Ang Ikaapatnapu’t-limang Pagbigkas
Minsan ay pinili Ko ang pinong mga gamit para maiwan sa Aking bahay, upang sa loob nito ay magkaroon ng di-matutumbasang mga kayamanan, sa gayon ay mapapalamutihan ito, kung saan mula rito ay nakatamo Ako ng kasiyahan. Nguni’t dahil sa pagtrato ng tao sa Akin, at dahil sa mga pangganyak ng mga tao, wala Akong napagpilian kundi isantabi ang gawaing ito at gumawa ng iba. Aking gagamitin ang mga pangganyak ng tao upang tuparin ang Aking gawain, Aking imamaniobra ang lahat ng mga bagay para magsilbi sa Akin, at sanhiin ang Aking bahay na hindi na maging madilim at malungkot bilang resulta. Minsan ay nanood Ako sa gitna ng tao: Lahat ng may laman at dugo ay nakatulálâ, wala kahit isang bagay ang nakaranas ng pagpapala ng Aking pag-iral. Ang mga tao ay namumuhay sa gitna ng mga pagpapala nguni’t hindi alam kung gaano sila talagang pinagpala. Kung ang Aking mga pagpapala sa sangkatauhan ay hindi nakáiral hanggang ngayon, sino sa gitna ng sangkatauhan ang nakápánatili hanggang sa kasalukuyan at hindi naglaho? Na ang mga tao ay nabubuhay ay Aking pagpapala, at nangangahulugan ito na namumuhay siya sa gitna ng Aking mga pagpapala, dahil sa pasimula ay wala siyang anuman, dahil siya ay orihinal na walang puhunan upang mabuhay sa pag-itan ng langit at lupa; ngayon patuloy Akong tumutulong sa tao, at dahil lamang dito kaya nakakatayo ang tao sa harap Ko, mapalad lamang na makatakas sa kamatayan. Nabuod na ng tao ang mga lihim ng pag-iral ng tao, nguni’t walang sinumang nakadama na ito ay Aking pagpapala. Bilang resulta, isinusumpa ng lahat ng mga tao ang kawalang-katarungan sa loob ng mundo, lahat sila ay dumaraing tungkol sa Akin dahil sa kalungkutan sa kanilang mga buhay. Kung hindi sa Aking mga pagpapala, sinong makakakita ng ngayon? Lahat ng mga tao ay dumaraing laban sa Akin dahil hindi nila kayang mamuhay sa gitna ng kaginhawahan. Kung ang buhay ng tao ay maningning at magaan, kung ang mainit na “bugso ng tagsibol” ay ipinadala sa puso ng tao, nagsasanhi ng di-mahigitang kaginhawahan sa kanyang buong katawan, iniiwan siyang hindi-nasasaktan kahit katiting, kung gayon sino sa gitna ng tao ang mamamatay na dumaraing? Ako ay lubhang nahihirapan sa pagtatamo ng walang-pasubaling katapatan ng tao, dahil ang mga tao ay masyadong maraming mga tusong pakánâ—sapat, napakasimple, upang paikutin ang ulo ng isa. Nguni’t kapag nagtaas Ako ng mga pagsalungat sa kanila, nagkikibit-balikat lamang sila sa Akin, hindi nila Ako pinapansin, dahil ang Aking mga pagsalungat ay nakasaling sa kanilang mga kaluluwa, iniiwan sila na hindi kayang mapatatag mula ulo hanggang paa, kaya’t kinamumuhian ng mga tao ang Aking pag-iral, sapagka’t gusto Ko laging “pahirapan” sila. Dahil sa Aking mga salita, ang mga tao ay umaawit at sumasayaw, dahil sa Aking mga salita, tahimik nilang iniyuyuko ang kanilang mga ulo, at dahil sa Aking mga salita, bumubulalas sila ng iyak. Sa Aking mga salita, nawawalan ng pag-asa ang mga tao, sa Aking mga salita, natatamo nila ang liwanag para manatiling buháy, dahil sa Aking mga salita, pabiling-biling sila, di-makatulog araw at gabi, at dahil sa Aking mga salita, nagmamadali sila sa buong lugar. Inilulubog ng Aking mga salita ang mga tao sa Hades, pagkatapos ay inilulubog sila ng mga ito tungo sa pagkastigo—nguni’t, nang hindi ito natatanto, tinatamasa rin ng mga tao ang Aking mga pagpapala. Kaya ba itong makamit ng tao? Darating ba ito kapalit ng walang-kapaguran na mga pagsisikap ng mga tao? Sinong makatatakas sa mga pagsasaayos ng Aking mga salita? Sa gayon, dahil sa mga pagkabigo ng tao, ipinagkakaloob Ko ang Aking mga salita sa sangkatauhan, sinasanhi ang mga kakulangan ng tao na mapunuan dahil sa Aking mga salita, nagdadala ng di-matumbasang mga kayamanan sa buhay ng sangkatauhan.