菜單

Ene 28, 2018

Tagalog na Cristianong Papuring Kanta | Sundan ang Diyos sa Baku-bakong Daan


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog na Cristianong Papuring Kanta | Sundan ang Diyos sa Baku-bakong Daan

I
Ialay ‘yong sarili sa Diyos, sarili’y ilaan sa Kanya, Iniwan ng pamilya, sinira ng mundo. Hindi patag ang daan pagsunod sa Diyos. Puso’t kaluluwa’y ‘nilagak sa paglawak ng kaharian ng Diyos. Nakita ko pagpapalit ng panahon. Tanggap ko’ng pagsapit ng saya’t lungkot. Upang kamtin kailangan ng Diyos, pagsasaayos Niya’y sinusunod. Magdurusa buong buhay. Pasasayahin ang puso ng Diyos! Magdurusa buong buhay. Pasasayahin ang puso ng Diyos!

II
Sa daan ng pagmamahal sa Diyos, tinitiis mapait na pagsubok. Tahimik na binabata panganib at pasakit. Magdusa man nang labis, puso ko’y sa Diyos umiibig. Saksi sa gawa ng Diyos, saan-saan tumutungo. Nakita ko pagpalit ng panahon. Tanggap ko pagsapit ng saya’t lungkot. Upang kamtin kailangan ng Diyos, pagsasaayos Niya’y sinusunod. Magdurusa buong buhay. Pasasayahin ang puso ng Diyos! Magdurusa buong buhay. Pasasayahin ang puso ng Diyos!
III
Kapighatia’t mga pagsubok kay bigat. Tagumpay’t kabiguan dinaranas. Ngunit kalooban Niya’y handang sundin, buhay sa Kanya’y gugugulin. Buo na ang pasya, na magdusa buong buhay. Oo, magdurusa buong buhay. Pasasayahin ang puso ng Diyos! Magdurusa buong buhay. Pasasayahin ang puso ng Diyos! mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga’t nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
Rekomendasyon:Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?