Dis 27, 2017
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Diyos Lamang ang May Landas ng Buhay
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Diyos Lamang ang May Landas ng Buhay
Panimula
Diyos Lamang ang May Landas ng Buhay
I
Ang landas ng buhay ay bagay na di-taglay ng sinuman;
bagay na di madaling kunin ng kahit na sino.
Dahil buhay ay sa Diyos lang nagmumula,
Diyos lang ang may diwa ng buhay,
Diyos lang ang may landas ng buhay.
Kaya Diyos lang pinagmumulan ng buhay,
at ang laging dumadaloy na bukal ng buhay na tubig ng buhay.
Mula sa paglikha ng mundo, maraming gawaing nagawa ang Diyos
na kasama ang sigla, na nagbibigay ng buhay sa tao;
Nagbayad Siya nang mahal upang tao’y makatamo ng buhay.
Dahil ang Diyos Mismo ang walang hanggang buhay;
Siya ang daan upang tao’y muling mabuhay.
Dis 26, 2017
Pag-bigkas ng Diyos | Alam Mo Ba? Nakágáwâ ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Alam Mo Ba? Nakágáwâ ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao
Ang lumang kapanahunan ay wala na, at ang bagong kapanahunan ay dumating na. Taun-taon at araw-araw, nakágáwâ ng maraming gawain ang Diyos. Siya ay pumarito sa mundo at pagkatapos ay lumisan din. Paulit-ulit na nagpatuloy ito sa maraming salinlahi. Sa kasalukuyan, ipinagpapatuloy ng Diyos gaya ng dati ang gawain na nararapat Niyang gawin, ang gawain na hindi pa Niya natatapos, dahil hanggang sa araw na ito ay hindi pa Siya nakápápasok sa kapahingahan. Mula sa panahon ng paglikha hanggang sa kasalukuyan, nakágáwâ ng maraming gawain ang Diyos, nguni’t alam mo bang ang gawain na ginagawa ng Diyos sa araw na ito ay lalong higit kaysa mga gawain Niya noon at nasa lalong nakatataas na antas? Ito ang kung bakit Ko sinasabi na ang Diyos ay nakágáwâ ng isang dakilang bagay sa gitna ng mga tao. Ang lahat ng gawain ng Diyos ay napakahalaga, maging sa tao man o sa Diyos, sapagka’t ang bawa’t bagay sa Kanyang gawain ay may kaugnayan sa tao.
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Alaga ng Diyos ang bawat tao sa lahat ng paraan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Alaga ng Diyos ang bawat tao sa lahat ng paraan
I
Dis 25, 2017
Ang Diwa ng Personal na Paghihiganti
Mga patotoo‘t karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Diwa ng Personal na Paghihiganti
Zhou Li Xintai City, Shandong Province
Ilang panahong nakalipas, kinailangan naming balangkasin ang mga distrito sa loob ng aming lugar, at batay sa aming mga prinsipyo para sa pagpili ng mga pinuno, may isang kapatid na lalaki ang medyo nababagay na kandidato. Pinaghandaan kong i-angat siya bilang pinuno ng distrito. Isang araw habang kausap ko ang kapatid na ito, nabanggit niya na pakiramdam niya’y dominante ako sa aking trabaho, masyadong malakas, at ang isang pagtitipon na kasama ako ay hindi gaanong masaya…. Nang marinig ko ito, pakiramdam ko’y minaliit ako. Labis na sumama ang loob ko; nakabuo kaagad ako ng isang partikular na opinyon sa kapatid na ito, at hindi na binalak pang i-angat siya bilang pinuno ng distrito.
Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ikawalong bahagi)
Mga pagbabasa at pagsasalaysay ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ikawalong bahagi)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Bagamat ang Panginoong Jesus ay muling nabuhay, ang Kanyang puso at ang Kanyang gawain ay hindi iniwanan ang sangkatauhan. Sinabi Niya sa mga tao sa Kanyang pagpapakita na sa anumang anyo Siya umiiral, sasamahan Niya ang mga tao, lalakad kasama nila, at sasakanila sa lahat ng oras at sa lahat ng dako. At sa lahat ng oras at sa lahat ng dako, magkakaloob Siya sa sangkatauhan at papastulin sila, tutulutan silang makita at mahipo Siya, at titiyakin na hindi na nila kailanman mararamdaman ang kawalan ng pag-asa. Gusto din ng Panginoong Jesus na malaman ng mga tao ito: Ang kanilang mga buhay sa mundong ito ay hindi nag-iisa. Ang sangkatauhan ay may pagmamalasakit ng Diyos, kasama nila ang Diyos; ang mga tao ay palaging makaaasa sa Diyos; Siya ang pamilya ng bawat isa sa Kanyang mga tagasunod. Kasama ang Diyos para sandigan, ang sangkatauhan ay hindi na magiging malungkot at mawawalan ng pag-asa, at yaong tumanggap sa Kanya bilang handog sa pagkakasala ay hindi na matatali sa kasalanan. Sa mga mata ng tao, ang mga bahaging ito ng Kanyang gawain na pinatupad ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay ay masyadong malilit na mga bagay, ngunit sa tingin Ko, ang bawat isang bagay ay totoong makahulugan, totoong mahalaga, at lahat sila ay totoong mahalaga at mabibigat."
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Simbolo ng Disposisyon ng Diyos
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Simbolo ng Disposisyon ng Diyos
Panimula
Ang Simbolo ng Disposisyon ng Diyos
I
Ang disposisyon ng Diyos kasamang pag-ibig
N’ya’t pag-aliw sa sangkatauhan,
kasama poot N’ya’t lubos na pag-unawa sa mga tao.
Ang disposisyon ng Diyos,
ang disposisyon ng Diyos
ay isang Pinuno sa lahat ng may buhay
o Diyos ng mga nilikha’y dapat nagtataglay.
Ang disposisyon ng Diyos
kumakatawan ng dangal, kapangyariha’t maharlika.
kumakatawan ng kadakilaan at kataasan.
Diyos ay pinakamataas at marangal,
ang tao’y walang halaga’t mababa.
Diyos isinakripisyo’y sarili para sa tao,
ngunit gawa ng tao’y pansarili lang.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)