菜單

Ene 12, 2018

May Dakilang Kaligayahan sa Katapatan

 Diyos, katapatan, matapat, Pag-asa

Mga patotoo‘t karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | May Dakilang Kaligayahan sa Katapatan

Gan’en    Lungsod ng Hefei, Lalawigan ng Anhui
    Sa buhay ko, palagi akong namuhay sa pariralang, “Hindi dapat magkaroon ang isang tao ng pusong mapaminsala sa iba, ngunit dapat maging mapagbantay upang hindi mapinsala” sa pakikipag-ugnayan sa lipunan. Hindi ako kailanman nagbibigay ng tiwala sa iba nang basta-basta. Palagi kong nadama na sa mga sitwasyon kung saan hindi mo alam ang tunay na mga intensyon ng isang tao, hindi mo dapat ipakita ang iyong intensyon ng masyadong maaga. Kaya, sapat nang panatilihin ang mapayapang pag-uugali—sa ganitong paraan ay napoprotektahan mo ang iyong sarili at iisipin ka ng iyong mga katulad bilang isang “mabuting tao.”

Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (4) – Pagkabulok


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (4) – Pagkabulok

Naharap sa masamang mundo at malupit na katotohanan, sa kalungkutan, tinalikuran ni Xiaozhen ang kanyang integridad at nagpunyaging magbalatkayo. Mula sa sandaling iyon, naligaw na siya ng landas …
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga’t nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
Rekomendasyon:Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!

Ene 11, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Ikalabing-walong Pagbigkas

kabanalan, Kidlat ng Silanganan, paggalang, pagkamatuwid

Ang Ikalabing-walong Pagbigkas


   Sa isang siklab ng kidlat, naibubunyag ang bawat hayop sa tunay na anyo nito. Gayundin naman, dahil sa paglilinaw ng Aking liwanag, nabawi ng sangkatauhan ang kabanalang dati minsan nilang tinaglay. O, na sa wakas ang tiwaling mundo ng nakaraan ay nabuwal tungo sa maruming tubig at, habang lumulubog pailalim, naglaho sa putikan! O, na sa wakas muling nabuhay sa liwanag ang buong sangkatauhan na Aking nilikha, nahanap ang pundasyon ng pag-iral, at tumigil sa pakikibaka sa putikan! O, ang mga hindi mabilang na nilikhang hawak Ko sa Aking mga kamay! Paanong hindi sila mapaninibago sa pamamagitan ng Aking mga salita? Paanong hindi nila magagampanan sa liwanag ang kanilang mga layunin? Hindi na payapa at tahimik ang mundo, hindi na mapanglaw at malungkot ang langit. Hindi na pinaghihiwalay ng isang puwang ang langit at lupa, nagkaisa na sila, at kailanman hindi na muling paghihiwalayin pa. Sa napakasayang pangyayaring ito, sa sandali ng pagbubunyi, ang Aking pagkamatuwid at ang Aking kabanalan ay umabot sa buong sansinukob, at walang humpay na pinupuri iyon ng buong sangkatauhan. Tumatawang may kagalakan ang mga bayan ng langit, at nagsasayawan ang mga kaharian ng lupa nang may kagalakan. Sino ang hindi nagagalak sa sandaling ito? At sino ang hindi umiiyak sa sandaling ito? Ang mundo sa una nitong kalagayan ay kabilang sa langit, at nakaugnay ang langit sa lupa. Ang tao ang nag-uugnay sa langit at lupa, at salamat sa kanyang kabanalan, salamat sa kanyang pagpapanibago, hindi na lingid sa lupa ang langit, at hindi na nananatiling tahimik ang lupa sa langit. Nababalot sa ngiti ng kasiyahan ang mga mukha ng sangkatauhan, at naitago sa kanilang mga puso ang isang tamis na walang hangganan. Hindi nakikipag-away ang tao sa kapwa tao, at hindi rin sila nakikipagdagukan sa isa’t isa. Sa Aking liwanag, mayroon bang namumuhay nang hindi matiwasay kasama ang iba? Sa Aking panahon, mayroon bang nagbibigay ng kahihiyan sa pangalan Ko? Nakatuon sa Akin ang magalang na pagtingin ng buong sangkatauhan, at lihim silang tumatawag sa Akin sa kanilang mga puso. Sinaliksik Ko ang bawat pagkilos ng sangkatauhan: Sa mga taong nalinis, walang hindi masunurin sa Akin, walang makapagbibigay ng paghatol sa Akin. Napupuspos ang lahat ng sangkatauhan sa Aking disposisyon. Nakikilala na Ako ng bawat tao, mas lumalapit sila sa Akin, at sinasamba nila Ako. Tumindig Ako sa espiritu ng tao, dinadakila Ako sa mata ng tao sa pinakamataas na tugatog, at dumadaloy ito sa dugo sa kanyang mga ugat. Pinupuno ng masayang pagbubunyi sa puso ng mga tao ang bawat lugar sa balat ng lupa, masigla at sariwa ang hangin, hindi na tinatalukbungan ng hamog ang lupa, at maningning ang sikat ng araw.

Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (5) – Buhay sa Sayawan


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (5) – Buhay sa Sayawan

Nabubuhay sa kanyang balatkayo, unti-unting naging bahagi at nilamon si Xiaozhen ng mundong ito. Nawalan siya ng dangal sa gitna ng kasamaan ng masamang mundo …
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga’t nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
Rekomendasyon:Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!

Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (6) – Pagbabalik


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (6) – Pagbabalik

Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kapag ikaw ay nanghihina at kapag ikaw ay nagsimula nang makaramdam ng kapanglawan ng mundong ito, huwag nang maguluhan, huwag kang umiyak. Ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat, ang Tagabantay, ay tatanggap sa iyong pagdating anumang oras. Nagbabantay Siya sa iyong tabi, naghihintay para sa iyong pagbabalik. Siya ay naghihintay para sa araw ng pagbabalik ng iyong gunita …” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Katulad ni Xiaozhen na naiwang pasa-pasa at bugbog ng mundong ito at nawalan ng pag-asa, nadama niya ang pagmamahal ng Makapangyarihang Diyos at napukaw ang kanyang puso …

Ene 10, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikalabimpitong Pagbigkas

 Kaligtasan, Kidlat ng Silanganan, Pag-asa, Paghatol


Ang Ikalabimpitong Pagbigkas


   Umaalingawngaw ang Aking tinig tulad ng kulog na tumatanglaw sa apat na kwandrante at sa buong mundo, at sa kalagitnaan ng kulog at kidlat, pinababagsak ang sangkatauhan. Walang taong kailanman ang nanatiling matatag sa gitna ng kulog at kidlat: Karamihan ng mga tao ay nasisindak na halos mawalan ng isip sa pagdating ng Aking liwanag, hindi nila malaman kung ano ang gagawin. Nang nagsimulang magpakita ang bahagyang sinag ng liwanag sa Silangan, maraming tao ang biglaang napukaw mula sa kanilang mga ilusyon nang naantig sila ng bahagyang liwanag na ito. Ngunit wala ni isa na kailanma’y nakaunawa na dumating na ang araw na bumababa sa mundo ang Aking liwanag. Karamihan sa mga tao ay natulala sa biglaang pagdating ng liwanag; pinagmasdan ito nang mabuti ng ilan sa kanila na may pagtitig ng mausisang pagkabighani, at pinagmamasdan ang mga paggalaw ng liwanag at kung saang direksyon ito patungo; o ang iba ay nakatayong handa sa pagharap nila sa liwanag, upang baka sakaling mas malinaw nilang maunawaan ang pinagmulan kung saan nanggaling ang liwanag. Kung ganito man ang nangyari, may sinuman bang nakatuklas kung gaano kahalaga ang liwanag sa ngayon? May sinuman bang napukaw kailanman sa pagiging katangi-tangi ng liwanag? Karamihan sa mga tao ay naguguluhan lamang; nasusugatan sila sa mga mata at nasusubsob sila sa putik sa pamamagitan ng liwanag. Maaaring sabihin na, habang nasa ilalim ng malabong liwanag na ito, natatalukbungan sa ilalim ng kaguluhan ang daigdig, gumagawa ng nakalulungkot na tanawing hindi makayanang tingnan na, kung sinusuri nang malapitan, sinasalakay ang isang tao ng napakatinding kalungkutan. Mula dito malalaman na, kapag ang liwanag ay nasa pinakamalakas nito, hindi pahihintulutan sa gayong kalagayan ng mundo na tumayo ang sangkatauhan sa Aking harapan. Ang sangkatauhan ay nasa abot ng kaningningan ng liwanag; muli, ang sangkatauhan ay nasa abot ng pagliligtas ng liwanag ngunit kasabay nito, nasa abot din ng mga sugat na ipinataw ng liwanag: Mayroon bang sinuman na hindi abot sa ilalim ng nakamamatay na dagok ng liwanag? Mayroon bang sinuman na makatatakas sa pagsunog ng liwanag? Nakapaglakad na Ako sa buong ibabaw ng mundo, isinasabog ng Aking mga kamay ang mga binhi ng Aking Espiritu, upang ang buong sangkatauhan sa daigdig ay maaantig Ko dahil dito. Mula sa kataas-taasang tugatog sa kalangitan, tinatanaw Ko ang buong daigdig, pinagmamasdan ang kakatwa at kamangha-manghang kababalaghan ng mga nilikha sa mundo. Ang ibabaw ng dagat ay parang nagdurusa sa pagyanig ng lindol: Ang mga ibong-dagat ay lumilipad paroo’t parito, naghahanap ng isdang malululon. Samantala, lubusang hindi ito alam sa ilalim ng dagat, na kung saan ang kundisyon sa ibabaw ay hindi kayang pukawin upang mamalayan, dahil ang sahig ng karagatan ay kasing-payapa ng ikatlong langit: Ang nabubuhay dito malaki man o maliit ay sama-samang umiiral nang magkaayon, at hindi kailanman nasasangkot sa “mga pagtatalo ng bibig at dila.” Sa di-mabilang na kakaiba at nakakatuwang kababalaghan, ang sangkatauhan ang siyang pinaka-nahihirapang magbigay sa Akin ng kaluguran. Ito ay dahil masyadong mataas ang posisyong ibinigay Ko sa tao, at kaya ang kanyang ambisyon ay masyadong matayog, at sa kanyang mga mata ay palaging may sukat ng paghihimagsik. Napapaloob sa Aking pagdisiplina sa tao, napapaloob sa Aking paghatol sa kanya, nagkaroon na ng marami na pag-iingat, marami na kahabagan, ngunit sa mga bagay na ito wala ang sangkatauhan kahit na pinakakaunting kamalayan. Wala Akong napagmalupitan kailanman na kahit sinong tao: Ako ay nagpatupad lamang ng nararapat na pagtutuwid noong naging masuwayin ang sangkatauhan, at nang naging mahina ang tao, naghandog lamang ng nararapat na tulong. Ngunit, kapag ang sangkatauhan ay patuloy na lumalayo sa Akin at dagdag pa nito, ginagamit ang mapanlinlang na pakana ni Satanas upang maghimagsik laban sa Akin, kaagad Kong lilipulin ang sangkatauhan, hindi binigbigyan ng pagkakataon ang mga tao na makapagparangya ng kanilang mga kakayahan sa harap Ko, upang hindi na sila palalong lumakad na may karangyaan at katayugan, paghahari-harian sa iba, sa ibabaw ng mundo.

Ene 9, 2018

Christian Family Film Festival: Chronicles of Religious Persecution in China – Silver Medal Winner


Christian Family Film Festival: Chronicles of Religious Persecution in China – Silver Medal Winner

On October 1, 2017, the three-day Christian Family Film Festival in Ellington, New York came to a close. The full human rights documentary produced by The Church of Almighty God, Chronicles of Religious Persecution in China, stood out from the crowd among a number of the films shown, winning the silver medal. This documentary, a true account of the Chinese Communist government’s wanton violations of human rights and brutal murders of Christians, provides international society with a deeper understanding of the inside story of the Chinese government’s oppression of religious faith, offering detailed and powerful evidence. The film has received widespread attention and praise since its release.