菜單

Peb 2, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Bumababa ang Diyos nang may Paghatol


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Bumababa ang Diyos nang may Paghatol

I
Sa pagbaba sa bayan ng malaking pulang dragon, hinaharap ng Diyos ang sansinukob at ito’y nagsimulang mayanig. Mayro’n bang lugar na ‘di abot ng hatol Niya? O nabubuhay sa Kanyang hagupit? Sa’n man Siya magpunta kinakalat Niya’y mga buto ng sakuna, sa pamamagitan nito ay ibinibigay Niya ang kaligtasan at pag-ibig Niya. Nais ng Diyos na makilala Siya ng mas maraming tao, makita at igalang ang Diyos na di nila nakita ng napakatagal, ngunit Siya ngayon ay tunay.

Peb 1, 2018

Tanging ang Diyos na Nagkatawang-tao ang Makagagawa ng Gawain ng Paghatol sa mga Huling Araw (4)


Tanging ang Diyos na Nagkatawang-tao ang Makagagawa ng Gawain ng Paghatol sa mga Huling Araw (4)


Ang Kidlat ng Silanganan ay nagpapatotoo na ang Diyos ay nagkatawang-tao sa mga huling araw upang gawin Niya mismo ang gawain ng paghatol. Gayunman ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan ay isinagawa sa pamamagitan ng paggamit kay Moises. Kung gayon hindi ba maaaring gawin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw sa gayunding paraan, sa pamamagitan ng paggamit ng mga tao? Bakit kailangang magkatawang-tao ang Diyos at gawin Niya ito mismo? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang gawain ng paghatol ay sariling gawa ng Diyos, kaya kailangang likas na magawa ito ng Diyos Mismo; hindi ito maaaring gawin ng taong Kanyang kahalili. Sapagkat ang paghatol ay ang panlulupig sa tao sa pamamagitan ng katotohanan, hindi mapag-aalinlanganan na nagpapakita pa rin ang Diyos sa nagkatawang-taong imahe upang gawin ang gawaing ito sa mga tao”(Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Kristiyanong Pelikula | “Nasaan ang aking tahanan” | God Is My Soul Harbo


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kristiyanong Pelikula | “Nasaan ang aking tahanan” | God Is My Soul Harbo

Naghiwalay ang mga magulang ni Wenya nang siya ay dalawang taong gulang at pagkatapos ay tumira siya sa kanyang Itay at kanyang madrasta. Ayaw sa kanya ng kanyang madrasta at palagi itong nakikipagtalo sa kanyang Itay. Walang nagawa ang kanyang Itay—kinailangan niyang ibalik si Wenya sa bahay ng kanyang Ina, ngunit nakatuon ang kanyang Ina sa pamamahala sa kanyang negosyo at wala siyang panahon para alagaan si Wenya, kung kaya madalas siyang nagpalipat-lipat sa bahay ng mga kamag-anak at kaibigan para maalagaan. Pagkatapos ng maraming taon na pinangangalagaan ng ibang tao, nakaramdam ng lungkot si Wenya at kawalan ng pag-asa, at pinananabikan ang init ng isang tahanan. Nakabalik lamang siya sa piling ng kanyang Itay noong nagdiborsyo ang kanyang Itay at madrasta at magmula noon nagkaroon na siya ng tahanan, sa hirap o ginhawa.

Ene 31, 2018

Clip ng Pelikulang (5) | "Paano Malalaman na si Cristo ang Katotohanan, ang Daan at ang Buhay"


Clip ng Pelikulang (5) | "Paano Malalaman na si Cristo ang Katotohanan, ang Daan at ang Buhay"


Ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay kapwa nagpapatotoo na si “Cristo ang katotohanan, ang daan at ang buhay.” Bakit sinasabi na si Cristo ay ang katotohanan, ang daan at ang buhay? At ang mga apostol na iyon at mga dakilang espirituwal na mga tao na sumunod sa Panginoong Jesus ay nagsabi rin ng maraming bagay, mga bagay na kapaki-pakinabang sa tao, kaya bakit ang mga ito ay hindi ang katotohanan, ang daan at ang buhay? Paano natin dapat maunawaan ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang aspetong ito?
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga’t nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Human Rights Expert Do Heeyoon: If Christians Are Repatriated, Human Rights Groups Will Not Stand By


Human Rights Expert Do Heeyoon: If Christians Are Repatriated, Human Rights Groups Will Not Stand By

On November 28, 2017, in response to concurrent public attacks and smears against The Church of Almighty God in Hong Kong, Taiwan, and South Korea, South Korean human rights expert Do Heeyoun and eight other non-governmental organizations jointly condemned the Chinese Communist government for its many years of brutal persecution against The Church of Almighty God, and expressed the view that the asylum applications of Christians of The Church of Almighty God should be recognized by their respective host nations. During a recent interview, with the pending asylum applications of Christians of The Church of Almighty God at risk in South Korea, South Korean human rights expert Do Heeyoun said: The South Korean government has always advocated human rights, so it would not unreasonably force people onto the road to ruin. If the government does leave these people high and dry, many international human rights groups won’t sit idly by. He hopes this type of situation won’t happen.
Recommendation:Understanding the Eastern Lightning
Utterances of the Returned Lord Jesus
What Is Gospel?

Ene 30, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Kabanata 1 Dapat Mong Malaman na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Nag-iisang Totoong Diyos na Lumikha ng Kalangitan at ng Lupa at Lahat nang nasa Mga Yaon

Ang Kalooban ng Diyos | Kabanata 1 Dapat Mong Malaman na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Nag-iisang Totoong Diyos na Lumikha ng Kalangitan at ng Lupa at Lahat nang nasa Mga Yaon

1. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Nag-iisang Totoong Diyos na Namumuno sa Lahat ng Mga Bagay.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

    Hindi alam ng sangkatauhan kung sino ang Kataas-taasan sa lahat ng mga bagay sa sansinukob, mas lalong hindi niya alam ang simula at hinaharap ng sangkatauhan. Ang sangkatauhan ay namumuhay lamang, nang sapilitan, sa gitna ng batas na ito. Walang maaaring makatakas dito at walang maaaring makapagbago rito, sapagka’t sa gitna ng lahat ng bagay at sa mga kalangitan ay mayroon lamang Isa na mula sa kawalang-hanggan tungo sa kawalang-hanggan na siyang pinakamataas sa ibabaw ng lahat ng bagay. Siya ang Isa na hindi kailanman nakita ng tao, ang Isa na hindi kailanman nakilala ng sangkatauhan, na sa kanyang pag-iral ay hindi kailanman naniwala ang sangkatauhan, gayunma’y Siya ang Isa na huminga ng hininga tungo sa mga ninuno ng sangkatauhan at nagbigay ng buhay sa sangkatauhan. Siya ang Isa na nagtutustos at nagpapalusog sa sangkatauhan para sa kanyang pag-iral, at gumagabay sa sangkatauhan hanggang sa kasalukuyang panahon. Higit pa rito, Siya at Siya lamang ang inaasahan ng sangkatauhan para sa pananatiling buháy nito. Siya ang pinakamataas sa ibabaw ng lahat ng bagay at namamahala sa lahat ng nilalang na may buhay sa ilalim ng sansinukob. Siya ang nag-uutos sa apat na panahon, at Siya ang tumatawag sa hangin, hamog na nagyelo, niyebe, at ulan. Siya ang nagbibigay ng sikat ng araw sa sangkatauhan at nagpapasapit ng gabi. Siya ang naglatag ng mga kalangitan at lupa, nagkakaloob sa tao ng mga kabundukan, mga lawa at mga ilog at ng lahat ng mga nabubuhay na bagay sa loob nila. Ang Kanyang gawa ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang kapangyarihan ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang karunungan ay nasa lahat ng dako, at ang Kanyang awtoridad ay nasa lahat ng dako. Ang bawa’t isa sa mga batas at patakarang ito ang pagsasakatawan ng Kanyang gawain, at ang bawa’t isa sa mga ito ay nagbubunyag ng Kanyang karunungan at awtoridad. Sino ang maaaring maglabas ng kanilang mga sarili mula sa Kanyang kataasan? At sino ang makapag-aalis ng kanilang sarili mula sa Kanyang mga disenyo? Ang lahat ng mga bagay ay umiiral sa ilalim ng Kanyang titig, at higit pa rito, ang lahat ng mga bagay ay namumuhay sa ilalim ng Kanyang kataasan. Ang Kanyang gawa at ang Kanyang kapangyarihan ay pumipilit sa sangkatauhan na kilalanin ang katunayan na Siya ay talagang tunay na umiiral at Siyang pinakamataas sa ibabaw ng lahat ng mga bagay. Walang iba pang bagay bukod sa Kanya ang maaaring mag-utos sa sansinukob, mas lalong hindi makapagkakaloob nang walang-humpay sa sangkatauhang ito. Hindi alintana kung kaya mo mang kilalanin ang gawain ng Diyos, at walang-kinalaman kung ikaw man ay naniniwala sa pag-iral ng Diyos, walang duda na ang iyong kapalaran ay nakasalalay sa pagtatalaga ng Diyos, at walang duda na ang Diyos ang palaging pinakamataas sa ibabaw ng lahat ng mga bagay. Ang Kanyang pag-iral at awtoridad ay hindi nakabatay sa kung ang mga ito ba ay makikilala at maaabot ng tao o hindi. Siya lamang ang nakakaalam sa nakaraan ng tao, kasalukuyan at hinaharap, at Siya lamang ang maaaring makaalam sa kapalaran ng sangkatauhan. Hindi alintana kung ikaw man ay may kakayahang tanggapin ang katunayang ito, hindi na magtatagal bago masaksihan ng sangkatauhan ang lahat ng ito ng sarili niyang mga mata, at ito ang katunayan na malapit nang ipatupad ng Diyos.

Ang Pangangailangan na Gawin ng Diyos ang Kanyang Gawain sa Pamamagitan ng Pagkakatawang-tao (6)


Ang Pangangailangan na Gawin ng Diyos ang Kanyang Gawain sa Pamamagitan ng Pagkakatawang-tao (6)


Bakit sinasabi na mas kapaki-pakinabang na magkatawang-tao ang Diyos sa pagliligtas sa tiwaling sangkatauhan? Sa ano maaaring makita ang pangangailangan at malaking kahalagahan ng pagkakatawang-tao ng Diyos? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang laman ng tao ay ginawang tiwali ni Satanas, at lubusang binulag, at matinding napinsala. Ang pinaka-pangunahing dahilan kung bakit gumagawa ang Diyos ng personal sa katawang-tao ay dahil ang layon ng Kanyang pagliligtas ay ang tao, na sa laman, at dahil si Satanas ay ginagamit din ang laman ng tao upang abalahin ang gawain ng Diyos. Ang paglaban kay Satanas sa katunayan ay gawaing panlulupig sa tao, at kasabay nito, ang tao din ang layon ng kaligtasan ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay napakahalaga. Ginawang tiwali ni Satanas ang laman ng tao, at ang tao ay naging sagisag ni Satanas, at naging layon upang talunin ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang gawain ng pakikipaglaban kay Satanas at pagliligtas sa buong sangkatauhan ay nangyayari sa lupa, at ang Diyos ay dapat maging tao upang gawin ang paglaban kay Satanas. Ito ang gawaing pinakapraktikal” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).