菜單

Nob 16, 2017

Paano Mo Dapat Asikasuhin ang Iyong Hinaharap na Misyon

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos  | Paano Mo Dapat Asikasuhin ang Iyong Hinaharap na Misyon

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Paano Mo Dapat Asikasuhin ang Iyong Hinaharap na Misyon


  Maaari mo bang ipahayag ang disposisyon ng Diyos sa kapanahunan sa akmang wika na may kabuluhan sa kapanahunan? Sa pamamagitan ng iyong karanasan sa gawain ng Diyos, maaari mo bang detalyadong ilarawan ang disposisyon ng Diyos? Paano mo mailalarawan ito nang naaagpang, naaangkop? Upang sa pamamagitan nito, maaaring matuto ang iba tungkol sa iyong mga karanasan. Paano mo ipapasa ang iyong mga nakikita at mga karanasan sa mga yaong nakakaawa, dukha, at tapat na relihiyosong mga mananampalataya na nagugutom at nauuhaw sa pagkamatuwid at naghihintay sa iyo upang akayin sila? Anong uri ng mga tao ang naghihintay sa iyo upang akayin sila? Naguguni-guni mo ba? Namamalayan mo ba ang pasanin na iyong binabalikat, ang iyong komisyon, at ang iyong pananagutan? Nasaan ang iyong makasaysayang pandama ng misyon? Paano ka magsisilbi bilang isang mabuting panginoon para sa susunod na kapanahunan? Mayroon ka bang dakilang pandama ng pagiging panginoon? Paano mo ipaliliwanag ang panginoon ng lahat ng mga bagay? Ito ba ay tunay na ang panginoon ng lahat ng nabubuhay na mga nilalang at lahat ng materyal sa mundo? Ano ang mga plano na mayroon ka para sa pagsulong ng susunod na hakbang ng gawain? Ilang mga tao ang naghihintay sa iyo upang ikaw ay maging kanilang pastol? Ang gawain mo ba ay mabigat? Sila ay dukha, kaawa-awa, bulag, at nawawala, naghuhumiyaw sa kadiliman, “Nasaan ang daan?” Lubhang nananabik sila sa liwanag, tulad ng isang bulalakaw, upang biglang bumulusok at pagwatak-watakin ang pwersa ng kadiliman na nang-api sa mga tao sa loob ng maraming mga taon. Sino ang makaaalam kung gaanong kabalisa silang umaasa, at gaanong nananabik sila araw at gabi para rito? Ang mga taong ito na labis na naghihirap ay nananatiling nakabilanggo sa mga piitan ng kadiliman, walang pag-asang makawala, kahit sa araw na kumikislap ang liwanag; kailan sila hindi na luluha? Ang mga marurupok na espiritung ito na hindi kailanman napagkalooban ng kapahingahan ay tunay na nagdurusa sa gayong masamang kapalaran. Matagal na silang natalian ng walang-awang mga lubid at ng kasaysayan na hindi na mabubuwag. Sino kahit minsan ang nakarinig sa huni ng kanilang pagtaghoy? Sino ang kahit minsan ay nakakita sa kanilang kaawa-awang itsura? Naisip mo ba kung gaano namighati at nabalisa ang puso ng Diyos? Paano Niyang matitiis na makita ang inosenteng sangkatauhan na nilikha Niya ng Kanyang sariling mga kamay na dumaranas ng gayong pagdurusa? Pagkatapos ng lahat, ang sangkatauhan ay ang mga kapus-palad na nilason. Kahit na nanatili silang buhay hanggang sa araw na ito, sino ang makaiisip na sila ay matagal nang nilason ng masamang nilalang? Nakalimutan mo bang isa ka sa mga biktima? Dala ng iyong pag-ibig sa Diyos, hindi ka ba handang magsikap upang iligtas ang mga yaong nanatiling buhay? Hindi ba kayo handang gamitin ang lahat ng inyong pagsisikap upang gantihan ang Diyos na iniibig ang sangkatauhan tulad ng Kanyang sariling laman at dugo? Paano mo bibigyang kahulugan ang pagkasangkapan ng Diyos upang isabuhay ang iyong pambihirang buhay? Talaga bang mayroon kang pagpapasya at tiwala sa sarili na isabuhay ang isang makabuluhang buhay ng isang taong madasalin at naglilingkod sa Diyos?
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:
Kidlat ng Silanganan

Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus

Nob 15, 2017

Paghihintay: Sasalubungin ng mga Matatalinong Birhen ang Panginoon


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Paghihintay: Sasalubungin ng mga Matatalinong Birhen ang Panginoon


Pastor si Hou’en sa isang bahay na iglesia sa Tsina. Kasama ang kanyang ama na si Yang Shoudao, naghintay sila na bumaba ang Panginoong Jesus mula sa mga ulap at dalhin sila sa kaharian ng langit. Dahil dito, masigasig silang nagtrabaho para sa Panginoon, pinanghawakan ang Kanyang pangalan, at naniwala na ang sinumang bumaba mula sa mga ulap na hindi ang Panginoong Jesus ay bulaang Cristo. At kaya, nang mabalitaan nila ang pangalawang pagbabalik ng Panginoon, hindi nila ito pinakinggan o tinanggap. Sa tingin nila ay mas mabuti ang magmasid at maghintay…. Habang sila’y naghihintay, tinanggap ng pinsan ni Yang Hou’en na si Li Jiayin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at ibinahagi ang ebanghelyo sa kanila. Matapos ang ilang matitinding talakayan, sa wakas ay naintindihan ni Yang Hou’en ang tunay na kahulugan ng “magmasid at maghintay,” at nakita na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, ang daan, ang buhay, at ang mga ito ay ang tinig ng Panginoon, at ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagbabalik ng Panginoong Jesus na kanilang hinintay sa loob ng maraming taon….
Rekomendasyon:
Kidlat ng Silanganan



Nob 13, 2017

Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos  | Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol


  Noong siya ay kinakastigo ng Diyos, nanalangin si Pedro, “O Diyos! Ang aking laman ay masuwayin, at kinakastigo Mo ako at hinahatulan ako. Ako ay nagagalak sa Iyong pagkastigo at paghatol, at kahit hindi Mo ako nais, sa Iyong paghatol ay nakikita ko ang Iyong banal at matuwid na disposisyon. Kapag hinahatulan Mo ako, upang makita ng iba ang Iyong matuwid na disposisyon sa Iyong paghatol, ako ay nasisiyahan. Kung ito ay makapagtatanghal ng Iyong disposisyon, at magtutulot na ang Iyong matuwid na disposisyon ay makita ng lahat ng mga nilalang, at kung madadalisay nito nang higit ang aking pag-ibig sa Iyo, upang aking matamo ang larawan ng isa na matuwid, kung gayon ang Iyong paghatol ay mabuti, sapagka’t gayon ang Iyong mapagpalang kalooban. Batid ko na malaki pa rin sa akin ang mapanghimagsik, at na ako ay hindi pa rin naaangkop na lumapit sa harap Mo. Nais ko para sa Iyo na hatulan pa ako nang higit, kung sa pamamagitan man ito ng palabang kapaligiran o malaking mga kapighatian; sa paanong paraan Mo man ako hatulan, para sa akin ito ay napakahalaga. Ang Iyong pag-ibig ay napakalalim, at ako ay payag na ihain ang aking sarili sa Iyong kahabagan nang walang munti mang pagdaing.” Ito ang kaalaman ni Pedro pagkatapos niyang maranasan ang gawa ng Diyos, at ito rin ay isang patotoo sa kanyang pag-ibig sa Diyos. Ngayon, kayo ay nalupig na—nguni’t sa paanong paraan ang pagkalupig na ito ay naihahayag sa inyo? May mga taong nagsasabi, “Ang paglupig sa akin ay ang pinakamataas na biyaya at pagtataas ng Diyos. Ngayon ko lamang napagtanto na ang buhay ng tao ay hungkag at walang halaga. Ang mabuhay ay lubhang walang kabuluhan, mas gugustuhin ko pang mamatay. Bagaman ginugugol ng tao ang kanyang buhay sa pagmamadali, pamumunga at pagpapalaki ng henerasyon pagkatapos ng isa pang henerasyon ng mga bata, sa kasukdulan ay walang matitira sa tao. Ngayon, pagkatapos lamang na malupig ng Diyos ay nakita ko na walang kabuluhan ang pamumuhay sa ganitong paraan; ito ay tunay na walang-kahulugang buhay. Mabuti pang mamatay tayo at matapos na ito!” Ang gayon bang mga tao na nalupig ay matatamo ng Diyos? Sila ba ay maaaring maging halimbawa at huwaran? Ang gayong mga tao ay mga aral sa pagiging walang-pakialam, wala silang mga hangarin, at hindi nagsisikap upang mapabuti ang kanilang mga sarili! Bagaman sila ay nabibilang sa nalupig, ang gayong mga tao na walang-pakialam ay hindi kayang gawing perpekto. Noong malapit na siyang mamatay, pagkatapos siyang magawang perpekto, sinabi ni Pedro, “O Diyos! Kung ako ay mabubuhay ng ilan pang mga taon, nais kong magkaroon nang higit pang dalisay at higit pang malalim na pag-ibig sa Iyo.” Noong siya ay ipapako na sa krus, nanalangin siya sa kanyang puso, “O Diyos! Ang Iyong panahon ay ngayon dumating, ang panahong Iyong inihanda para sa akin ay dumating na. Ako ay dapat maipako sa krus para sa Iyo, dapat kong dalhin itong patotoo sa Iyo, at ako ay umaasa na ang aking pag-ibig ay makatutugon sa Iyong mga kinakailangan, at na ito ay magiging higit pang dalisay. Ngayon, ang makayang mamatay para sa Iyo, at maipako sa krus para sa Iyo, ay umaaliw at nagbibigay-katiyakan sa akin, sapagka’t wala nang higit pang kasiya-siya sa akin kaysa makayang mapako sa krus para sa Iyo at mabigyang-kasiyahan ang Iyong mga kanaisan, at makayang ibigay ang sarili ko sa Iyo, maialay ang aking buhay sa Iyo. O Diyos! Ikaw ay lubhang kaibig-ibig! Kung tutulutan Mo akong mabuhay, lalo pa akong magiging handang ibigin Ka. Habang ako ay buhay, iibigin Kita. Nais kong ibigin Ka pa nang higit na malalim. Hatulan Mo ako, at kastiguhin ako, at subukin ako dahil ako ay hindi matuwid, dahil ako ay nagkasala. At ang Iyong matuwid na disposisyon ay nagiging higit na maliwanag sa akin. Ito ay isang pagpapala sa akin, sapagka’t naiibig Kita nang higit na malalim, at handa akong ibigin Ka sa ganitong paraan kahit na hindi Mo ako iniibig. Handa akong makita ang Iyong matuwid na disposisyon, sapagka’t mas lalo ako nitong binibigyang-kakayahan upang isabuhay ang isang makahulugang buhay. Nararamdaman ko na ang buhay ko ngayon ay higit na may kabuluhan, sapagka’t ipinapako ako sa krus para sa Iyong kapakanan, at napakahalagang mamatay alang-alang sa Iyo. Gayun pa man hindi pa rin ako nakakaramdam na nasisiyahan, sapagka’t lubhang kakaunti lamang ang nalalaman ko hinggil sa Iyo, batid ko na hindi ko ganap na matutupad ang Iyong mga iniaatas, at kakaunti lamang ang mga naibayad ko sa Iyo. Sa aking buhay, hindi ko nakayang ibigay ang buong sarili ko sa Iyo; malayo pa ako roon. Habang lumilingon ako sa sandaling ito, nararamdaman ko ang lubhang pagkakautang ko sa Iyo, mayroon na lamang ako ng sandaling ito upang bumawi mula sa lahat ng mga pagkakamali ko at lahat ng pag-ibig na hindi ko naibalik sa Iyo.”

Nob 12, 2017

Ang Pagpapabuti ng Kakayahan ay para Matanggap ang Kaligtasan ng Diyos

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pagpapabuti ng Kakayahan ay para Matanggap ang Kaligtasan ng Diyos

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pagpapabuti ng Kakayahan ay para Matanggap ang Kaligtasan ng Diyos


   Ang pagpapabuti sa kakayahan ng mga tao ay nangangailangan na pagbutihin ninyo ang inyong kakayahang tumanggap. Ang pinakapangunahing pangangailangan sa inyo ay ang matanggap ninyo nang malinaw ang mga salita na sinasabi sa inyo. Hindi ba ito nakalilitong pananampalataya kung susundin mo Ako nang hindi nauunawaan kung ano ang Aking sinasabi? Ang inyong kakayahan ay napakababa. Ito ay dahil hindi ninyo taglay ang kakayahan na tumanggap na wala man lamang kayo ni katiting na pagkaunawa sa kung ano ang ipinahahayag. Dahil dito, napakahirap na makamit ang inaasam na mga resulta. Maraming mga bagay ang hindi maaaring sabihin sa inyo nang tuwiran at ang dating epekto ay hindi maaaring matamo. Kung gayon, ang karagdagang mga gampanin ay kailangang maidagdag sa Aking gawain. Kinakailangang ilunsad itong “pagpapataas ng kakayahan ng mga tao” na gampanin sa gitna ninyo sapagkat ang inyong mga kakayahang tumanggap, mga kakayahang makakita, at ang mga pamantayan ng inyong mga buhay ay napakababa. Ito ang kinakailangang direksyon; walang ibang pagpipilian, at ito ay kailangang gawin sa ganitong paraan upang ang isang bahagi ng mga resulta ay matamo. Kung hindi, ang lahat ng mga salitang Aking sasabihin ay mauuwi sa wala, at hindi ba kayo maaalala sa kasaysayan bilang mga makasalanan? Hindi ba kayo magiging mga mababang-uri? Ano ba ang gawaing ito na isinasagawa sa inyo? Ano ang kinakailangan sa inyo? Hindi ba ninyo alam? Kailangan ninyong malaman ang inyong sariling kakayahan; hindi nito maaabot kung ano ang Aking kinakailangan sa inyo. Hindi ba nito inaantala ang gawain? Sa inyong kasalukuyang kakayahan at ugali, walang sinuman sa inyo ang angkop na magpatotoo para sa Akin, at walang sinuman ang karapat-dapat sa gampanin nang pagpapasan sa mabigat na pananagutan ng Aking gawain sa hinaharap. Hindi ba kayo nakadarama ng labis na pagkapahiya tungkol dito? Paanong magiging posible na masapatan ang lahat ng Aking mga kahilingan kung magpapatuloy ang ganito? Dapat mong gawing ganap at kasiya-siya ang iyong buhay. Huwag mong hayaang lumipas ang panahon nang walang kabuluhan. Walang saysay ang paggawa nito. Dapat mong malaman kung anong mga bagay ang dapat isangkap sa iyo. Huwag mong ituring ang iyong sarili na isang marunong sa lahat ng trabaho. Malayo sa katotohanan! Ano ang maaaring pag-usapan kung hindi mo taglay maging ang pinakapangunahing kaalaman ukol sa sangkatauhan? Hindi ba magiging walang saysay ang lahat? Walang isa man sa gitna ninyo ang ganap na karapat-dapat kung ang pag-uusapan ay kung ano ang Aking kinakailangan ukol sa kakayahang pantao. Mahirap makahanap ng isa na karapat-dapat sa paggamit. Naniniwala kayo na kayo ay mga tao na makakagawa ng mas dakilang gawain para sa Akin at makakakuha ng isang mas malaking pagtitiwala mula sa Akin. Ang totoo, ni hindi ninyo nalalaman kung paano pasukin ang marami sa mga aral sa harap ninyo, kaya paano magiging posible na pumasok sa mas malalim na mga katotohanan? Ang inyong pagpasok ay dapat masistema. Huwag itong gawin nang walang sistema. Hindi ito magiging mabuti. Pumasok mula sa pinakamababaw na dulo—basahin ang bawat linya ng mga salitang ito hanggang sa inyong matamo ang pagkaunawa at kalinawan. Ang bawat kapatid na lalaki at kapatid na babae ay dapat makabasa man lamang. Huwag lamang susulyapan ito nang nagmamadali, at huwag gagawin nang napipilitan lamang. Karaniwan na, makapagbabasa ka rin ng ilang reperensiyang akda (gaya ng balarila o mga aklat ng retorika). Hindi kailangang magbasa ng mga aklat na nagpapasigla sa iyong isipan nang sobra (mga nobela ng pag-ibig, pornograpiya, at mga magasin, o mga talambuhay ng mga dakilang tao), na nagdudulot ng mas makakapinsala kaysa makakabuti. Dapat mong makabisa ang lahat ng dapat mong pasukin at dapat unawain. Ang layunin sa pagpapabuti ng kakayahan ay walang iba kung hindi ang tulungan ang mga tao na malaman ang kanilang sariling kakanyahan, pagkakakilanlan, kalagayan o halaga. Ano ang pangunahing bagay na dapat pasukin ng iglesia sa ibaba? Hindi ba itinataas ng mga tao ang kanilang kakayahan ngayon? Mahalagang humawak sa pagpasok na ito ng pagiging edukado; hindi ito maaring pakawalan! Ang isang aspeto ay ang dapat ninyong maintindihan kung bakit ang kakayahan ng mga tao ay dapat mapagbuti kung paanong maaaring mapagbuti ang kakayahan, at alin sa mga aspeto ang papasukin. Dapat ninyong maunawaan ang kahulugan ng normal na pagkatao, kung bakit kailangang gawin ang gawaing ito, at kung paano ito dapat magtugma. Sa pagiging edukado, aling mga aspeto ang kailangang matutunan, at kung paanong ang isa’y dapat pumasok? Dapat ninyong malamang lahat kung ano ang layunin ng pagiging edukado. Hindi ba ito upang maunawaan ang mga salita ng Diyos at pasukin ang katotohanan? Ano ang namamayaning kalagayan sa mga iglesia sa kasalukuyan? Kung hihingin ninyo sa isang tao na maging edukado, malilimutan nila ang tungkol sa pagtatamasa sa mga salita ng Diyos. Kung inyong pag-uusapan ang tungkol sa normal na pagkatao, aasikasuhin lamang nila ang paglilinis sa kanilang bahay, pagwawalis sa mga sahig o pagluluto, paglilinis ng kusina at pagbili ng mga kagamitan sa pagluluto. Aalalahanin lamang nila ang tungkol sa mga bagay na ito at hindi nalalaman kung paano normal na isabuhay ang isang pamumuhay sa iglesia. Kung hindi titingin na lamang sila ng mga salita sa diksyunaryo at matututo ng mga bagong salita, ngunit hindi na gagawa ng anuman sa buong araw. Ikaw ay lumihis kung mananatili ka sa kasalukuyang kalagayan. Kaya bakit hinihiling sa iyo na pumasok sa isang espiritwal na buhay? Ang tanging natutunan mo ay ang mga bagay na ito na hindi makakatulong sa iyong matamo kung ano ang kinakailangan sa iyo. Ang pinakamahalagang bagay pa rin ay ang pagpasok sa buhay. Ang dahilan sa paggawa sa gawaing ito ay upang lutasin ang mga paghihirap na nasasagupa ng mga tao sa kanilang mga karanasan. Ang pagpapataas ng kakayahan at pagkilala sa kalikasan ng tao at ang kakanyahan ng tao—ang pangunahing layunin sa pagkaalam sa mga bagay na ito ay upang ang espiritwal na buhay ng mga tao ay lumago at ang kanilang disposisyon ay magbago. Maaaring alam mo kung paano magbihis ng maganda at magmukhang maganda; maaaring taglay mo ang kabatiran at karunungan, ngunit sa huli, kapag dumating ang araw upang ikaw ay gumawa, hindi mo ito magagawa. Dapat mong malaman, kung gayon, kung ano ang dapat mo ring gawin habang itinataas ang iyong kakayahan. Ang baguhin ka ay layunin. Ang pagpapataas ng iyong kakayahan ay karagdagan. Hindi ito mangyayari kung ang iyong kakayahan ay hindi pinabuti. Mas lalo pang malala kung ang iyong disposisyon ay hindi mababago. Ang isa ay hindi sapat kung wala ang isa pa. Ang pagkakaroon ng normal na pagkatao ay hindi nangangahulugan na nagbabata ka ng isang umaalingawngaw na patotoo. Kung ano ang kinakailangan sa iyo ay hindi ganoon kasimple.

Nob 10, 2017

Maglingkod Kagaya ng Ginawa ng Mga Israelita

Jehovah, iglesia, sundin, pag-ibig, buhay

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos Maglingkod Kagaya ng Ginawa ng Mga Israelita


  Sa kasalukuyan maraming mga tao ang hindi nag-uukol ng pansin sa kung anong mga aral ang dapat na matutuhan sa panahon ng pakikipagtulungan sa iba. Aking natuklasan na marami sa inyo ang hindi kayang matutuhan ang mga aral sa anumang paraan sa panahon ng pakikipagtulungan sa iba. Karamihan sa inyo’y nananatili sa inyong sariling mga pananaw, at kapag gumagawa sa iglesia, sinasabi mo ang iyong bahagi at sinasabi niya ang kanya, isa na walang kaugnayan sa iba, hindi nakikipagtulungan sa anumang paraan. Kayo ay abalang-abala sa pakikipagtalastasan lamang sa inyong panloob na mga pananaw, abalang-abala sa pagpapalaya lamang sa inyong “mga pasanin” sa loob ninyo, hindi naghahangad ng buhay sa anumang paraan. Tila ginagawa mo na lamang basta ang gawain, palaging naniniwala na dapat mong sundin ang iyong sariling paraan hindi alintana ang ibang mga tao, at dapat kang makipagniig sapagkat ginagabayan ka ng Banal na Espiritu, hindi alintana ang ibang mga tao. Hindi ninyo nagagawang matuklasan ang mga kalakasan ng iba, at hindi nagagawang siyasatin ang inyong mga sarili. Ang inyong paraan sa pagtanggap ng mga bagay ay talagang mali. Maaaring sabihin na maging sa ngayon nagpapakita pa rin kayo ng napakaraming pansariling pagkamatuwid, na parang ang dating sakit ay muling nagbalik. Hindi kayo nag-uusap sa isa’t-isa upang matamo ang lubos na pagkakapalagayang-loob, na parang anong kahihinatnan ang natamo sa pagdalaw sa iglesiang yaon, o kumusta ang inyong panloob na kalagayan kamakailan lamang, at iba pa—hindi kayo talaga nakikipag-usap kagaya nito. Kayo ay pangunahin nang walang mga pagsasagawa kagaya ng pagsasantabi sa inyong sariling mga pagkaintindi o pagtatanggi sa inyong mga sarili. Nag-iisip lamang yaong mga nasa liderato ng pagpapasigla sa mga kapatid sa mga iglesia sa ibaba sa pamamagitan ng kanilang pagsasamahan, at nalalaman lamang niyaong mga sumusunod na maghangad sa kanilang mga sarili. Pangunahing nang hindi ninyo nalalaman kung ano ang paglilingkod o kung ano ang pakikipagtulungan, at iniisip lamang ninyo ang pagkakaroon ng kahandaan sa inyong mga sarili upang tumbasan ang pag-ibig ng Diyos, ng pagkakaroon ng kahandaan sa inyong mga sarili upang isabuhay ang paraan ni Pedro, at wala ng iba pa. Iyo pang sinasabi, maging anuman ang kalagayan ng ibang mga tao, hindi ka rin naman pasasakop anuman ang mangyari, at kahit na anupaman ang nakakatulad ng ibang mga tao, ikaw sa iyong sarili ay naghahangad ng pagka-perpekto ng Diyos, at iyon ay magiging sapat. Sa katunayan, hindi pa nakatagpo ang iyong kalooban ng anumang matibay na pagpapahayag sa katotohanan sa aumang paraan. Hindi ba ito lahat ang uri ng pag-uugali na inyong ipinakikita sa kasalukuyan? Pinanghahawakang mahigpit ng bawat isa sa inyo ang inyong sariling pananaw, at nais ninyong lahat na maging perpekto. Nakikita Ko na naglingkod kayo sa mahabang panahon at hindi gaanong sumulong, lalong lalo na sa leksiyong ito ng paggawang magkakasama sa pagkakaisa hindi kayo nakagawa ng anumang pagsulong! Sa pagpunta sa mga iglesia nakikipagtalastasan ka sa sarili mong paraan, at siya ay nakikisama sa kanyang paraan. Madalang na magkaroon ng pagtutulungan na mayroong pagkakaisa. At ang mga tao sa ibaba na nangagsisusunod ay higit pa sa ganitong paraan. Iyon ay upang sabihin na bihirang nauuunawaan ng sinuman sa kalagitnaan ninyo kung ano ang paglilingkod sa Diyos, o kung paano dapat paglingkuran ng isang tao ang Diyos. Kayo ay nalilito, at tinatrato ang mga ganitong uri ng mga leksiyon bilang isang walang halagang bagay, sa gayon na lamang kalawak anupa’t maraming mga tao ang hindi lamang ipinatutupad ang ganitong aspeto ng katotohanan, sinasadya pa nilang gumawa ng mali. Maging ang mga tao na naglilingkod sa maraming mga taon ay naglalaban at nagbabangayan. Hindi ba ang lahat ng ito ay ang inyong tunay na tayog? Kayong mga tao na naglilingkod na magkakasama sa araw-araw ay kagaya ng mga Isaraelita na tuwirang naglingkod sa Diyos Sarili Niya sa templo araw-araw. Paano nangyaring kayong mga taong kagaya ng mga pari ay hindi ninyo nalalaman kung paano ang makipagtulungan at kung paano ang maglingkod?

Nob 9, 2017

Handa Kong Tanggapin ang Pangangasiwa ng Lahat

 Diyos,  Kaalaman, maglingkod, umasa sa

Mga patotoo‘t karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Handa Kong Tanggapin ang Pangangasiwa ng Lahat

Xianshang    Lungsod ng Jinzhong, Lalawigan ng Shanxi
    Kamakailan, tuwing naririnig ko na ang mga mangangaral ng distrito ay pupunta sa aming iglesia, nakakaramdam ako ng kaunting kaba. Hindi ko ibinunyag ang aking mga damdamin sa panlabas, ngunit ang aking puso ay puno ng lihim na pagsalungat. Naisip ko: “Mas mabuti kung kayong lahat ay hindi dumating. Kung darating kayo, sana man lang huwag kayong gagawa sa iglesia na kasama ko. Kung hindi, malilimitahan ako at hindi makakapagsalita.” Nang maglaon, ang sitwasyon ay naging napakasama na talagang kinapootan ko ang kanilang pagdating. Kahit na gayon, hindi ko inisip na may anumang mali sa akin at talagang hindi sinubukang alamin ang aking sarili sa konteksto ng sitwasyong ito.