I
Mula sa iyong pagsilang at pag-iyak sa mundong ito,
inumpisahan mo'ng gawin ang iyong tungkulin.
Sa plano’t ordinasyon ng Diyos,
tungkulin ay tinanggap mo,
at ang paglalakbay mo sa buhay ay sinimulan.
Anumang nakaraan o paglalakbay sa iyong hinaharap,
walang makakaalpas sa pagsasaayos ng kalangitan,
at walang may hawak ng kanilang tadhana,
pagkat Diyos lamang ang namumuno sa lahat ng bagay.
Ganito mamuno ang Diyos.
Lahat ng mga bagay, may buhay o wala,
Magbabago, maglalaho, magsisimulang muli,
lahat ay matutupad sa kagustuhan ng Diyos.
Ganito mamuno ang Diyos.
II
Mula sa sandaling umiral ang tao,
patuloy ang Diyos sa Kanyang gawain,
pagpapatnubay sa lahat ng mga bagay,
pamamahala sa sanlibutan.
Tulad ng lahat,
tahimik at walang malay ang tao sa pagtanggap.
sa biyayang tamis at ulan at hamog na mula sa Diyos.
Ganito mamuno ang Diyos.
Lahat ng mga bagay, may buhay o wala,
Magbabago, maglalaho, magsisimulang muli,
lahat ay matutupad sa kagustuhan ng Diyos.
Ganito mamuno ang Diyos.
III
Tulad ng buong sansinukob ang tao’y buhay
sa pagsasaayos ng Diyos.
Puso’t espiritu ng tao’y nasa kamay ng Diyos,
at ang buhay ng lahat ng tao’y tanaw ng Diyos.
Ganito mamuno ang Diyos.
Lahat ng mga bagay, may buhay o wala,
Magbabago, maglalaho, magsisimulang muli,
lahat ay matutupad sa kagustuhan ng Diyos.
Ganito mamuno ang Diyos.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:
Ang maikling panimula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos