菜單

Ene 5, 2018

Ang Maranasan ang Maingat na Pag-aalaga ng Diyos para sa Kaligtasan ng Tao sa Sakuna

Diyos, Kaligtasan, Pagsamba, Panalangin


Mga patotoo’t karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Maranasan ang Maingat na Pag-aalaga ng Diyos para sa Kaligtasan ng Tao sa Sakuna

Muling, Beijing
Agosto 16, 2012
     Noong Hulyo 21, 2012, nakita ng Beijing ang pinakamabigat na pagbagsak ng ulan sa loob ng animnapung taon. Sa malakas na buhos ng ulan na iyon nakita ko ang mga gawa ng Diyos at nakita ko kung paano Niya inililigtas ang tao.

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Landas… (8)

Kaalaman, maglingkod, Pag-asa, Sa Diyos kami'y nagtitiwala

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Landas… (8)

    Kapag ang Diyos ay dumarating sa lupa upang makihalo sa sangkatauhan, mamuhay kasama nila, ito ay hindi lamang sa loob ng isa o dalawang araw. Marahil sa buong panahong ito ay nakilala na humigit-kumulang ng mga tao ang Diyos, at marahil ay nakatamo sila ng mahahalagang mga kabatiran hinggil sa paglilingkod sa Diyos, at sanay na sanay na sa kanilang paniniwala sa Diyos. Anuman ang kalagayan, nauunawaan ng mga tao ang disposisyon ng Diyos, at ang mga pagpapahayag ng lahat ng uri ng pantaong mga disposisyon ay totoong iba-iba. Sa tingin Ko rito, ang sari-saring pagpapahayag ng mga tao ay sapat para magamit ng Diyos bilang mga halimbawa, at ang kanilang mga gawaing pang-isipan ay sapat para sa Kanya upang sanggunian. Marahil ito ay isang aspeto kung saan ang sangkatauhan ay nakikipagtulungan sa Diyos, ito ay di-nalalamang pakikipagtulungan ng sangkatauhan sa Diyos, kaya’t ang pagganap na ito na idinirekta ng Diyos ay makulay at parang buhay, napakalinaw. Sinasabi Ko ang mga bagay na ito sa Aking mga kapatirang lalaki at babae bilang ang pangkalahatang direktor ng palabas na ito—maaaring magsalita ang bawa’t isa sa atin sa ating mga iniisip at nararamdaman pagkatapos isagawa ito, at pag-usapan ang tungkol sa kung paano dinaranas ng bawa’t isa sa atin ang ating mga buhay sa loob ng palabas na ito. Maaari din tayong magkaroon ng isang lubos na bagong uri ng talakayan upang buksan ang ating mga puso at magsalita tungkol sa ating sining ng pagganap, tingnan kung paano ginagabayan ng Diyos ang bawa’t indibidwal upang sa susunod na pagganap kaya nating ihayag ang isang mas mataas na antas ng ating sining at bawa’t isa ay gagampanan ang ating sariling papel sa pinakamagaling nating kakayahan, hindi binibigo ang Diyos. Ako ay umaasa na ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay makakayang seryosohin ito—walang hindi makakapansin dito dahil ang pagganap nang mabuti sa isang papel ay hindi isang bagay na makakamit sa loob ng isa o dalawang araw. Kinakailangan nito na maranasan natin ang buhay at lumalim sa ating mga tunay na buhay sa mas matagal na panahon, at magkaroon ng praktikal na karanasan sa sari-saring uri ng mga pamumuhay. Doon lamang tayo maaaring umakyat sa tanghalan. Ako ay puno ng pag-asa para sa Aking mga kapatirang lalaki at babae, at Ako ay naniniwala na kayo ay hindi pinanghihinaan ng loob o nawawalan ng pag-asa, at anuman ang gawin ng Diyos, kayo ay tulad ng isang palayok ng apoy—kayo ay hindi kailanman malahininga at kaya ninyong manatili hanggang sa katapusan, hanggang sa ang gawain ng Diyos ay lubos na mabunyag, at hanggang ang palabas na nais ng Diyos na patnugutan ay dumating sa huling konklusyon nito. Wala Akong iba pang mga kinakailangan sa inyo. Ang inaasahan Ko lamang ay makakaya ninyong ipagpatuloy na humawak, na hindi kayo nababahala sa mga kalalabasan, na kayo ay makikipagtulungan sa Akin upang ang gawain na dapat Kong gawin ay magawa nang mabuti, at walang sinumang lumilikha ng mga pag-antala o mga paggambala. Kapag ang bahaging ito ng gawain ay natapos, ibubunyag ng Diyos ang lahat sa inyo. Pagkaraan na ang Aking gawain ay matapos, ihaharap Ko ang inyong bahaging ginampanan sa harap ng Diyos upang magsulit sa Kanya. Hindi ba’t mas mabuti iyan? Tayo ay maaaring magtulungan sa isa’t isa na makamit ang ating sariling mga layunin. Hindi ba’t ito ay isang perpektong solusyon para sa bawa’t isa? Ito ay isang mahirap na panahon na nangangailangan sa inyo na magbayad ng halaga. Sapagka’t Ako ang kasalukuyang direktor, umaasa Ako na wala sa inyo ang naiinis. Ito ang gawain na Aking ginagawa. Marahil ay magkakaroon ng isang araw kung kailan lilipat Ako sa isang mas akmang “sangay ng gawain” at hindi Ko na pinahihirap ang mga bagay-bagay para sa inyo. Ipakikita Ko sa inyo kung anuman ang handa kayong makita, at bibigyan Ko rin kayo ng katuparan kung anuman ang nahahanda kayong marinig. Subali’t hindi ngayon—ito ang gawain para sa ngayon at hindi Ko maaaring malayang rendahan ang inyong mga papel na ginagampanan at hayaan kayong gawin kung anuman ang nais ninyo. Sa paraang iyan, ang Aking gawain ay hindi magiging madaling gawin. Sa totoo lang, iyan ay hindi magbubunga ng anuman at hindi ito magiging kapaki-pakinabang para sa inyo. Kaya ngayon kailangan ninyong “makaranas ng mga kahirapan”, at kapag ang araw ay dumating na ang yugtong ito ng Aking gawain ay natapos na Ako ay magiging malaya. Hindi na Ako magdadala ng gayong kabigat na pasanin, at sasang-ayon Ako sa anumang hingin ninyo mula sa Akin; hangga’t kapaki-pakinabang ito para sa inyong mga buhay tutuparin Ko ang inyong mga kahilingan. Nakuha Ko na ngayon ang isang mabigat na pananagutan. Hindi Ko maaaring salungatin ang mga utos ng Diyos Ama, at hindi Ko maaaring sirain ang mga plano para sa Aking gawain. Hindi Ko maaaring pamahalaan ang Aking pansariling mga alalahanin sa pamamagitan ng Aking pangnegosyong mga alalahanin. Ako ay umaasa na Ako ay nauunawaan ninyong lahat at patatawarin Ako sapagka’t ang lahat ng Aking ginagawa ay ayon sa hangarin ng Diyos Ama. Aking ginagawa anuman ang ipinagagawa Niya sa Akin anuman ang nais Niya, at Ako ay hindi handang pukawin ang Kanyang galit o Kanyang poot. Ginagawa Ko lamang ang dapat Kong gawin. Kaya sa ngalan ng Diyos Ama, ipinapayo Ko sa inyo na magtiis ng kaunti pang panahon. Walang sinuman ang kailangang mag-alala. Pagkaraang matapos Ko ang kailangan Kong gawin, maaari ninyong gawin anuman ang inyong nais at makita anuman ang nais ninyo, nguni’t kailangan Kong tapusin ang gawaing kailangan Ko.

Ene 4, 2018

Ang Bawat Salita ng Diyos ay Isang Pagpapahayag ng Kanyang Disposisyon

Kaalaman, Mahalin ang Diyos, pagmamahal at Awa, Panalangin


Mga patotoo’t karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Bawat Salita ng Diyos ay Isang Pagpapahayag ng Kanyang Disposisyon

Hu Ke    Lungsod ng Dezhou, Lalawigan ng Shandong
    Sa tuwing nakikita ko ang mga salitang ito na sinabi ng Diyos, hindi ako mapalagay: “Pinanghahawakan ng disposisyon ng Diyos ang bawat pangungusap na sinabi ko. Makabubuti para sa inyo ang pagnilay-nilayan ang Aking mga salita nang maingat, at siguradong labis ninyong mapapakinabangan ang mga ito.” Hindi ako mapalagay dahil ang pag-unawa sa disposisyon ng Diyos ay kapwa napakahalaga sa pag-unawa ng tao sa Diyos at sa kanilang paghahangad na mahalin at pasayahin Siya. Ngunit kapag kumakain at umiinom ako ng mga salita ng Diyos, palagi kong nararamdaman na ang disposisyon ng Diyos ay parang napakahirap unawain, at hindi ko alam kong paano ko ito uunawain. Pagkatapos, sa pamamagitan ng pagbabahagi mula sa aking lider, nalaman ko na dapat unawain ko kung ano ang gusto ng Diyos at kung ano ang kinapopootan Niya mula sa Kanyang mga salita, nang sa gayon ay maunawaan ang disposisyon ng Diyos. Pagkatapos, sinubukan kong isagawa ang mga ito at nakita ko ang ilang mga resulta. Subalit nananatili akong nalilito tungkol sa mga salita ng Diyos, “Pinanghahawakan ng disposisyon ng Diyos ang bawat pangungusap na sinabi ko,” at wala akong kaalam-alam kong paano ito maunawaan.

Ang Kalooban ng Diyos | Ang Ikapitong Pagbigkas

 Kaligtasan, karunungan, maglingkod, pananampalataya


Ang Ikapitong Pagbigkas

   Ang lahat ng mga sangay sa kanluran ay dapat makinig sa Aking tinig:
     Sa nakaraan, naging tapat ba kayo sa Akin? Sinunod ba ninyo ang Aking napakahusay na mga salita ng payo? May mga pag-asa ba kayong makatotohanan at hindi malabo at walang katiyakan? Ang katapatan, pag-ibig, at pananampalataya ng tao—walang iba maliban sa nagmumula sa Akin, maliban sa mga ipinagkaloob Ko. Bayan Ko, kapag nakikinig kayo sa Aking mga salita, nauunawaan ba ninyo ang Aking kalooban? Nakikita ba ninyo ang puso Ko? Sa nakaraan, habang naglalakbay kayo sa daan ng paglilingkod, naranasan ninyo ang mga tagumpay at kabiguan, ang mga pagsulong at mga kabiguan, at may mga panahong nanganib kayong bumagsak at maging sa puntong Ako ay inyong pagtaksilan; ngunit alam ba ninyong sa bawat sandali, nakahanda Akong laging iligtas kayo? Na sa bawat sandali, lagi Kong binibigkas ang Aking tinig upang tawagin at iligtas kayo? Ilang beses na kayong nahulog sa bitag ni Satanas? Ilang beses na kayong nahuli sa mga patibong ng tao? At muli, gaano kayo kadalas mapasama sa walang katapusang pakikipagtalo sa isa’t isa, dahil nabigo kayong palayain ang inyong sarili? Gaano kadalas pumunta ang inyong mga katawan sa Aking tahanan ngunit ang inyong puso, walang nakakaalam kung nasaan? Gayon pa man, ilang beses Kong iniabot ang Aking mapagligtas na kamay upang itayo kayo; ilang beses Kong isinaboy sa inyo ang mga butil ng kaawaan; ilang beses na hindi Ko matiis na makita ang kaawa-awang kalagayan ng inyong paghihirap? Ilang beses … alam ba ninyo?

Ene 3, 2018

Hindi Ako Karapat-Dapat na Makita si Cristo

buhay, Cristo, katotohanan, Makapangyarihang Diyos


Mga patotoo’t karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang DiyosHindi Ako Karapat-Dapat na Makita si Cristo

Huanbao    Lungsod ng Dalian, Lalawigan ng Liaoning
  Magmula nang magsimula akong manampalataya sa Makapangyarihang Diyos, palagi kong hinahangaan ang mga kapatid na nakakatanggap sa personal na ministeryo ni Cristo, na nakakarinig sa Kanyang mga sermon sa sarili nilang mga tainga. Sa aking puso, naisip ko kung gaano kamangha-mangha sana kung isang araw sa hinaharap ay maririnig ko ang mga sermon ni Cristo, siyempre mas lalo pang kamangha-mangha ang makita Siya. Subalit nitong mga huling araw, sa pamamagitan ng pakikinig sa Kanyang pagbabahagi, taos-puso kong naramdaman na hindi ako karapat-dapat na makita si Cristo.

Nine International NGOs Jointly Condemn the CCP’s Persecution of The Church of Almighty God


Nine International NGOs Jointly Condemn the CCP’s Persecution of The Church of Almighty God

On November 28, 2017, nine international non-governmental organizations, including Coordination of Associations and Individuals for Freedom of Conscience (CAP Freedom of Conscience), the Center for Studies on New Religions (CESNUR), and the European Interreligious Forum for Religious Freedom (EIFRF), jointly issued a statement condemning the CCP’s efforts to attack and discredit The Church of Almighty God by using the media and swaying public opinion in South Korea, Hong Kong, Taiwan and other regions. The nine NGOs pointed out that “The fact that several articles against The Church of Almighty God appeared at the same time in different countries cannot be a coincidence. It is part of an effort by the Chinese regime to hide the fact that it violates the provisions of international conventions on religious liberty it has subscribed, something for which it keeps being condemned by international organizations.” The NGOs also urged responsible media outlets to consult the existing academic literature on The Church of Almighty God, and to refrain from repeatedly reposting false news spread by the Chinese regime.
Recommendation:Investigating the Eastern Lightning
The Return of the Lord Jesus
Why Christians Spread the Gospel?

Salita ng Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ikawalong bahagi)


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos| Salita ng Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ikawalong bahagi)

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Bagamat ang Panginoong Jesus ay muling nabuhay, ang Kanyang puso at ang Kanyang gawain ay hindi iniwanan ang sangkatauhan. Sinabi Niya sa mga tao sa Kanyang pagpapakita na sa anumang anyo Siya umiiral, sasamahan Niya ang mga tao, lalakad kasama nila, at sasakanila sa lahat ng oras at sa lahat ng dako. At sa lahat ng oras at sa lahat ng dako, magkakaloob Siya sa sangkatauhan at papastulin sila, tutulutan silang makita at mahipo Siya, at titiyakin na hindi na nila kailanman mararamdaman ang kawalan ng pag-asa. Gusto din ng Panginoong Jesus na malaman ng mga tao ito: Ang kanilang mga buhay sa mundong ito ay hindi nag-iisa. Ang sangkatauhan ay may pagmamalasakit ng Diyos, kasama nila ang Diyos; ang mga tao ay palaging makaaasa sa Diyos; Siya ang pamilya ng bawat isa sa Kanyang mga tagasunod. Kasama ang Diyos para sandigan, ang sangkatauhan ay hindi na magiging malungkot at mawawalan ng pag-asa, at yaong tumanggap sa Kanya bilang handog sa pagkakasala ay hindi na matatali sa kasalanan. Sa mga mata ng tao, ang mga bahaging ito ng Kanyang gawain na pinatupad ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay ay masyadong malilit na mga bagay, ngunit sa tingin Ko, ang bawat isang bagay ay totoong makahulugan, totoong mahalaga, at lahat sila ay totoong mahalaga at mabibigat.”