菜單

Dis 11, 2017

Babagsak ang Lungsod | Ano ang Diwa ng Pagsalungat ng mga Fariseo sa Diyos

Babagsak ang Lungsod | Ano ang Diwa ng Pagsalungat ng mga Fariseo sa Diyos

Sa dalawang libong taon, kahit na alam ng mga mananampalataya ang katunayan na sumuway ang mga Fariseo sa Panginoong Jesus, walang sinuman sa buong relihiyosong mundo ang tiyak na nakakaalam kung ano ang tunay na dahilan at diwa ng pagsuway sa Diyos ng mga Fariseo. Tanging sa pagdating ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw na maaaring mabunyag ang katotohanan sa katanungang ito. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang mga Fariseong ito sa pagkatao ay mga sutil, mayayabang, at ayaw sumunod sa katotohanan. Ang panuntunan ng paniniwala nila sa Diyos ay: Gaano man kalalim ang pangangaral Mo, gaano man kataas ang Iyong awtoridad, hindi Ikaw si Cristo maliban kung Ikaw ang tinatawag na Mesiyas. Hindi ba katawa-tawa at kakatwa ang mga pananaw na ito?” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Babagsak ang Lungsod | Ang Relihiyosong Mundo ay Sumama sa Pagiging Lungsod ng Babilonia

Babagsak ang Lungsod | Ang Relihiyosong Mundo ay Sumama sa Pagiging Lungsod ng Babilonia

Lumilihis ang mga lider ng relihiyosong mundo mula sa landas ng Panginoon at sinusunod ang mga makamundong kalakaran, nakikipagtulungan din sila sa mabangis na pagsuway at pagbatikos ng namamahalang kapangyarihan sa Kidlat ng Silanganan, at nagsimula na silang maglakad sa landas ng pagsalungat sa Diyos. Ang relihiyosong mundo ay sumama sa pagiging lungsod ng Babilonia. Sinasabi ng Biblia, "At pumasok si Jesus sa templo ng Dios, at itinaboy niya ang lahat na nangagbibili at nangamimili sa templo, at ginulo niya ang mga dulang ng mga mamamalit ng salapi, at ang mga upuan ng mga nagbibili ng mga kalapati; At sinabi niya sa kanila, Nasusulat, Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan, datapuwa't ginagawa ninyong yungib ng mga tulisan” (Mateo 21:12-13). "Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, at naging tahanan ng mga demonio, at kulungan ng bawa't espiritung karumaldumal, at kulungan ng bawa't karumaldumal at kasuklamsuklam na mga ibon. Sapagka't dahil sa alak ng galit ng kaniyang pakikiapid ay nangaguho ang lahat ng mga bansa; at ang mga hari sa lupa ay nangakiapid sa kaniya, at ang mga mangangalakal sa lupa ay nagsiyaman dahil sa kapangyarihan ng kaniyang kalayawan" (Pahayag 18:2-3).

Dis 10, 2017

Ang Nagkatawang-taong Diyos ay Napakahalaga sa Sangkatauhan

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Nagkatawang-taong Diyos ay Napakahalaga sa Sangkatauhan

Diyos na nagkatawang-tao, kaya Niya di kaya ng tao,
dahil diwa Niya’y walang kahalintulad sa tao.
Tao ay maililigtas Niya, dahil pagkakakilanlan Niya’y naiiba.
Ang katawang taong ito ay napakahalaga sa sangkatauhan sapagkat Siya ay tao at higit pa Diyos,
dahil nagagawa N’ya ang hindi nagagawa ng isang ordinaryong tao,
at dahil kaya N’ya iligtas tiwaling tao, na namumuhay kasama N’ya sa lupa.
Bagamat Siya ay magkahawig sa tao, D’yos ay napakahalaga
sa sangkatauhan higit sa sinumang taong may halaga,
dahil nagagawa N’ya ang hindi nagagawa ng Espiritu ng D’yos,
mas may kaya Siyang patotohanan ang Diyos Mismo,
at matamo ang sangkatauhan kaysa sa Espiritu.
Bilang bunga, bagamat itong katawang-tao ay normal at karaniwan,
ang ambag at kabuluhan N’ya sa buong sangkatauhan ay napakahalaga,
at ang tunay na kabuluhan ng katawang-taong ito ay ‘di masusukat ninuman.
Bagamat ang katawang-taong ito ay ‘di kayang direktang sirain si Satanas,
Magagamit N’ya Kanyang gawain upang lupigin ang sangkatauhan at talunin si Satanas,
at gawing ganap na mapasailalim si Satanas sa Kanyang dominyon.
Ito ay dahil nagkatawang-tao ang D’yos
upang matalo Niya si Satanas at magawang iligtas ang sangkatauhan.
Hindi N’ya direktang ginigiba si Satanas,
pero nagiging katawang-tao at sinasakop N’ya ang buong sangkatauhan,
na tiniwali ni Satanas.
Sa pamamagitan nito, mas mahusay Niyang patotohanan ang Sarili sa mga nilikha,
at mailigtas ang tiniwaling sangkatauhan.
Ang paglupig ng nagkatawang-taong D’yos kay Satanas ay mas dakilang patotoo,
at mas mapanghikayat,
kaysa tahasang pagsira kay Satanas sa pamamagitan ng Espiritu ng D’yos.
Ang Diyos na nagkatawang-tao ay mas nakakatulong na makilala ng tao ang buong Maykapal,
at mas masaksihan N’ya Mismo kasama ang mga nilalang.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Umaasa ang Diyos na Makamit ang Totoong Pananampalataya’t Pag-ibig ng Tao Para sa Kanya

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Umaasa ang Diyos na Makamit ang Totoong Pananampalataya’t Pag-ibig ng Tao Para sa Kanya

Umaasa ang Diyos na kapag iyong nauunawaan
ang tunay na bahagi Niya,
sa Kanya’y ikaw ay lalong mapapalapit;
tunay mong mapapahalagahan ang pag-ibig Niya
at malasakit Niya sa sangkatauhan;
puso mo’y ibibigay sa Kanya,
wala nang mga alinlangan
at wala nang mga hinala sa Kanya.
Palihim Niyang ginagawa ang lahat para sa tao.
Kanyang sinseridad, katapatan,
at pag ibig ay lihim na ibinigay sa tao.
‘Di Siya nagsisisi sa Kanyang mga ginagawa;
ni may hinihintay na kapalit sa tao,
o may inaasahang anuman sa kanila.
Ang tanging layunin ng ginagawa Niya ay tunay
na pananampalataya at pag-ibig.

Dis 9, 2017

Clip ng Pelikulang Sino ang Aking Panginoon – Si Cristo ang Pinagmumulan ng Buhay Pati na rin ang Pa…

Clip ng Pelikulang Sino ang Aking Panginoon – Si Cristo ang Pinagmumulan ng Buhay Pati na rin ang Pa…

Ang Biblia ay puno ng salita ng Diyos pati na rin ng karanasan at patotoo mula sa tao na makakapagtustos sa atin ng buhay at labis na kapaki-pakinabang para sa atin. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan: ang sumasampalataya sa akin, bagama’t siya’y mamatay, gayon ma’y mabubuhay siya; At ang sinomang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailan man.” (Juan 11:25-26). Ngunit bakit, pagkalipas ng 2,000 taon, wala sa yaong may pananalig sa Panginoon na nakabasa ng Biblia ang kailanman nakatamo ng buhay na walang hanggan? Maaari bang wala sa Biblia ang daan patungo sa buhay na walang hanggan? Maaari bang hindi ipinagkaloob ng Panginoong Jesus sa sangkatauhan ang daan patungo sa buhay na walang hanggan noong ginampanan Niya ang Kanyang gawaing pagtubos? Ano ang dapat nating gawin upang matamo ang daan ng buhay na walang hanggan?

Dis 8, 2017

Clip ng Pelikulang Paghihintay – Paano Tayo Dapat “Mag-abang at Maghintay” para sa Ikalawang Pagdati…

Clip ng Pelikulang Paghihintay – Paano Tayo Dapat “Mag-abang at Maghintay” para sa Ikalawang Pagdati…

Sa muling pagdating ng Panginoon, bababa kaya Siya na nasa mga alapaap, o darating kaya Siya nang palihim na tulad ng isang magnanakaw? Paano mo haharapin ang pangalawang pagdating ng Panginoon? Masyado ka bang natatakot na iligaw ng isang huwad na Cristo na tatanggi ka nang hanapin Siya, o gagawin mo ang bahagi ng matalinong birhen at maingat na dinggin ang tinig ng Diyos? Paano ba tayo dapat “mag-abang at maghintay” upang magagawa nating salubungin ang Panginoon sa Kanyang pagbabalik? Panoorin ang maikling video na ito!

Clip ng Pelikulang Paghihintay – Tanging Yaong Susunod sa Kalooban ng Diyos ang Maaaring Makapasok sa Kaharian ng Langit

Clip ng Pelikulang Paghihintay – Tanging Yaong Susunod sa Kalooban ng Diyos ang Maaaring Makapasok sa Kaharian ng Langit

Anong uri ng tao ang dadalhin sa kaharian ng langit? Sinabi ng Panginoong Jesus, “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). Ngunit naniniwala ang ilang mga tao na ang kahulugan lamang ng pagsunod sa kalooban ng makalangit na Ama ay pagiging tapat sa pangalan ng Panginoon, masigasig na pagsisilbi sa Kanya, at pagtitiis sa pagdurusa ng pagpasan sa krus, at kung gagawin natin ang mga bagay na ito, kailangan lamang nating mag-abang at maghintay para sa ikalawang pagbabalik ng Panginoon nang tulad nito upang madadala sa kaharian ng langit. Alinsunod ba ang mga ideyang ito sa mga panuntunan ng Panginoon? Ipapaalam ng clip na ito sa iyo.