菜單

Dis 30, 2017

Pag-bigkas ng Diyos | Sinabi ng Panginoong Jesus na Siya ay babalik, at ano ang paraan ng Kanyang pagbabalik?

 Ang muling pagkabuhay, Cristo, Jesus, Kaligtasan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Sinabi ng Panginoong Jesus na Siya ay babalik, at ano ang paraan ng Kanyang pagbabalik?

Ang Sagot mula sa Salita ng Diyos:
    Sa loob ng libong mga taon, inasam ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Inasam ng tao na makita si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, sa Kanyang pagkatao, sa mga taong nanabik at naghangad sa Kanya sa loob ng libong mga taon. Hinangad ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muling makiisa sa mga tao, yan ay, na si Jesus na Tagapagligtas ay bumalik sa mga tao na napahiwalay sa Kanya sa loob ng libong mga taon. At umaasa ang tao na muli Niyang isasagawa ang gawain ng pagtubos na ginawa Niya sa mga Hudyo, magiging mahabagin at mapagmahal sa tao, magpapatawad sa mga kasalanan ng tao, dadalhin ang mga kasalanan ng tao, at papasanin na pati lahat ng mga paglabag ng tao, at ililigtas ang tao mula sa kasalanan. Hangad nila na si Jesus na Tagapagligtas na maging katulad dati—isang Tagapagligtas na kaibig-ibig, magiliw at kagalang-galang, na hindi kailanman mabagsik sa tao, at na hindi kailanman sinisisi ang tao. Ang Tagapagligtas na ito ay nagpapatawad at pinapasan ang lahat ng mga kasalanan ng tao, at namatay rin muli sa krus para sa tao. Mula nang lumisan si Jesus, ang mga disipulo na sumunod sa Kanya, at lahat ng mga santo na naligtas na nagpapasalamat sa Kanyang pangalan, ay naging desperado sa pag-asam sa Kanya at hinihintay Siya. Lahat ng mga taong naligtas ng biyaya ni Jesucristo sa panahon ng Kapanahunan ng Biyaya ay nananabik sa nakakagalak na araw sa panahon ng mga huling araw, kapag si Jesus ang Tagapagligtas ay dumating sakay sa isang puting ulap at magpakita sa tao. Mangyari pa, ito rin ang sama-samang pagnanais ng lahat ng mga taong tumatanggap sa pangalan ni Jesus na Tagapagligtas ngayon. Sa buong sansinukob, lahat ng mga tao na nakakaalam sa pagliligtas ni Jesus na Tagapagligtas ay naging desperado nang may matinding pagnanais sa biglaang pagdating ni Jesucristo, upang tuparin ang mga salita ni Jesus nang nasa lupa: “Babalik ako tulad ng Aking paglisan.” Ang tao ay naniniwala na, sumunod sa pagpako sa krus at muling pagkabuhay na mag-uli, si Jesus ay bumalik sa langit sa ibabaw ng isang puting ulap, at naupo sa Kanyang luklukan sa kanan ng Kataas-taasan. Kahalintulad din, nag-iisip ang tao na si Jesus ay bababa muli sakay sa isang puting ulap (ang ulap na ito ay tumutukoy sa ulap na sinakyan ni Jesus nang bumalik Siya sa langit), sa mga taong naging desperado sa pananabik sa Kanya sa loob ng libong mga taon, at na dadalhin Niya ang imahe at mga pananamit ng mga Hudyo. Matapos ang pagpapakita sa mga tao, magbibigay Siya ng pagkain sa kanila, magiging dahilan ng pagbukal ng buhay na tubig para sa kanila, at mamumuhay kasama ng mga tao, puspos ng biyaya at pagmamahal, buhay at tunay. At iba pa. Datapwat si Jesus na Tagapagligtas ay hindi ganito ang ginawa; ginawa Niya ang kabaliktaran nang iniisip ng tao. Hindi Siya dumating doon sa mga taong naghahangad sa Kanyang pagbabalik at hindi nagpakita sa lahat ng mga tao habang nakasakay sa puting ulap. Siya ay dumating na, subalit hindi Siya kilala ng tao, at nananatiling mangmang sa Kanyang pagdating. Ang tao ay walang layon na naghihintay lamang sa Kanya, walang malay na nakababa na Siya sakay sa isang puting ulap (ang ulap na siyang Kanyang Espiritu, Kanyang mga salita, at Kanyang buong disposisyon at lahat ng Siya), at ngayon ay kasama ng isang grupo ng mga mapagtagumpay na Kanyang gagawin sa panahon ng mga huling araw. Hindi ito alam ng tao: Bagaman ang banal na Tagapagligtas na si Jesus ay puno ng pagkagiliw at pagmamahal sa tao, paano Siya makakagawa sa mga “templo” na pinamamahayan ng karumihan at di-malinis na mga espiritu? Bagaman hinihintay ng tao ang Kanyang pagdating, paano Siya maaaring magpakita sa mga taong kumakain ng laman ng mga di-matuwid, umiinom ng dugo ng di-matuwid, nagsusuot ng mga damit ng di-matuwid, na naniniwala sa Kanya ngunit hindi Siya kilala, at patuloy na kinikikilan Siya? Ang tanging alam lang ng tao ay na si Jesus na Tagapagligtas ay puno ng pagmamahal at habag, at ang paghahandog para sa kasalanan ay puspos ng pagtubos. Ngunit ang tao ay walang idea na Siya rin ay ang Diyos Mismo, na nag-uumapaw sa pagkamatuwid, kamahalan, matinding galit, at paghatol, at nag-aangkin ng awtoridad at puno ng dangal. At sa gayon bagaman masugid na nagnanais at nananabik sa pagbabalik ng Manunubos, at kahit ang Langit ay naaantig sa mga dalangin ng tao, si Jesus na Tagapagligtas ay hindi nagpapakita sa mga taong naniniwala sa Kanya subalit hindi Siya nakikilala.
mula sa “Ang Tagapagligtas ay Bumalik na Nakatuntong sa ‘Puting Ulap’”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang Kahalagahan ng Koordinasyon sa Serbisyo

Diyos, Iglesia, maghanap, maglingkod


Mga patotoo‘t karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Kahalagahan ng Koordinasyon sa Serbisyo

Mei Jie    Lungsod ng Jinan, Lalawigan ng Shandong
    Pagkatapos na baguhin ang administrasyon ng iglesia pabalik sa orihinal na anyo nito, itinatag ang pakikipagtambalan para sa bawat antas ng pinuno sa sambahayan ng Diyos. Sa panahong iyon ay inakala ko na ito ay isang magandang pagsasaayos. Mababa lang ang kalibre ko at napakarami ng aking gawain; Kailangan ko talaga ng kasama upang tulungan akong makumpleto ang lahat ng uri ng gawain sa aking rehiyon.

Dis 29, 2017

Salita ng Diyos | Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan sa Kaligtasan ng Diyos na Nagkatawang-tao

karunungan, Katawan ni kristo, pananampalataya sa Diyos, praktikal

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan sa Kaligtasan ng Diyos na Nagkatawang-tao

    Naging nagkatawang-tao ang Diyos dahil ang pakay ng Kanyang gawain ay hindi ang espiritu ni Satanas, o anumang walang katawang-tao na bagay, kundi ang tao, na katawang-tao at ginawang tiwali ni Satanas. Ito ay tiyak na dahil ang katawang-tao ng tao ay naging tiwali kaya ginawa ng Diyos ang taong nagkatawang-tao na pakay ng Kanyang gawain; bukod dito, sapagka’t ang tao ay ang pakay ng katiwalian, ginawa Niya ang tao na tanging layon ng Kanyang gawain sa lahat ng mga yugto ng Kanyang gawain ng pagliligtas. Ang tao ay isang may kamatayan na nilalang, na may katawang-tao at dugo, at ang Diyos lamang ang Nag-iisa na maaaring magligtas sa tao. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay dapat maging isang tao na nagtataglay ng parehong mga katangian bilang tao upang gawin ang Kanyang gawain, upang makamit ng Kanyang gawain ang mas mahusay na mga epekto. Kailangang maging tao ng Diyos upang gawin ang Kanyang gawain dahil ang tao ay sa katawang-tao, at hindi kayang pagtagumpayan ang kasalanan o alisin ang sarili sa katawang-tao. Kahit na ang diwa at pagkakakilanlan ng Diyos na nagkatawang-tao ay malaki ang pagkakaiba mula sa diwa at pagkakakilanlan ng tao, gayon pa man ang Kanyang hitsura ay kapareho ng tao, nasa Kanya ang hitsura ng isang pangkaraniwang tao, at pinangungunahan ang buhay ng isang karaniwan na tao, at yaong mga makakakita sa Kanya ay walang makikitang pagkakaiba sa isang karaniwang tao. Ang karaniwang hitsura na ito at normal na pagkatao ay sapat para sa Kanya na gawin ang Kanyang banal na gawain sa normal na pagkatao. Ang Kanyang katawang-tao ay nagbibigay-daan sa Kanya na gawin ang Kanyang gawain sa normal na pagkatao, at tumutulong sa Kanya na gawin ang Kanyang gawain sa gitna ng tao, at ang Kanyang normal na pagkatao, bukod doon, ay tumutulong sa Kanya na isagawa ang gawain ng pagliligtas sa gitna ng tao. Kahit ang Kanyang normal na pagkatao ay naging sanhi ng malaking kaguluhan sa gitna ng tao, ang ganoong kaguluhan ay hindi nakaapekto sa karaniwang mga bunga ng Kanyang gawain. Sa madaling salita, ang gawain ng Kanyang normal na katawang-tao ay may sukdulang pakinabang sa tao. Kahit na karamihan sa mga tao ay hindi tinatanggap ang Kanyang normal na pagkatao, ang Kanyang gawain ay maaari pa ring maging mabisa, at ang mga epekto na ito ay nakakamit salamat sa Kanyang normal na pagkatao. Ito ay walang pag-aalinlangan. Mula sa Kanyang gawain sa katawang-tao, ang tao ay makakakuha ng sampung beses o dose-dosenang beses na higit na mga bagay kaysa sa mga pagkaintindi na umiiral sa gitna ng tao tungkol sa Kanyang normal na pagkatao, at ang ganoong mga pagkaintindi sa huli ay dapat na lahat ay lulunin ng Kanyang gawain. At ang epekto na nakamit ng Kanyang gawain, na kung sabihin, ang kaalaman ng tao tungo sa Kanya, ay malayong mahigitan ang mga pagkaintindi ng tao tungkol sa Kanya. Walang paraan upang isipin o sukatin ang gawain na ginagawa Niya sa katawang-tao, dahil ang Kanyang katawang-tao ay hindi katulad ng sinumang tao sa katawang-tao; kahit na ang panlabas na balat ay magkapareho, ang sangkap ay hindi pareho. Ang Kanyang katawang-tao ay gumagawa ng maraming mga pagkaintindi sa gitna ng tao tungkol sa Diyos, gayon pa man ang Kanyang katawang-tao ay maaari ring payagan ang tao upang makakuha ng maraming kaalaman, at maaari ding lupigin ang sinumang tao na nagmamay-ari ng isang katulad na panlabas na balat. Dahil Siya ay hindi lamang isang tao, kundi ang Diyos na may panlabas na balat ng isang tao, at walang maaaring ganap na tarukin o makaintindi sa Kanya. Ang isang hindi nakikita at hindi mahipo na Diyos ay minamahal at tinatanggap ng lahat. Kung ang Diyos ay isa lamang Espiritu na hindi nakikita ng tao, napakadali para sa tao na maniwala sa Diyos. Ang tao ay maaaring magbigay ng libreng renda sa kanyang imahinasyon, maaaring pumili ng kahit anong imahe na gusto niya bilang imahe ng Diyos upang malugod ang kanyang sarili at gawing masaya ang kanyang sarili. Sa ganitong paraan, maaaring gawin ng tao ang anuman na pinaka-kasiya-siya sa kanyang sariling Diyos, at na kung saan ang Diyos na ito ay pinakahanda na gawin, nang walang anumang pag-aalinlangan. Higit pa rito, ang tao ay naniniwala na walang sinuman ang mas tapat at masipag kaysa kanya sa kabanalan sa Diyos, at na ang lahat ng iba ay mga Gentil na mga aso, at mga di-matapat sa Diyos. Maaaring sabihin na ito ang hinahangad ng mga malabo at batay sa doktrina ang paniniwala sa Diyos; ang kanilang hinahanap ay lahat ng higit na magkakapareho, na may kaunting pagkakaiba. Ito lamang dahil sa ang mga imahe ng Diyos sa kanilang mga imahinasyon ay naiiba, ngunit ang kanilang diwa ay tunay na pareho.

Nakita Ko Nang Malinaw ang Aking Tunay na Katayuan

Mga patotoo‘t karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Nakita Ko Nang Malinaw ang Aking Tunay na Katayuan

Ding Xiang, Lungsod ng Tengzhou, Lalawigan ng Shandong
    Sa isang pulong ng mga lider ng iglesia na minsan kong dinaluhan, isang bagong halal na pinuno ng iglesia ang nagsabi: “Wala akong sapat na katayuan. Pakiramdam ko ay hindi ako angkop sa pagtupad sa tungkulin na ito. Nagigipit ako ng napakaraming mga bagay, hanggang sa hindi ako makatulog nang ilang araw at gabi na magkakasunod…” Sa panahong iyon, nagdadala ako ng mga pasanin sa aking paghanap sa Diyos, kaya nakipag-usap ako sa kanya: “Lahat ng gawain ay ginagawa ng Diyos; ang tao ay nakikipagtutulungan lamang ng kaunti. Kung ang pakiramdam natin ay nabibigatan tayo, ang paglapit sa Diyos nang mas madalas at pag-asa sa Diyos ay tiyak na magpapakita sa atin ng pagkamakapangyarihan at karunungan ng Diyos. Ang pagkaramdam ng pasanin mula sa ating gawain ay isang magandang bagay. Ngunit kung ang pasanin ay nagiging kabalisahan, ito ay magiging isang balakid, at hahantong sa pagiging negatibo at maging ng maling pagkaunawa ukol sa Diyos.” Sa ilalim ng patnubay ng Diyos, nadama ko na ang aking mga pakikipag-usap ay talagang nakapagpapalinaw. Kinikilala din ng kapatid na babaeng iyon na siya ay nasa isang sitwasyon kung saan ang Diyos ay walang lugar sa kanyang puso, at ginagawa niya ito sa kanyang sarili sa halip na umasa sa Diyos, at sa gayon ay natagpuan niya ang landas sa pagpasok. Masayang-masaya ako noong panahong iyon dahil naisip ko na kaya kong lutasin ang suliranin ng kapatid na babae, na nagpapatunay na ako ay nagtataglay ng katunayan ng aspetong ito ng katotohanan.

Dis 28, 2017

Ang Kalooban ng Diyos | Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Kalooban ng Diyos | Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

    Ang daan ng buhay ay hindi isang bagay na maaaring taglayin ng kahit na sino lang, ni hindi rin ito madaling makamtan ng lahat. Ito ay dahil sa ang buhay ay maaari lang magmula sa Diyos, na ibig sabihin, ang Diyos Mismo lang ang may taglay ng sangkap ng buhay, walang ibang daan ng buhay kung wala ang Diyos Mismo, sa gayon ang Diyos lang ang pinanggagalingan ng buhay, at ang walang hanggang umaagos na bukal ng buhay na tubig ng buhay. Simula nang Kanyang likhain ang mundo, maraming nagawa ang Diyos ukol sa kasiglahan ng buhay, maraming nagawa na nagbigay buhay sa tao, at nagbayad ng napakalaking halaga upang ang tao ay makamtan ang buhay, sapagkat ang Diyos Mismo ang buhay na walang hanggan, at ang Diyos Mismo ang daan upang ang tao ay mabuhay muli.

Isang Pag-unawa ng Pagkakaligtas

Mga patotoo’t karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Pag-unawa ng Pagkakaligtas

Lin Qing    Lungsod ng Qingzhou, Lalawigan ng Shandong
   Sa loob ng mga nakaraang ilang taon ng pagsunod sa Diyos, tinalikdan ko ang kasiyahan ng aking pamilya at ng laman, at ako ay okupado buong araw sa pagtutupad ng aking tungkulin sa iglesia. Kaya ako’y naniwala: Hangga’t hindi ko pabayaan ang gawain sa iglesia na ipinagkatiwala sa akin, hindi ko pagtaksilan ang Diyos, hindi lumisan sa iglesia, at sundan ang Diyos hanggang sa dulo, ako ay patatawarin at ililigtas ng Diyos. Naniwala rin ako na ako ay tumatahak sa landas ng kaligtasan mula sa Diyos, at ang kailangan ko lamang gawin ay sundan Siya hanggang sa katapusan.

Dis 27, 2017

Kristiyanong Pelikula (Tagalog) | Sa Katindihan ng Taglamig | Ang Matagumpay na Patotoo ng isang Cristiano


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos| Kristiyanong Pelikula (Tagalog) | Sa Katindihan ng Taglamig | Ang Matagumpay na Patotoo ng isang Cristiano

Ang pangalan niya ay Xiao Li. Naninwala siya sa Diyos nang mahigit sa isang dekada. Noong taglamig ng 2012, inaresto siya ng pulisya ng Komunistang Tsino sa isang kongregasyon. Sa panahon ng pagsisiyasat, paulit-ulit siyang hinikayat, binantaan, binugbog at pinahirapan ng pulisya sa kanilang pagtatangka na akitin siya na ipagkanulo ang Diyos sa pamamagitan ng pagbubunyag ng kinaroroonan ng mga lider at pera ng iglesia. Partikular sa isang nagyeyelong gabi nang ang temperatura ay mas mababa ng 20 degrees sa zero, pinuwersa siyang hubaran, ibinabad sa nagyeyelong tubig, sinindak ng kuryente sa kanyang maselang bahagi, at puwersahang pinainom ng mustasang tubig ng mga pulis….Nagdusa siya sa malupit na pagpapahirap at hindi maipaliwanag na pagkapahiya. Sa panahon ng pagsisiyasat, nasaktan at napahiya siya. Desperado siyang nanalangin sa Diyos nang paulit-ulit. Binigyan siya ng napapanahong pagliliwanag at patnubay ng salita ng Diyos. Sa pananampalataya at lakas na tinanggap niya mula sa salita ng Diyos, nalampasan niya ang mabagsik na pagpapahirap at malademonyong pinsala at nagbigay ng kahanga-hanga at tumataginting na pagsaksi. Tulad ng bulaklak ng sirwelas sa taglamig, nagpakita siya ng matatag na kalakasan sa pamamagitan ng pamumukadkad nang may buong kapurihan sa gitna ng matinding kahirapan, na pinagmumulan ng kalugud-lugod na katahimikan …