菜單

Ene 17, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-dalawang Pagbigkas

 Kaligtasan, Kidlat ng Silanganan, maghanap, maghintay



Ang Ikadalawampu’t-dalawang Pagbigkas

    Namumuhay ang tao sa gitna ng liwanag, ngunit hindi niya batid ang kahalagahan ng liwanag. Siya ay ignorante sa substansya ng liwanag, at sa pinagmumulan ng liwanag, at, higit pa rito, kung sino ang nagmamay-ari nito. Nang ipinagkaloob Ko ang liwanag sa tao, Aking agarang sinusuri ang mga kondisyon sa gitna ng tao: Dahil sa liwanag, nagbabago ang lahat ng tao, at dumarami, at nakaalis sa kadiliman. Tinitingnan Ko ang bawat kanto ng sansinukob, at nakikita na ang mga bundok ay binabalot sa hamog, na ang tubig ay nagyeyelo sa gitna ng lamig, at iyon, ay dahil sa pagdating ng liwanag, tumitingin ang mga tao sa Silangan upang makadiskubre pa sila nang mas makahulugan—ngunit, ang mga tao ay nananatiling hindi maka-unawa ng malinaw na direksyon sa gitna ng maninipis na ulap. Dahil ang buong mundo ay nalulukuban ng hamog, kapag Ako ay tumitingin sa gitna ng mga ulap, ang Aking pag-iral ay hindi kailanman natutuklasan ng tao; naghahanap ang tao sa daigdig ng isang bagay, mukha siyang nangangalap, tila ninanais niya, na maghintay sa Aking pagdating—ngunit hindi niya alam ang Aking araw, at maaari lamang madalas tumingin sa kislap ng liwanag sa Silangan. Sa lahat ng sangkatauhan, hinahanap Ko ang mga tunay na nagnanais ng Aking sariling puso. Lumalakad Ako kasama ng lahat ng tao, at naninirahan sa lahat ng tao, ngunit ang tao ay ligtas at matiwasay sa lupa, at kaya’t walang tunay na nagnanais sa Aking puso. Hindi alam ng mga tao kung paano magmalasakit sa Aking nais, hindi nila nakikita ang Aking mga pagkilos, at hindi sila makihalubilo sa liwanag at mailawan ng liwanag. Kahit na palaging pinapahalagahan ng tao ang Aking mga salita, siya ay walang kakayahang mabatid ang panglilinlang ni Satanas; dahil ang tayog ng tao ay masyadong maliit, hindi niya kayang gawin kung ano ang nais ng kanyang puso. Hindi Ako kailanman tunay na minahal ng tao. Kapag itinataas Ko siya, pakiramdam niya ay hindi siya karapat-dapat, ngunit hindi nito nagawa na subukin niyang pasayahin Ako. Basta hinahawakan lang niya ang katayuan na Aking ibinigay sa kanyang mga kamay at sinusuri ito; walang pakiramdam sa Aking pagkamasuyuin, sa halip nagpupumilit siyang nagpapakabundat sa kanyang sarili sa mga pagpapala ng kanyang katayuan. Ito ba ay hindi kakulangan ng tao? Kapag gumalaw ang mga bundok, maaari bang umiwas ang mga ito para sa kapakanan ng iyong katayuan? Kapag umagos ang tubig, maaari bang huminto ang mga ito sa harap ng iyong katayuan? Mababaligtad ba ang langit at lupa ng iyong katayuan? Ako ay minsang naging maawain sa tao, paulit-ulit—ngunit walang sinumang nagmamahal o nagpapahalaga rito, pinakinggan lang nila ito bilang isang kuwento, o binasa ito bilang isang nobela. Ang Aking bang mga salita ay hindi talaga nakakaantig sa puso ng tao? Ang Aking bang mga binibigkas ay tunay na walang epekto? Maaari bang walang sinuman ang naniniwala sa Aking pag-iral? Hindi mahal ng tao ang kanyang sarili; sa halip, siya ay nakikiisa kay Satanas upang lumaban sa Akin, at ginagamit si Satanas bilang isang “kapakinabangan” upang paglingkuran Ako. Ako ay susuong sa lahat ng mga mapanlinlang na balak ni Satanas, at pipigilan ang mga tao sa lupa na tanggapin ang panlilinlang ni Satanas, upang hindi sila manlaban sa Akin dahil sa pag-iral ni Satanas.

Ene 16, 2018

Salita ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-isang Pagbigkas

 Kaligtasan, Mahalin ang Diyos, matapat, tumalima


Ang Ikadalawampu’t-isang Pagbigkas


   Nahuhulog ang tao sa kalagitnaan ng Aking liwanag, at mabilis siyang nakakabangon dahil sa Aking kaligtasan. Noong dinala Ko ang  kaligtasan sa buong sandaigdigan, sinusubukan ng tao na hanapin ang mga paraan upang makapasok sa daloy ng Aking pagpapanumbalik, ngunit marami ang mga natangay nang walang bakas sa malakas na agos ng panunumbalik na ito; marami ang mga nalunod at nilamon ng malakas na agos ng mga tubig; at marami rin ang nanatili sa gitna ng malakas na agos, na hindi kailanman nawalan ng kanilang diwa ng direksiyon, at sumunod sa malakas na agos hanggang ngayon. Humahakbang Ako kasabay ng tao, ngunit hindi pa rin niya Ako nakikilala; alam lamang niya ang mga panlabas Kong kasuotan, at wala siyang kaalam-alam sa mga kayamanan na nakatago sa Aking kaloob-looban. Kahit na tinutustusan Ko ang tao at nagbibigay Ako sa kanya sa bawat araw, hindi niya kaya ang tunay na pagtanggap, wala siyang kakayahang tanggapin ang lahat ng mga kayamanang ibinibigay Ko. Wala sa katiwalian ng tao ang nakakaiwas sa Aking paningin; para sa Akin, ang panloob na mundo niya ay katulad ng maliwanag na buwan sa tubig. Hindi Ako nakikipaglaro sa tao, ni hindi basta nakikisabay lang sa kanya; wala lang talagang kakayahan ang tao na panagutan ang kanyang sarili, at dahil dito palaging ubod ng sama ang buong sangkatauhan, at kahit ngayon nananatili siyang walang kakayahang lumaya mula sa naturang kasamaan. Kaawa-awa, kalunus-lunos na sangkatauhan! Bakit nga ba mahal Ako ng tao, ngunit hindi niya kayang sundin ang mga layunin ng Aking Espiritu? Talaga bang hindi Ko ibinunyag ang Aking Sarili sa sangkatauhan? Talaga bang hindi nakita kailanman ng sangkatauhan ang Aking mukha? Maaari kayang masyadong maliit ang awa na Aking ipinakita sa sangkatauhan? O ang mga rebelde ng buong sangkatauhan! Dapat silang mawasak sa ilalim ng Aking talampakan, dapat silang maglaho sa gitna ng Aking pagkastigo, at dapat, sa araw ng pagkakumpleto ng Aking dakilang plano, ay maitataboy sila mula sa kalagitnaan ng sangkatauhan, upang makita ng buong sangkatauhan ang pangit nilang pagmumukha. Bihirang makita ng tao ang Aking mukha o bihira niyang marinig ang Aking tinig dahil masyadong nakalilito ang buong mundo, at masyadong malakas ang ingay nito, at dahil dito naging masyadong tamad ang tao na hanapin ang Aking mukha at subukang unawain ang Aking puso. Hindi ba ito ang dahilan ng katiwalian ng tao? Hindi ba dahil dito kaya nangangailangan ang tao? Ang buong sangkatauhan ay palaging nasa gitna ng Aking pagtustos; kung di gayon, kung hindi Ako maawain, sino ang mabubuhay hanggang ngayon? Ang mga kayamanan na nasa Akin ay walang kapantay, ngunit ang lahat ng mga kalamidad ay nandito rin sa Aking mga kamay—at sino ang makaliligtas mula sa kalamidad kung kailan nila gusto? Ang mga panalangin ba ng tao ang magpapahintulot sa kanya upang gawin ito? O ang mga luha sa puso ng tao? Hindi kailanman tunay na nanalangin ang tao sa Akin, at dahil dito walang kahit isa sa buong sangkatauhan ang ganap na namuhay sa gitna ng liwanag ng katotohanan, at namuhay lamang ang mga tao sa gitna ng pasumpung-sumpong na paglitaw ng liwanag. Ito nga ang nagdulot sa pangangailangan ng sangkatauhan ngayon.

Christians From The Church of Almighty God Join Amnesty International in Appealing for Human Rights


Christians From The Church of Almighty God Join Amnesty International in Appealing for Human Rights

Christians From The Church of Almighty God Join Amnesty International in Appealing for Human Rights On November 19, 2017, the French Jaurès Team of Amnesty International, a long-time human rights watchdog organization in various countries, held a running activity called Run for Freedom (Courir pour la Liberté) at the Buttes-Chaumont Park (Parc des Buttes Chaumont) in Paris, aiming to call on the Chinese and Turkish authorities to immediately cease persecution of its Turkey chairman, Taner Kılıç, Chinese women’s rights activist Su Changlan, and nine other Turkish human rights activists. This is yet another call and condemnation by the international community on the dramatic deterioration of the human rights conditions in China and Turkey. The persecuted Christians of The Church of Almighty God also participated in the running activity, who expressed that they were participating in the event to support human rights and appeal for the abusive human rights situation in China. They introduced that since God appeared to work in 1991, The Church of Almighty God has been suppressed and persecuted by the CCP government. Statistics show that just in the short span of two years between 2011 and 2013, as many as 380,000 Christians of The Church of Almighty God had been unlawfully arrested, imprisoned and convicted by the CCP government, of which 43,000 were subject to various means of torture in secret courts that resulted in the death of 13 people. To date, well-documented cases indicate that 44 Christians of The Church of Almighty God had been persecuted to death by the Chinese government. As a result of the escalating repression, they were forced to flee to overseas countries for asylum. Their experiences have also drawn the attention of an increasing number of international human rights organizations and individuals.
Recommendation:Understanding the Eastern Lightning
The Return of the Lord Jesus
Gospel Is Being Spread!

Ene 15, 2018

Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (1) – Bato, Bato, Pick


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (1) – Bato, Bato, Pick

Isang grupo ng masisigla at kaibig-ibig na mga kabataan ang walang-malay na naglalaro nang itanong nila nang diretsahan, nang hindi nag-iisip, na: “Saan nanggaling ang sangkatauhan?” Alam mo ba ang sagot sa tanong na ito?
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga’t nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
Rekomendasyon:Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!

Ene 14, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Ang Ikadalawampung Pagbigkas

 Diyos, kaluwalhatian, maghanap, Pag-asa

Ang Ikadalawampung Pagbigkas


   Hindi masukat at hindi maarok ang kayamanan ng Aking sambahayan, gayunma’y hindi kailanman lumapit sa Akin ang tao upang tamasahin ang mga iyon. Wala siyang kakayahang tamasahin ang mga iyon sa kanyang sarili, ni protektahan ang sarili niya gamit ang sarili niyang mga pagsisikap; sa halip, palagi niyang nailalagay sa iba ang kanyang pagtitiwala. Sa lahat ng mga yaong tinitingnan Ko, wala kahit isa ang kailanma’y kusa at direktang naghanap sa Akin. Lumalapit silang lahat sa harap Ko sa panghihikayat ng iba, sumusunod sa karamihan, at ayaw nilang bayaran ang halaga o gumugol ng oras para pagyamanin ang kanilang mga buhay. Samakatuwid, walang sinuman sa gitna ng tao ang namuhay kailanman sa katotohanan, at namumuhay ang lahat ng mga tao ng mga buhay na walang kahulugan. Dahil sa mga gawi at kaugalian ng tao na matagal nang umiiral, umalingasaw ang amoy ng lupa sa mga katawan ng lahat ng mga tao. Bilang resulta, naging manhid ang tao, walang pandama sa kalagiman ng mundo, at sa halip ay nagpapakaabala siya sa gawain ng pagtatamasa sa sarili sa malamig na mundong ito. Walang kahit kaunting init ang buhay ng tao, at walang kahit anong pantaong lasa o liwanag—gayunma’y sinanay niya ang kanyang sarili dito, nanatili siya sa habambuhay na kawalan ng halaga kung saan nagmamadali siyang gumagawa nang walang anumang napapala. Sa isang kisapmata, lumalapit ang araw ng kamatayan, at namamatay ang tao ng isang mapait na kamatayan. Kailanman, wala siyang natupad na anuman, o napalang anuman sa mundong ito—nagmamadali lamang siyang dumarating, at nagmamadaling umaalis. Sa Aking paningin wala sa mga yaon ang nakapagdala kailanman ng anuman, o nakakuha ng anuman, kung kaya nararamdaman ng tao na hindi patas ang mundo. Gayunman walang may gustong magmadali. Hinihintay lamang nila ang araw kung kailan ang Aking pangako mula sa langit ay biglang darating sa gitna ng tao, magpapahintulot sa kanila, sa panahon kung kailan sila ay naligaw, na minsan pa ay makita ang daan ng walang-hanggang buhay. Kaya, nakatutok ang tao sa bawat gawa at kilos Ko upang tingnan kung talagang natupad Ko ang pangako Ko sa kanya. Kapag siya ay nasa kalagitnaan ng hirap, o sa matinding sakit, o pinalilibutan ng mga pagsubok at malapit nang mahulog, isinusumpa ng tao ang araw ng kanyang kapanganakan upang mas mabilis niyang matakasan ang mga problema niya at makalipat sa mas magandang lugar. Ngunit kapag lumipas na ang mga pagsubok, napupuno ng kagalakan ang tao. Ipinagdiriwang niya ang araw ng kapanganakan niya sa mundo at hinihiling na pagpalain Ko ang araw ng kanyang kapanganakan; sa panahong ito, hindi na binabanggit ng tao ang mga pangako ng nakaraan, malalim ang takot niya na sa ikalawang pagkakataon darating muli sa kanya ang kamatayan. Kapag itinataas ng mga kamay Ko ang mundo, sumasayaw sa kagalakan ang mga tao, hindi na sila nalulungkot, at umaasa silang lahat sa Akin. Kapag tinatakpan Ko ng Aking mga kamay ang Aking mukha, at itinutulak ang mga tao sa ilalim ng lupa, agad silang nahihirapan sa paghinga, at bahagya na silang makapanatiling buhay. Lahat sila ay sumisigaw sa Akin, takot na lilipulin Ko sila, sapagka’t gusto nilang lahat na makita ang araw kung kailan Ako ay maluluwalhati. Itinuturing ng tao ang araw Ko bilang pangunahin ng kanyang pag-iral, at ito ay dahil lamang sa mahigpit na pagnanais ng mga tao para sa araw kung kailan ang Aking kaluwalhatian ay darating kaya nakapanatiling buhay ang sangkatauhan hanggang ngayon. Ang pagpapalang ipinahayag ng Aking bibig ay na yaong mga ipinanganganak sa panahon ng mga huling araw ay napakapalad na makita ang buo Kong kaluwalhatian.

Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (2) – Agawan sa Ginto


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (2) – Agawan sa Ginto


     Nang makakita si Xiaozhen ng isang malaking pirasong ginto, tinawag niya ang kanyang mga kaibigan para ipakita ito.

Ang tinig ng Diyos | Ang Ikalabing-siyam na Pagbigkas

Kaalaman, Kidlat ng Silanganan, pananampalataya, tumalima


Ang Ikalabing-siyam na Pagbigkas

    
    Ito ay marapat na pinagkakaabalahan ng sangkatauhan na kunin ang mga salita Ko bilang ang batayan ng kanyang pananatiling buhay. Dapat itatag ng tao ang indibidwal niyang kabahagi sa bawat isang bahagi ng mga salita Ko; ang hindi paggawa nito ay paghingi ng suliranin, paghahanap ng sarili niyang pagkawasak. Hindi Ako kilala ng sangkatauhan, at dahil dito, sa halip na dalhin niya ang kanyang buhay sa Akin upang ihandog bilang kapalit, ang tanging ginagawa niya ay pumarada sa harapan Ko na mayroong basura sa kanyang mga kamay, sinusubukang sa pamamagitan niyaon ay bigyan Ako ng kasiyahan. Ngunit, malayo sa pagkakaroon ng kasiyahan sa mga bagay na tulad ng mga ito, patuloy Ako sa paghingi sa sangkatauhan. Gusto Ko ang handog ng tao, nguni’t kinapopootan Ko ang kaniyang mga panghuhuthot. Ang puso ng lahat ng mga tao ay puno ng kasakiman; parang inalipin ng diyablo ang puso ng tao, at hindi makalaya ang tao at maihandog ang kanyang puso sa Akin. Kapag nagsasalita Ako, nakikinig ang tao sa Aking tinig nang may pamimitagan; nguni’t kapag tumigil Ako sa pagsasalita, nagsisimula siyang muli sa sarili niyang “pakikipagsapalaran” at ganap na humihinto sa pag-intindi sa mga salita Ko, na parang pandagdag lamang ang mga salita Ko sa kanyang pakikipagsapalaran. Kailanman hindi ako naging maluwag sa sangkatauhan, at gayunman naging lubhang-matiisin din ako at may magandang kalooban sa sangkatauhan. At sa gayon, dahil sa Aking pagiging mapagpahinuhod, naging napakahambog ang mga tao, walang kakayahang kilalanin ang sarili at magmuni-muni, at sinasamantala nila ang Aking pagkamatiisin upang linlangin Ako. Walang kahit isa sa kanila ang taos-pusong nagmamalasakit sa Akin, at wala ni isa man ang tunay na nagpapahalaga sa Akin bilang isang bagay na sinisinta ng kanyang puso; ibinibigay lamang nila sa Akin ang pilit nilang pagpansin tuwing wala silang ginagawa. Ang pagsisikap na ginugol Ko sa tao ay wala nang kapantay. Ginawa Ko na sa tao ang kauna-unahang uri ng gawain, at bukod dito, ibinigay Ko sa kanya ang isang karagdagang pasanin, upang sa ganoon, mula sa kung ano ang mayroon Ako at kung ano Ako, maaaring matuto ang tao at magbago. Hindi Ko hinihingi na maging isang tagagamit lamang ang tao, nguni’t hinihingi sa kanya na maging tagagawa na may kakayahang talunin si Satanas. Kahit na maaaring wala akong hinihinging kahit ano sa tao, gayunman may mga pamantayan Ako para sa mga kahilingan Ko, sapagka’t may layunin Ako sa ginagawa Ko, at may mga prinsipyong alinsunod sa hakbang Ko: Hindi Ako, gaya ng naguguni-guni ng mga tao, padaskul-daskol na naglalaro, at hindi Ko rin, sa sinasadyang pagbabagu-bago, nilikha ang mga kalangitan at lupa at ang napakaraming mga bagay na nilikha. Sa Aking paggawa, dapat may bagay na makikita ang tao, bagay na matatamo. Hindi niya dapat aksayahin ang tagsibol na kapanahunan ng kanyang kabataan, o tratuhin ang sarili niyang buhay na parang kasuotang basta hinayaang mapuno ng alikabok; sa halip, dapat bantayan niya nang mahigpit ang kanyang sarili, kumukuha mula sa Aking pagpapala upang matustusan ang sarili niyang kasiyahan, hanggang, para sa Aking kapakanan, hindi na siya makababalik tungo kay Satanas, at para sa Aking kapakanan maglulunsad siya ng isang pag-atake laban kay Satanas. Hindi ba napakadaling gaya nito ang hinihiling Ko sa tao?