菜單

Dis 4, 2017

Clip ng Pelikulang Sino ang Aking Panginoon - Ano ang Relasyon sa Pagitan ng Diyos at ng Biblia?

Clip ng Pelikulang Sino ang Aking Panginoon – Ano ang Relasyon sa Pagitan ng Diyos at ng Biblia?

Sa dalawang libong taon, tayo ay naniwala sa Panginoon ayon sa Biblia, at napakarami sa atin ang naniniwalang “Ang Biblia ang kumakatawan sa Panginoon, ang paniniwala sa Diyos ay paniniwala sa Biblia, ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Diyos.” Tama ba ang mga ideyang ito? Ano ba talaga ang ibig sabihin ng paniniwala sa Diyos? Ano ang ibig sabihin ng maniwala sa Biblia? Ano ang relasyon sa pagitan ng Biblia at Diyos? Nangangahulugan ba na ang bulag na pananampalataya at pagsamba sa Biblia ay ang paniniwala at pagsamba ninyo sa Diyos? Ibubunyag sa inyo ng video na ito ang mga sagot!

Tagalog Christian Movie-Sino ang Aking Panginoon - Si Cristo ang Pinagmumulan ng Buhay Pati na rin ang Panginoon ng Biblia

Tagalog Christian Movie-Sino ang Aking Panginoon - Si Cristo ang Pinagmumulan ng Buhay Pati na rin ang Panginoon ng Biblia


      Ang Biblia ay puno ng salita ng Diyos pati na rin ng karanasan at patotoo mula sa tao na makakapagtustos sa atin ng buhay at labis na kapaki-pakinabang para sa atin. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan: ang sumasampalataya sa akin, bagama't siya'y mamatay, gayon ma'y mabubuhay siya; At ang sinomang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailan man.” (Juan 11:25-26). Ngunit bakit, pagkalipas ng 2,000 taon, wala sa yaong may pananalig sa Panginoon na nakabasa ng Biblia ang kailanman nakatamo ng buhay na walang hanggan? Maaari bang wala sa Biblia ang daan patungo sa buhay na walang hanggan? Maaari bang hindi ipinagkaloob ng Panginoong Jesus sa sangkatauhan ang daan patungo sa buhay na walang hanggan noong ginampanan Niya ang Kanyang gawaing pagtubos? Ano ang dapat nating gawin upang matamo ang daan ng buhay na walang hanggan?

Magrekomenda nang higit pa:Ebanghelyo

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Biblia at Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Biblia at Diyos

Isang pastor si Liu Zhizhong sa isang lokal na bahay iglesia sa Tsina. Naging isa siyang mananampalataya sa mahigit 30 taon, at patuloy na pinananatili na “Ang Banal na Biblia ay kinasihan ng Diyos,” “Kumakatawan sa Diyos ang Banal na Biblia, ang paniniwala sa Diyos ay paniniwala sa Biblia, ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Diyos.” Sa kanyang puso, ang Biblia ay napakahalaga. Dahil sa kanyang pagsamba at bulag na pananampalataya sa Biblia , hindi niya kailanman napag-aralan o natingnan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Hanggang sa isang araw, nang hinarangan niya ang mga mananampalataya mula sa online na pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nagkaroon siya ng pagkakataong makaharap ang mga mangangaral mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Matapos sumailalim sa mga matinding debate tungkol sa katotohanan, nagawa ba niyang makita nang malinaw sa huli ang relasyon sa pagitan ng Banal na Biblia at Diyos? Nagawa ba niyang lumayo mula sa Biblia upang maunawaan na si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay? Siya ba ay dadalhin sa harapan ng Diyos?

The Religious World Has Degenerated Into the City of Babylon

The Religious World Has Degenerated Into the City of Babylon

    The leaders of the religious world stray from the Lord’s way and follow worldly trends, they also cooperate with the ruling power’s wild defiance and condemnation of the Eastern Lightning, and they have already begun to walk the path of opposition to God. The religious world has degenerated into the city of Babylon. The Bible says, “And Jesus went into the temple of God, and cast out all them that sold and bought in the temple, and overthrew the tables of the moneychangers, and the seats of them that sold doves, And said to them, It is written, My house shall be called the house of prayer; but you have made it a den of thieves” (Matthew 21:12-13). “Babylon the great is fallen, is fallen, and is become the habitation of devils, and the hold of every foul spirit, and a cage of every unclean and hateful bird. For all nations have drunk of the wine of the wrath of her fornication, and the kings of the earth have committed fornication with her, and the merchants of the earth are waxed rich through the abundance of her delicacies” (Revelation 18:2-3).

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I

Diyos, Kaalaman, Kaligtasan, Panalangin

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I

    Sa araw na ito tayo ay magpapahayag ng isang mahalagang paksa. Ito ay isang paksa na tinalakay na mula pa noong simula ng gawain ng Diyos maging hanggang ngayon, at ito ay may napakahalagang kabuluhan para sa bawat tao. Sa madaling salita, ito ay isang suliranin na haharapin ng lahat sa buong proseso ng kanilang pananampalataya sa Diyos at isang suliranin na dapat ay bigyang-pansin. Ito ay napakahalaga, di-maiiwasan na suliranin kung saan ay hindi kaya ng sangkatauhan na ihiwalay ang kanyang sarili mula dito. Kung pag-uusapan ang kahalagahan, ano ang pinakamahalagang bagay para sa bawat mananampalataya sa Diyos? Ang palagay ng ilan, ang pinakamahalagang bagay ay ang maunawaan ang kalooban ng Diyos; sa paniniwala ng ilan ang pinakamahalaga ay ang makakain at makainom ng mas marami pang mga salita ng Diyos; sa pakiramdam naman ng iba ang pinakamahalagang bagay ay ang makilala ang kanilang mga sarili; sa iba naman ay ang opiniyon na ang pinakamahalagang bagay ay ang malaman kung paano mahahanap ang kaligtasan sa pamamagitan ng Diyos, paano ang susunod sa Diyos, at paano matutupad ang kalooban ng Diyos. Isasantabi nating lahat ang mga suliraning ito para sa araw na ito. Kaya ano ang tatalakayin natin kung ganoon? Ang tatalakayin natin ay isang paksa tungkol sa Diyos. Ito ba ang pinakamahalagang paksa para sa bawat tao? Ano ang nilalaman ng isang paksa na tungkol sa Diyos? Siyempre, tiyak na hindi maihihiwalay ang paksang ito sa disposisyon ng Diyos, sa diwa ng Diyos, at sa gawain ng Diyos. Kaya sa araw na ito, tatalakayin natin “Ang Gawain ng Diyos, Ang Disposisyon ng Diyos, at Ang Diyos Mismo.”

Dis 3, 2017

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Purihin ang Bagong Buhay



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Purihin ang Bagong Buhay

Aleluya! Salamat at papuri sa ‘Yo!
Aleluya! Salamat at papuri sa Iyo, Makapangyarihang D’yos!
Kristo ng huling mga araw ay nagpakita, gumagawa at nangungusap sa tao.
Salita N’ya’y humahatol, dumadalisay, umaakay sa tamang pamumuhay.
Salita ng D’yos sa’ki’y bumago,
kaya ako ay may bagong buhay ng pagpupuri sa D’yos. (Aleluya!)
Sakit at kalituha’y wala na; pinalaya ang espiritu at umaawit. (Aleluya!)
Kaybuting maunawaan ang katotohanan. Daíg ang laman, kaylaya ko! (D’yos ay purihin!)
Mga paniwala’t ‘di pagkaunawa ay wala na, masuwaying disposisyon ko ay nabago.
Lumalakad ako sa daang maliwanag ng pantaong buhay; Pag-ibig ng D’yos ay napakahalaga at tunay na tunay! (D’yos ay purihin!)
D’yos ay ‘tinataas pag lasap pag-ibig N’ya.
Natikman ko na pag-ibig ng D’yos at kailanman ay ‘di na muling iiwan ang D’yos.

Dis 2, 2017

Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain

katotohanan, Panalangin, praktikal, tumalima

Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain

    Una, umawit tayo ng isang himno: Ang Awit ng Kaharian (I) Ang Kaharian ay Bumaba sa Mundo
   Lahat ng tao’y masaya sa Diyos. Lahat ng tao’y pinupuri ang Diyos. Lahat ng dila’y tumatawag sa isang tunay na Diyos. Ang kaharia’y dumating sa mundo.
    1. Lahat ng tao’y masaya sa Diyos. Lahat ng tao’y pinupuri ang Diyos. Lahat ng dila’y tumatawag sa isang tunay na Diyos. Lahat ng tao’y tumitingala, tinitingnan mga gawa ng Diyos. Ang kaharia’y dumating sa mundo. Ang Diyos mayama’t sagana. Ang Diyos mayama’t sagana. Sino’ng di ramdam mapalad? (Sino’ng di ramdam mapalad?) Sino’ng di sasayaw para dito? (Sino’ng di sasayaw para dito?) O Sion! O Sion! Itaas bandila mo ng tagumpay, ipagdiwang ang Diyos! Awitin iyong awit ng tagumpay, ikalat pangalang banal ng Diyos!