菜單

Hul 12, 2018

Mga Movie Clip | "Paano Magpapakita ang Panginoon sa Tao sa Kanyang Muling Pagdating?"


Mga Movie Clip | "Paano Magpapakita ang Panginoon sa Tao sa Kanyang Muling Pagdating?"


Sa paglipas ng mga siglo simula nang mabuhay na muli ang Panginoong
Jesus at umakyat sa langit, tayong mga mananampalataya ay sabik na umaasam sa pagbabalik ni Jesus na Tagapagligtas. Karamihan sa mga tao ay naniniwala na ang espirituwal na katawan ng nabuhay na muling Jesus ang magpapakita sa atin kapag nagbalik ang Panginoon. Ngunit bakit nagpakita ang Diyos sa tao na nagkakatawang-tao bilang Anak ng tao sa mga huling araw? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Kung ang Diyos ay hindi nagkatawang-tao, Siya ay nananatiling Espiritu na parehong hindi nakikita at hindi nahahawakan ng tao. Ang tao ay isang nilalang ng laman, at ang tao at ang Diyos ay nabibilang sa dalawang magkaibang mundo at magkaiba sa kalikasan. Ang Espiritu ng Diyos ay hindi tugma sa taong laman, at walang mga relasyong maaaring maitatag sa pag-itan nila...." "Tanging sa pamamagitan ng pagiging laman magagawa Niyang personal na ihatid ang Kanyang mga salita sa mga pandinig ng lahat upang ang lahat ng may mga pandinig ay maaaring makarinig ng Kanyang mga salita at makatanggap ng Kanyang gawain ng paghatol sa pamamagitan ng salita. Gayon lamang ang resulta na nakamit sa pamamagitan ng Kanyang salita ..."  (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-Tao).

Rekomendasyon:

 Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Hul 11, 2018

Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan


Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan (Unang Bahagi) 

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa oras na ang gawain ng panlulupig sa tao ay makumpleto na, ang tao ay dadalhin sa isang magandang mundo. Ang buhay na ito ay magiging, walang duda, sa mundo pa rin, ngunit ito ay ganap na hindi magiging kagaya ng buhay ng tao sa ngayon. Ito ang buhay na kakamtin ng sangkatauhan matapos na ang sangkatauhan ay ganap nang malupig, ito ay magiging bagong simula ng tao sa mundo, at para sa sangkatauhan na magkaroon ng gayong buhay ay magiging katibayan na ang sangkatauhan ay nakapasok na sa isang bago at magandang kaharian. Ito ang magiging simula ng buhay ng tao at Diyos sa lupa. Ang saligan ng gayong kagandang buhay ay marahil, matapos ang tao ay malinis at malupig, siya ay susuko sa harap ng Lumikha. At kaya, ang gawain ng panlulupig ay ang huling yugto ng gawain ng Diyos bago pumasok ang tao sa kamangha-manghang hantungan. Ang gayong buhay ay ang hinaharap na buhay ng tao sa lupa, ito ang pinakamagandang buhay sa lupa, ang uri ng buhay na inaasam ng tao, ang uri na hindi pa kailanman nakamtan ng tao sa kasaysayan ng mundo. Ito ang huling kalalabasan ng 6,000 taon ng gawain sa pamamahala, ito ang pinaka-kinasasabikan ng sangkatauhan, ito rin ang pangako ng Diyos sa tao."

Rekomendasyon:

Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Hul 10, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Pinahahalagahan ng Diyos Yaong Nakikinig at Sumusunod sa Kanya


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Pinahahalagahan ng Diyos Yaong Nakikinig at Sumusunod sa Kanya

I
Di mahalaga sa Diyos
kung ang isa ay mapagkumbaba o dakila.
Hangga't siya'y nakikinig sa Diyos,
sumusunod sa mga iniuutos at ipinagkakatiwala Niya,
makikipagtulungan sa Kanyang gawain,
sa Kanyang plano at kalooban,
upang ang Kanyang kalooban at plano
ay maaaring magpatuloy nang walang hadlang,
gayong pagkilos ay karapat-dapat sa pag-alala ng Diyos,
at karapat-dapat sa pagtanggap ng Kanyang pagpapala.
Pinahahalagahan ng Diyos ang gayong mga tao,
at ang kanilang mga kilos,
at ang kanilang puso at paggiliw sa Kanya.
Ito ang saloobin ng Diyos.

Hul 9, 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | "Sino ang Aking Panginoon" (Trailer)


Tagalog Christian Movie 2018 | "Sino ang Aking Panginoon" (Trailer)

Isang pastor si Liu Zhizhong sa isang lokal na bahay iglesia sa Tsina. Naging isa siyang mananampalataya sa mahigit 30 taon, at patuloy na pinananatili na "Ang Banal na Biblia ay kinasihan ng Diyos," "Kumakatawan sa Diyos ang Banal na Biblia, ang paniniwala sa Diyos ay paniniwala sa Biblia, ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Diyos." Sa kanyang puso, ang Biblia ay napakahalaga. Dahil sa kanyang pagsamba at bulag na pananampalataya sa Biblia , hindi niya kailanman napag-aralan o natingnan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Hanggang sa isang araw, nang hinarangan niya ang mga mananampalataya mula sa online na pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nagkaroon siya ng pagkakataong makaharap ang mga mangangaral mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Matapos sumailalim sa mga matinding debate tungkol sa katotohanan, nagawa ba niyang makita nang malinaw sa huli ang relasyon sa pagitan ng Banal na Biblia at Diyos? Nagawa ba niyang lumayo mula sa Biblia upang maunawaan na si Cristo ay ang katotohanan, daan, at buhay? Siya ba ay dadalhin sa harapan ng Diyos?

Rekomendasyon:

Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Hul 8, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos Alam Mo ba ang Katunayan ng Soberanya ng Diyos sa Pantaong Tadhana?

buhay, katotohanan, maghanap, Kaalaman


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos Alam Mo ba ang Katunayan ng Soberanya ng Diyos sa Pantaong Tadhana?

I
Pa'no dapat alami't tingnan ng tao
ang awtoridad, soberanya ng Diyos sa tadhana ng tao?
Problemang 'to'y kaharap lahat ng tao.
Pag nakaharap mga problema sa buhay mo,
pa'no mo matikma't maarok soberanya't awtoridad ng Diyos?
Pag 'di mo alam kung p'ano intindihin,
hawaka't maranasan ang mga problemang 'to,
anong saloobin dapat mong 'pakita
yong kalooba't nais na sundin soberanyang plano ng Diyos?
Dapat kang maghintay sa tiyempo ng Diyos,
sa mga tao, pangyayari't bagay na inayos ng Diyos,
naghihintay sa Kanyang kalooban
na unti-unting mabunyag mismo sa 'yo.
Dapat kang maghanap sa mga tao't bagay
upang makita ga'no kabait mga layon ng Diyos,
unawain ang Kanyang katotohana't
mga paraan na dapat mong panatilihin,
unawain mga bunga't katuparang nais N'yang makamit sa mga tao.

Hul 7, 2018

Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong (2) - "Paano Uunawain ang Diyos na Nagkatawang-tao"


Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong (2) - "Paano Uunawain ang Diyos na Nagkatawang-tao"


    Sa mga huling araw, ang Diyos ay nagkatawang-tao para gumawa upang iligtas ang tao.

Hul 6, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap”


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Mula nang lumisan si Jesus, ang mga disipulo na sumunod sa Kanya, at lahat ng mga santo na naligtas salamat sa Kanyang pangalan, ay desperadong nalulumbay sa Kanya at hinihintay Siya. Lahat ng mga taong naligtas ng biyaya ni Jesucristo sa panahon ng Kapanahunan ng Biyaya ay nananabik sa nakakagalak na araw sa panahon ng mga huling araw, kapag si Jesus ang Tagapagligtas ay dumating sa isang puting ulap at magpakita sa tao. ...At iba pa. Datapwat si Jesus na Tagapagligtas ay hindi ganito ang ginawa; ginawa Niya ang kabaliktaran nang iniisip ng tao. Hindi Siya dumating doon sa mga taong naghahangad sa Kanyang pagbabalik at hindi nagpakita sa lahat ng mga tao habang nakasakay sa puting ulap. Siya ay nakarating na, subalit hindi Siya kilala ng tao, at nananatiling walang-alam sa Kanyang pagdating. Ang tao ay walang layon na naghihintay lamang sa Kanya, walang malay na nakababa na Siya sakay sa isang puting ulap (ang ulap na siyang Kanyang Espiritu, Kanyang mga salita, at Kanyang buong disposisyon at lahat ng Siya), at ngayon ay kasama ng isang grupo ng mga mananagumpay na Kanyang gagawin sa panahon ng mga huling araw."

Rekomendasyon:

Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos