菜單

Okt 29, 2019

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | Dapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos (Salita ng Buhay)



Mga Pagbigkas ni Cristo | "Dapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kaya hindi kasing-simple ng sinasabi ng tao ang pananampalataya sa Diyos. Sa paningin ng Diyos, kung may kaalaman ka lang ngunit wala ang salita Niya bilang iyong buhay; kung limitado ka lamang sa iyong sariling kaalaman ngunit hindi kayang isagawa ang katotohanan o maranasan ang salita ng Diyos, ito ay patunay pa rin na wala kang puso ng pag-ibig para sa Diyos, at ipinakikita na ang iyong puso ay hindi pag-aari ng Diyos.

Okt 28, 2019

Tagalog Worship Songs | Hinahatulan at Pineperpekto ng Diyos ang Tao Gamit ang Kanyang mga Salita sa mga Huling Araw


Tagalog Worship Songs | Hinahatulan at Pineperpekto ng Diyos ang Tao Gamit ang Kanyang mga Salita sa mga Huling Araw



 Ⅰ
Naging tao ang Diyos
sa mga huling araw para magsalita,
para ipakita sa tao,
kailangan niya't dapat pasukan,
ang Kanyang mga gawa't kapangyarihan,
pagiging kamangha-mangha't karunungan.
Kita sa maraming paraan ng pagbigkas ng Diyos,
ang Kanyang paghahari't kadakilaan,
pagkatago at kapakumbabaan,
pagpapababa ng kataas-taasang Diyos.

Okt 22, 2019

"Mapanganib Ang Landas Papunta sa Kaharian Ng Langit" Clip 1 - Niyanig ng Kidlat ng Silanganan ang mga Relihiyon


Clip ng Pelikulang Mapanganib Ang Landas Papunta sa Kaharian Ng Langit (1) "Niyanig ng Kidlat ng Silanganan ang mga Relihiyon"

Ang Kidlat ng Silanganan—ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw ay niyanig ang lahat ng sekta at denominasyon, at ibinunyag na ang lahat ng klase ng tao. Mas gusto pa ng maraming mabubuting tupa sa iglesia na dumanas ng di-mapigil na pag-aresto at pagpapahirap ng Chinese Communist Party para lang mahanap at masiyasat ang Kidlat ng Silanganan. Gayunman, naniniwala ang ilang tao sa mga salita ng mga pastor at elder at pilit na tumatangging siyasatin ang Kidlat ng Silanganan, samantalang ayaw namang maglakas-loob ng iba, kahit alam na alam nila na pinatototohanan ng Kidlat ng Silanganan ang katotohanan, na hanapin at siyasatin ito sa takot na pahirapan sila ng Chinese Communist Party. Bakit nagagawang siyasatin ng mabubuting tupa sa iglesia ang Kidlat ng Silanganan? Makakapasok nga ba ang mga taong hindi naghahanap at nagsisiyasat sa gawain ng Diyos sa mga huling araw? Ang maikling videong ito ay bibigyan kayo ng inspirasyon.

Okt 18, 2019

Christian Music Video 2019 | "Awit ng Matamis na Pag-ibig" Praise and Thank God for His Love


Tagalog Worship Songs | "Awit ng Matamis na Pag-ibig" Praise and Thank God for His Love


Pag-ibig Mo'y nakatago sa puso ko.

Inaakay akong mapalapit sa Iyo

sa pinakamatamis na paraan.

Pagsasaalang-alang sa 'Yong kalooba'y

ginagawang mas matamis aking puso.

Naglilingkod ako sa 'Yo sa puso't isipan,

wala na akong ibang gusto.

Okt 15, 2019

Tagalog Christian Songs | Ang Malaking Kabuluhan ng Pagpili ng Diyos sa mga Taong Ito



Tagalog Christian Songs | Ang Malaking Kabuluhan ng Pagpili ng Diyos sa mga Taong Ito


I
Bilang indibidwal sa sapang 'to,
dapat ay malaman n'yo
layon ng plano ng Diyos,
buong plano ng pamamahala,
alamin ang Kanyang natapos,
ba't pumili ng grupo ang Diyos,
ano'ng mithii't kabuluhan,
at nais Niyang sa inyo'y makamtan.
Sa lupain ng pulang dragon,
isang grupo ng mga karaniwang tao
ang Kanyang ibinangon,
at sinisikap na gawing perpekto sa maraming paraan.
Nagawa't nasabi Niya'y marami,
nagpapadala ng maraming bagay na nagsisilbi.
Kabuluhan ng gawain Niya'y malaki,
kabuua'y di n'yo pa masusuri.
II
Kaya nagawa ng Diyos sa inyo'y
di 'nyo dapat balewalain.
Ipinakita Niya'y sapat nang
pagnilayan n'yo't unawain.
Pag lubos n'yong naunawaan,
mas malalim ang inyong mararanasan.
Sa paraan lang na ito
lalago ang buhay n'yo.
Sa lupain ng pulang dragon,
isang grupo ng mga karaniwang tao
ang Kanyang ibinangon,
at sinisikap na gawing perpekto sa maraming paraan.
Nagawa't nasabi Niya'y marami,
nagpapadala ng maraming bagay na nagsisilbi.
Kabuluhan ng gawain Niya'y malaki,
kabuua'y di n'yo pa masusuri.
III
Nauunawaan ng mga tao
at ginagawa'y kakatiting.
Mga intensyon ng Diyos,
di nito matupad nang lubos.
Ito ang kulang sa tao,
di magampanan ang tungkulin.
Kaya nga ang mga resultang
dapat nang nakamit
ay di pa nakakamit.
Sa lupain ng pulang dragon,
isang grupo ng mga karaniwang tao
ang Kanyang ibinangon,
at sinisikap na gawing perpekto sa maraming paraan.
Nagawa't nasabi Niya'y marami,
nagpapadala ng maraming bagay na nagsisilbi.
Kabuluhan ng gawain Niya'y malaki,
kabuua'y di n'yo pa masusuri, masusuri, masusuri.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Okt 9, 2019

Paano Manalangin sa Pinakaepektibong Paraan


Ni Zhi cheng

Alam ng lahat ng nakakaunawa sa Biblia na nananalig ang mga mamamayan ng Israel sa Diyos na Jehova sa loob ng maraming henerasyon. Sa tuwing malapit na silang matalo sa isang digmaan, nanalangin sila at tinulungan sila ng Diyos na talunin ang mga kaaway nila. Para makaiwas sa pagkalipol ng kanilang bansa, sinabihan ni Reyna Esther ang lahat ng Hudyo ng Susa na mag-ayuno at manalangin sa Diyos na Jehova at nagpunta siya sa hari kahit manganib ang sarili niyang buhay. Sa bandang huli, dahil sa ginawa niya, naligtas ang lahat ng Hudyo.

Okt 3, 2019

Paano ba talaga dapat lapitan at gamitin ng isang tao ang Biblia sa isang paraang naaayon sa kalooban ng Diyos? Ano ang orihinal na halaga ng Biblia?

Biblia, buhay, Jesus, Salita ng Diyos, Propesiya,


Paano ba talaga dapat lapitan at gamitin ng isang tao ang Biblia sa isang paraang naaayon sa kalooban ng Diyos? Ano ang orihinal na halaga ng Biblia?


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ngayon, pinag-aaralan Ko ang Biblia sa ganitong paraan at hindi ito nangangahulugan na ikinasusuklaman ko ito, o itinatanggi ang halaga nito para sa sanggunian. 

Okt 1, 2019

Paraan Upang Dinggin ng Diyos ang Ating Panalangin sa Araw-araw

Propesiya, panginoon, Panginoong Jesus, panalangin, pag-ibig sa Diyos,

Paraan Upang Dinggin ng Diyos ang Ating Panalangin sa Araw-araw


Gawa ni Guoshi

        Mga kapatid:

      Sumainyo ang kapayapaan ng Panginoon! Ngayong araw, ang ating paksa sa pagbabahagi ay "ang tatlong problemang dapat nating lutasin sa panalangin." Gabayan nawa ng Panginoon ang ating pagbabahagi.