Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Isagawa ang Katotohanan Sa Sandaling Inyong Maunawaan Ito
Ang gawain at ang salita ng Diyos ay itinalaga upang maghatid ng pagbabago sa inyong disposisyon; ang Kanyang layunin ay hindi lamang basta ipaunawa o ipakilala sa inyo ito at iyon na lamang ang maging katapusan nito. Bilang isang may kakayahang makatanggap, hindi kayo dapat mahirapan sa pag-unawa sa salita ng Diyos, sapagkat karamihan sa salita ng Diyos ay nakasulat sa wika ng tao na napakadaling maintindihan. Gaya halimbawa, malalaman ninyo kung ano ang gusto ng Diyos na maintindihan ninyo at maisagawa; ito ay isang bagay na dapat gawin ng isang wastong taong may kakayahang makaunawa. Ang sinasabi ng Diyos ngayon ay lalong maliwanag at malinaw, at nagsasabi ang Diyos ng maraming bagay na hindi naisaalang-alang ng mga tao o ang iba’t-ibang mga kalagayan ng mga tao. Ang Kanyang mga salita ay para sa lahat, kasinglinaw ng liwanag ng bilog na buwan. Kaya ngayon, naiintindihan ng mga tao ang maraming mga isyu; ang kulang sa kanila ay ang pagsasagawa sa Kanyang salita. Dapat maranasan ng mga tao ang lahat ng aspeto ng katotohanan nang detalyado, at tuklasin at hangarin pa ang higit na malawak na detalye, hindi basta na lamang maghintay na tanggapin kung ano ang nakahanda nang ibigay sa kanila; kung hindi sila ay magiging lampas ng kaunti sa mga manghuhuthot. Nalalaman nila ang salita ng Diyos, ngunit hindi ito isinasagawa. Ang ganitong uri ng tao ay walang pagmamahal sa katotohanan, at sa huli ay maaalis. Ang pagkakaroon ng istilo kagaya ng isang Pedro sa panahon ng dekada 90 ay nangangahulugan na ang bawat isa sa inyo ay dapat magsagawa ng salita ng Diyos, magkaroon ng tunay na pagpasok sa inyong mga karanasan at magkamit ng higit pa at lalong mas dakilang kaliwanagan sa inyong pakikipagtulungan sa Diyos, na magdadala ng higit pang Kanyang pagtulong sa inyong buhay. Kung nakabasa na kayo ng napakaraming salita ng Diyos ngunit naiintindihan lamang ang kahulugan ng teksto at wala kayong personal na kaalaman sa salita ng Diyos sa pamamagitan ng inyong praktikal na karanasan, hindi ninyo malalaman ang salita ng Diyos. Para sa iyo, ang salita ng Diyos ay hindi buhay, ngunit mga letra lamang na walang buhay. At kung panghahawakan mo lamang ang mga letrang walang buhay, hindi mo mauunawaan ang diwa ng salita ng Diyos, ni hindi mo mauunawaan ang Kanyang kalooban. Tanging kapag naranasan mo ang Kanyang salita sa iyong mga tunay na karanasan saka pa lamang magbubukas nang kusa ang espirituwal na kahulugan ng salita ng Diyos sa iyo, at sa karanasan mo lamang mauunawaan ang espirituwal na kahulugan ng maraming katotohanan, at tanging sa pamamagitan lamang ng karanasan mo matutuklasan ang mga hiwaga ng salita ng Diyos. Kung hindi mo ito isasagawa, kung gayon gaano man kalinaw ang Kanyang salita, ang tanging bagay mong nauunawaan ay hungkag na mga letra at mga doktrina, na naging mga relihiyosong tuntunin sa iyo. Hindi ba ito ang ginawa ng mga Fariseo? Kung inyong isinasagawa at nararanasan ang salita ng Diyos, ito ay nagiging praktikal sa inyo; kung hindi ninyo hahangarin na isagawa ito, kung gayon ang salita ng Diyos sa iyo ay higit lang ng kaunti sa alamat ng ikatlong langit. Sa katotohanan, ang proseso ng paniniwala sa Diyos ay ang proseso ng inyong pagdanas sa Kanyang salita gayundin ang makamit Niya, o upang mas maging maliwanag, ang maniwala sa Diyos ay ang magkaroon ng kaalaman at pagkaunawa sa Kanyang salita at maranasan at isabuhay ang Kanyang salita; iyan ang katotohanan sa inyong pananampalataya sa Diyos. Kung kayo ay naniniwala sa Diyos at umaasa para sa buhay na walang hanggan nang walang paghahangad na isagawa ang salita ng Diyos gaya ng isang bagay na mayroon kayo sa loob ninyo, kung gayon kayo ay hangal; kagaya lang ito ng pagpunta sa isang piging upang matandaan lamang kung ano ang makakain doon nang hindi man lamang titikman ito. Hindi ba hangal ang isang taong gayon?