菜單

Ene 27, 2018

Tagalog na Cristianong Kanta | Paano Pinamamahalaan ng Diyos ang Lahat ng mga Bagay


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog na Cristianong Kanta | Paano Pinamamahalaan ng Diyos ang Lahat ng mga Bagay

I
Mula sa iyong pagsilang at pag-iyak sa mundong ito,
inumpisahan mo’ng gawin ang iyong tungkulin.
Sa plano’t ordinasyon ng Diyos, tungkulin ay tinanggap mo,
at ang paglalakbay mo sa buhay ay sinimulan.
Anumang nakaraan o paglalakbay sa iyong hinaharap,
walang makakaalpas sa pagsasaayos ng kalangitan,
at walang may hawak ng kanilang tadhana,
pagkat Diyos lamang ang namumuno sa lahat ng bagay.
Ganito mamuno ang Diyos.
Lahat ng mga bagay, may buhay o wala,
Magbabago, maglalaho, magsisimulang muli,
lahat ay matutupad sa kagustuhan ng Diyos.
Ganito mamuno ang Diyos.

Tagalog Kristiyanong Pelikula | “Ang Misteryo ng Kabanalan”


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ebangheliyong pelikula | “Ang Misteryo ng Kabanalan”

Si Lin Bo’en ay isang elder noon sa isang bahay na iglesia sa China. Sa lahat ng kanyang mga taon bilang isang mananampalataya, ikinarangal niya ang magdusa para sa Panginoon, at pinahalagahan ang kaalaman at pagkakamit ng Panginoong Jesucristo nang higit sa anupaman sa mundo. Isang nakatadhanang araw, lumabas siya upang mangaral at may narinig na nakabibiglang balita: Ang Panginoong Jesus ay nagbalik na sa katawang-tao, at Siya ang Cristo ng mga huling araw—Makapangyarihang Diyos! Naguluhan si Lin Bo’en. Sa pagbabalik ng Panginoon, Siya ay dapat bumaba sa mga ulap, kaya bakit Siya magkakatawang-tao Mismo at lihim na gagawin ang Kanyang gawain? Anong mga hiwaga ang nakatago sa likod ng pagkakatawang-tao ng Diyos? Kung totoong nagbalik na ang Panginoon, bakit hindi pa tayo dinala? … Nagkaroon ng isang matinding debate sa pagitan ni Lin Bo’en at ng kanyang mga kasamahang manggagawa at mga mangangaral mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos … Mauunawaan ba nila sa wakas na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao?

Ene 26, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Isagawa ang Katotohanan Sa Sandaling Inyong Maunawaan Ito

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Isagawa ang Katotohanan Sa Sandaling Inyong Maunawaan Ito

    Ang gawain at ang salita ng Diyos ay itinalaga upang maghatid ng pagbabago sa inyong disposisyon; ang Kanyang layunin ay hindi lamang basta ipaunawa o ipakilala sa inyo ito at iyon na lamang ang maging katapusan nito. Bilang isang may kakayahang makatanggap, hindi kayo dapat mahirapan sa pag-unawa sa salita ng Diyos, sapagkat karamihan sa salita ng Diyos ay nakasulat sa wika ng tao na napakadaling maintindihan. Gaya halimbawa, malalaman ninyo kung ano ang gusto ng Diyos na maintindihan ninyo at maisagawa; ito ay isang bagay na dapat gawin ng isang wastong taong may kakayahang makaunawa. Ang sinasabi ng Diyos ngayon ay lalong maliwanag at malinaw, at nagsasabi ang Diyos ng maraming bagay na hindi naisaalang-alang ng mga tao o ang iba’t-ibang mga kalagayan ng mga tao. Ang Kanyang mga salita ay para sa lahat, kasinglinaw ng liwanag ng bilog na buwan. Kaya ngayon, naiintindihan ng mga tao ang maraming mga isyu; ang kulang sa kanila ay ang pagsasagawa sa Kanyang salita. Dapat maranasan ng mga tao ang lahat ng aspeto ng katotohanan nang detalyado, at tuklasin at hangarin pa ang higit na malawak na detalye, hindi basta na lamang maghintay na tanggapin kung ano ang nakahanda nang ibigay sa kanila; kung hindi sila ay magiging lampas ng kaunti sa mga manghuhuthot. Nalalaman nila ang salita ng Diyos, ngunit hindi ito isinasagawa. Ang ganitong uri ng tao ay walang pagmamahal sa katotohanan, at sa huli ay maaalis. Ang pagkakaroon ng istilo kagaya ng isang Pedro sa panahon ng dekada 90 ay nangangahulugan na ang bawat isa sa inyo ay dapat magsagawa ng salita ng Diyos, magkaroon ng tunay na pagpasok sa inyong mga karanasan at magkamit ng higit pa at lalong mas dakilang kaliwanagan sa inyong pakikipagtulungan sa Diyos, na magdadala ng higit pang Kanyang pagtulong sa inyong buhay. Kung nakabasa na kayo ng napakaraming salita ng Diyos ngunit naiintindihan lamang ang kahulugan ng teksto at wala kayong personal na kaalaman sa salita ng Diyos sa pamamagitan ng inyong praktikal na karanasan, hindi ninyo malalaman ang salita ng Diyos. Para sa iyo, ang salita ng Diyos ay hindi buhay, ngunit mga letra lamang na walang buhay. At kung panghahawakan mo lamang ang mga letrang walang buhay, hindi mo mauunawaan ang diwa ng salita ng Diyos, ni hindi mo mauunawaan ang Kanyang kalooban. Tanging kapag naranasan mo ang Kanyang salita sa iyong mga tunay na karanasan saka pa lamang magbubukas nang kusa ang espirituwal na kahulugan ng salita ng Diyos sa iyo, at sa karanasan mo lamang mauunawaan ang espirituwal na kahulugan ng maraming katotohanan, at tanging sa pamamagitan lamang ng karanasan mo matutuklasan ang mga hiwaga ng salita ng Diyos. Kung hindi mo ito isasagawa, kung gayon gaano man kalinaw ang Kanyang salita, ang tanging bagay mong nauunawaan ay hungkag na mga letra at mga doktrina, na naging mga relihiyosong tuntunin sa iyo. Hindi ba ito ang ginawa ng mga Fariseo? Kung inyong isinasagawa at nararanasan ang salita ng Diyos, ito ay nagiging praktikal sa inyo; kung hindi ninyo hahangarin na isagawa ito, kung gayon ang salita ng Diyos sa iyo ay higit lang ng kaunti sa alamat ng ikatlong langit. Sa katotohanan, ang proseso ng paniniwala sa Diyos ay ang proseso ng inyong pagdanas sa Kanyang salita gayundin ang makamit Niya, o upang mas maging maliwanag, ang maniwala sa Diyos ay ang magkaroon ng kaalaman at pagkaunawa sa Kanyang salita at maranasan at isabuhay ang Kanyang salita; iyan ang katotohanan sa inyong pananampalataya sa Diyos. Kung kayo ay naniniwala sa Diyos at umaasa para sa buhay na walang hanggan nang walang paghahangad na isagawa ang salita ng Diyos gaya ng isang bagay na mayroon kayo sa loob ninyo, kung gayon kayo ay hangal; kagaya lang ito ng pagpunta sa isang piging upang matandaan lamang kung ano ang makakain doon nang hindi man lamang titikman ito. Hindi ba hangal ang isang taong gayon?

Salita ng Diyos | Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo

    Katulad ng daan-daang milyong ibang mga tagasunod ng Panginoong Jesucristo, tayo ay sumusunod sa mga batas at utos ng Biblia, tinatamasa ang masaganang biyaya ng Panginoong Jesucristo, nagsasama-sama, nananalangin, nagpupuri, at naglilingkod sa ngalan ng Panginoong Jesucristo—at lahat ng ito ay ating ginagawa sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Panginoon. Tayo ay madalas na mahina, at madalas ay malakas. Tayo ay naniniwala na ang lahat ng ating kilos ay alinsunod sa aral ng Panginoon. Maliwanag, kung gayon, na tayo rin sa ating sarili ay naniniwalang lumalakad sa landas ng pagsunod sa kagustuhan ng Ama sa langit. Nananabik tayo sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, sa maluwalhating pagdating ng Panginoong Jesus, sa pagtatapos ng ating buhay dito sa lupa, sa pagpapakita ng kaharian, at sa lahat gaya ng nasasaad sa Aklat ng Pahayag: Ang Panginoon ay dumating, at may dalang sakuna, gagantimpalaan ang mabubuti at paparusahan ang masasama, isasama ang lahat ng sumusunod sa Kanya at malugod na tanggapin ang Kanyang pagbalik mula sa alapaap upang Siya ay salubungin. Tuwing ito’y ating maiisip, hindi natin mapigilang manaig ang ating damdamin. Tayo ay nagpapasalamat na tayo ay isinilang sa mga huling araw, at tayo ay mapalad na masaksihan ang pagdating ng Panginoon. Bagaman tayo ay nakaranas ng pag-uusig, ito naman ay para sa “lalo’t lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan”; kay laking pagpapala nito! Ang lahat ng pananabik na ito at ang biyaya na ipinagkaloob ng Panginoon ay dinadala tayo sa mahinahong panalangin, at tayo ay pinagsasama-sama nang madalas. Maaari ay sa susunod na taon, maaaring bukas, o maaring sa lalong madali kung kailan hindi inaasahan ng tao, ang Panginoon ay biglaang darating, at tiyak na magpapakita sa gitna ng kalipunan ng mga taong masigasig na naghihintay sa Kanya. Lahat tayo ay nakikipagpaligsahan sa isa’t isa, walang nagnanais na maiwan, nang sa ganoon ay maging unang kalipunan na mamasdan ang pagpapakita ng Panginoon, na maging isa sa mga unang aagawin sa alapaap. Ibinigay natin ang lahat, hindi alintana ang kalalabasan, para sa pagdating ng araw na ito. Ang ilan ay isinuko ang kanilang mga trabaho, ang ilan ay iniwan ang kanilang mga pamilya, ang ilan ay tinalikuran ang kanilang mga buhay may asawa, at ang ilan ay ipinamigay na ang kanilang mga inipon. Anong walang pag-iimbot na debosyon! Ang gayong sinseridad at katapatan ay nalampasan kahit ang mga banal sa nakalipas na panahon! Habang ang Panginoon ay nagkakaloob ng biyaya sa kung sinumang Kanyang naisin, at habag sa sinumang Kanyang naisin, ang ating debosyon at pagpapagal, tayo ay naniniwala, ay nakita na rin ng Kanyang mga mata. Gayundin, ang ating taos-pusong mga panalangin ay naabot na rin ang Kanyang mga tainga, at tayo ay nagtitiwala na tayo ay gagantimpalaan ng Panginoon dahil sa ating debosyon. Bukod doon, ang Diyos ay nagmagandang-loob sa atin bago pa man Niya nilikha ang mundo, at walang sinuman ang makapag-aalis ng mga pagpapala at pangako ng Diyos sa atin. Tayong lahat ay nagpaplano para sa hinaharap, at ating nakikini-kinita na ang ating debosyon at pagpapagal ay ating inilalaan para sa ating pagsalubong sa ating Panginoon sa hangin. Higit sa lahat, wala ni katiting na pag-aatubili, inilalagay natin ang ating sarili sa trono sa hinaharap, pinamumunuan ang lahat ng mga bansa at mga tao, o mga namamahala bilang mga hari. Ang lahat ng ito ay inaakala nating ibinigay na, o isang bagay na maaasahan.

Salita ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas

pagmamahal at Awa, parusa, sundin, umasa sa

Ang Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas


   Noong dumating Ako mula sa Sion, hinihintay Ako ng lahat ng mga bagay, at noong bumalik Ako sa Sion, binati Ako ng lahat ng mga tao. Sa pagdating at paglisan Ko, hindi kailanman nahadlangan ng mga may galit sa Akin ang Aking mga hakbang, kaya umusad nang maayos ang Aking gawain. Ngayon, kapag dumarating Ako sa kalagitnaan ng lahat ng mga nilalang, binabati Ako ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng katahimikan, napakalalim ang takot nila na Ako’y muling lilisan at aalisin ang kanilang suporta. Sinusunod ng lahat ng mga bagay ang Aking patnubay, at minamatyagan ng lahat ang direksyong ipinahihiwatig ng Aking kamay. Maraming mga nilalang ang ginawang perpekto ng mga salita na nagmumula sa Aking bibig at maraming anak ng kasuwailan ang nakastigo. Kaya, nakatitig ang lahat ng mga tao sa Aking mga salita, at maingat na nakikinig sa mga pagbigkas mula sa Aking bibig, at matindi ang takot na mapalampas nila ang magandang pagkakataon na ito. Sa kadahilanang ito kung bakit nagpatuloy Ako sa pagsasalita, upang matupad ang Aking gawain nang mas mabilis, at upang mas maaga ang paglitaw ng mga nakalulugod na kondisyon sa mundo at malunasan ang mga eksena ng pagkatiwangwang sa mundo. Kapag tumingin Ako sa kalangitan at kapag haharapin Ko muli ang sangkatauhan; agad na mapupuno ang mga lupain ng buhay, hindi na kakapit ang alikabok sa hangin, at hindi na mababalot ng putik ang lupa. Agad magliliwanag ang Aking mga mata, kaya titingala sa Akin ang mga tao mula sa lahat ng mga lupain at manganganlong sila sa Akin. Sa mga tao sa mundo ngayon—kabilang na ang lahat ng mga nasa Aking sambahayan—sino ang tunay na nanganganlong sa Akin? Sino ang nagbibigay ng kanilang puso bilang kapalit ng halaga na Aking binayaran? Sino na ang nanahan sa Aking sambahayan? Sino na ang tunay na naghandog ng kanilang mga sarili sa Aking harapan? Kapag gumawa Ako ng mga pangangailangan sa tao, kaagad niyang isinasara ang kanyang “maliit na kamalig.” Kapag nagbibigay Ako sa tao, agad niyang binubuksan ang kanyang bibig upang lihim na makuha ang Aking mga kayamanan, at madalas siyang nanginginig sa kanyang puso, sa lalim ng takot niyang gagantihan Ko siya. Kaya ang bibig ng tao ay kalahating bukas at kalahating sarado, at wala siyang kakayahang tunay na tamasahin ang mga kasaganaan na ipinagkakaloob Ko. Hindi Ko pinarurusahan agad ang tao, ngunit palagi niya Akong kinokontrol at hinihiling na ipagkaloob Ko ang awa sa kanya; ipinagkakaloob Ko lamang muli ang awa sa tao kapag nagsusumamo siya sa Akin, at ipinahahayag Ko sa kanya ang pinakamalupit na salita ng Aking bibig, para agad siyang makakaramdam ng hiya, at, dahil wala siyang kakayahang tanggapin nang direkta ang Aking “awa,” sa halip ay hinahayaan niya na lang na ipasa ito sa kanya ng iba. Kapag lubusan niyang naunawaan ang lahat ng Aking mga salita, nagiging akma ang tayog ng tao sa mga kagustuhan Ko, at ang mga pagsusumamo niya ay nagiging mabunga at hindi na walang kabuluhan o walang saysay; pinagpapala Ko ang mga taos-puso at hindi mapagkunwaring pagsusumamo ng sangkatauhan.

Christians of The Church of Almighty God Will Be Brutally Persecuted by the CCP Once Repatriated


Christians of The Church of Almighty God Will Be Brutally Persecuted by the CCP Once Repatriated

On January 4, 2018, according to the U.S. State Department, pursuant to the 1998 International Religious Freedom Act, China is re-designated as a “Country of Particular Concern.” This is the nineteenth consecutive year that China is included in the “Country of Particular Concern” list. At the same time, when the freedom of religious belief in China draws great attention of the U.S. government, the asylum applications of many Christians of The Church of Almighty God who had been persecuted by the CCP, and who had fled abroad to South Korea and European countries, are denied again and again. These governments even issued orders for their deportation and had their Alien Registration Cards withdrawn. Once repatriated to China, these Christians are bound to face the CCP’s arrest, torture and imprisonment, even the danger of death. Their situations are critical!
Recommendation:Investigating the Eastern Lightning
The Return of the Lord Jesus
What Is Gospel?

Ene 25, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Kalooban ng Diyos | Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan

    Ang anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ng Diyos ay malapit na ang pagtatapos, at ang pintuang-daan ng kaharian ay ibinukas na para sa kanilang mga nagnanais makita ang pagpapakita ng Diyos. Mga mahal na kapatid, ano pa ang hinihintay ninyo? Ano ang hinahanap ninyo? Kayo ba ay hinihintay ang pagpapakita ang Diyos? Kayo ba ay hinahanap ng mga yapak ng Diyos? Talagang lubos na pinanabikan ang pagpapakita ng Diyos! At talagang napakahirap hanapin ang mga yapak ng Diyos! Sa panahong tulad ngayon, sa mundong tulad ito, ano ang nararapat nating gawin upang masaksihan natin ang araw ng pagpapakita ng Diyos? Ano ang nararapat nating gawin upang masundan ang mga yapak ng Diyos? Ang mga katanungang ito ay hinaharap ng lahat ng naghihintay ng pagpapakita ng Diyos. Naisip ninyo na ang lahat ng mga ito hindi lang miminsan ngunit ano ang kinalabasan? Saan nagpapakita ang Diyos? Saan ang mga yapak ng Diyos? Natagpuan ba ninyo ang mga sagot? Marami sa mga sagot ng tao ay ganito: Ang Diyos ay nagpapakita sa mga sumusunod sa Kanya at ang Kanyang mga yapak ay narito sa atin; ganyan lamang kapayak! Kahit sino ay makapagbibigay ng tuntuning sagot, ngunit naiintindihan ba ninyo kung ano ang pagpapakita ng Diyos, at kung ano ang mga yapak ng Diyos? Ang pagpapakita ng Diyos ay tumutukoy sa Kanyang personal na pagdating sa lupa upang gampanan ang Kanyang gawain. Dala ang Kanyang pagkakakilanlan at disposisyon, at ang Kanyang likas na pamamaraan, Siya ay bumaba sa sangkatauhan upang isakatuparan ang gawain sa pag-umpisa ng isang Kapanahunan at pagtatapos ng isang panahon. Ang uri ng pagpapakitang ito ay hindi isang anyo ng seremonya. Ito ay hindi isang simbolo, isang larawan, isang himala, o magarbong pangitain, at lalong hindi ito isang relihiyosong pamamaraan. Ito ay isang tunay at makatotohanang kaalaman na maaaring hawakan at makita. Ang uri ng pagpapakitang ito ay hindi upang sumunod lamang sa isang pamamaraan, o para sa isang panandaliang panukala; ito ay, sa halip, para sa kapakanan ng isang yugto ng gawain sa Kanyang plano sa pamamahala. Ang pagpapakita ng Diyos ay laging makabuluhan, at ito ay laging kaugnay ng Kanyang plano sa pamamahala. Ang pagpapakitang ito ay lubos na naiiba sa pagpapakita ng patnubay ng Diyos, pamumuno, at pagliliwanag sa tao. Ang Diyos ay isinasagawa ang isang yugto ng dakilang gawain sa tuwing inihahayag Niya ang Sarili Niya. Ang gawaing ito ay naiiba sa iba sa alinmang mga panahon. Hindi ito lubos na maisip ng tao, at hindi rin ito naranasan kailanman ng tao. Ito ay gawain na naguumpisa ng bagong Kapanahunan at nagwawakas ng lumang panahon, at ito ay isang bago at pinahusay na anyo ng gawain, para sa kaligtasan ng sangkatauhan; bukod dito, it ang gawaing pagdadala sa sangkatauhan sa bagong kapanahunan. Iyan ang kahalagahan ng pagpapakita ng Diyos.