumisan Ako mula sa kanila. Aking kinamumuhian angpagkamasuwayin ng sangkatauhan. Hindi Ko alam kung bakit. Tila kinamuhian Ko na ang tao mula sa pasimula, at gayunman ay lubha Kong nadarama ang kanilangnadarama. Kaya’t ang tao ay tumitingin sa Akin nang may dalawang puso, sapagka’t mahal Ko ang tao, at kinamumuhian Ko rin ang tao. Sino sa kanila ang nagpapakita ng tunay na pagkaunawa sa Aking pagmamahal? At sinong makauunawa sa Aking pagkamuhi? Sa Aking mga mata, ang tao ay isang patay na bagay, walang buhay, na parang sila ay luwad na mga estatwa na nakatayo sa gitna ng lahat ng mga bagay. May mga pagkakataon na, ang pagkamasuwayin ng tao ay nagbubunsod ng Aking galit sa kanila. Noong namuhay Ako sa gitna ng mga tao, bahagya silang ngingiti kapag bigla Akong dumating, dahil palagi silang sadyang naghahanap sa Akin, na para bang nakikipaglaro Ako sa kanila sa lupa. Kailanman ay hindi nila Ako sineryoso, kaya’t dahil sa kanilang pakikitungo sa Akin wala Akong pagpipilian kundi “magretiro” mula sa “ahensya” ng sangkatauhan. Gayunman, nais Kong ipaalam na bagaman Ako ay “nagretiro na,” ang Aking “pensyon” ay hindi maaaring magkulangkahit isang sentimo. Dahil sa Aking “pagiging nakatatanda” sa “ahensya” ng sangkatauhan, nagpapatuloy Ako na humingi ng kabayaran mula sa kanila, kabayaran sa utang sa Akin. Bagaman iniwan Ako ng tao, paano nila matatakasan ang Aking paghawak? Niluwagan Ko ang Aking paghawak sa kanila sa isang tiyak na antas, tinutulutan sila na magpasásà sa kanilang makalamang mga pagnanásà, kaya’t nangahas sila na maging malaya, walang nakapipigil, at makikita na hindi nila Ako tunay na minahal, dahil namuhay sila sa laman. Maaari kaya na ang tunay na pag-ibig ay makakamit mula sa laman? Maaari kaya na ang hinihingi Ko lamang sa tao ay ang “pag-ibig” ng laman? Kung tunay na ito ang kalagayan, kung gayon ay anong magiging kabuluhan ng tao? Silang lahat ay mga walang-kwentang basura! Kung hindi sa Aking nananatiling “higit-sa-natural na kapangyarihan,” matagal Ko na sanang iniwan ang tao—bakit mag-aabala pang manatiling kasama nila at tinatanggap ang “panliligalig” ng tao? Subali’t Ako ay nagtiis. Nais Kong malaman ang kailaliman ng kaábáláhán ng tao. Sa sandaling matapos Ko ang Aking gawain sa lupa Ako ay aakyat nang mataas tungo sa langit upang hatulan ang “panginoon” ng lahat ng mga bagay-bagay; ito ang Aking pangunahing gawain, dahil masyado Ko nang kinamumuhian ang tao. Sinong hindi mamumuhi sa kanyang kaaway? Sinong hindi papatay sa kanyang kaaway? Sa langit, si Satanas ang Aking kaaway, sa lupa, ang tao ang Aking kalaban. Dahil sa pagkakaisa sa pagitan ng langit at lupa, siyam na henerasyon nila ay dapat na ibilang na may-sala dahil sa pag-anib, at walangpatatawarin. Sinong nagsabi sa kanila na labanan Ako? Sinong nagsabi sa kanila na suwayin Ako? Bakit ang tao ay hindi makalas mula sa kanilang lumang kalikasan? Bakit ang kanilang laman ay laging dumarami sa loob nila? Ang lahat ng ito ay patunay ng Aking paghatol sa tao. Sinong nangangahas na hindi bumigay sa mga katunayan? Sinong nangangahas na magsabing ang Aking paghatol ay may-kulay ng emosyon? Ako ay iba sa tao, kaya nakalisan Ako mula sa kanila, sapagka’t Ako ay hindi tao lamang.

Mar 27, 2018

Kanta ng Papuri Tagalog | Paghahandog ng Tapat na Puso sa Diyos


Kanta ng Papuri Tagalog | Paghahandog ng Tapat na Puso sa Diyos


Hoy, mga kapatid, tayo’y umawit at sumayaw upang purihin ang Diyos! Okey!
I
Mga kapatid, kumilos at sumayaw; Huwag maalangan o mahiya. Di alintana ng Diyos kung kilos mo’y di maganda, tanging pagpupuring totoo ang nakasisiya sa Kanya. Kung ibig mong purihin Siya nang buo mong puso, isaisantabi ang ‘yong hiya at kumilos sa pagsayaw. Di alintana ng Diyos kung ga’no tayo katanda, o ga’no karaming taong nakatayo. Taos na pagpupuri’y nagpapalaya sa espiritu natin. Ibigay ang lahat ng kaluwalhatian sa Diyos. Ang ating taos pusong pagpuri sa Diyos ay nagbibigay kasiyahan, Ang biyaya ng Diyos ay tiyak na ipinagkaloob sa atin.

Mar 24, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Ika-tatlumpu’t tatlong Pagbigkas

Ang Ika-tatlumpu’t tatlong Pagbigkas


    Sa Aking pamamahay, minsang nagkaroon ng mga dumadakila sa Aking banal na pangalan, na gumawa nang walang kapaguran upang mapuno ang papawirin ng Aking kadakilaan sa lupa. Dahil dito, labis Akong natuwa, napuno ang Aking puso ng kaluguran—ngunit sino ang kayang gumawa na Aking kahalili, tinatalikdan ang tulog sa gabi at araw? Nagbibigay sa Akin ng kaluguran ang determinasyon ng tao sa Akin, ngunit pinupukaw ng kanyang paghihimagsik ang Aking galit, at gayon, dahil hindi kailanman masunod ng tao ang kanyang tungkulin, lalong tumitindi ang Aking kalungkutan para sa kanya. Bakit laging hindi kaya ng tao na ialay ang kanilang sarili sa Akin? Bakit nila palaging sinusubukang makipagtawaran sa Akin? Punong tagapamahala ba Ako ng isang sentro ng kalakalan? Bakit Ko kaya isinasakatuparan nang buong puso ang hinihingi ng mga tao sa Akin, habang nauuwi lang sa wala anghinihingi Ko mula sa tao? Maaari bang hindi Ako maalam sa mga pamamaraan ng pagnenegosyo, pero marunong ang tao? Bakit palagi Akong nililinlang ng mga tao sa pamamagitan ng matatas na pananalita at panghihibok? Bakit palaging dumarating ang mga tao na may dalang mga “regalo,” humihingi ng daan pabalik? Ito ba angitinuro Ko na gawin ng tao? Bakit ginagawa ng mga tao ang mga bagay na yaon “nang mabilis at malinis”? Bakit palaging nagaganyak ang mga tao na linlangin Ako? Kapag kasama Ko ang tao, tinitingnan Ako ng mga tao bilang isang nilikhangnilalang; kapag nasa pangatlong langit Ako, itinuturing nila Ako bilang angMakapangyarihan sa lahat, na siyang humahawak ng dominyon sa lahat ng bagay; kapag nasa kalangitan Ako, nakikita nila Ako bilang ang Espiritu na nagpupuno sa lahat ng bagay. Sa kabuuan, walang nararapat na lugar para sa Akin sa puso ng mga tao. Para bang isa Akong bisitang hindi imbitado, kinayayamutan Ako ng mga tao, at gayon kapag nakakakuha Ako ng tiket at kukunin ang Aking upuan, itinataboy nila Ako, at sinasabing wala Akong mauupuan dito, na nagpunta Ako sa maling lugar, at kaya wala Akong pagpipilian kung hindi umalis kaagad. Nagdesisyon Akong hindi na makihalubilo sa tao, dahil masyadong makitid ang utak ng mga tao, masyadong maliit ang kanilang kagandahang-loob. Hindi na Ako kakain sa parehong mesa sa kanila, hindi na Ako magpapalipas ng oras sa mundo na kasama sila. Ngunit kapag nagsalita Ako, namamangha ang mga tao, natatakot sila na lilisan Ako, at kaya pilit nila Akong “ikinukulong”. Habang nakikita ang kanilang pagkukunwari, agad Kong naramdamang tila malungkot at mapanglaw ang Aking puso. Natatakot ang mga tao na iiwan Ko sila, at gayon kapag humihiwalay Ako sa kanila, agad napupuno anglupa ng tunog ng pag-iyak, at nababalutan ng mga luha ang mga mukha ng mga tao. Pinupunasan Ko ang kanilang mga luha, muli Ko silang pinagiginhawa, at tinititigan nila Ako, ang kanilang mga mata ay tila nagmamakaawa sa Akin na huwag lumisan, at dahil sa kanilang “kabusilakan” kasama nila Ako. Ngunit sino ang makakaunawa ng sakit na nasa Aking puso? Sino ang matandain sa mga bagay na hindi Ko nasasabi? Sa mga mata ng mga tao, para bang wala akong emosyon, at kaya palagi kaming nagmumula sa dalawang magkaibang pamilya. Paano nila makikita angpakiramdam ng kapanglawan sa Aking puso? Iniimbot lamang ng mga tao angkanilang mga sariling kaaliwan, at hindi nila iniisip ang Aking kalooban, dahil, hanggang sa kasalukuyan, nananatiling mangmang ang mga tao tungkol sa layon ng Aking plano ng pamamahala, at kaya ngayon gumagawa pa rin sila ng tahimik na mga pagsamo—at ano ang benepisyo nito?

Mga Movie Clip (6) | Ang Pagsunod ba sa mga Pastor at Elder ay Tulad ng Pagsunod sa Diyos?


Mga Movie Clip (6) | Ang Pagsunod ba sa mga Pastor at Elder ay Tulad ng Pagsunod sa Diyos?

Naniniwala ang ilang mga mananampalataya na pinili at hinirang ng Panginoon ang mga pastor at elder ng relihiyosong mundo, at lahat sila’y mga taong naninilbihan sa Panginoon. Kaya naniniwala sila na ang pagsunod lamang sa mga pastor at elder ay pagsunod sa Panginoon, at ang pagsalungat o paghatol sa mga pastor at elder ay pagsalungat sa Panginoon. Naniniwala pati sila na, sa mga iglesia, tanging mga pastor at elder lamang ang nakakaunawa sa Biblia at kayang ipaliwanag ang Biblia, at basta’t naaayon sa Biblia at batay sa Biblia ang ipinapangaral o ginagawa ng mga pastor at elder, dapat silang talimahin at sundin ng mga tao kung gayon. Naaayon ba sa katotohanan ang ganitong uri ng pagsunod sa mga pastor at elder? Kinakatawan ba ng pag-unawa sa kaalaman sa Biblia ang pag-unawa sa katotohanan at kaalaman sa Diyos? Anong pamamaraan ba talaga ang dapat nating gamitin sa mga pastor at elder na tumatalima sa kalooban ng Diyos?
Rekomendasyon:Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos

Mar 23, 2018

Mga Movie Clip (5) | Tunay bang Hinirang ng Panginoon ang mga Pastor at Elder ng Relihiyosong Mundo?


Mga Movie Clip (5) | Tunay bang Hinirang ng Panginoon ang mga Pastor at Elder ng Relihiyosong Mundo?

Personal na nagbibigay ng patotoo ang Diyos sa lahat ng Kanyang hinihirang at ginagamit. Sa pinakamababa man lang, lahat sila ay tumatanggap ng kumpirmasyon ng gawain ng Banal na Espiritu, ipinapakita ang mga bunga ng gawain ng Banal na Espiritu, at natutulungan ang mga napiling tao ng Diyos na tumanggap ng pagkakaloob ng buhay at tunay na pagpapastol. Dahil makatuwiran at banal ang Diyos, ang lahat ng Kanyang hinihirang at ginagamit ay kailangang sumunod sa Kanyang kalooban. Ang mga pastor at elder mula sa relihiyosong mundo ay nagkukulang lahat sa salita ng Diyos bilang patotoo, at wala ring kumpirmasyon ng gawain ng Banal na Espiritu. Kaya paanong personal na hihirangin at gagamitin ng Diyos ang mga pastor at elder na nasa relihiyosong mundo?
Rekomendasyon:Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal

Tagalog Christian Song | “Saan ang aking tahanan” | God Is My Soul Harbor


Tagalog Christian Song | “Saan ang aking tahanan” | God Is My Soul Harbor

Pinupulot ko’ng maliit kong brush at nagpinta ng maliit na bahay, Nasa loob si Inay, pati na rin si Itay. Ako at ang aking babaeng kapatid ay naglalaro sa araw, naaarawan kami at punong-puno kami ng init. Nakangiti si Inay na at pati rin si Itay, ako at ang aking babaeng kapatid ay nakangiti rin. Ito ang aking pamilya, nasa aking papel ito’y nasa aking panaginip, sa’king panaginip.

Mga Movie Clip (4) | Ang Pananampalataya ba sa Biblia ay Katumbas ng Pananampalataya sa Panginoon?


Mga Movie Clip (4) | Ang Pananampalataya ba sa Biblia ay Katumbas ng Pananampalataya sa Panginoon?

Naniniwala ang karamihan sa mga pastor at elder ng relihiyosong mundo na kinakatawan ng Biblia ang Panginoon, at ang paniniwala sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia, at ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Panginoon. Naniniwala sila na kung aalis ang isa mula sa Biblia, hindi siya matatawag na mananampalayata kung gayon, at maaaring maligtas at makapasok ang isang tao sa kaharian ng langit hangga’t kumakapit siya sa Biblia. Kaya ba talagang katawanin ng Biblia ang Panginoon? Ano ba talaga ang relasyon sa pagitan ng Biblia at ng Panginoon? Sabi ng Panginoong Jesus, “Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39-40). Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Matapos ang lahat, alin ang mas dakila: Ang Diyos o ang Biblia? Bakit kailangan ang gawain ng Diyos ay kaayon sa Biblia? Maaari kayana ang Diyos ay walang karapatan na higitan ang Biblia? Hindi ba maaaaringlisanin ng Diyos ang Biblia at gumawa ng iba pang gawain? Bakit si Jesus at ang Kanyang mga alagad ay hindi sumusunod sa Araw ng Pamamahinga? … Dapat mong malaman kung alin ang nauna, ang Diyos o ang Biblia! Dahil Panginoong ng Araw ng Pamamahinga, Siya ba’y maaaring ding maging Diyos ng Biblia?” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Rekomendasyon:Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw