菜單

Ene 29, 2018

Tagalog na Cristianong Kanta | Ang Kahalagahan ng Pamamahala ng Diyos sa Sangkatauhan


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos| Tagalog na Cristianong Kanta | Ang Kahalagahan ng Pamamahala ng Diyos sa Sangkatauhan

Pamamahala ng Diyos ay upang makuha mga taong sumasamba’t sumusunod sa Kanya. Napatiwali man ni Satanas, hindi na nila ito tinatawag na ama.
I
Pamamahala ng Diyos ay upang makuha ang mga taong sumasamba’t sumusunod sa Kanya. Napatiwali man ni Satanas, hindi na nila ito tinatawag na ama; Ang kapangitan ni Satanas, alam nila at tanggihan ito. Humaharap sila sa D’yos, tinatanggap kastigo’t hatol. Batid nila ang kasamaan, alam rin nila kung anong banal. Batid nila kadakilaan ng Diyos, at kasamaan ni Satanas.

Kristianong Awitin | Nagkatawang-tao ang Diyos Upang Talunin si Satanas at Iligtas ang Buong Sangkatauhan


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kristianong Awitin | Nagkatawang-tao ang Diyos Upang Talunin si Satanas at Iligtas ang Buong Sangkatauhan

I
Sa pagkakatawang-tao ng Diyos sa lupa, gawain Niya’y sa tao. Gawaing ito’y may isang layunin—si Satanas ay talunin. Si Satanas ay talo sa paglupig sa tao, at sa pagkumpleto sa inyo. Kapag kayo’y nagpatotoo, ito’y tandang si Satanas talo. Diyos ay nagiging tao lamang upang si Satanas ay talunin at iligtas lahat ng tao.

Ene 28, 2018

Tagalog na Cristianong Papuring Kanta | Sundan ang Diyos sa Baku-bakong Daan


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog na Cristianong Papuring Kanta | Sundan ang Diyos sa Baku-bakong Daan

I
Ialay ‘yong sarili sa Diyos, sarili’y ilaan sa Kanya, Iniwan ng pamilya, sinira ng mundo. Hindi patag ang daan pagsunod sa Diyos. Puso’t kaluluwa’y ‘nilagak sa paglawak ng kaharian ng Diyos. Nakita ko pagpapalit ng panahon. Tanggap ko’ng pagsapit ng saya’t lungkot. Upang kamtin kailangan ng Diyos, pagsasaayos Niya’y sinusunod. Magdurusa buong buhay. Pasasayahin ang puso ng Diyos! Magdurusa buong buhay. Pasasayahin ang puso ng Diyos!

News Conference on a Case Study of Religious Freedom Violations in China


News Conference on a Case Study of Religious Freedom Violations in China

On December 14, 2017, a news conference with the theme of Religious Freedom Violations in China—A Case Study of Persecution Against Christian Minorities was jointly held by the Center for Studies on New Religions (CESNUR) and the Center for Studies on Freedom of Religion, Belief and Conscience (LIREC) in the Italian Chamber of Deputies in Rome. The meeting focused on the appeal being made on the issues of rejected refugee applications and impending repatriation of a majority of The Church of Almighty God‘s Christians that had fled to Europe. It is also the first time that a news conference on the persecution of The Church of Almighty God was held in the Roman Chamber of Deputies. Members of the Senate, Chamber of Deputies and an internationally renowned research expert on new religions, Professor Massimo Introvigne, made speeches separately, calling on all European countries to approve the refugee applications of these Christians in accordance with the international conventions on refugees.
Recommendation:Understanding the Eastern Lightning
The origin of the Church of Almighty God

The Return of the Lord Jesus

What Is Gospel?

Ene 27, 2018

Tagalog na Cristianong Kanta | Paano Pinamamahalaan ng Diyos ang Lahat ng mga Bagay


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog na Cristianong Kanta | Paano Pinamamahalaan ng Diyos ang Lahat ng mga Bagay

I
Mula sa iyong pagsilang at pag-iyak sa mundong ito,
inumpisahan mo’ng gawin ang iyong tungkulin.
Sa plano’t ordinasyon ng Diyos, tungkulin ay tinanggap mo,
at ang paglalakbay mo sa buhay ay sinimulan.
Anumang nakaraan o paglalakbay sa iyong hinaharap,
walang makakaalpas sa pagsasaayos ng kalangitan,
at walang may hawak ng kanilang tadhana,
pagkat Diyos lamang ang namumuno sa lahat ng bagay.
Ganito mamuno ang Diyos.
Lahat ng mga bagay, may buhay o wala,
Magbabago, maglalaho, magsisimulang muli,
lahat ay matutupad sa kagustuhan ng Diyos.
Ganito mamuno ang Diyos.

Tagalog Kristiyanong Pelikula | “Ang Misteryo ng Kabanalan”


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ebangheliyong pelikula | “Ang Misteryo ng Kabanalan”

Si Lin Bo’en ay isang elder noon sa isang bahay na iglesia sa China. Sa lahat ng kanyang mga taon bilang isang mananampalataya, ikinarangal niya ang magdusa para sa Panginoon, at pinahalagahan ang kaalaman at pagkakamit ng Panginoong Jesucristo nang higit sa anupaman sa mundo. Isang nakatadhanang araw, lumabas siya upang mangaral at may narinig na nakabibiglang balita: Ang Panginoong Jesus ay nagbalik na sa katawang-tao, at Siya ang Cristo ng mga huling araw—Makapangyarihang Diyos! Naguluhan si Lin Bo’en. Sa pagbabalik ng Panginoon, Siya ay dapat bumaba sa mga ulap, kaya bakit Siya magkakatawang-tao Mismo at lihim na gagawin ang Kanyang gawain? Anong mga hiwaga ang nakatago sa likod ng pagkakatawang-tao ng Diyos? Kung totoong nagbalik na ang Panginoon, bakit hindi pa tayo dinala? … Nagkaroon ng isang matinding debate sa pagitan ni Lin Bo’en at ng kanyang mga kasamahang manggagawa at mga mangangaral mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos … Mauunawaan ba nila sa wakas na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao?

Ene 26, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Isagawa ang Katotohanan Sa Sandaling Inyong Maunawaan Ito

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Isagawa ang Katotohanan Sa Sandaling Inyong Maunawaan Ito

    Ang gawain at ang salita ng Diyos ay itinalaga upang maghatid ng pagbabago sa inyong disposisyon; ang Kanyang layunin ay hindi lamang basta ipaunawa o ipakilala sa inyo ito at iyon na lamang ang maging katapusan nito. Bilang isang may kakayahang makatanggap, hindi kayo dapat mahirapan sa pag-unawa sa salita ng Diyos, sapagkat karamihan sa salita ng Diyos ay nakasulat sa wika ng tao na napakadaling maintindihan. Gaya halimbawa, malalaman ninyo kung ano ang gusto ng Diyos na maintindihan ninyo at maisagawa; ito ay isang bagay na dapat gawin ng isang wastong taong may kakayahang makaunawa. Ang sinasabi ng Diyos ngayon ay lalong maliwanag at malinaw, at nagsasabi ang Diyos ng maraming bagay na hindi naisaalang-alang ng mga tao o ang iba’t-ibang mga kalagayan ng mga tao. Ang Kanyang mga salita ay para sa lahat, kasinglinaw ng liwanag ng bilog na buwan. Kaya ngayon, naiintindihan ng mga tao ang maraming mga isyu; ang kulang sa kanila ay ang pagsasagawa sa Kanyang salita. Dapat maranasan ng mga tao ang lahat ng aspeto ng katotohanan nang detalyado, at tuklasin at hangarin pa ang higit na malawak na detalye, hindi basta na lamang maghintay na tanggapin kung ano ang nakahanda nang ibigay sa kanila; kung hindi sila ay magiging lampas ng kaunti sa mga manghuhuthot. Nalalaman nila ang salita ng Diyos, ngunit hindi ito isinasagawa. Ang ganitong uri ng tao ay walang pagmamahal sa katotohanan, at sa huli ay maaalis. Ang pagkakaroon ng istilo kagaya ng isang Pedro sa panahon ng dekada 90 ay nangangahulugan na ang bawat isa sa inyo ay dapat magsagawa ng salita ng Diyos, magkaroon ng tunay na pagpasok sa inyong mga karanasan at magkamit ng higit pa at lalong mas dakilang kaliwanagan sa inyong pakikipagtulungan sa Diyos, na magdadala ng higit pang Kanyang pagtulong sa inyong buhay. Kung nakabasa na kayo ng napakaraming salita ng Diyos ngunit naiintindihan lamang ang kahulugan ng teksto at wala kayong personal na kaalaman sa salita ng Diyos sa pamamagitan ng inyong praktikal na karanasan, hindi ninyo malalaman ang salita ng Diyos. Para sa iyo, ang salita ng Diyos ay hindi buhay, ngunit mga letra lamang na walang buhay. At kung panghahawakan mo lamang ang mga letrang walang buhay, hindi mo mauunawaan ang diwa ng salita ng Diyos, ni hindi mo mauunawaan ang Kanyang kalooban. Tanging kapag naranasan mo ang Kanyang salita sa iyong mga tunay na karanasan saka pa lamang magbubukas nang kusa ang espirituwal na kahulugan ng salita ng Diyos sa iyo, at sa karanasan mo lamang mauunawaan ang espirituwal na kahulugan ng maraming katotohanan, at tanging sa pamamagitan lamang ng karanasan mo matutuklasan ang mga hiwaga ng salita ng Diyos. Kung hindi mo ito isasagawa, kung gayon gaano man kalinaw ang Kanyang salita, ang tanging bagay mong nauunawaan ay hungkag na mga letra at mga doktrina, na naging mga relihiyosong tuntunin sa iyo. Hindi ba ito ang ginawa ng mga Fariseo? Kung inyong isinasagawa at nararanasan ang salita ng Diyos, ito ay nagiging praktikal sa inyo; kung hindi ninyo hahangarin na isagawa ito, kung gayon ang salita ng Diyos sa iyo ay higit lang ng kaunti sa alamat ng ikatlong langit. Sa katotohanan, ang proseso ng paniniwala sa Diyos ay ang proseso ng inyong pagdanas sa Kanyang salita gayundin ang makamit Niya, o upang mas maging maliwanag, ang maniwala sa Diyos ay ang magkaroon ng kaalaman at pagkaunawa sa Kanyang salita at maranasan at isabuhay ang Kanyang salita; iyan ang katotohanan sa inyong pananampalataya sa Diyos. Kung kayo ay naniniwala sa Diyos at umaasa para sa buhay na walang hanggan nang walang paghahangad na isagawa ang salita ng Diyos gaya ng isang bagay na mayroon kayo sa loob ninyo, kung gayon kayo ay hangal; kagaya lang ito ng pagpunta sa isang piging upang matandaan lamang kung ano ang makakain doon nang hindi man lamang titikman ito. Hindi ba hangal ang isang taong gayon?