菜單

Dis 6, 2017

Clip ng Pelikulang Paghihintay – Kayang Kilalanin ng Matalinong Birhen ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Tunay na Cristo at mga Bulaang Cristo

Clip ng Pelikulang Paghihintay – Kayang Kilalanin ng Matalinong Birhen ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Tunay na Cristo at mga Bulaang Cristo

Nahaharap sa ikalawang pagdating ng Panginoon, masyado ka bang matatakot sa mga bulaang Cristo na isasara mo ang pinto upang protektahan ang iyong sarili at maghintay para sa pagbubunyag ng Panginoon, o kikilos ka tulad ng matalinong birhen, at dinggin ang tinig ng Diyos at batiin ang pagbabalik ng Panginoon? Sasabihin sa iyo ng maikling video na ito kung paano salubungin ang ikalawang pagbabalik ng Panginoon.

Clip ng Pelikulang Paghihintay – Paano Natin Makilala ang Tinig ng Diyos? (1)


Clip ng Pelikulang Paghihintay – Paano Natin Makilala ang Tinig ng Diyos? (1)

Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Apocalipsis 2:29). Narinig mo na ba ang Banal na Espiritu na magsalita sa mga iglesia? Ang mga salita bang sinabi ng Makapangyarihang Diyos at ng Panginoong Jesus ay nabigkas mula sa iisang Espiritu, mula sa iisang pinanggalingan? Ibubunyag ito sa iyo ng movie clip na ito!

Clip ng Pelikulang Paghihintay - Paano Natin Makilala ang Tinig ng Diyos? (2)


Clip ng Pelikulang Paghihintay – Paano Natin Makilala ang Tinig ng Diyos? (2)

Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Apocalipsis 2:29). Narinig mo na ba ang Banal na Espiritu na magsalita sa mga iglesia? Ang mga salita bang sinabi ng Makapangyarihang Diyos at ng Panginoong Jesus ay nabigkas mula sa iisang Espiritu, mula sa iisang pinanggalingan? Ibubunyag ito sa iyo ng movie clip na ito!

Dis 5, 2017

Clip ng Pelikulang Paghihintay – Ibinubunyag ng Makapangyarihang Diyos ang mga Hiwaga ng Kanyang 6,000-Taon na Plano sa Pamamahala



Clip ng Pelikulang Paghihintay – Ibinubunyag ng Makapangyarihang Diyos ang mga Hiwaga ng Kanyang 6,000-Taon na Plano sa Pamamahala

Ibinunyag ng Panginoong Jesus ang mga hiwaga ng kaharian ng langit, at dumating ang Makapangyarihang Diyos upang ihayag ang lahat ng mga hiwaga ng 6,000-taon na pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan! Mapagtatanto mo ba na ang Makapangyarihang Diyos ay ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus sa pamamagitan ng pagtingin sa mga hiwaga na ipinakita ng Makapangyarihang Diyos? Panoorin ang clip ng pelikula na ito!

Basagin Ang Sumpa

Basagin Ang Sumpa

Si Fu Jinhua ay isang elder sa isang bahay-iglesia sa China. Ilang taon na siyang nananalig sa Panginoon at palaging iniisip na ang Biblia ay binigyang-inspirasyon ng Diyos, na lahat ng salita sa Biblia ay mga salita ng Diyos, na kailangan lang niyang manalig sa Panginoon at kumapit sa Biblia, at kapag bumaba ang Panginoon sa isang ulap ay madadala siya sa kaharian ng langit. Gayunman, nagsimulang magduda ang kanyang mga kapanalig. Lumitaw na ang apat na buwan na naging dugo, at ang mga propesiya ng pagdating ng Panginoon ay natupad. Ang kahulugan nito ay nagbalik na ang Panginoon, kaya bakit hindi natin Siya nasalubong nang bumaba Siya sa isang ulap? … Matapos mag-isip-isip nang kaunti, ipinasiya ni Fu Jinhua na hanapin at siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa pamamagitan ng paliwanag at mga pakikipagdebate sa mga saksi mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, sa wakas ay malinaw na nakita ni Fu Jinhua ang landas para makapasok sa kaharian ng langit at nakalaya siya sa ""nakagayuma"" sa kanya nang maraming taon. Tinanggap niya ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nadala sa harap ng luklukan ng Diyos, at dumalo sa piging sa kasal ng Kordero.

Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita

Kaalaman, Kaligtasan, karunungan, praktikal

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos| Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita

    Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong panahon, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain, at upang gawin ang Kanyang tungkulin sa buong panahon. Ito ang alituntunin kung saan gumagawa ang Diyos sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay nagkatawang-tao upang magsalita sa iba’t-ibang pananaw, upang makitang mabuti ng tao ang Diyos, na Siyang Salita na nagkatawang-tao, at ang Kanyang karunungan at himala. Ang ganoong gawain ay ginagawa upang mas makamit ang mga layunin ng panlulupig sa tao, gawing perpekto ang tao, at pag-alis sa tao. Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit sa salita upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita. Sa pamamagitan ng salita, nalalaman ng tao ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, ang kakanyahan ng tao, at kung ano ang kailangang pasukin ng tao. Sa pamamagitan ng salita, ang lahat ng gawain na nais isagawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita ay natupad. Sa pamamagitan ng salita, nahayag ang tao, naalis at sinubukan. Nakita ng tao ang salita, narinig ang salita, at nabuksan ang kamalayan patungkol sa pag-iral ng salita. Ang bunga nito, naniniwala ang tao sa pag-iral ng Diyos; naniniwala ang tao sa kapangyarihan at karunungan ng Diyos, gayundin ang puso ng Diyos para sa pagmamahal sa tao at ang Kanyang pagnanais na iligtas ang tao. Bagaman ang salitang “salita” ay payak at karaniwan, ang salita mula sa bibig ng Diyos ay naging tao at niyanig ang langit at lupa; ang Kanyang salita ay binabago ang puso ng tao, ang paniniwala at ang lumang disposisyon ng tao, at ang lumang anyo ng mundo. Sa pagdaan ng panahon, tanging ang Diyos ngayon ang gumagawa sa ganoong paraan, at Siya ang tanging nagsasalita at nagliligtas sa tao. Pagkatapos noon, namumuhay ang tao sa ilalim ng Kanyang patnubay sa salita, inaakay at tinutustusan ng salita; sila ay namumuhay sa mundo ng salita, namumuhay sa gitna ng mga sumpa at pagpapala ng salita ng Diyos, at higit pa rito sila ay namumuhay sa ilalim ng paghatol at pagkastigo ng salita. Ang mga salita at gawain ay para sa kapakanan ng kaligtasan ng tao, pagkamit sa kalooban ng Diyos, at binabago ang orihinal na anyo ng unang nilikhang mundo. Nilikha ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng salita, pinamunuan ang mga tao sa buong daigdig sa pamamagitan ng salita, nilulupig at inililigtas sila sa pamamagitan ng salita. Sa wakas, nararapat Niyang gamitin ang salita upang tapusin ang nakaraang mundo. Doon lamang matatapos ang buong plano sa pamamahala. Sa buong Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang isagawa ang Kanyang gawain at makamit ang bunga ng Kanyang gawain; hindi Siya gumagawa ng kababalaghan at hindi Siya nagsasagawa ng mga himala: isinasagawa lamang Niya ang Kanyang mga gawain sa pamamagitan ng salita. Dahil sa salita, ang tao ay pinalusog at tinustusan; dahil sa salita, nagtamo ang tao ng kaalaman at tunay na karanasan. Ang tao sa Kapanahunan ng Salita ay tunay na nagkamit ng mga bukod-tanging pagpapala. Ang tao ay hindi nagdusa dahil sa sakit ng laman at nagtamasa lamang ng saganang pagtustos ng salita ng Diyos; hindi nila kinailangang maghanap o maglakbay, at walang kahirap-hirap nakita nila ang anyo ng Diyos, narinig nila Siyang magsalita sa kanilang sarili, nakamit ang Kanyang panustos, at nakita nila sa kanilang sarili na magsagawa Siya ng Kanyang mga gawain. Ang tao sa mga nakaraang Kapanahunan ay hindi kayang masiyahan sa mga ganoong bagay, at ito ang mga pagpapala na hindi nila kailanman makakamit.

Dis 4, 2017

Clip ng Pelikulang Sino ang Aking Panginoon - Muling Pinasigla Ang Isang Napabayaang Iglesia

Clip ng Pelikulang Sino ang Aking Panginoon – Muling Pinasigla Ang Isang Napabayaang Iglesia

Matapos itakwil ng mga kapatiran sa isang pulungan ng iglesia ni Elder Liu Zhizhong ang mga kadena ng Biblia, binasa nila online ang tungkol sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, sila ay binusog ng nabubuhay na tubig ng buhay, at nagawa nilang ibalik ang kanilang orihinal na pananampalataya at pagmamahal at kumpirmahin sa kanilang mga puso na ang Makapangyarihang Diyos ay ang ikalawang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Nang makita itong nangyari ni Elder Liu Zhizhong, nagawa ba niyang ibaba ang Biblia at hinangad na siyasatin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw? Mangyaring panoorin ang maikling video na ito!