菜單

Mar 5, 2019

Ibabalik ng Diyos ang Dating Estado ng Paglikha


Tagalog christian songs list | "Ibabalik ng Diyos ang Dating Estado ng Paglikha"


I
Sa Kanyang mga salitang nagiging malalim, 
pinanonood ng Diyos ang sansinukob.
Ang lahat ng mga likha
ay ginawang bago batay sa mga salita ng Diyos.
Langit ay nagbabago, pati na rin ang lupa, 
tao'y ipinapakita kung ano siya talaga.
Nang nilikha ng Diyos ang mundo,
lahat ng bagay ay ayon sa kanilang uri,
gayundin ang lahat na may nakikitang anyo.
Kapag malapit na magtatapos ang pamamahala ng Diyos, 
ibabalik ng Diyos ang mga bagay ayon sa kanilang pagkalikha.

Mar 3, 2019

Salita ng Buhay | "Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos"


Salita ng Buhay | "Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang disposisyon ng tao ay dapat magbago simula sa kaniyang likas na pagkatao at hanggang sa mga pagbabago sa kaniyang pag-iisip, kalikasan, at pangkaisipang pananaw—sa pamamagitan ng mga pangunahing pagbabago. Tanging sa ganitong paraan lamang makakamtan ang mga tunay na pagbabago sa disposisyon ng tao. Ang masamang disposisyon ng tao ay nagbuhat sa pagkalason at pagyurak ni Satanas, mula sa napakalaking pinsala na idinulot ni Satanas sa kanyang pag-iisip, moralidad, pang-unawa at katinuan.

Mar 2, 2019

Sa Pagsunod Lamang sa Gawain ng Banal na Espiritu Makasusunod Hanggang Wakas


Tagalog christian songs list | "Sa Pagsunod Lamang sa Gawain ng Banal na Espiritu Makasusunod Hanggang Wakas"


I
Ang gawain ng Banal na Espiritu'y araw-araw nagbabago,
mas mataas sa bawat hakbang 
nang may mas maraming pagbubunyag.
Ganito gumagawa ang Diyos 
upang maperpekto ang sangkatauhan.
Kung di makasasabay ang tao, maaaring maiwan siya.
Kung walang pusong handang sumunod,
di siya makasusunod hanggang sa wakas.
II
Lipas na ang dating panahon, at bagong kapanahunan na ito.
Kapag dumarating ang bagong panahon, 
bagong gawain ay dapat magawa.

Peb 27, 2019

Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos “Tungkol sa Biblia” (Unang bahagi)

1. Sa maraming taon, ang mga kinaugaliang paraan ng paniniwala ng mga tao (ng Kristiyanismo, ang isa sa tatlong pangunahing relihiyon ng mundo) ay ang basahin ang Biblia; ang paglihis mula sa Biblia ay hindi paniniwala sa Panginoon, ang paglihis mula sa Biblia ay isang masamang kulto, at hidwang paniniwala, at kahit na basahin pa ng mga tao ang ibang mga libro, ang pundasyon ng mga librong ito ay dapat ang pagpapaliwanag sa Bibilia. Na ang ibig sabihin, kung sinasabi mo na naniniwala ka sa Panginoon, dapat mong basahin ang Biblia, dapat mong kainin at inumin ang Biblia, at bukod sa Biblia hindi ka dapat sumamba ng anumang libro na walang kinalaman ang Biblia. Kung gagawin mo iyon, samakatwid pinagtataksilan mo ang Diyos. Mula nang panahong mayroon ng Biblia, ang paniniwala ng mga tao sa Panginoon ay ang paniniwala sa Biblia.

Peb 26, 2019

Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan

Ang nagkatawang-taong Diyos ay tinatawag na Cristo, at si Cristo ay ang katawang-tao na isinuot ng Espiritu ng Diyos. Ang laman na ito ay hindi katulad ng kahit sinong taong galing sa laman. Ang pagkakaibang ito ay dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo kundi Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay may kapwa normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi taglay ng kahit sinong tao. Ang Kanyang normal na pagkatao ang Siyang umaalalay sa lahat ng Kanyang karaniwang mga gawain sa katawang-tao, habang ang Kanyang pagka-Diyos ang nagsasakatuparan ng gawain ng Diyos Mismo. Maging ang Kanyang pagkatao o pagka-Diyos, kapwa itong nagpapasakop sa kalooban ng Amang nasa langit. Ang sangkap ni Cristo ay ang Espiritu, iyon ay, ang pagka-Diyos. Samakatuwid, ang Kanyang sangkap ay yaong sa Diyos Mismo; ang sangkap na ito ay hindi gagambala sa Kanyang sariling gawain, at hindi Siya posibleng makagawa ng anumang bagay na nakasisira sa Kanyang sariling gawain, ni hindi rin Siya bibigkas ng anumang bagay na sumasalungat sa Kanyang kalooban. Samakatuwid, ang nagkatawang-taong Diyos ay siguradong hindi kailanman gagawa ng kahit anong gawain na nakagagambala sa Kanyang sariling pamamahala.

Peb 25, 2019

Sino ang Nakaayon sa Diyos

Tagalog christian songs list

Sino ang Nakaayon sa Diyos


I
Naipahayag na ng Diyos 'di mabilang na mga salita,
Kanyang kalooba't disposisyon,
gayunman 'di kaya ng mga tao
na makilala, maniwala o sumunod sa Kanya.
Ang iniisip n'yo lang ay pagpapala't gantimpala,
hindi kung paano makaayon sa Diyos
o 'di maging Kanyang kaaway.
Labis na nasiphayo ang Diyos sa inyo,
napakarami N'yang naibigay na sa inyo,
pero kaunti lang ang natamo mula sa inyo.

Peb 24, 2019

Kailangang Mapasa Tao ang Katotohanan para Mabuhay



Kailangang Mapasa Tao ang Katotohanan para Mabuhay

I
Ang nananalig sa Diyos
kailangan ay may mga salita ng Diyos
para hindi siya mabagot.
Liwanag, nagniningning mula sa salita ng Diyos,
kung walang mga salita ng Diyos,
'di ko alam kung sino ako.
Para puso ay mapalapit sa Diyos,
dapat nating basahin ang Kanyang mga salita
at laging makipagniig sa katotohanan.
Para ayunan ng Diyos, katotohana'y hanapin.
Landas ng buhay ay mas lumiliwanag
sa ilalim ng aking mga paa.
Pagbabago ng disposisyon, pupurihin ng Diyos.
Patuloy akong gagawa at susulong.