菜單

May 1, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Interpretasyon sa Ikatatlumpu’t dalawang Pagbigkas

Interpretasyon sa Ikatatlumpu’t dalawang Pagbigkas


    Iniiwan ng mga salita ng Diyos ang mga tao na nagkakamot ng kanilang mga ulo; ito ay para bang, kapag Siya ay nagsasalita, iniiwasan ng Diyos ang tao at nagsasalita sa hangin, na parang wala Siyang kahit anong iniisip na pag-ukulan ng anumang pansin ang mga gawa ng tao, at ganap na walang pakialam sa tayog ng mga tao, na para bang ang mga salitang Kanyang sinasalita ay hindi nakatuon sa mga pagkaintindi ng mga tao, kundi umiiwas sa tao, gaya ng orihinal na hangarin ng Diyos. Sa maraming kadahilanan, ang mga salita ng Diyos ay di-matarok at di-mapasok ng tao. Hindi ito nakakagulat. Ang orihinal na layunin ng lahat ng mga salita ng Diyos ay hindi para magkamit ang mga tao ng kaalaman tungkol sa mga pamamaraan o tanging kasanayan mula sa mga iyon; sa halip, ang mga iyon ay isa sa mga pamamaraan kung saan sa pamamagitan nito ay nakagawa ang Diyos mula sa simula hanggang sa ngayon. Sabihin pa, mula sa mga salita ng Diyos ang mga tao ay nakatamo ng mga bagay-bagay kaugnay sa mga hiwaga, o mga bagay-bagay hinggil kay PedroPablo, at Job—nguni’t ito ang dapat nilang makamtan, at kung ano ang kaya nilang makamtan, at, gaya ng akma sa kanilang tayog, narating na nito ang taluktok nito. Bakit ganoon na ang resulta na hinihingi ng Diyos na makamit ay hindi mataas, gayunman ay nakapagsalita Siya ng napakaraming mga salita? Ito ay kaugnay sa pagkastigo na Kanyang sinasalita, at likas lamang, ito ay nakakamit lahat nang hindi natatanto ng mga tao. Ngayon, ang mga tao ay nagtitiis ng higit na pagdurusa sa ilalim ng mga pagsalakay ng mga salita ng Diyos. Sa ibabaw, walang sinuman sa kanila ang tila napakitunguhan, ang mga tao ay nagsimulang mapalaya sa paggawa ng kanilang gawain, at ang mga taga-serbisyo ay naitaas bilang mga tao ng Diyos—at dito, nakikita sa mga tao na sila ay nakapasok sa pagtatamasa. Sa katunayan, ang realidad ay, mula pagpipino, sila ay nakapasok tungo sa mas mahigpit na pagkastigo. Gaya ng sinasabi ng Diyos, “Ang mga yugto ng Aking gawain ay malápít na nakaugnay ang isa sa kasunod, bawa’t isa ay higit na mas mataas.” Iniahon ng Diyos ang mga taga-serbisyo mula sa walang-hanggang kalaliman at ibinulid sila tungo sa lawa ng apoy at asupre, kung saan ang pagkastigo ay higit na nakakapighatî. Sa gayon, sila ay nagdurusa ng mas matinding paghihirap, kung saan mula rito ay bahagya na silang makatatakas. Hindi ba’t ang gayong pagkastigo ay mas nakakapighatî? Yamang nakapasok sa isang mas mataas na kinasasaklawan, bakit ganito na ang mga tao ay nakadarama ng kalungkutan sa halip na anumang kasayahan? Bakit sinasabi na yamang napalaya mula sa mga kamay ni Satanas, sila ay ibinigay sa malaking pulang dragon? Natatandaan mo ba nang sinabi ng Diyos, “Ang huling bahagi ng gawain ay natapos sa tahanan ng malaking pulang dragon”? Naaalaala mo ba nang sinabi ng Diyos, “Ang huling paghihirap ay nagpapatotoo nang malakas at umaalingawngaw para sa Diyos sa harap ng malaking pulang dragon”? Kung ang mga tao ay hindi naibigay sa malaking pulang dragon, paano sila magpapatotoo sa harap nito? Sino ang kahit kailan ay nakabigkas ng mga salitang gaya ng “Natalo ko ang dyablo” matapos silang magpakamatay? Ang magpakamatay pagkatapos na ituring ang kanilang laman bilang ang kaaway—nasaan ang tunay na kahalagahan nito? Bakit nagsalita ang Diyos nang ganoon? “Hindi Ako tumitingin sa mga peklat ng mga tao, kundi sa bahagi nila na walang peklat, at mula rito Ako ay nasisiyahan.” Kung inaasam ng Diyos na yaong mga walang peklat ay maging Kanyang pagpapahayag, bakit Siya matiyaga at masigasig na nagsalita ng napakaraming salita mula sa pananaw ng tao upang labanan ang mga pagkaintindi ng mga tao? Bakit Siya mag-aabala para doon? Bakit Siya magpapakahirap na gawin ang gayong bagay? Kaya ito ay nagpapakita na may tunay na kahalagahan sa pagsasakatawang-tao ng Diyos, na hindi Niya “babalewalain” ang laman matapos maging nagkatawang-taong laman at tapusin ang Kanyang gawain. Bakit sinasabi na “ang ginto ay hindi magiging dalisay at ang tao ay hindi magiging perpekto”? Paano maipaliliwanag ang mga salitang ito? Ano ang kahulugan kapag ang Diyos ay nagsasalita tungkol sa esensya ng tao? Sa mga mata ng mga tao, ang laman ay nagpapakitang walang kakayahang gawin ang anumang bagay, o kaya ay masyadong kulang. Sa mga mata ng Diyos, ito ay hindi kailanman mahalaga—nguni’t sa tao, ito ay malaking usápín. Para bang sila ay lubos na walang kakayahang lutasin ito at ito ay dapat na personal na hawakan ng isang katawang makalangit—hindi ba ito pagkaintindi ng mga tao? “Sa mga mata ng mga tao, Ako ay isang ‘maliit na bituin’ na bumaba mula sa kalangitan, isang maliit na bituin sa langit, at ang Aking pagdating sa lupa ngayon ay pagsusugo ng Diyos. Bilang resulta, ang mga tao ay nakabuo ng marami pang mga pakahulugan sa mga salitang ‘Ako’ at ‘Diyos’.” Yamang ang mga tao ay walang kabuluhan, bakit ibinubunyag ng Diyos ang kanilang mga pagkaintindi mula sa iba’t ibang mga pananaw? Maaari kayang ito rin ay karunungan ng Diyos? Hindi ba katawa-tawa ang gayong mga salita? Gaya ng sinasabi ng Diyos, “Bagaman mayroong pagkakalagyan na naitatag Ko sa mga puso ng mga tao, hindi nila kinakailangan na manahan Ako roon. Sa halip, sila ay naghihintay para sa “Banal na Isa” sa kanilang mga puso na biglang darating. Sapagka’t ang Aking pagkakakilanlan ay masyadong mababa, hindi Ako nakakatapat sa mga hinihingi ng mga tao at sa gayon ay inaalis nila.” Dahil ang tantiya ng mga tao sa Diyos ay “napakataas,” maraming mga bagay ang “hindi-kayang-makamit” para sa Diyos, na naglalagay sa Kanya sa “mahirap na kalagayan.” Bahagya lamang nababatid ng mga tao na ang hinihingi nila sa Diyos na makayang gawin ay kanilang mga pagkaintindi. At hindi ba’t ito ang tunay na kahulugan ng “Ang isang matalas na tao ay maaaring maging biktima ng kanyang sariling katalinuhan”? Ito ay tunay na isang halimbawa ng “matalas sa pangkalahatan, nguni’t sa sandaling ito isang hangal”! Sa inyong pangangaral, inyong hinihingi na bitawan ng mga tao ang Diyos ng kanilang mga pagkaintindi, at ang Diyos ba ng inyong mga pagkaintindi ay nakaalis na? Paano mabibigyang pakahulugan ang mga salita ng Diyos na “Hindi Ako humihingi ng malaki sa tao”? Ang mga iyon ay hindi upang gawing negatibo at walang-galang ang mga tao, kundi para bigyan sila ng dalisay na pagkaunawa sa mga salita ng Diyos—nauunawaan ba ninyo? Ang Diyos ba na nagkatawang-tao ay tunay na ang “‘Ako’ na mataas at makapangyarihan” na naguguni-guni ng mga tao?

Abr 30, 2018

Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa


Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang pagbalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga tao na kayang tanggapin ang katotohanan, ngunit para sa mga tao na hindi kayang tanggapin ang katotohanan, ito’y tanda ng paghuhusga. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at itakwil ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging isang mangmang at mayabang na tao, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang. Pinapayuhan Ko kayo na tahakin nang maingat ang landas ng paniniwala sa Diyos. Huwag kayong magsalita nang tapos; bukod pa rito, huwag maging mapagwalang-bahala at walang-ingat sa inyong paniniwala sa Diyos. Dapat man lang ninyong malaman na yaong mga naniniwala sa Diyos ay dapat maging mapagpakumbaba at mapitagan. Yaong mga nakarinig sa katotohanan subalit minaliit ito ay mga hangal at mangmang. Yaong mga nakarinig sa katotohanan subalit walang-ingat na nagsasalita nang tapos o hinuhusgahan ito ay puno ng kayabangan. Walang sinumang naniniwala kay Jesus ang may karapatang sumpain o husgahan ang kapwa. Kayong lahat ay dapat maging isang taong makatuwiran at tumatanggap sa katotohanan.”
Rekomendasyon:
Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan
Ang Pananalig sa Diyos ay Hindi Dapat Para Lamang sa Paghahanap ng Kapayapaan at mga Pagpapala.

Abr 29, 2018

Awit ng Pagsamba | Ang Kaligayahan sa Mabuting Lupain ng Canaan

buhay, daan, Diyos, Langit, Pag-ibig




I
Balik sa pamilya ng Diyos, sabik at masaya.
Makilala Ka'y karangalan ko,
puso ko'y alay sa 'Yo tunay na Diyos,
ibinigay ko ang aking puso sa Iyo.
Lambak ng Luhang ma'y dinaanan, rikit ng Diyos kita.
Pag-ibig sa Diyos lumalago, galak ko'y galing Sa 'Yo.
Ganda ng Diyos, at likha Niya, puso'y kapit sa Kanya.
Pag-ibig ko sa Diyos di-sapat, awit sa puso ko'y umigkas.

Awit ng Papuri | Dinala na ng Diyos ang Kanyang Kaluwalhatian sa Silangan

 kaluwalhatian, katotohanan, Langit, maghanap, Papuri




 I
Ibinigay ng Diyos luwalhati Niya sa Israel
at inalis ito mula roon,
dala ang mga Israelita’t lahat ng tao sa Silangan.
Lahat sila’y inakay ng D’yos sa liwanag
nang sila’y muling magkasama’t makisama sa liwanag,
‘di na kailangang hanapin, hanapin ang liwanag.
Hahayaan ng Diyos ang lahat ng naghahanap
na makitang muli ang liwanag
at ang kaluwalhatian Niya sa Israel,
makita ang Diyos na bumaba sa puting ulap
sa gitna ng mga tao,
makita ang mga puting ulap, makita ang mga kumpol ng prutas,
makita si Jehova Diyos ng Israel, Diyos ng Israel,
makita ang Maestro ng mga Judio,
makita ang inaasam na Mesiyas,
at buong hitsura Niyang inusig ng mga hari sa buong panahon.

Ang Kalooban ng Diyos | Ang Pagpapaliwanag sa Ikatatlumpu’t isang Pagbigkas

Ang Pagpapaliwanag sa Ikatatlumpu’t isang Pagbigkas

    Ang disposisyon ng Diyos ay tumatakbo sa lahat ng mga pagbigkas ng Diyos, ngunit ibinubunyag ng pangunahing hibla ng Kanyang mga salita ang paghihimagsik ng buong sangkatauhan at inilalantad ang mga bagay gaya ng kanilang pagsuway, pagsusuwail, kawalang-katarungan, kabuktutan, at kawalang-kakayahang tunay na mahalin ang Diyos. Ito ay tulad na, ang mga salita ng Diyos ay nakakarating sa punto na sinasabi Niya na ang bawat napakaliit na butas sa mga katawan ng tao ay nagtataglay ng pagsalungat sa Diyos, na kahit pati ang kanilang pinakamaliliit na ugat ay nagtataglay ng pagsuway sa Diyos. Kung hindi ito susubukang suriin ng mga tao, palagi silang mawawalan ng kakayahang malaman ang mga iyon, at hindi kailanman makakayanang itapon ang mga ito. Ibig sabihin, kakalat sa kanila ang mikrobyo ng pagtutol sa Diyos at sa huli, para bang nilamon ng kanilang mga puting mga selula ng dugo ang kanilang mga pulang mga selula ng dugo, iniiwan ang kanilang buong katawan na wala nang pulang mga selula ng dugo; sa huli, mamamatay sila mula sa lukemya. Ito ang tunay na estado ng tao, at walang sinuman ang makatatanggi nito. Ipinanganak sa bayan kung saan naninirahan nang nakapulupot ang dakilang pulang dragon, sa lahat ng mga tao mayroong kahit isang bagay na naglalarawan at nagpapakita ng kamandag ng dakilang pulang dragon. Kung gayon, sa yugtong ito ng gawain, ang pagkilala sa sarili ang pangunahing hibla sa lahat ng bahagi sa mga salita ng Diyos, pagtanggi sa sarili, pagtalikod sa sarili, at pagpatay sa sarili. Maaaring sabihin na ito ang pangunahing gawa noong mga huling araw, at ang saklaw na ito ng gawain ang pinakakomprehensibo at mabusisi sa lahat—na siyang nagpapakita na nagpaplano ang Diyos na dalhin ang kapanahunan sa isang katapusan. Walang sinuman ang inasahan ito, ngunit isa rin itong bagay na kanilang inasam sa kanilang mga pandama. Kahit hindi ito sinasabi ng Diyos nang masyadong tahasan, ang mga pandama ng mga tao ay labis na talamak—lagi nilang nararamdaman na maiksi ang panahon. Maaari kong sabihin na mas lalong nararamdaman ito ng isang tao, mas lalo siyang may isang malinaw na kaalaman sa kapanahunan. Hindi ito ang kaso na kanyang nakita na normal ang mundo, at sa gayon itinatanggi ang mga salita ng Diyos; sa halip, dahil sa mga paraan ng mga gawain ng Diyos, nalaman niya kung ano ang nilalaman sa loob ng gawain ng Diyos, na tinutukoy sa tono ng mga salita ng Diyos. Mayroong isang sikreto sa tono ng mga pagbigkas ng Diyos, na kung saan walang sinuman ang nakakadiskubre at tiyak din kung ano ang pinakamahirap para sa karamihan ng mga tao na pasukin. Ang pananatiling mangmang ng mga tao sa tono na siyang gamit ng Diyos sa pananalita ang suliranin kung bakit hindi kayang maunaawaan ng mga tao ang mga salita ng Diyos—at kapag nalaman na nila nang mabuti ang sikretong ito, kakayanin na nila ang ilang kaalaman sa mga salita ng Diyos. Palaging sinusunod ng mga salita ng Diyos ang isang prinsipyo: ang dulutan ang mga tao na malaman na ang mga salita ng Diyos ay ang lahat-lahat, at nireresolba ang lahat ng mga paghihirap ng tao sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Mula sa perspektibo ng Espiritu, pinapasimple ng Diyos ang Kanyang mga gawa, mula sa perspektibo ng tao, inilalantad Niya ang mga pagkakaintindi ng mga tao, mula sa perspektibo ng Espiritu, sinasabi Niya na hindi mapag-intindi ang tao sa Kanyang kalooban, at mula sa perspektibo ng tao, sinasabi Niya na natikman na Niya ang matamis, maasim, mapait, at maanghang na mga lasa ng karanasan ng tao, na sa gitna ng hangin at ulan, nararanasan Niya ang pag-uusig ng pamilya, at nararanasan ang mga tagumpay at kabiguan ng buhay. Ang mga ito ang mga salitang sinabi mula sa iba’t ibang mga perspektibo. Kapag nakikipag-usap Siya sa sambayanan ng Diyos, para itong isang tagapangalaga ng bahay na pinagsasabihan ang mga alipin, o kagaya ng isang nakakatawang palabas; iniwan ng Kanyang mga salita na pulahang-mukha ang mga tao, na walang lugar upang mapagtaguan mula sa kahihiyan, na para bang naikulong sila ng mga pyudal na awtoridad upang magbigay ng isang kumpisal sa ilalim ng matinding pagpapahirap. Kapag nakikipag-usap Siya sa sambayanan ng Diyos, walang pigil ang Diyos kagaya ng mga nagpoprotestang mag-aaral sa unibersidad na nagsisiwalat ng mga eskandalo sa loob ng sentral na gobyerno. Kung mapanukso ang lahat ng mga salita ng Diyos, magiging mas mahirap ang mga ito upang tanggapin ng mga tao; kung gayon, prangkahan ang mga salitang sinabi ng Diyos, hindi sila naglalaman ng mga kodigong lihim para sa tao, ngunit ipinupunto nito nang direkta ang aktwal na estado ng tao—na siyang nagpapakita na hindi lamang mga salita ang pagmamahal ng Diyos sa tao, ngunit totoo. Kahit na pinahahalagahan ng mga tao ang pagiging totoo, walang totoo tungkol sa kanilang pagmamahal sa Diyos. Ito ang siyang kulang sa tao. Kung hindi totoo ang pagmamahal ng tao para sa Diyos, kung gayon, magiging walang saysay at hindi makatotohanan ang kabuuan ng lahat, na para bang maglalaho ang lahat dahil dito. Kung malalampasan ng kanilang pag-ibig para sa Diyos ang mga sansinukob, kung gayon, ganoon din ang kanilang estado at pagkakakilanlan, at kahit ang mga salitang ito, magiging tunay, at hindi hungkag—nakikita mo ba ito? Nakikita mo ba ang mga kinakailangan ng Diyos para sa tao? Hindi dapat tamasahin lamang ng tao ang mga biyaya ng katayuan, ngunit isabuhay ang realidad ng katayuan. Ito ang hinihingi ng Diyos sa sambayanan ng Diyos, at ang lahat ng sa tao, at hindi isang malaking hungkag na teorya.

Abr 28, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Tunay Ngang Dumating ang Diyos sa Gitna ng Mga Tao


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Tunay Ngang Dumating ang Diyos sa Gitna ng Mga Tao


Dinadala ng Diyos ang wakas ng sangkatauhan sa mundo ng tao.
Pagkatapos, nilalantad N’ya Kanyang buong disposisyon,
upang lahat ng taong nakakakilala at hindi sa Diyos
masisiyahang tititigan at nakikita na pumaparito ang Diyos
sa kalagitnaan ng mga tao,
sa lupa kung sa’n lahat ng bagay lumalago.
Ito ang plano ng Diyos.
Ito ang tangi Niyang “pahayag” mula nang nilalang niya ang tao.
Nais ng Diyos na
buong-puso niyong pagmasdan ang bawat kilos Niya,
dahil tungkod Niya’y nalalapit na naman sa sangkatauhan.
Lumalapit ito sa sangkatauhang tumututol sa Kanya.

Abr 27, 2018

Salita ng Diyos | Pakahulugan sa Ikatatlumpung Pagbigkas

Pakahulugan sa Ikatatlumpung Pagbigkas

    May mga tao na maaaring mayroong kaunting pananaw sa mga salita ng Diyos, subali’t walang sinuman sa kanila ang nagtitiwala sa kanilang mga damdamin; sila ay lubhang natatakot na mahulog sa pagkanegatibo. Sa gayon, sila ay palaging halinhinan sa pag-itan ng galak at lungkot. Patas na sabihing ang mga buhay ng lahat ng mga tao ay puno ng dalamhati; sa kasunod pang hakbang dito, mayroong pagpipino sa pang-araw-araw na buhay ng lahat ng mga tao, gayunman masasabi Ko na walang sinuman ang nakatatamo ng anumang pagpapalaya sa kanilang mga espiritu bawa’t araw, at ito ay para bang may tatlong malalaking bundok ang dumadagan sa kanilang mga ulo. Walang isa man sa kanilang mga buhay ang masaya at nagagalak sa lahat ng sandali—at kahit na kapag medyo masaya sila, pinipilit lamang nilang nagpapakasaya ang kanilang mga itsura. Sa kanilang mga puso, ang mga tao ay palaging may pakiramdam na parang may di-tapos. Sa gayon, hindi sila matatag sa kanilang mga puso; sa buhay, ang mga bagay-bagay ay tila walang laman at hindi-patas, at pagdating sa paniniwala sa Diyos, sila ay abálá at kulang sa panahon, o kaya ay wala silang panahon para kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, o hindi kayang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos. Walang isa man sa kanila ang mapayapa, at malinaw, at matatag sa kanilang mga puso. Para bang sila ay nahirati na sa pamumuhay sa ilalim ng nalalambungang kalangitan, na para bang namumuhay sila sa isang kalawakang walang oksidyen, at humantong ito sa kalituhan sa kanilang mga buhay. Ang Diyos ay laging nagsasalita nang diretso sa mga kahinaan ng mga tao, lagi Niya silang sinasaktan sa kanilang sakong ni Akiles—hindi mo ba malinaw na nakita ang tono ng Kanyang pagsasalita sa kabuuan? Kailanman ay hindi binigyan ng Diyos ang mga tao ng pagkakataong magsisi, at ginagawa Niya ang lahat ng mga tao na mamuhay sa “buwan” nang walang oksidyen. Mula sa simula hanggang ngayon, ang pang-ibabaw ng mga salita ng Diyos ay naglantad ng kalikasan ng tao, gayunman ay walang sinuman ang malinaw na nakakita sa nilalaman ng mga salitang ito. Lumilitaw na sa pamamagitan ng paglalantad sa kakanyahan ng tao, ang mga tao ay dumarating sa pagkakilala sa kanilang mga sarili at sa gayon ay dumarating sa pagkakilala sa Diyos, gayunman ay hindi ito ang landas sa nilalaman. Ang tono at higit na kalaliman ng mga salita ng Diyos ay nagpapakita ng malinaw na pagkakaiba sa pag-itan ng Diyos at tao. Sa kanilang mga damdamin, ginagawa nito ang mga tao na maniwala nang hindi namamalayan na ang Diyos ay hindi kayang maabot at hindi kayang malápítan; dinadala ng Diyos ang lahat sa lantad, at tila walang sinuman ang kayang magbalik ng kaugnayan sa pag-itan ng Diyos at tao sa kung paano ito dati. Hindi mahirap makita na ang layunin ng lahat ng mga pagbigkas ng Diyos ay upang gamitin ang mga salita upang pabagsakin ang lahat ng mga tao, sa pamamagitan niyon ay natutupad ang Kanyang gawain. Ito ay isang hakbang ng gawain ng Diyos. Gayunman ay hindi ito ang pinaniniwalaan ng mga tao sa kanilang mga isipan. Sila ay naniniwala na lumalapit na ang gawain ng Diyos sa kasukdulan nito, na lumalapit na ito sa pinaka-nababatid na epekto upang sa gayon ay malupig ang malaking pulang dragon, na ang ibig sabihin, ginagawa ang mga iglesia na sumusulong, at walang sinuman ang nagkakaroon ng mga pagkaintindi tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao, o kaya ang lahat ng mga tao na nakakakilala sa Diyos. Gayunman basahin natin kung ano ang sinasabi ng Diyos: “Sa isipan ng mga tao, ang Diyos ay Diyos, at hindi madaling pakisamahan, habang ang tao ay tao, at hindi dapat madaling maging salaula … at bilang resulta, palagi silang mababa at matiyaga sa harap Ko; hindi nila kayang maging tugma sa Akin, sapagka’t masyado silang maraming mga pagkaintindi.” Mula rito ay nakikita na, hindi alintana kung ano ang sinasabi ng Diyos o kung ano ang ginagawa ng tao, ang mga tao ay lubos na walang kakayahan sa pagkilala sa Diyos; dahil sa papel na ginagampanan ng kanilang kakanyahan, kung anuman, sila ay, sa pagtatapos ng maghapon, walang kakayahang kilalanin ang Diyos. Sa gayon, ang gawain ng Diyos ay magtatapos kapag nakita ng mga tao ang kanilang mga sarili bilang ang mga anak-na-lalaki ng impiyerno. Walang pangangailangan para sa Diyos na pawalan ang Kanyang poot sa mga tao, o usigin sila nang tuwiran, o sukdulang hatulan sila ng kamatayan upang tapusin ang Kanyang buong pamamahala. Sumasatsat lamang Siya ayon sa Kanyang kakanyahan, na parang ang pagtatapos ng Kanyang gawain ay nagkataon lamang, isang bagay na natupad sa Kanyang ekstrang panahon nang wala ni katiting na pagsisikap. Mula sa labas, tila mayroong kaunting pag-aapura sa gawain ng Diyos—gayunman hindi nakágáwâ ng anuman ang Diyos, wala Siyang ginagawa kundi magsalita. Ang gawain sa gitna ng mga iglesia ay hindi kasing-laki ng sa mga nakaraang panahon: ang Diyos ay hindi nagdaragdag ng mga tao, o nagpapaalis sa kanila, o inilalantad sila—ang ganoong gawain ay napaka-karaniwan. Tila ang Diyos ay walang iniisip na gawin ang ganoong gawain. Nagsasalita lamang Siya ng kaunti ng kung ano ang dapat, kung saan pagkatapos ay tumatalikod Siya at nawawala nang walang bakas—na, natural, ay ang tagpo ng pagtatapos ng Kanyang mga pagbigkas. At kapag dumarating ang sandaling ito, lahat ng mga tao ay gigising mula sa kanilang pagtulog. Ang sangkatauhan ay nakatulog sa loob ng libu-libong taon, siya ay mahimbing na mahimbing sa buong panahon. At sa loob ng maraming taon, ang mga tao ay nagmamadaling parito at paroon sa kanilang mga panaginip, at humihiyaw pa sila sa kanilang mga panaginip, hindi kayang magsalita tungkol sa kawalang-katarungan sa kaibuturan ng kanilang mga puso. Sa gayon, sila ay “nakakaramdam ng bahagyang kalungkutan sa kanilang mga puso”—nguni’t kapag sila ay nagising, matutuklasan nila ang tutoong mga katunayan, at mapapasigaw: “Ganito pala ang nangyayari!” Kaya sinasabi na “Ngayon, karamihan sa mga tao ay tulóg na tulóg pa rin. Saka lamang kapag tumutunog ang pangkahariang awitin sila nagmumulat ng kanilang inaantok na mga mata at nakakaramdam ng bahagyang kalungkutan sa kanilang mga puso.”